08/10/2022
46-anyos na ang South Upi at malayo na rin ang narating nito, ayon kay Mayor Insular
BY ABDUL CAMPUA
BARMM (Sept. 21, 2022) --- Ang bayan ng South Upi ay 46-anyos na mula ng itatag ito.
Ang LGU-South Upi ay kasalukuyang nasa liderato at pamamahala ni Mayor Reynalbert Insular.
Simula noon, kada taon, ang munisipyo ay nagdadaos ng kanyang founding anniversary.
Pero ng dumating ang pandemya na dulot ng pag-atake ng COVID-19, isang uri ng virus na pumatay sa milyon-milyong mga tao sa boung mundo.
Two years din na hindi nakapag-celebrate ang LGU-South Upi ng kanyang town fiesta. ipinagbawal ng gobyerno ang pagdaos ng mga aktibidades, tulad ng fiesta, kung saan magiging dahilan sa pagdagsa ng maraming mga tao.
Pero ng matantiya ng gobyerno na hindi masyadong seryoso ang banta ng pandemya, pinayagan na nito ang pagdaos ng mga selebrasyon ngayong taon (2022).
Kaya noong Huwebes (Sept. 22, 2022), sabik na ipinagdiwang ng LGU-Suth Upi ang kanilang 46th founding anniversary at 4th Sugalad Festival, ang highilight ng nasabing selebrasyon nito.
Ang "Sugalad" ay isang Teduray na termino na ang ibig sabihin ay maganda at masaganang ani.
Ang LGU-South Upi ay bahagi ng bagong tatag na Maguindanao del Sur province.
Kilala ang South Upi na isang agricultural town. Ang boung area ng South Upi ay mahigit 46,000 square kilometers, kung saan pwede kang magtanim ng kahit ano na agrikulturang produkto dahil sa maganda ang uri ng lupa doon.
Sa kanyang anniversary message, nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Insular sa tahimik, masaya at matagumpay na pagdiriwang ng South Upi ng kanyang fiesta.
Pinasalamatan nito ang mga empleyado ng mga munisipyo, mga volunteers at mga residente sa kanilang pagkapit-bisig para maging tagumpay ang selebrasyon.
Pinasalamatan din ni Mayor Insular ang tropa ng PNP, AFP at iba pang mga peacekeeping force sa kanilang mga pagsisikap para mamintina ang katahimikan at kaayusan sa South Upi mula ng simulan nila ang selebrasyon hangang sa matapos ito
Ayon kay Mayor Insular, masaya siya dahil masaya ang mga residente ng South Upi.
"Marami kaming inihanda na events kung saan ang layunin ay maging masaya ang mga tao. Naging masaya nga ang mga tao. After two years na paghihirap na dulot ng pandemya, naging masaya din ang ahat na mga taga South Upi," sabi ni Mayor Insular.
Ayn sa kanya, ang ilan sa mga programa na inihanda nila na nagpasaya sa mga tao ay ang motorcross at ang pagdating ng mga PBA legends.
"Sa motorcross, nag-imbita kami ng mga siat na riders para mag-entertain sa mga tao. Nag-mbita din kami ng basketball players na tinatawag nilang PBA legends. Naglaro sila ng friendly games. Makita at maramdaman mo talaga sa mga ngiti at mga hiyaw ng mga tao na talagang masaya sila sa kanilang napapanood," sabi ni Mayor Insular.
Maliban sa pagsalita ng tungkol sa fiesta at pasasalamat ito, inlahad din ni Mayor Insular ang kanyang mga nagawang proyekto, lalo na sa programa nito tungkol sa daan.
Ayon sa kanya, mula noong 2016, umabot sa 100 kilometro ang nabuksan nito sa ilalim ng kanyang "road opening program" at mahigit naman 100 na mga daan ang na-rehabilitate nito sa ilalim naman ng kanyang "road rehabilitation program."
"Yan yung mga daan na kahit motorsiko ay hindi makadaan. Nagpapasalamat tayo dahil hanggang ngayon ginagamit pa rin ng mga tao ang binuksan at inayos ko a mga daan," sabi ni Mayor Insular.
Sinabi ni Mayor Insular na magpapatuloy pa rin ang kanyang programa sa daan.
Ipinagmalaki din nito ang itinatayong bago nilang municipal hall building na nagkakahalaga ng P25-mlyon na bigay ng BARMM, sa pamamagitan ng MILG nito.
Sinabi rin nito na ipagpapatuloy nito ang nasimulan nitong pag-aayos sa mga involved sa land conflict na mga residente. (ABDUL CAMPUA)