Joyfm.tv Kidapawan

  • Home
  • Joyfm.tv Kidapawan

Joyfm.tv Kidapawan Latest news and update

18/02/2025

Solidarity Pact Signing for the 2025 National and Local Election/BARMM Parliamentary Election...

Pumanaw na ang Junior High School student nahulog mula sa 4th floor ng Kidapawan City National High School habang isinas...
07/02/2025

Pumanaw na ang Junior High School student nahulog mula sa 4th floor ng Kidapawan City National High School habang isinasagawa ang flag raising ceremony kaninang umaga, February 07, 2025.

Palaisipan ngayon kung papaano nahulog si John Lloyd Bedua, 13 anyos na taga Habitat Sudapin, Kidapawan City.

May mga ulat na naglaro ang biktima may report din na sadyang tumalon ito.

Isinugod pa sa hospital ang biktima subalit makaraan ang ilang oras binawian ito ng buhay.

Samantala,Naglabas naman ng pahayag ang Kidapawan School Division Superintendent Miguel P. Fillan Jr. CESO V

LOOK: PRIVATE PLANE BUMAGSAN SA AMPATUAN MAGUINDANAO DEL SUR KANINA TATLO KATAO SUGATAN.Abangan ang buong detalye.
06/02/2025

LOOK: PRIVATE PLANE BUMAGSAN SA AMPATUAN MAGUINDANAO DEL SUR KANINA TATLO KATAO SUGATAN.

Abangan ang buong detalye.

06/02/2025

ATM Serbisyong totoo caravan @ Sikitan Kidapawan City

ATM: Serbisyong Totoo Caravan na pinangasiwaan ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC...
06/02/2025

ATM: Serbisyong Totoo Caravan na pinangasiwaan ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) kasalukuyang ginagawa sa Barangay Sikitan, Kidapawan City.

Iba’t ibang serbisyong panlipunan ang dinala sa komunidad ng pamahalaan panlalawigan upang ipadama ang presensiya ng gobyerno.

Layunin ng ELCAC na sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan mapaunlad at magiging matatag ang mga komunidad na pinagsisikapang itaguyod ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza kasama ang mga tanggapan ng kapitolyo, national line agencies (NLAs), local government units (LGUs), Barangay LGU, at iba pang stakeholders.

Pakikinabangan ngayon ng mga taga-barangay ay ang serbisyong medikal at dental, libreng gupit at tuli, land tenure services, seedlings at tilapia fingerlings, veterinary services, at legal services, birth record registration at verification, technical skills trainings, distribusyon ng family food packs, at marami pang iba.

LOOK: Binatilyong nasobrahan ng tingin sa cellphone naka-inom ng asido.Nasa hospital ngayon at nangangailangan ng tulong...
01/02/2025

LOOK: Binatilyong nasobrahan ng tingin sa cellphone naka-inom ng asido.

Nasa hospital ngayon at nangangailangan ng tulong ang pamilya ng 13 anyos na senior high student ng Antipas Cotabato matapos naka-inom ng lason o asido na ginagamit sa rubber cup lamp.

Ang biktimang si Sammy taga Purok 7, Magsaysay, ay mabilis na itinakbo sa hospital makaraang aksidenteng naka-inom ng asido dahilan upang nasunog ang kanyang bibig at namaga ang lalamunan.

Ayon kay Maryjane Langcuban, kapatid ng biktima matapos ang kanilang hapunan kagabi uminom ito ng tubig pero dahil makatutok sa kanyang cellular phone sa halip na tubig, asido pala ang nalagok nito.

Nakatakda namang ilipat ng Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang biktima.

Ctto

Look: isinasagawa ngayon sa USM KCC ang Padyak para sa Pangarap "Bike Distribution" na isa sa flagship program ng Serbis...
23/01/2025

Look: isinasagawa ngayon sa USM KCC ang Padyak para sa Pangarap "Bike Distribution" na isa sa flagship program ng Serbisyong Totoo na pinamunuan ni Cotabato Gov. Lala Talino Mendoza.

Una Dito, isinagawa din kaninang umaga sa USM Main Campus, Kabacan ang kahalintupad na aktibidad na susundan mamaya sa CFCST, Arakan Cotabato.

21/01/2025

Turn-over Ceremony concreting of road Brgy. Paco Kidapawan City

21/01/2025
LOOK: DEKLARADONG MUSLIM HOLIDAY ANG ENERO 27, 2025Batay sa pahayag ng National Commission on Muslim Filipino o NCMF ipa...
15/01/2025

LOOK: DEKLARADONG MUSLIM HOLIDAY ANG ENERO 27, 2025

Batay sa pahayag ng National Commission on Muslim Filipino o NCMF ipag-iriwang ang ISRA WAL MI'RAJ.

LOOK: TATLO  KATAO ANG PATAY MATAPOS ANG SALPUKAN NG TRICYCLE AT PICK UP TRUCK SA DAVAO DEL SUR NGAYONG UMAGA.Wasak ang ...
15/01/2025

LOOK: TATLO KATAO ANG PATAY MATAPOS ANG SALPUKAN NG TRICYCLE AT PICK UP TRUCK SA DAVAO DEL SUR NGAYONG UMAGA.

Wasak ang tricycle samantalang nahulog naman sa gilid ng kalsada ang Isuzu pick up truck makaraang naganap ang salpukan sa bahagi ng Barangay Balutakay, Hagonoy, Davao del Sur, ngayong umaga, Enero 15, 2025.

Naganap ang insidente habang nasa kasagsagan ng buhos ng ulan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

Ctto:

LOOK: milyon-milyong mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo ang naki-isa sa isingawang"National Rally for Peace" mula Metro man...
13/01/2025

LOOK: milyon-milyong mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo ang naki-isa sa isingawang"National Rally for Peace" mula Metro manila at ilang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang hakbang ay para manawagan sa pamahalaan na unahing hanapan ng solution ang mga problemang kinahakarap ng Bansa Kaysa pulitika.

CTTO:

08/01/2025

WATCH:

ISA PATAY DALAWA SUGATAN SA NAGANAP NA PAMAMARIL SA COTABATO CITY NGAYONG HAPON.

Nakilala ang nasawing biktima na si Ahmad Kanapia Utto, 20 anyos, driver, residente ng Barurao, Sultan Sa Barungis, Maguindanao del Sur sugatan naman ang kasama nitong si Marato Angkangat Felmin at isang by stander na isang senior citizen nasi Tahir Sam, 61 years old residente ng lungsod.

Ayon sa ulat galing ang mga biktima sa BARMM Government compound at pauwi na bandang alas 2:05 ng hapon lulan ng Toyota hilux color gray namay plate number LGB155 namay limang pasahero sa loob at lima sa labas ng bigla silang pagbabarili ng nag-iisang ssuspect gamit ng 45 caliber pistol.

Rido naman ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa krimen matapos nakilala ng mga biktima ang suspek, gayunpaman patuloy pa ang malalim na imbestigasyon.

Ctto:

Samantalahin:
18/12/2024

Samantalahin:

10/12/2024

Update sa Kaso ng panloloob sa Gaisano mall sa Kidapawan City, Wala daw natangay ang mga magnanakaw ayon sa PNP, mga gamit ng mga magnanakaw na recovery ng mga awtoridad...

BREAKING NEWS! UPDATE: UMAKYAT SA 7 ANG BILANG NG MGA NASAWI AT 6 NAMAN ANG SUGATAN MATAPOS ARAROHIN NG TRUCK ANG MGA SA...
05/12/2024

BREAKING NEWS! UPDATE: UMAKYAT SA 7 ANG BILANG NG MGA NASAWI AT 6 NAMAN ANG SUGATAN MATAPOS ARAROHIN NG TRUCK ANG MGA SASAKYAN SA MAKILALA COTABATO NGAYONG UMAGA.

Kinilala ng Makilala PNP ang mga nasawi ang pamilyang Joel Pamplona, 35, asawa nitong si Christina, 37m at anak na kindergarten nasi Jeremiah limang taong gulang.

Ang driver ng Truck nasi Leoplodo Ybañez, Benjamin Ganub na taga Barangay Malasila, Jeralyn Bangcot taga Barangay Kisante, Carlo Dejucos, 34, taga Barangay Lanao, Kidapawan City .

Samantalang ang mga sugatan ay nakilalang sina Airie Toledo, 32, taga Malasila, Dannie Jay Babor, 23, taga Digos City, Joseph Cabaña taga Digos City, Anna Marie Caparida, 31, at Christian Jay Caparida, 36, pawang taga Kisante at ang helper ng truck nasi Eulan Espacio, 47, taga Toril, Davao City.

Ayon kay Makilala Spokesperson PMSGT. Richie Gesulga, nawalan ng control ang driver ng ten wheeler truck namay kargang abono na galing ng Davao del Sur at patungo sa lalawigan ng Cotabato.

Unang bangga ang isang fish car, mga motorsiklo at isang bahay kung saan mabilis namang isinugod sa pagamutan ang iba pang mga biktima.

03/12/2024

Tiwala si Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na magiging maayos at mabilis ang “midterm election” sa darating na May 12, 2025.

Itoy matapos nasubukan ang paggamit ng bagong Automated Counting Machine na gagamitin sa darating na halalan.

Kanina opisyal nang ipinakilala ng Commission on Election (COMELEC) sa idinaos na “Orientation of New Counting Machine” sa provincial capitol ng Cotabato Province ang ACM na gagamitin ng mga botante sa “voting polls.”

Pakay ng naturang aktibidad na bahagi ng “Automated Counting Machine Roadshow Kick-off Nationwide” na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maunawaan ang kakayahan ng makina partikular na ang bagong “features, functions and operations” nito.

Ayon pa kay Kidapawan City Election Officer Atty. Noor Hafizullah M. Abdullah, ang ACM na gawa ng Korean company na Miru Systems ay may mataas na kakayahan upang basahin ang mga boto sa kabila ng hindi maayos na pisikal na estado ng papel o balota, “mapunit man, mabasa, may unnecessary marks at crumpled” ay kaya nitong bilangin, pati na ang “overvote at undervote,”.

Pinayuhan naman ni Gov. Mendoza ang lahat na “be careful,” maging mapagmatyag, at makiisa sa eleksyon.

Sa pahintulot ng COMELEC, personal namang sinubukan ng butihing gobernadora ang pagpasok ng balota sa “counting machine” na sinundan naman ng mga opisyales sa lalawigan pati na ang iba pang media personalities.

Nasa nabanggit na kaganapan sina board members Jonathan M. Tabara at Sittie Eljorie Antao-Balisi kasama sina Provincial Advisory Council (PAC) member at PGO-Managing Consultant Rene P. Villarico, PGO-Executive Assistant Jessie Enid, Kabacan Municipal Mayor Evangeline P. Guzman at ilang COMELEC employee.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyfm.tv Kidapawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Joyfm.tv Kidapawan:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share