03/08/2022
Nasa Php1.00 ang presyo ng SLP
Isko: "Boss, kaya ko maggrind at ok lang magpuyat"
Bumaba sa Php0.19 ang presyo ng SLP
Isko: "Boss, hindi na kaya, sobrang busy na"
After a week, makikita mo panay post si Isko ng ML.
Isko: "Boss, baka pwedeng umutang, emergency lang"
Binigyan ka ng pagkakataon para kumita, sinayang mo lang kasi ano, mababa presyo?
1. Ang presyo ng SLP ay hindi laging mababa. Pwede itong tumaas, kung tinuloy mo ang paglalaro para kumita ng SLP, eh di sana may naipon kang SLP para mapapalit pag may emergency ka or pag tumaas presyo ng SLP kesa sa puro ML lang.
2. Kung mahirap maglaro ng Axie at "nakakastress", madaming ibang trabaho na mas malala ang stress na mabibigay sayo. Kung may trabaho ka na, sanayin mo sarili mo sa mundo na hindi sapat ang isang trabaho para umunlad, dapat madami kang pinanggagalingan ng pera kung gusto mong umunlad.
3. Oo umalis ka nung mababa ang presyo, kasi tingin mo sayang oras mo sa laro? Pero alam mo pinagkaiba? Lahat ng natirang Isko, kumikita pa rin sila at nakakaipon ng SLP, pag natapos na ang bear season, malaki ang maipapapalit nila at malaki ang kikitain. Ikaw, saka ka pa lang magsisimula ulet.
Lagi mong tatandaan, ang dyamante ay madalas napapagkamalan lang na dumi at lupa. Kailangan mong paghirapan para ito maging ganap na dyamante.