08/07/2023
WALONG MAGKAKA-ANAK SA ZAMBOANGA DEL NORTE, NALASON MATAPOS KUMAIN NG ISA SA PINAKAMAKAMANDAG NA ALIMANGO SA BUONG MUNDO!
“Nagkayayaan kami noon na pumunta sa dagat para manguha ng crabs.
May crab doon na first time lang namin nakita kaya kinuha namin.
Pag-uwi namin, agad naming niluto.
After 10 to 15 minutes, namanhid na ‘yung mga kamay namin.
After 1 hour, doon na po ako hindi mapakali sa nararamdaman ko.
Nahihirapan na rin po kasi akong lumunok ng laway.
‘Yung isa naming kasamahan, unconscious na talaga.
Hindi na makatayo. Nagsusuka na at nag-seizure na rin.
Pagkatapos po noon, hindi ko na alam kung anong nangyari.
Napapikit na rin po ako kasi sobrang hilo na po talaga ako!”
-Juvel