San Jose del Monte Update

  • Home
  • San Jose del Monte Update

San Jose del Monte Update Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Jose del Monte Update, News & Media Website, .

‼ NEWEST COFFEE SHOP IN TOWN ‼Relax and enjoy your cup of coffee with Calle Bonifacio Café newest branch at San Jose del...
12/10/2023

‼ NEWEST COFFEE SHOP IN TOWN ‼

Relax and enjoy your cup of coffee with Calle Bonifacio Café newest branch at San Jose del Monte! 🤩

CALLE BONIFACIO CAFE - SJDM BRANCH
📍 Block 5, Lot 35, Phase M, Francisco Homes-Guijo, City of San Jose del Monte, Bulacan (across Phase M covered court, find us on Waze as Calle Bonifacio Cafe-SJDM Branch)
📍 0928-327-2671
📍 [email protected]

STORE HOURS:
⏰ Monday - Tuesday; Thursday - Friday, 11:00 AM – 8:00 PM
⏰ Saturday – Sunday, 8:00 AM – 10:00 PM

For inquiries, you may visit their official page: https://www.facebook.com/callebonifaciocafe2

Source and credits: Calle Bonifacio Cafe - SJDM Branch


ANOTHER COFFEE SHOP SPOTTED! ☕Let’s chill and enjoy a cup of coffee at Brews n' Bites! 🤍BREWS N' BITES📍 550 Marigold Brg...
14/07/2023

ANOTHER COFFEE SHOP SPOTTED! ☕

Let’s chill and enjoy a cup of coffee at Brews n' Bites! 🤍

BREWS N' BITES
📍 550 Marigold Brgy. Muzon, SJDM, Bulacan (along M. Villarica Road after Florida Villas going to Mt. View Subdivision)

Store Hours:
⏰ Mon – Fri, 12:00 NN to 11:30 PM
⏰ Sat – Sun, 11:30 AM to 11:30 PM

For inquiries, you may visit their official page: https://www.facebook.com/brewsnbitesph

Source: Brews n' Bites
CTTO 📸


CONGRATULATIONS – Sining Tanglawan of San Jose del Monte! 🎉Ang Sining Tanglawan of San Jose del Monte ay nakasungkit ng ...
13/07/2023

CONGRATULATIONS – Sining Tanglawan of San Jose del Monte! 🎉

Ang Sining Tanglawan of San Jose del Monte ay nakasungkit ng 5th Place sa World Cultural Dance Festival na ginanap sa Jeonju & Busan, South Korea!

We are proud of your success! Keep up the good work! 🤍


SINING TANGLAWAN NG SAN JOSE DEL MONTE 💃🕺Ang Sining Tanglawan ng San Jose del Monte ay tinaguriang opisyal na kinatawan ...
11/07/2023

SINING TANGLAWAN NG SAN JOSE DEL MONTE 💃🕺

Ang Sining Tanglawan ng San Jose del Monte ay tinaguriang opisyal na kinatawan ng Pilipinas na sasabak sa 2023 WORLD CULTURAL DANCE FESTIVAL na gaganapin sa Jeonju, South Korea mula Hulyo 10-24, 2023, kung saan makikipagkumpitensya sila sa mahigit 20 bansa mula sa buong mundo.

Mayroong 32 Filipino dance artist ang grupo na ito, at sila ay kasalukuyang kumakatok sa inyong mga puso para sa suporta dahil sila ay nangangailangan ng pondo para sa kanilang plane fares,

Sa mga nais magpaabot ng kanilang suporta, maaari po kayong mag-iwan ng mensahe sa kanilang page Sining Tanglawan ng San Jose del Monte Performing Group o kaya naman makipag-ugnayan sa sinuman sa mga miyembro ng delegasyon para sa inyong mga donasyon.

Source: Sining Tanglawan ng San Jose del Monte Performing Group | https://www.facebook.com/photo/?fbid=678975440911069&set=a.236450415163576


TIGNAN: Isang rider sa San Jose del Monte, Bulacan ang na-comatose matapos maaksidente dahil sumabog umano ang cellphone...
31/05/2023

TIGNAN: Isang rider sa San Jose del Monte, Bulacan ang na-comatose matapos maaksidente dahil sumabog umano ang cellphone niya habang nasa biyahe.

Batay sa mga sa mga litratong ibinahagi ni Sharwen Ching Tai, makikita ang rider na nakahandusay sa kalsada at may paso sa tiyan, habang nasa gilid niya ang sunog na cellphone.

Ayon sa mga awtoridad, kasalukuyang kritikal ang kondisyon ng biktima dahil sumalpok siya sa poste kung kaya’y nawasak ang motorsiklo, at nabasag ang helmet ng nito.

Ayon naman sa isang beteranong Electrical Engineer, posibleng pinasukan ng pawis ang cellphone kaya ito sumabog, at payo ng mga eksperto, ilagay sa belt bag o anumang lalagyan ang cellphone kapag bumibyahe.

Keep safe po sa lahat! 🙏

Source: GMA News
CTTO 📸


MAHIGIT 1 MILYONG TURISTA PARA SA SEMANA SANTAAyon kay Representative Florida Robes, nasa mahigit 1 milyong turista ang ...
29/03/2023

MAHIGIT 1 MILYONG TURISTA PARA SA SEMANA SANTA

Ayon kay Representative Florida Robes, nasa mahigit 1 milyong turista ang inaasahang bibisita sa San Jose del Monte City sa Bulacan para ipagdiwang ang Semana Santa. Nasa 84,000 turista ang dumalo noong 2021, at sa paghina ng pandemya noong 2022, tumaas ito ng sa 1.2 milyon.

Bilang paghahanda, magkakaroon ng pagpupulong ang mga concerned personnel tungkol sa traffic management at kung paano masisig**o ang kapayapaan at kaayusan, at ang mga vicariates ang mag-oorganisa ng mga aktibidad sa Semana Santa sa lungsod.

Ang Our Lady of Lourdes Grotto Shrine at Padre Pio Mountain of Healing ay kabilang sa mga sikat na destinasyon sa lungsod para sa Semana Santa, na magaganap mula Abril 2 hanggang 8.

Source: GMA News


“RUN FOR EDUCATION” 🏃Magkakaroon ng Fun Run event na may tema na "Run for Education" at ang magiging mga benepisyaryo ay...
18/03/2023

“RUN FOR EDUCATION” 🏃

Magkakaroon ng Fun Run event na may tema na "Run for Education" at ang magiging mga benepisyaryo ay ang Paradise National Highschool, Minuyan National Highschool, at IPED (Indigenious People Education) sa Dumagat, Sitio Karahume.

Ang naturang fun run ay isa sa kanilang serye na Altaraza Fun Run event ngayong taon at ito ay may partnership sa Altaraza, Tribu PH, City of San Jose Del Monte Tourism, Mountain bike riders of San Jose Del Monte (MBR) at Anytime Fitness SJDM Bulacan.

Ang registration period ay hanggang April 16, 2023 lamang, kung nais mo sumali, magregister lamang sa link na ito: https://form.jotform.com/230703823162448

Source and credits 📸: Tribu PH


Want to have a cup of coffee? ☕️Your newest joyride tambayan in the North is finally here! TRIBU Coffee Co invites YOU t...
07/03/2023

Want to have a cup of coffee? ☕️

Your newest joyride tambayan in the North is finally here! TRIBU Coffee Co invites YOU to experience their high-quality caffeine beverages and comfort food selections at a reasonable price. Get to know more about this cozy local cafe and see it for yourselves!

TRIBU COFFEE CO
📍 Ground Floor, EB Town Center, Barangay Graceville, San Jose del Monte Bulacan
🕕 Monday - Friday: 9:00 AM - 9:00 PM
🕕 Saturday - Sunday: 9:00 AM - 10:00 PM

Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang page: https://www.facebook.com/TribuCoffeeCo

Source and credits: Tribu PH



CALLING ALL TESDA GRADUATES! 🎓 May chance kang manalo ng 10,000 to 100,000 pesos mula February hanggang August 2023! Kay...
01/02/2023

CALLING ALL TESDA GRADUATES! 🎓

May chance kang manalo ng 10,000 to 100,000 pesos mula February hanggang August 2023! Kaya sali na sa Tatak Tesdaman Video Making Contest!

Mag-upload lang ng inspiring video sa iyong facebook account at sundin ang mga mechanics para mapasama ang iyong entry.

Nanalo ka na nakapag-inspire ka pa ng iba ❤️


⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️Isang 12 years old grade 6 student mula sa San Jose Del Monte City, Bulacan ang nasawi matapos pagl...
27/01/2023

⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️

Isang 12 years old grade 6 student mula sa San Jose Del Monte City, Bulacan ang nasawi matapos paglaruan umano nito ang ipinuslit na service firearm ng kanyang ama.

Ang pagkakaroon ng interes sa mga baril na bunga ng hilig sa paglalaro ng mga online games ang tinitignan na dahilan ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte, kung bakit ipinutok ng bata ang baril habang nilalaro umano ito sa banyo ng paaralan bago mag-alas-6 ng umaga ng Huwebes.

Ayon sa police report, tumama ang bala sa nguso ng bata at lumabas sa bandang ilong niya bago tumama sa kisame. Naging stable pa ang lagay ng bata sa pinagdalhang ospital 3 oras mula ang insidente, ngunit nadiskubre sa CT scan na may shrapnel na naiwan sa bahagi ng kanyang utak, at pasado ala-1 ng hapon noong idineklara siyang patay.

Source: ABS – CBN News


TIGNAN: Narito po ang VOTERS REGISTRATION SCHEDULE para sa bayan ng San Jose Del Monte! tignan lamang po ang larawan upa...
07/01/2023

TIGNAN: Narito po ang VOTERS REGISTRATION SCHEDULE para sa bayan ng San Jose Del Monte! tignan lamang po ang larawan upang mapag-alaman kung saan at kailan pupwedeng magparehistro.

Maliban sa pagrerehistro, maari rin pong magpatransfer, o kaya naman magpare-activation.

MGA PUPWEDENG DALHIN NA ID:
📍 National identification (ID) card under the Philippine Identification System (PhilSys)
📍 Employee's ID card, with the signature of the employer or authorized representative
📍 Postal ID card
📍 PWD ID Card
📍 Student's ID card or library card, signed by the school authority
📍 Senior Citizen's ID card
📍 Driver's license
📍 NBI clearance
📍 Passport
📍 SSS/GSIS ID
📍 Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card
📍 License issued by the Professional Regulatory Commission (PRC)
📍 Certificate of Confirmation issued by the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) in case of members of ICCs or IPs
📍 Any other valid ID cards

NOTE: Para naman po sa mga walang ID, maari pong kumuha ng BARANGAY CLEARANCE


CAMPUS PARK & SUNKEN GARDEN AT CCSJDM 🏡Pinangunahan nina Mayor Arthur B. Robes at Congresswoman Florida “Ate Rida” P. Ro...
21/11/2022

CAMPUS PARK & SUNKEN GARDEN AT CCSJDM 🏡

Pinangunahan nina Mayor Arthur B. Robes at Congresswoman Florida “Ate Rida” P. Robes ang ribbon cutting at blessing na naganap nitong nobyembre 16.

Ang Campus Park and Sunken Garden sa City College of San Jose Del Monte (CCSJDM) ay ipinatayo ng pamahalaang bayan ng San Jose Del Monte upang magbigay inspirasyon at mapaganda ang learning environment ng mga estudyante at mga g**o, bukod dito, ang parke ay gagamitin din sa mga extracurricular activities ng institusyon.

Source: City of San Jose del Monte Public Information Office
CTTO 📷


ISANG PULIS SA SJDM, BULACAN SANGKOP SA “SEXTORTION” Isang pulis ang inaresto ng kanyang mga kapwa pulis dahil sa pagkak...
14/11/2022

ISANG PULIS SA SJDM, BULACAN SANGKOP SA “SEXTORTION”

Isang pulis ang inaresto ng kanyang mga kapwa pulis dahil sa pagkakasangkot umano sa "sextortion." At ang kasintahan pa mismo ng suspek ang naging biktima nito, na kinuhanan niya ng maselang video nang walang pahintulot.

Ayon sa ulat, si Patrolman Julius Ramos ay nahuli sa isang motel sa San Jose del Monte, Bulacan, matapos siyang latagan ng entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG). At ayon naman kay PNP-IMEG Spokesperson P/Insp. Mary Jean Cuevas, ginagamit ng suspek na panakot ang nakuhaang video ng biktima para sa kanyang mga sexual favors.

Sinampahan ang suspek ng mga reklamong grave coercion, paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Anti-Cybercrime Prevention Act, at Anti-Photo and Voyeurism Act. Bukod dito, maaari ring ma-dismissed ang suspek sa kanyang katungkulan.

Kung kaya’y maging ma-ingat din tayo sa ating pipiliin na maging kabiyak sapagkat ang mga ganitong insidente ay hindi rin maiiwasan.

Source: GMA News


Get ready for SIM REGISTRATION bulakenyos!
11/10/2022

Get ready for SIM REGISTRATION bulakenyos!


TANGLAWAN FESTIVAL 2022 — Umulan man o umaraw, tuloy ang Arya-Aryahan Street Dance Competition kanina sa City of San Jos...
02/09/2022

TANGLAWAN FESTIVAL 2022 — Umulan man o umaraw, tuloy ang Arya-Aryahan Street Dance Competition kanina sa City of San Jose del Monte!

Hindi nagpatinag sa masamang panahon ang mga San Joseños sa pagpapakita ng kanilang galing at pagmamahal sa kanilang sining at kultura.





ctto

Assistance to Individuals in Crisis Situation — Educational Assistance Ang program na ito ay ang pagbibigay ng karagdaga...
02/09/2022

Assistance to Individuals in Crisis Situation — Educational Assistance

Ang program na ito ay ang pagbibigay ng karagdagang pinansyal na tulong para sa mga Student-In-Crisis o mga estudyante na kapos sa buhay. Ang mga applicants para sa nasabing program ay dumadaan sa assessment ng isang Social Worker.

Note: The amount of assistance will be based on the assessment of the Social Worker pursuant to MC 15 s. 2022.

Para maiwasan ang pagdagsa ng mga aplikante at upang mapanatili ang pagsunod sa physical distancing, pansamantalang pinatigil ang pag WALK-IN at nagpatupad ng limited physical contact sa pamamagitan ng paggamit ng ONLINE REGISTRATION.

PAANO?

STEP 1
I-click ang link o i-scan ang QR code at mag login: bit.ly/bulacaneducationalassistance.

STEP 2
Punan ang mga hinihinging impormasyon at i-attach ang mga hinihinging kaukulang dokumento.

STEP 3
Siguraduhing wasto at tama ang mga impormasyon at dokumento bago isumite ang aplikasyon.

STEP 4
Maghintay ng TAWAG AT TEXT mula sa tanggapan para sa iskedyul ng inyong payout.


Today is National Heroes Day! 🇵🇭
29/08/2022

Today is National Heroes Day! 🇵🇭



ARAW NG MGA BAYANI 🇵🇭

Ang araw na ito ay para parangalan ang kagitingan ng lahat ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa, kabilang ang mga nawala sa anonymity.


BULAKENYO RIDER NA NAWAWALA NATAGPUANG PATAY SA TIAONG, QUEZON Ayon sa Tiaong Police, nadiskubre ng mga residente sa gil...
19/08/2022

BULAKENYO RIDER NA NAWAWALA NATAGPUANG PATAY SA TIAONG, QUEZON

Ayon sa Tiaong Police, nadiskubre ng mga residente sa gilid ng Tiaong by-pass road Brgy. Lumingon noong Martes dakong 7:00 ng umaga ang bangkay ni Melvin Bedania na isang Lalamove rider mula sa San Jose del Monte, Bulacan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Tiaong PNP na walang anumang sugat sa katawan at suot pa ni Melvin ang kanyang motorcycle jersey na siya ring suot nito noong linggong umalis siya sa Bulacan. Samantala, nawawala naman ang motorsiklo ng biktima.

Blangko pa ang mga kapulisan kung ano ang nangyari sa biktima at kung paano ito napunta sa Quezon. Patuloy parin ang pagsusuri at imbestigasyon upang malaman ang ikinamatay ni Melvin at kung saan napunta ang kanyang motorsiklo.

Source: Patrolya Probinsya




ctto

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose del Monte Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share