12/08/2021
Nakita ko lang na pinost sa isang gaming group.
** Medyo long post ahead **
So what's the point? I mean, why are they trying to justify "trashtalking" especially by using profane language? Hindi porket yan yung nakasanayan mo eh yan na ang tama. See the photo itself kung tama ba na murahin o ipahiya mo yung kalaro mo dahil mas marunong ka sa kanya. Don't get me wrong "people", I my self is a gamer for more than 10 years (PC Gamer) at naabutan ko yung panahon na to. SF, CF, Counter Strike, PB, AF, you name it. And I can prove you na kaya kong makipagsabayan sa mga magagaling na players without shaming others. Hindi ganto tinuturo sa school mga brader at lalong hindi lahat ng tao kayang i take yung mga profane languages regardless of the generation. Hindi lahat katulad nyo mag isip.
Sa more than 10 years ko as a gamer never pa akong naka kita ng nagsisimula pa lang sa gaming na magaling agad kaya for sure nagsimula tayong lahat sa pagkabobo sa game kaya wag kayong magsasalita na para bang pag pasok nyo sa gaming eh sobrang galing nyo na. Hindi ako nagsikap na matuto sa mga games para lang mang trashtalk ng iba. Ikaw ba, nagsikap ka bang maging magaling sa paglalaro para lang mang trashtalk ng iba? Yun ba yung goal mo? Pointless.
At kung sakaling hindi nyo rin alam, yang mga mga ganyan ka simpleng pag ttrashtalk could have a really big impact sa iba. Especially sa mga taong may anxiety at depression, hindi yan nakakatulong brader, yung simpleng trashtalk mo pwedeng buhay nila ang mawala. Sabihin mo nang exaggerated ako magsalita pero totoo yan. Mag search ka lang sa google sandamakmak na proof lalabas. I also have friends and people I know na may ganyang uri ng karamadaman at hindi biro yan mga brader.
PS. I'm not speaking for myself. Like I said, I am gamer for more than 10 years already at hindi na bago sakin yan at lalong walang epekto sakin yan. I'm speaking for other gamers na pwedeng maapektuhan nyan.