16/01/2022
SLP Mint-Burn Ratio
I will explain this in the best way I can para maintindihan natin ang konting tokenomics ng SLP lalo na sa mga baguhan sa crypto.
Minting- ito yung mga nafafarm nating SLP sa paglalaro ng Axie, nasa 2.3M+ ngayon ang Axie players, ganyan karami ang nagpo-produce o naghuhukay ng SLP sa blockchain.
Burning - ito naman ang proseso ng pagtanggal o pagbawas ng SLP sa mga na farm o na-mint ng mga players.
So, paano mababawasan ang SLP sa circulation? Ang SLP ay utility token ng Axie Infinity na ang gamit ay sa BREEDING (v1), sa mga nagdaang araw mababa ang nabuburn na SLP dahil komonti ang breeders dahil sa sobrang mahal ng kapares niyang AXS (Kailangan kasi both AXS at SLP sa pag-breed), ang impact nito ay hindi na naging balanse ang MINT:BURN ratio. Last week, base sa graph na ito, ang ratio ay 10:1, kaya ang liit talaga ang naibabawas sa minted circulation (take note hindi token supply) at ito ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng SLP. Pero this week, so far medyo bumababa ang ratio, nasa 5:1 na lang, which is a good sign na (cross-fingers)
Base sa roadmap ng Axie Infinity, sa V2 / Origin, maraming kakailanganing SLP sa Axie crafting na magca-cause ng pag deflate ng SLP na nasa circulation ngayon at baka kukulangin pa ito. Ito din ang dahilan kung bakit ang Axie devs ay hindi pwedeng mag-burn ng SLP kahit pinagsisigawan ng lahat sa twitter na "burn SLP". Oras na ginawa nila yan, masisira ang tokenomics at "engineering" ng Axies mismo, at kapag ginawa nila yan, magtotoda-moon ang price ng SLP ng ilang oras pero wasak na ang buong axie game. Walang pinagkaiba na yan sa mga "pump and dump" group na sinasalihan ko noon, lol! Kaya kahit anong sigaw natin sa twitter ng "SLP burn" ay hindi nila pinapatulan.
This Axie game is designed for long term, hindi ito kagaya ng P2E na sinalihan mo noon na isang hampas lang tapos na 🤞😆.
Marami tayong aabangang game play pa sa Axie. Sa landgame na lang, mga big investors ang naka-onboard diyan, hindi sila nag-iingay na kagaya ng iba na wala namang pinakawalang pera akala mo naluging palaka sa ingay, hmmpt!
O siya, yan lang muna 😁😁
ctto.