Lambak

Lambak Ang Lambak atbp ay isang informative page para sa mga taga lambak ng cagayan(Cagayan Valley Region)

Need to track and trace and manage your Fleet of vehicles?Do you want to streamline you logistics, trucking and process ...
14/05/2024

Need to track and trace and manage your Fleet of vehicles?
Do you want to streamline you logistics, trucking and process management?

Call us today! Let us schedule a meeting with you and see the difference!

TAKEOUT and DELIVERYMessage us at Cabasa Food Hauz  Page and also you can call us on our land line No.  ☎ (078)-305-2149...
18/03/2021

TAKEOUT and DELIVERY
Message us at Cabasa Food Hauz Page and also you can call us on our land line No.

☎ (078)-305-2149

or message or call us on our mobile numbers

📱0961-536-2681 (smart)

📱0956-149-7457.(globe)

28/12/2020
19/12/2020
19/12/2020

: BUNTUN WATER LEVEL ay nasa 10.30m na.
12/20/2020 (Sunday) - 1:00 AM

07:00 PM: 9.6m
08:00 PM: 9.7m
09:00 PM: 9.8m
10:00 PM: 9.9m
11:00 PM: 10.03m
11:30 PM: 10.11m

Note: ALERT LEVEL - 4.5 METERS
ALARM LEVEL - 9 METERS
CRITICAL LEVEL - 10-12 METERS
Source: Philsensors, NIA-MARIIS, PAGASA Tuguegarao

TINGNAN I Kasuluyang sitwasyon sa Magat Dam as of 5:00 PM.Sa ngayon, anim na gates na ang nakabukas alinsunod sa iskedyu...
19/12/2020

TINGNAN I Kasuluyang sitwasyon sa Magat Dam as of 5:00 PM.

Sa ngayon, anim na gates na ang nakabukas alinsunod sa iskedyul na pagbubukas ng mga karagdagang gates na inilabas ng RDRRMC kaninang alas dos ng hapon.

Pinapaalalahanan ang lahat na nakatira malapit sa ilog at lugar na madalas na binabaha na lumikas na.


Disaster Information Service - Philippines
Ctto pia region2

19/12/2020

ABISO MULA NIA-MARIIS: ANIM NA GATES NG MAGAT DAM, BUBUKSAN MAMAYANG 5:30 HAPON

Anim na gates ang inaasahang nakabukas mamayang 5:30 ng hapon, Ika-19 ng Disyembre. Ito ay ipangbigay ng pamunuan ng NIA-MARIIS.

Pinapayuhan naman ng OCD at RDRRMC ng rehiyon ang lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil sa dala nitong panganib.

Ayon pa sa kanilang abiso, dalhin na sa sa mas ligtas na lugar ang mga alagang hayop at mga gamit.

Kanila ring pinaalalahanan ang mga LGUs na magsagawa ng pre-emptive evacuation.

For info from magat nia
18/12/2020

For info from magat nia

14/12/2020

KASO NG COVID-19 SA TUGUEGARAO, UMAKYAT NA SA 144; CAGAYAN, NAKAPAGTALA NA NG 197 ACTIVE CASES

84 COVID-19 PATIENTS, NASA PANGANGALAGA NG CVMC

Umakyat na sa 144 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Tuguegarao habang 197 cases ang naitala sa buong lalawigan ng Cagayan.

Ito ay base sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng Cagayan Provincial Health Office kahapon, Ika-13 ng Disyembre.

Sa kabila na naka-rekober sa sakit ang tatlong (3) pasyente kahapon ay naidagdag naman ang apat (4) na COVID-19 positive sa Tuguegarao City.

Nagmula naman sa ibang bayan ang ibang bilang ng kaso kung saan ang Solana at mayroong labing-apat (14) na positibo sa virus, Amulung (10), Baggao (6), Iguig (4), tig-tatlo (3) sa bawat bayan ng Piat, Peñablanca at Gattaran. Dalawang (2) cases ng sakit sa kada-munisipalidad ng Tuao at Lal-lo. Habang nakapagtala ng tig-isang positibo ang Lasam, Gonzaga, Buguey, Ballesteros,Allacapan at Alcala.

Samantala, nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang 84 na positibo at suspected cases ng COVID-19.

Sa ibinahaging impormasyon ni CVMC Medical Center Chief Dr. Glenn Matthew Baggao, sa 53 na positibo sa virus ay 32 ang mula sa Cagayan, Isabela ay labing-walo (18) at dalawa (2) sa Bulanao, Tabuk Kalinga at Bambang, Nueva Vizcaya.

Dagdag rin dito ang 31 na suspected cases kung saan sa nasabing bilang ay 21 ang taga-Cagayan, Isabela (8) at ang isa ay mula sa Tinglayan, Tabuk.

(Susan L. Mapa)

06/12/2020

ISANG PASYENTE NA COVID-19 POSITIVE SA AMULUNG, NASAWI

LUNGSOD NG TUGUEGARAO, UMABOT NA SA 109 ANG AKTIBONG KASO NG COVID-19

Nasawi ang isang pasyente na COVID-19 positive habang ito ay nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC). Umaabot naman sa 109 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City.

Ang pasyente na binawian ng buhay ngayong araw ng Linggo, Ika-06 ng Disyembre ay si CV 3954 ng Zone 1, Baculud, Amulung. Siya ay 62 taong gulang na lola at dinala sa CVMC noong December 2 dahil sa nahihirapan siyang huminga. Na-swab test siya at nagpositibo sa COVID-19. Bagamat inaalam pa ngayon ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa datos parin ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ng positibo sa virus ang Lungsod ng Tuguegarao kung saan umaabot na 109 ang active cases. Naidagdag rin ang isang positive ng sakit sa bayan ng Iguig.

Si CV 3912 ng Wonderland Subd., Santa Teresa, Iguig ay kinapitan ng virus na walang history of travel at exposure. Siya ngayon ay nasa isolation community unit.

Walang exposure at paglalakbay ngunit positibo sa sakit si CV 3914 ng Centro 7, Tuguegarao City. Naka-home quarantine ang 27 taong gulang na dalaga.

Bilang Cooperative Specialist 2 ng CDA si CV 3921 ng Stephen St., Ugac Sur, Tuguegarao City. Nahawa ang 55 anyos na ginang sa kaniyang katrabaho na si CV3722.

Isang Instructor ng CSU Carig Campus si CV 3940 na taga-Lario Alto, Tuguegarao City. Nagkaroon ng sore throat at body malaise ang ginang na nagsimula nitong December 4.

Isang binata ng Calayan St., Zone 7, Linao East, Tuguegarao City si CV 3947. Siya ay na-expose sa kaniyang lola na si CV 3682.

Cashier ng isang sariwang bilihan sa Luna Street ng Lungsod si CV 3948. Residente siya ng Bassig St., Zone 5, Ugac Sur, Tuguegarao City. Nakuha niya ang virus sa kaniyang asawa na si CV 3756.

Opisyal ng DepEd si CV 3949 na taga-District 1, Cauayan City, Isabela ngunit kasalukuyang naninirahan sa Regional Center, Carig, Tuguegarao City. Nagkaroon ng exposure ang 48 anyos na lalaki sa mga katrabaho nito na sina CV 3819 CV 3821. Naka-home quarantine na ito sa Cauayan City.

Na-admit na sa CVMC partikular sa Covid ward si CV 3950 na 44 taong gulang na dalaga ng Carig Sur, Tuguegarao City.

Dahil sa community transmission ng virus kung bakit nagpositibo si CV 3951 ng
Lecaros Ext, Ugac Sur, Tuguegarao City. Ang binata ay nakaranas ng sipon, kawalan ng panlasa at pang-amoy na nagsimula noong November 30.

Dinala na sa CVMC si CV 3953 dahil sa nakakaranas ng dalawang araw na post partum nito at hypertension. Residente ng
Zone 7, Balzain East, Centro 11, Tuguegarao City ang ginang.

Dahil sa mga panibagong kaso ay puspusan ang isinasagawang contact tracing ng iba't ibang ahensya upang matukoy agad ang mga naging close contacts ng mga positibo sa COVID-19.

Samantala, ang Cagayan ay mayroon nang 152 active cases ng COVID-19. Ang Lungsod ng Tuguegarao City (109) ang may pinakamaraming kaso. Sumunod dito ang Solana (17), Baggao (7), Iguig (6), Peñablanca (3), Gattaran (2) at tig-isang (1) kaso sa bawat bayan ng Alcala, Amulung, Enrile, Lal-lo, Rizal, Sto. Niño, Sta. Teresita at Tuao.

(Susan L. Mapa)

MGA EMPLEYADO NG CITY GOVERNMENT OF TUGUEGARAO, DEPED AT MGA NAHAWAAN NG MGA NAGPOSITIBONG BRGY. OFFICIALS, KABILANG SA ...
03/12/2020

MGA EMPLEYADO NG CITY GOVERNMENT OF TUGUEGARAO, DEPED AT MGA NAHAWAAN NG MGA NAGPOSITIBONG BRGY. OFFICIALS, KABILANG SA 22 COVID-19 POSITIVE SA LUNGSOD

Kabilang sa naitalang dalawampu't dalawang (22) COVID-19 positive sa Lungsod ng Tuguegarao ang mga empleyado ng City Government of Tuguegarao, DepEd at nahawaan ng mga naunang nagpositibong opisyal ng barangay.

Sa nakalap na datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), apat (4) ang positibong empleyado ng City Hall dahil sa nagkaroon sila ng pakikisalamuha sa unang nagpositibong opisyal ng City Government na si CV 3672.

Nagmula naman ang virus sa drayber ng DepEd na si CV 3567 at nahawaan nito ang tatlong (3) employee ng Division Office.

Kabilang sa nagpositibo sa COVID-19 ang mga nahawaang pamilya at kaibigan ng barangay kagawad (CV 3619) at dalawang brgy. tanod (CV 3620, CV 3621) na unang nagpositibo sa virus.

Naidagdag rin dito ang local transmission ng sakit na nagmula sa isang nursing attendant sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na si CV 3679.

Narito ang detalye ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong Huwebes, ika-04 ng Disyembre:

Ctto Cagyan PIO

02/12/2020

BREAKING NEWS
Disyembre-02, 2020

FINANCE OFFICER NG NPA NA KUMIKILOS SA CAGAYAN, ARESTADO SA BAYAN NG BAGGAO!

Arestado ang itinuturing na Finance Officer ng CPP-NPA sa Cagayan sa isinagawang operasyon ng militar at pulisya ngayong umaga ng Miyerkules, Disyembre-02 sa Brgy. Carupian, Baggao, Cagayan.

Ang nadakip ay kinilala sa pangalang Amanda Socorro y Lacaba alyas Waya/Julian, 32-anyos, may-asawa at Finance Officer ng West Front, Komiteng Probinsya ng Cagayan (KOMPROB), Komiteng Rehiyon - Cagayan Valley (KR-CV) ng CPP-NPA na kumikilos sa Cagayan Valley.

Una rito ay isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng iba't ibang unit ng militar at pulisya ang search warrant sa tahanan ni Echanis kaugnay sa paglabag nito sa Illegal Possession of Fi****ms and Ammunitions at Illegal Possession of Explosives.

Matapos ang paghalughog sa tahanan ni Echanis ay nagresulta ito ng pagkakakumpiska ng isang (1) unit ng M16 ARIS C**t 5.56mm assault rifle with SN 4951346; isang piraso (1)ng long plastic magazine para sa M16 rifle; isang piraso (1) ng long steel magazine for M16 Rifle; 20-buhay na bala ng M16 Rifle; at dalawang (2) granada.

Bitbit ng mga operatiba ng AFP at PNP ang Search Warrant na inilabas ng hukuman sa Baggao.

Nasa kustodiya na ng kaukulang otoridad ang mataas na kadre ng NPA. # # #

Ctto cagayan pio
02/12/2020

Ctto cagayan pio

Stay safe cagayanos
29/11/2020

Stay safe cagayanos

Sitwasyon sa Ganano river between Calao East  and Nabuan Santiago City. Ingat po mga ka lambak mabuting lunikas na ang m...
29/11/2020

Sitwasyon sa Ganano river between Calao East and Nabuan Santiago City. Ingat po mga ka lambak mabuting lunikas na ang mga nasa mababang lugar malapit sa ilog

📷 Kap Cardenas

28/11/2020

Pinag-iingat po ang lahat sa patuloy na pag-ulan bunsod ng hanging amihan.

28/11/2020

PANOORIN: Pagsagip ng dalawang miyembro ng PNP Tuguegarao sa dalawang batang babaeng nalulunod sa bahagi ng Brgy. Annafunan, Tuguegarao City (Core Shelter).

Paalala sa mga magulang na huwag pabayaan ang mga anak na maglaro at magtungo sa mga matubig na lugar upang makaiwas sa anumang insidente.

Video credit to: PNP Tuguegarao

28/11/2020

Hi mga prii, Ito po ang total na naipon natin sa STAR FOR A CAUSE. Malaking tulong na po ito sa ilang mga kababayan nating tinamaan ng Bagyo.

Hindi man po natin lahat mabigyan, ang mahalaga po ay ginawa natin ang lahat nating makakaya para po makatulong sa iba.

Abangan niyo nalang po ang aming mga update tungkol sa ginawa ng team natin para po ihatid ang inyong tulong sa mga kababayan natin.

Salamat po sa tiwala at suporta. Hanggang sa muli.

Day 1 - ₱108,257
Day 2 - ₱190,731
Day 3 - ₱130,790
Day 4 - ₱100,944
Day 5 - ₱78,046
Day 6 - ₱81,360
Day 7 - ₱70,320


















28/11/2020

CAUAYAN CITY – Lumikas sa evacuation center ang 34 na pamilya matapos na mabaha ang kanilang bahay dahil sa pag-apaw ng tubig sa sapa sa Gaddanan at Salinungan East, San Mateo, Isabela dahil sa patuloy na pag-ulan. Lumikas din ang maraming pamilya sa Tandul, Canan at Namnama, Cabatuan, isabela dah...

Magat dam updateCredit Pio cagayan
28/11/2020

Magat dam update

Credit Pio cagayan

28/11/2020

Ingat po mga kalambak maging mapag masid
Ctto

For info mga ka lambak  lalo na malapit sa mga ilog
28/11/2020

For info mga ka lambak lalo na malapit sa mga ilog

27/11/2020

Kamusta po ang water level sa inyong mga lugar ngayon mga ka lambak ..keep safe po

27/11/2020

Magat Dam as of 11:00 am, November 27, 2020

27/11/2020
27/11/2020

As of 07:20pm, Nov. 27, 2020

Baculud overflow bridge NOT PASSABLE

27/11/2020
27/11/2020

SALUDO KAMI SA'YO SIR!

Ginawaran ng MEDALYA NG SUGATANG MAGITING si PLt. Randy Baccay, Deputy Chief of Police ng Penablanca Police Station, matapos magtamo ito ng sugat dahil sa pananambang sa kanila ng mga illegal loggers sa nasabing bayan habang nagsasagawa ng Anti-Illegal Logging operations.

Ang isinagawang operasyon sa Lagum Area ng Peñablanca ay bahagi ng hakbang para mapatigil ang talamak na pamumutol ng kahoy alinsunod na rin sa binuong Anti-Illegal Logging Task Force sa Cagayan at pagpapakita na seryoso ang pamahalaan sa panghuhuli sa mga illegal loggers

Mismong si PRO-2 Regional Director PBGEN Crizaldo Nieves kasama si CPPO Provincial Director PCOL Ariel Quilang ang naggawad ng medalya.

27/11/2020

BASAHIN I Pinaaalalahanan ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang mga mayor na huwag protektahan ang mga illegal miners at illegal loggers.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lambak posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share