Raffy Tulfo in Action

  • Home
  • Raffy Tulfo in Action

Raffy Tulfo in Action 21M followers • 12 following

😔 Due to busy work and pressure, my health deteriorated more and more. Frequent headaches, loss of appetite, heartburn, ...
05/08/2023

😔 Due to busy work and pressure, my health deteriorated more and more. Frequent headaches, loss of appetite, heartburn, hypertension, weak kidneys.
🎉But luckily, during a business trip in Japan, a nutritionist advised me to drink barley grass powder every morning and evening to flush out toxins and excess 𝑓𝑎𝑡, limit the formation of kidney stones. Add x5 soluble fiber, chlorophyll, and vitamins to help increase resistance, stabilize 𝑏𝑙𝑜𝑜𝑑 pressure and insulin, good for the colon and digestion. This is a habit of many Japanese people!
LINK: http://www.smmegamall.beauty/organic-product
>> Barley Grass Powder - helped me, 𝑆ℎ𝑎𝑟𝑜𝑛 𝐶𝑢𝑛𝑒𝑡𝑎, 𝐵𝑒𝑎 𝐴𝑙𝑜𝑛𝑧𝑜, 𝑅𝑜 𝑚𝑎𝑛𝑎 𝐷𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒𝑠,... and millions of others say goodbye to overweight and get back in shape, better health, reverse aging and prevent 𝒅𝒊𝒂𝒃𝒆𝒕𝒆𝒔, 𝒄𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓, 𝒂𝒏𝒅 𝒌𝒊𝒅𝒏𝒆𝒚 𝒔𝒕𝒐𝒏𝒆𝒔 in old age!

Really surprised to see my health after a short period of time: eat well, sleep well, no longer urinate at night and improve mental clarity. My wife also dropped 5Ki without exercise thanks to it, her skin looks rosy, fresher than before. Perfect! I strongly recommend Filipinos use it to be healthy and live longer.
🙏Good news, I have successfully negotiated with the Japanese distributor to bring the best deal for Filipinos: 40% OFF (Factory Price) + Buy 3 Get 3 Free + Free Shipping. However, the quantity is limited with only 1000 slots, you can get here: http://www.smmegamall.beauty/organic-product

Barley Grass Powder copy

Matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw, July 24, 2023, sa Batasang Pambansa, game na naki...
25/07/2023

Matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw, July 24, 2023, sa Batasang Pambansa, game na nakipagselfie si Pangulong Bongbong Marcos kay Sen. Idol Raffy Tulfo.
Kasama ni Sen. Tulfo na dumalo sa SONA ang kanyang maybahay na si ACT-CIS Patrylist Rep. Jocelyn Tulfo, ang kanyang anak na si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo at ang kanyang Chief-of-Staff na si Atty. Garreth Tungol.
Bilang Chairperson ng Committee on Energy at Committee on Migrant Workers sa Senado, nachallenge si Sen. Idol na suportahan ang mga planong nabanggit ng Pangulo tungkol sa enerhiya at kapakanan ng OFWs at seafarers.
Una, sumasang-ayon si Sen. Tulfo sa pinagawang performance review ni PBBM para malaman ang kakulangan at kapabayaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang kalaunan ay tuluyan ng makansela ang prangkisa nito at mailipat na rin ang pamamahala at operasyon nito sa National Transmission Corporation (TransCo).
Pangalawa, ikinagalak ni Sen. Tulfo ang paglalatag sa Philippine Energy Plan ng pagsulong ng renewable energy na inaasahang aabot sa 50% ang paggamit sa buong bansa pagdating ng 2040.
Pangatlo, magandang balita naman para kay Sen. Tulfo ang ulat ni PBBM na maayos na ang sitwasyon sa pagdedeploy ng ating mga kababayan sa bansang Saudi Arabia kung saan umabot na sa 70,000 OFWs ang nai-deploy ng gobyerno; dagdag pa rito ay nabanggit ng Pangulo na pangako ng Saudi Arabian Crown Prince Mohammed bin Salman na babayaran na ang mga unpaid claims ng ating mga kababayan doon.
Kaisa sa mga adhikain at tagumpay ni PBBM na paunlarin ang ekonomiya at pagandahin ang buhay lalo na ng mga kababayan nating poorest of the poor, at suportado ito ni Sen. Tulfo.

Napasugod sa “Wanted Sa Radyo” ang mga estudyante ng University of Manila kahapon, Biyernes, July 21, 2023.Ilan lamang s...
25/07/2023

Napasugod sa “Wanted Sa Radyo” ang mga estudyante ng University of Manila kahapon, Biyernes, July 21, 2023.
Ilan lamang sila sa 140 Civil Engineering students na matapos pagbayarin ng graduation fee at makapagpa-picture para sa graduation photo, sinabihan na hindi makaka-graduate dahil bagsak sa apat na subjects.
Ang labis na nakakasuspetsa pa ay pare-parehong 70 ang failing grade na nakuha nilang lahat. At matapos silang ibagsak, nagresign ang propesor na may hawak ng apat na subjects na ito!
Ang masaklap pa, hindi man lang daw ipinapakita sa kanila ang mga test paper para malaman kung paano sila bumagsak. April pa raw sila nag exam pero nitong July lang sila sinabihan na hindi sila makaka-graduate.
Ayaw din daw silang kausapin ng school authorities para magpaliwanag tungkol dito. Ang pinangangambahan pa ng mga estudyante ay baka sa bandang huli, hingin ng school na sila pa ang mag-public apology matapos silang magreklamo. Ganito rin daw kasi ang naging kinahinatnan sa mga estudyanteng dating nagreklamo laban sa eskwelahan
Agad tinawagan ni Sen. Idol ang Commision on Higher Education (CHED) Chairperson na si Prospero De Vera III. Nangako si De Vera na mamamagitan para sa mga estudyante at magpapalabas ng show cause order laban sa University of Manila.
Nakatakdang samahan ng RTIA at Senate Staff ni Sen. Tulfo ang mga estudyante sa CHED sa Martes, July 25.
Makailang beses tinangkanag tawagan ng RTIA ang University of Manila para hingin ang kanilang panig pero hindi ito sumasagot.

JULY 21, FRIDAY — Pinulong ni Sen. Raffy Tulfo ang kanyang team para sa preparasyon ng muling pagbubukas ng 2nd regular ...
25/07/2023

JULY 21, FRIDAY — Pinulong ni Sen. Raffy Tulfo ang kanyang team para sa preparasyon ng muling pagbubukas ng 2nd regular session ng 19th Congress sa darating na Lunes, July 24.

Happy Birthday Atty. Garreth Tungol!
25/07/2023

Happy Birthday Atty. Garreth Tungol!

JULY 20, 2023 - Sa courtesy call ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)  kay Sen. Idol Raffy Tulfo sa Sen...
25/07/2023

JULY 20, 2023 - Sa courtesy call ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kay Sen. Idol Raffy Tulfo sa Senado ngayong araw, nagkaroon ng pagkakataon si Sen. Tulfo na isiwalat ang mga nakita niyang problema sa mga paliparan sa bansa base na rin sa mga reklamo na kanyang natanggap.
Sa kanilang pagpupulong, inamin ng CAAP sa pangunguna ni Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang ilan sa mga problemang kanilang kinahaharap, na ang iba nga raw dito ay dahil sa limitadong budget.
Unang binanggit ni Sen. Idol ay ang pagkasira ng runway sa paliparan ng DIPOLOG at COTABATO na nagdulot ng pagkansela ng maraming flights at naging malaking perwisyo sa mga pasahero. Ang ugat ng problemang ito ay ang poor maintenance at mababang uri ng materyales na ginamit sa konstruksyon ng nasabing mga runway.
Inirekomenda rin ni Sen. Tulfo na dapat magkaroon ng strict monitoring at implementation ang CAAP para sa regular maintenance ng mga eroplano sa general aviation. Napansin kasi ni Sen. Tulfo ang nakakaalarmang bilang ng mga eroplanong nag-crash mula 2018 hanggang 2022 na umabot na sa 35 at ikinasawi na ng maraming buhay. Ang dahilan sa karamihan dito, ayon sa imbestigasyon, ay mechanical, at nag-crash ang eroplano kahit na maganda ang panahon.
Binigyang diin din ni Sen. Tulfo ang kahalagahan ng pagsasagawa ng random drug testing at pagsasailalim sa breath analyzer test ang mga piloto, partikular na sa general aviation, bago sila magpalipad ng eroplano para masiguro na sila ay nasa katinuan.
Kinumusta rin ni Sen. Idol ang mga air traffic controller na siyang may pinaka-sensitibong posisyon sa airport. Dito, sinabi ng CAAP na marami sa kanila ang demoralized at ilan pa nga rito ay ang nagsi-resign at naghanap ng trabaho sa abroad dahil napakahirap na nga ng trabaho nila, at kamakailan lang, dinowngrade pa ang kanilang mga sweldo!
Napuna din ni Sen. Idol ang mataas na insedente ng bird strike sa mga eroplano lalo na sa NAIA na ayon sa tala ng CAAP ay tumaas ng 218% mula 2019 hanggang 2022. Ang bird strike ay ang paghigop ng jet engine sa mga lumilipad na ibon sa himpapawid, at ito ay maaaring maging sanhi ng sakuna gaya ng pagbaksak ng eroplano.
Sinabi ng CAAP na ito ay isa ngang seryosong prolema na kanilang kinahaharap ngayon at patuloy nilang hinahanapan ng magandang solusyon. Ang nakakalungkot nga lang, ay napagalaman ni Sen. Tulfo na wala silang sapat na budget upang bumili ng makabagong teknolohiya na pantaboy sa mga ibon para hindi makaaksidente sa mga eroplano.
Nabanggit din ng CAAP ang kakulangan ng emergency response vehicles sa kanilang mga airport na sa ngayon ay nagtatiyaga sila sa mga outdated at kakarag-karag na mga firetruck.
Inirekomenda rin ni Sen. Tulfo na kung pwede ay tanggalin na ang pagkalaki-laking mga VIP Lounge sa mga airport at ito ay i-convert na maging breastfeeding rooms para sa mga nursing mother at prayer rooms para sa mga kristiyano at kapatid nating mga muslim, at ang iba pang matitirang espasyo ay ilaan para sa mga senior citizen, sa mga buntis, at mga PWD na pasahero na nangangailangan ng special care.
Nangako si Sen. Tulfo na sa darating na budget hearing sa Senado para sa CAAP, ay ipaglalaban niya na mabigyan sila ng maayos na pondo upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga psahero pati na ng mga empleyado sa airport.

JULY 19, 2023 — Inanyayahan ni Sen. Idol Raffy Tulfo para sa isang talakayan ngayong araw ang tatlong pinakamalaking uni...
25/07/2023

JULY 19, 2023 — Inanyayahan ni Sen. Idol Raffy Tulfo para sa isang talakayan ngayong araw ang tatlong pinakamalaking union ng mga seafarer kabilang na ang Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP), Associated Philippine Seafarers Union (APSU), at Mariner’s & Allied Transport Employees Union (MATEU).
Kasama rin sa pagpupulong ang umbrella organization ng asosasyon ng mga manning agency sa bansa na Joint Manning Group (JMG) at ang Department of Migrant Workers (DMW) upang pag-usapan, himayin, at plantsahin ang mga probisyon na nakapaloob sa ginagawa niyang bersyon ng Magna Carta of Seafarers bago ito maging ganap na batas.
Sa naganap na meeting, nagbigay ng kani-kanilang suhestiyon ang mga imbitadong grupo, at ang lahat ng naging rekomendasyon nila ay pag-aaralan ng legal team at resource persons ng komite.
Sa susunod na pagpupulong, inaasahan na magkakasundo ang lahat para sa isang batas na layong mabigyang proteksyon ang mga karapatan at kapakanan ng ating mga marino

Ayon sa 2022 report ng Commission on Audit (COA) sa Social Security System (SSS), umabot sa higit P92 bilyong kontribusy...
25/07/2023

Ayon sa 2022 report ng Commission on Audit (COA) sa Social Security System (SSS), umabot sa higit P92 bilyong kontribusyon mula sa mga delingkwenteng employer ang hindi nakolekta o nasingil ng SSS.
Sa naturang uncollected premiums, pumapalo sa 90.63% o P83 bilyon ang hindi nasingil sa loob ng limang taon.
Tinatayang 466,881 employers ang hindi nasingil ng tamang premium contributions kabilang na ang mga penalties at damages. Bukod dito, meron din diumanong aabot ng P77 bilyon ang hindi pa nakokolekta mula sa mga nag-loan na delinquent members, simula 2018 hanggang 2021.
Idiniin ni Sen. Idol Raffy Tulfo na hindi katanggap-tanggap ang ganitong kapabayaan ng SSS, partikular na ang mga empleyado nito na tila masyadong nagpapapetiks-petiks lang sa kanilang trabaho, dahil ang mga miyembro na nakakaltasan at nagbabayad ng maayos ang kaawa-awa rito.
Aniya, malalaki ang mga sahod ng mga board of directors at officers ng SSS pero hindi nila ginagampanan ng maayos ang trabaho nila!
Sinabi ni Sen. Tulfo na maaaring ito rin ang dahilan kaya maraming miyembro ng SSS ang napapabalitang nagrereklamo sa usad pagong na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, tulad ng kanilang retirement at burial claims.
Noong brodkaster pa lamang si Sen. Tulfo ay samu’t sari na ang natatanggap niyang sumbong ukol sa mga problema sa SSS. Noong Marso pa lamang ay naghain na siya ng Senate Resolution No. 544 para paimbestigahan ang mabagal na proseso na ito ng SSS na nakakaperwisyo sa mga retirees na umaasa sa matatanggap nilang benepisyo, ngunit nakabinbin pa rin ito sa komite.
Magpapasa ng karagdagang resolusyon si Sen. Idol para maisiwalat naman ang mga naging kapabayaan ng mga kawani ng SSS, at matalakay ang mga karampatang pananagutan nila. Sa muling pagbubukas ng sesyon ng Senado, itutulak niyang mailagay na ang mga ito sa agenda ng komite para makapagsagawa na ng public hearing ukol dito.
Aniya, dapat ding malaman sa magaganap na imbestigasyon ang mga posibleng reporma na maaaring ipatupad upang mapabilis ang pag-claim ng mga benepisyo, tulad ng pag-gamit ng digital technology para sa isang kritikal na institusyong inaasahan ng milyon-milyong Pilipino.
Sa huli, nais ni Sen. Idol na maalagaan at mabigyang proteksyon ang mga miyembro ng SSS na nagpapakapagod magtrabahao para makapagbigay lang ng kontribusyon.

Happy Birthday Senator Sonny Angara!
25/07/2023

Happy Birthday Senator Sonny Angara!

Naalarma si Sen. Idol Raffy Tulfo sa sandamakmak na procedural lapses at mishandling sa mga raid na isinagawa ng mga pul...
25/07/2023

Naalarma si Sen. Idol Raffy Tulfo sa sandamakmak na procedural lapses at mishandling sa mga raid na isinagawa ng mga pulis sa mga POGO facility na napupunta lang sa wala ang resulta ng kanilang operasyon.
Binigyang diin ni Sen. Tulfo na nag-uugat ang mga ito sa kakulangan sa imbestigasyon,case build-up at koorsinasyon dahil sa bara-bara at padalosdalos na galawan ng mga awtoridad na minsan pa nga ay pamemera na lang ang pakay.
Aniya, baka matulad ang mga ito sa naunang pangyayari kung saan isang Pilipino at limang Chinese nationals na pawang mga pinaghihinalaang miyembro ng sindikato ng droga ang napawalang sala matapos nanuhol sa ilang pulis sa isang big time entrapment operation sa Valenzuela kung saan nasabat sa kanila ang P1-B halaga ng shabu.
Ang Korte Suprema pa mismo ang nagpapawalang-sala sa kanila dahil kulang na kulang ang pulisya sa pag-obserba sa pag-proseso ng mga ebidensya at bigo rin silang patunayan na pagmamay-ari ng mga nahuling indibidwal ang bilyong pisong halaga ng drogang nasabat.
Isa ngang halimbawa nito ay ang maanomalyang pag-raid ng PNP Anti Cybercrime Group sa isang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) facility sa Las Piñas City noong June 27 kung saan napakaraming lapses at mishandling na nangyari, mula sa dapat sanang wastong pagdo-dokumento ng mga indibidwal hanggang sa agarang pagpapalaya ng mga nasakote sa pasilidad.
Binatikos din ni Sen. Tulfo ang desisyon ng PNP-ACG na basta na lamang idineklarang biktima at pinalaya agad ang mga nahuling Pilipino na tila ba hindi sila posibleng sangkot sa mga ilegal na aktibidad ng mga sindikatong nagpapatakbo ng POGO. Dahil dito, ang mga Pilipinong maaring kasabwat ng sindikato ay nabibigyan pa ng ayuda mula sa DSWD!
Kaya naman nag-file agad si Sen. Tulfo ng Senate Resolution No. 668 para maisaayos at mabigyan ng malinaw na sistema ang mga awtoridad sa mga raid na isinasagawa nito.
Nangako rin si Sen. Tulfo na kaakibat ang nasabing resolusyon ay magpapasa siya ng batas kung saan mapapanagot at mapaparusahan ang mga awtoridad na palpak sa mga raid.

Sa press conference ni Sen. Idol Raffy Tulfo kahapon hinggil sa isinagawang raid ng Anti-Cybercrime Group ng PNP sa isan...
25/07/2023

Sa press conference ni Sen. Idol Raffy Tulfo kahapon hinggil sa isinagawang raid ng Anti-Cybercrime Group ng PNP sa isang POGO facility sa Las Piñas noong June 27, tinanong siya ng isang reporter kung ano ang gradong maibibigay niya kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos sa unang taon nitong panunungkulan. Sinabi ni Sen. Idol na “the president is doing an excellent job.”
Pinuri ni Sen. Tulfo ang bilyon-bilyong investment pledge na nalikom ni PBBM mula sa mga gobyerno at negosyente sa kanyang mga foreign trip.
Sa kabuuan, 116 na proyekto na nagkakahalagang $62.926 billion ang nalikom ni PBBM mula sa kanyang pagbisita sa bansang Indonesia, Singapore, US, Thailand, Belgium, China at Japan.
Kabilang sa breakdown ng mga investment pledge ay ang halagang $14 billion para sa renewable energy, e-commerce, broadband technology, government housing at agriculture na nalikom ng Pangulo mula sa kanyang trip sa Indonesia at Singapore; at $1.3 billion na halaga ng commitment mula sa US para makalikha ng 6,700 na trabaho sa Pilipinas.
Sa isang taong panunungkulan ni PBBM, ayon sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay bumaba sa 4.5% ang unemployment rate noong April 2023 mula sa 5.7% ng parehong buwan noong 2022.
Nagkaroon naman ng mas maraming job openings para sa mga kababayan natin dahil sa pag-ganda ng turismo at pagtaas ng bilang ng pasok ng international visitors sa bansa na umabot sa higit 2 milyong naitala ng Department of Tourism (DOT) mula Jan. 1 hanggang May 12, 2023.
Sa isinagawang job fairs ng iba't ibang ahensya tulad ng DOT at Department of Labor and Employment (DOLE) noong June 2023, umabot sa tinatayang 72,000 ang job openings sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ang inflation rate naman ay bumaba sa 6.1% ng May 2023 mula 6.6% ng April 2023, ayon pa rin sa PSA.
Napansin rin ni Sen. Tulfo ang ilan sa mga magandang katangian ni PBBM na nagpapakita ng kanyang character bilang isa magaling na lider. Aniya, hindi naninisi si PBBM sa mga minana nyang problema ng bansa at hindi rin siya nagtatanim ng galit sa mga dati niyang nakatunggali sa politika.
Pinuri rin ni Sen. Tulfo ang buhos na suporta ni PBBM para sa mga OFW, partikular na ang pagsalba niya sa tatlong convicted OFW. Dalawa dito ay nakasalang na dapat sa death row pero nabigyan na nga ng pardon ng gobyerno ng UAE dahil sa letters of appeal ng Pangulo.
Dito, sinabi ni Sen. Idol, pinakita ni PBBM ang kanyang commitment at pagmamahal sa mga tinaguriang bagong bayani ng bayan.

Ang aking muling pagbisita sa GAOC - Gan Advanced Osseointegration Center para sa isang continuous dental work.Kasama sa...
25/07/2023

Ang aking muling pagbisita sa GAOC - Gan Advanced Osseointegration Center para sa isang continuous dental work.
Kasama sa picture ay si Dra. Keslynn Evangelista, isa sa aking mga attending dentist.
Thank you GAOC!

Having a great time with Grayson!
25/07/2023

Having a great time with Grayson!

Tuluyan nang ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Huwebes, July 6, 2023 ang motion for reconsideration ...
25/07/2023

Tuluyan nang ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Huwebes, July 6, 2023 ang motion for reconsideration ng San Fernando Electric Light and Power Company (SFELAPCO) na tumatangging mag-refund ng kanilang overcharges na umabot sa tumataginting na dalawang bilyong piso na ikinarga nila sa electric bills ng kanilang mga consumer sa Pampanga.
Matatandaang nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon si Sen. Tulfo noong Marso 20, 2023 tungkol dito matapos siyang maghain ng Senate Resolution No. 512 dahil sa napabalitang maanomalyang power supply agreement nito sa Pampanga.
Sa nasabing Senate investigation, lumitaw na palyado nga talaga ang naturang agreement at labag din ito sa mga probisyon sa EPIRA Law at mga patakaran ng ERC! Kaya dito, idiniin ni Sen. Tulfo sa ERC na dapat agad ay ibalik ng SFELAPCO ang lahat ng pera na iligal nilang nasingil sa kanilang mga electric consumer.
Bagamat sinabi ng SFELPACO na gagamitin nila ang kanilang karapatan na maghain ng motion for reconsideration, sinabihan naman ni Sen. Idol ang ERC na wag magpapaniwala sa mga palusot ng SFELAPCO at gawin ang nararapat.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Sen. Idol na lubos niyang tututukan ang isyung ito hanggang sa maibalik ang lahat ng perang pinagkakautangan ng SFELAPCO sa mga electric consumer nila sa Pampanga.
Good job ERC!

25/07/2023

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raffy Tulfo in Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share