13/07/2020
100 PRIVATE SCHOOLS,
MAGSASARA SA CAVITE
Halos 100 private schools sa lalawigan ng Cavite ang hindi na makapagbubukas ngayong 2020-21 academic year dulot nang malubhang epekto ng COVID-19 pandemic.
“Sa ngayon ay halos 100 na private schools sa Cavite na ang magsasara para sa school year 2020. Dulot ito ng COVID crisis. Lalo pa madadagdagan ang mga mag-aaral na aasa sa DepEd system,” pahayag ni Gov. Jonvic Remulla sa kanyang Facebook post.
Ipinabatid ng Department of Education noong nakaraang Miyerkules na may 250,539 learners na ang lumipat mula private schools sa public schools para sa paparating na school year.
Sa datos na ito, 148,852 ang nasa elementarya, 69,851 ang nasa junior high school at 26,138 naman ang mga senior high school student samantalang 5,698 ang learners with disabilities (non-graded).
Hinimok din ng DepEd ang mga private school na iwasang magtaas ng tuition at miscellaneous fees dahil maraming pamilya ang naapektohan ang kabuhayan sanhi ng pandemic.
https://www.facebook.com/142802334452/posts/10159370402409453/
MANILA, Philippines — Almost 100 private schools in Cavite will not reopen for the upcoming school year amid the economic downturn triggered by the coronavirus disease 2019 pandemic, Governor Jonvic