02/02/2022
My Summary: Axie Chat w/ Jiho
Note: "Ang mga impormasyon na narito ay base sa aking pagkaintindi. Kung may pagkukulang or pagkakamali ay maaaring mag-comment lamang. Ito po ay aking pagkaka-unawa at hindi maituturing na eksaktong sinabi ni Jiho sa interview."
👉 Season 20 malapit na. Posibleng mga 1 or 2 weeks from now
👉 Posibleng may pagbabago sa SLP earnings ng adventure/pve mode
Ayon kay Jihoz, karamihan ng namimint na SLP ay galing sa adventure
👉 Expect natin na mas magiging competitive ang environment para mas ma-encourage yung mga players nag-experiment ng new meta teams
👉 Wala pang bagong burning mechanism sa ngayon. Mukhang sa Battle V3: Origin ilalabas ang mga karagdagang burning mechanics.
Tulad ng parts upgrades, cosmetics at iba pa.
👉 100k Axies na ang naipadala sa Lunar Year Event
38k ang sumali sa event na ito.
Lunar New Year items ay cosmetic items
👉 Maglalabas ng Game Centric Roadmap para sa Origins
👉 Battle V3 Origin ay mukhang ilalabas after ng Season 20 or Q1
Mas masaya ito, strategic at tactical. Ang crit ay hindi na random. Ito na ay pwedeng maipon. CRIT System = RAGE
Free-2-Play version sa App Store at Google Play
👉 Axie Power-Ups ay blockchain items. Ito ay posibleng karagdagang burning mechanisms.
👉 Nag-hire sila ng mga key additions sa team. Kumuha sila ng isang superstar mula sa Niantic (gumawa ng Pokemon GO) para idagdag sa game team. Announcement soon.
👉RON Token one-side staking ilalabas sa Phase 2
👉 Nakatanggap ng maraming applications ang Sky Mavis para sa Builders Program. Mga kilalang Game Teams, Developers at Independent Studios para mag-release ng additional game modes sa Ronin Network gamit ang Axie assets.
👉Ayon kay Jihoz, maraming corrections at improvements ang kailangan gawin sa Sky Mavis at Axie Infinity Team para ma-address kaagad ang mga importanteng issue.
👉 AXS Treasury: Masusing inaaral ng Axie Team kung paano ipapamahagi ang rewards sa mga AXS holders. Nag-hire sila ng importanteng team members para dito upang magawa ng tama ang distribution at governance sa community.
👉Origin at Mystics: Aminado si Jihoz na napabayaan ang Origin at Mystics utilities. Sinabi nya na magkakaroon ng additional utility at access ang mga ito in the future.
👉 AOC = Axie Origin Coin ay ginagamit para mag-hatch ng Origin or Mystic
👉 AEC = Axie Egg Coin ay ginagamit naman para sa MEO
👉 Land Owners: May inihahanda ng AXS rewards para sa mga land holders.
👉 Rental System/Lending/Borrowing Marketplace ay kanila binubuo at may magandang progreso silang nagawa para dito.
👉SLP Split ay community pa din ang magdidikta.
👉 Governance: Inaaral ng mabuti ng team kung anong gagamitin na style para dito. Sabi ni Jihoz, hindi ito dapat maging pabor lamang sa mga whales o yung may maraming hawak ng AXS kundi ito ay dapat para sa lahat at mabigyan ng boses ang karaniwang players.
👉 Axie Battle Balancing
Phase 1: Feedback at suggestions mula sa community
Phase 2: Pag-uusapan ng Game Council na binubuo ng piling miyembro mula sa community.
Phase 3: Magbibigay ng proposal para pagbotohan ng community ang mga nasabing pagbabago.
👉 Nasabi din ni Jihoz na upang magkaroon muli ng hypergrowth, kailangan magkaroon ng pagbabago, sisiguruhin na ang impormasyon at imprastruktura ng game ay maayos at pagkonsulta sa community bago ilabas ang mga ito.
👉Tungkol sa kalagayan ng ekonomiya, nasabi ni Jihoz na kailangan maglabas ng short-term solutions bago ilabas ang Origin na kung saan karamihan sa atin ay hinihintay ang new burning mechanisms.
Kung kulang naman daw ang supply ng SLP pagkalabas ng mga ito ay kailangan din magkaroon ng adjusment sa pag-issue ng SLP para hindi maging overpriced ang mga Axies.
👉 Upang mas magkaroon ng demand at magtuloy-tuloy ang growth, sinabi ni Jihoz na maglalabas ng mga marketing campaigns para suportahan ito.
👉 Ayon kay Jihoz, inaaral nilang mabuti ang mga iba't-ibang economic systems upang maging maayos ang kalagayan natin ngayon at sa future.
👉 Lastly, and sabi ni Jihoz ay naghahanda sila para sa Origin.
Sinisiguro nila na maayos ang servers kasabay ng Free-2-Play version sa App Stores upang mas maraming tao pa ang makapaglaro ng Axie.
Axie Chat Stream link: https://www.twitch.tv/videos/1283937511