Omnis Times

Omnis Times Ang Omnis Times ay isang News Blog na nakatuon sa mga Balitang naaayon at dapat malaman ng Mamamayan. Tiwala, Pantay at Maasahan.

"Omnis" ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay "Lahat" na layong maibigay ang impormasyon ng mahusay para sa nakararami.

HER MAJESTY QUEEN ELIZABTH ll, HAS DIED YESTERDAY AT THE AGE OF 96.She has died peacefully at Balmoral Castle where she ...
09/09/2022

HER MAJESTY QUEEN ELIZABTH ll, HAS DIED YESTERDAY AT THE AGE OF 96.

She has died peacefully at Balmoral Castle where she spent all of her summer. Elizabeth ll was born Elizabeth Alexandra Mary Windsor on April 21, 1926, her Father is King George Vl and Queen Elizabeth Bowles- Lyon, is the longest serving monarch in British History, and supass her Platinum Jubilee, where she is the first monarch to did so.

Her Son, Charles, Prince of Wales was named Charles lll, King of United Kingdom of Great Britain and the Commonwealth Realms yesterday after her Mother has passed.

Mournings from different parts of rhe world and to their country fled at from of the gates of every each of her palace.

GOD SAVE THE KING.

PREMYADONG AKTRES NA SI MISS CHERIE GIL, PUMANAW NA.Kinumpirma ito ng mismong talent manager na si Anabelle Rama na puma...
05/08/2022

PREMYADONG AKTRES NA SI MISS CHERIE GIL, PUMANAW NA.

Kinumpirma ito ng mismong talent manager na si Anabelle Rama na pumanaw ang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59 kaninang ika lima ng hapon.

DATING PANGULONG FIDEL V. RAMOS, PUMANAW NA SA EDAD NA 94.Pumanaw ang Dating Pangulo Fidel V. Ramos kaninang umaga sa Ma...
31/07/2022

DATING PANGULONG FIDEL V. RAMOS, PUMANAW NA SA EDAD NA 94.

Pumanaw ang Dating Pangulo Fidel V. Ramos kaninang umaga sa Makati Medical Center dulot ng komplikasyon sa COVID 19.

Ramos, isang heneral ng militar, isa sa nanguna sa 1986 EDSA Revolution, nagsilbing Chief of Philippine Constabulary ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr., naging Chief of Staff at Secretary of National Defense sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino, at nanalong Pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.

Nakilala ang Pilipinas sa pamumuno ni Ramos bilang "Rising Tiger of Asia". Nagbigay na ng pakikiramay ang mga ibang bansa at ang European Union sa pagpanaw ng Dating Pangulo.

Magnitute 7.2 na lindol, naramdaman kaninang 8:43 ng umaga sa Nothern Luzon .Niyanig ang Luzon kaninang umaga lalo sa ep...
27/07/2022

Magnitute 7.2 na lindol, naramdaman kaninang 8:43 ng umaga sa Nothern Luzon .

Niyanig ang Luzon kaninang umaga lalo sa epicenter nito sa Abra. Nakaranas din ang Isabela na tinatayang umabot sa 5.8 hanggang 6.0 magnitude ang lakas.

for more update, visit Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)

25/07/2022

1ST STATE OF THE NATION ADDRESS OF FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS JR., 17TH PRESIDENT IN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

DEPED SECRETARY AT VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, HINDI GAGAWING MANDATORY ANG MGA SCHOOL UNIFORMS SA LAHAT NG PAMPUBLIKON...
18/07/2022

DEPED SECRETARY AT VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, HINDI GAGAWING MANDATORY ANG MGA SCHOOL UNIFORMS SA LAHAT NG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA BANSA.

Pinagdiinan ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte na hindi gagawing requirement ang pagsusuot ng school uniforms sa lahat pampublikong paaralan sa bansa upang hindi maging dagdag sa pasanin ng mga magulang at mag aaral ang gastos upang mapamilihan ng uniporme ang kanilang mga anak na papasok ngayong school year.

"All the more that it will not be required this school year given the increasing prices and economic losses due to the pandemic," ayon sa pahayag ni Vice President Duterte.

Ayon pa sa kanya, maging noong bago ang pandemya ay hindi na mahigpit o mismong hindi na requirement ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng DepEd Order No. 065, S.2010.

Inaasahan naman na ang susunod na pasukan ng mga mag aaral na nakapailalim sa pamunuan ng kagawaran ay sa Agosto 22 na una nang ipinahayag ni Duterte kasunod ang ilan pang pahayag nito bilang DepEd Secretary.

📣📣For more info, please visit this page or messege us to let us know what else you want to be updated.📣📣

PANGULONG FERDINAND MARCOS, ITINALAGA SI USEC. MARIA ROSARIO VERGEIRE BILANG BAGONG OIC NG DEPARTMENT OF HEALTH.Itinalag...
15/07/2022

PANGULONG FERDINAND MARCOS, ITINALAGA SI USEC. MARIA ROSARIO VERGEIRE BILANG BAGONG OIC NG DEPARTMENT OF HEALTH.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang OIC ng Kagawaranng Kalusugan. Pinasalamatan ni Vergeire si Marcos sa isang Statement. Sinabi nito na nagpapasalamat siya dahil siya ang nabigyan ng pagkakataong maglingkod at pinagkatiwalaan ng pasanin ng Kagawaran.

Binanggit pa nito na ang pinaka malaking binibigyan ng kahalagahan ng kagawaran ay ang pagsupil sa COVID 19 at maprotektahan ang kapakanan ng mga Health Workers na napasasailalim sa kanyang pinamumunuang Kagawaran.

Ang pagkakatalaga kay Vergeire ay ipinahayag sa Palasyo sa pamamagitan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon. Nabanggit din ng Press Secretary na ang termino ng isang OIC ay maaaring madugtungan kung wala pa rin napipiling bagong kalihim ng Kagawaran bago matapos ang isang buwan.

For more info, please visit this page or messege us to let us know what else you want to be updated.

JUST IN: BREAKING!!Pumanaw na sa edad na 67 ang Dating Prime Minister ng Japan Shinzo Abe ngayong hapon.--Kinumpirma ito...
08/07/2022

JUST IN: BREAKING!!

Pumanaw na sa edad na 67 ang Dating Prime Minister ng Japan Shinzo Abe ngayong hapon.

--Kinumpirma ito ng Japanese Government at ng Japanese Prime Minister Kishida Fumio nitong hapon ng nagtamo ito ng dalawang putok ng baril habang nagpapahayag ng talumpati sa kampanya ng isang kandidato para sa darating na Upper House Election sa Linggo. Nangyare ang pamamaril sa Nara, Nara Prefecture, Japan.

Pumanaw sa Ospital sa dakong 5:03pm ang dating ministro sanhi ng ballistic gunshot wound sa left chest at tama sa leeg. Nagdadalamhati ang lahat ng mga kasamahan at mga pulitiko sa pagpanaw ng Dating Ministro.

Inaabangan pa ang mga susunod na hakbang ukol pangyayari. Itinuturing si Abe bilang isa sa pinakamahusay na naging Ministro at pinakamatagal sa lahat ng nanungkulan bilang Prime Minister ng Japan.

(edited. 9:18)

08/07/2022

BREAKING!!

Shinzo Abe, dating Prime Minister ng Japan, wala pa din naipapakitang vital signs matapos ang pagatake sa kanya ng putok ng baril sa Nara, Japan.

Tinukoy na ang Bumaril na isang 42 year old na lalaki at inaresto at nasa kostudiya na ng mga Pulis.

wala pa din magandang response si Abe ng dinala ito sa Pagamutan. Nasabi din na may malay pa ito ng pinasok sa ambulansya.

BREAKING!!Dating Prime Minister ng Japan, Shinzo Abe, dinala sa pagamutan matapos hinihinalang binaril.Tunog ng putok ng...
08/07/2022

BREAKING!!

Dating Prime Minister ng Japan, Shinzo Abe, dinala sa pagamutan matapos hinihinalang binaril.

Tunog ng putok ng baril ang bumugaw habang nagpapahayag ng talumpati si Dating Prime Minister of Japan Shinzo Abe ngayong araw sa Siyudad ng Nara, Japan.

Ayon sa NKH Journalist, nakarinig sila ng dalawang magkasunod na putok habang nagtatalumpati si Abe.

Binanggit din ng Kyodo News na walang malay ang Dating Ministro at mukhang nagtamo ng Cardiac Arrest.

UK Prime Minister Boris Johnson, nag resign  bilang Leader ng Konserbatibong Partido ng Britanya.--Nagbitiw sa tungkulin...
08/07/2022

UK Prime Minister Boris Johnson, nag resign bilang Leader ng Konserbatibong Partido ng Britanya.

--Nagbitiw sa tungkulin bilang Punong Ministro si Boris Johnson kahapon, July 7, dahil sa pagkakagulo ng partido nito sa loob ng House of Commons. Sinabi nito na mananatili siya bilang Prime Minister hangga't walang nahahanap na bago leader ang mga Miyembro ng Parlamento.

"It is clearly the will of the parliamentary Conservative party that there should be a new leader of that party, and therefore a new prime minister," ika nito sa labas ng 10 Downing Street.

Nagsilbi si Boris Johnson bilang Punong Ministro mula July 24,2019. hanggang sa kasalukuyan, naging Secretary of State for Foreign and Commonwealth Affairs at naging Mayor din ng City of London.

COMELEC, nagsimula na ulit tumanggap ng mga bagong magiging mga rehistradong Botante.Sinimulan ng Komisyon ng Halalan en...
04/07/2022

COMELEC, nagsimula na ulit tumanggap ng mga bagong magiging mga rehistradong Botante.

Sinimulan ng Komisyon ng Halalan en banc ang pagpapatuloy ng voters registration ngayong araw, July 4.
"Ang pagpapatuloy ng voters registration ay magsisimula bukas, July 4, 2022 hanggang July 23, 2022... Lunes-Sabado, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.," sabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiango.
Ipinaliwanag din ni Laudiango na ang pagpaparehistro ay dapat makasunod at maganap bago matapos ang iaang buwan alinsunod sa Republic Act 8189 o "The Continuing Voter's Registration Act prohibits voter registration within 120 days prior to the elections".
Sinabi naman ng COMELEC na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay magaganap sa December 5, 2022.
Ayon pa rito, lahat ng edad 15-30 taon ay maaaring magparehistro at bumoto sa susunod na halalan.

para sa mga ibang balita, antabayanan ang paglilimbag ng balita mula dito sa ating page, Times at maaari ding magbigay ng inyong komento o mag send ng messege via same account.

Marcos, hinarang ang panukalang pagpapagawa sa Bulakan ng Airport.Ikalawang araw ng panunungkulan ni Pangulong Marcos ay...
02/07/2022

Marcos, hinarang ang panukalang pagpapagawa sa Bulakan ng Airport.

Ikalawang araw ng panunungkulan ni Pangulong Marcos ay hinarang na nito ang pagpasa ng panukalang magpapatayo ng Bulacan Airport City na layon sanang pagpapalago pa ng mga negosyo at makakatulong sa insentibing pagbubuwis. Sa kanyang liham na ipinarating sa Senado, sinabi ni Marcos na "constrained to veto" ang ipinapasang House Bill no. 7575 o "An Act Establishing the Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport, Province of Bulacan and Appropriating Funds Therefor.”
Dagdag pa nito na ang sistema ng buwis ay ibibigay na sapat upang maitaguyod ang panlipunan at pang-ekonomiyang imprastraktura ng bansa. Ibig sabihin nito, maliit na nga ang kita, gibyerno pa ang pagpapasan na maitaguyod ang nasabing proyekto na hindi rin makakabuti sa bansa.
Binanggit din ni Marcos pinapayagan nya ang R.A No. 11534 o ang "Corporate Recovery and Tax Incentive" (CREATE) para sa enterprise Act na nagpapahintulot sa mga karapat-dapat na negosyo sa labas ng economic zone na mag-apruba at magtamo ng mga piskal na insentibo nang hindi nangangailangan ng mga bagong economic zones.
Hindi naman nababahala ang Gobernador ng Bulakan na si Governor Daniel Fernando sa maaring maging epekto nito sa kanyang nasasakupan. Samantalang tuloy pa din ang pagpapagawa sa Paliparan at ang Panukalang Special Economic Zone lamang ang hindi maipagpapatuloy.

"Domeng", lumakas at bumagal habang tinatahak ang direksyong Hilaga.Hindi makaaapekto ang Bagyong "Domeng" saan mang lug...
02/07/2022

"Domeng", lumakas at bumagal habang tinatahak ang direksyong Hilaga.

Hindi makaaapekto ang Bagyong "Domeng" saan mang lugar sa bansa ngunit patuloy pa din nitong pinapalakas ang Hanging Habagat na nagdudulot ng malakha lakhang pagulan sa halos buong kapuluan.
Wala pa din nakataas na Wind Signals sa alinmang bahagi ng bansa ngunit asahan pa din ang maalon na karagatan sa bahagi pa din ng Kanluran lalo sa Ilocos region ina maaaring umabot ng nasa 1.2 hanggang 4.0 metrong taas ng alon.
Ayon sa tala ng PAGASA, habang ito ay mabagal at bahagya din itong lalakas at bibilis habang tinatahak ang Hilaga at Hilagang kanluran ng Philippine Sea at Hilagang Kanluran tahak bago ito makalabas ng PAR ngayong Umaga o Tanghali
Inaasahan namang lalakas pa sa Tropical Storm Category si "Domeng" sa susunod na 24 na oras.

Pagbaba ng Produktong LPG, inaasahang bababa ang presyo ngayong Araw.Nitong nakaraang Huwebes ay naglabas ng abiso ang P...
01/07/2022

Pagbaba ng Produktong LPG, inaasahang bababa ang presyo ngayong Araw.

Nitong nakaraang Huwebes ay naglabas ng abiso ang Petron Corporation na layong pagbababa ng nasa P0.40 kada kilo sa mga presyo ng LPG. Nabanggit din ng Petron na magbababa din ang presyo ng AutoLPG na aabot ng nasa P0.22. Naging epektibo ito kaninang hating gabi. Ang pagbaba ng presyo ay mag uugat sa P4.40 kada 11-kilograms ng LPG na tipikal na ginagamit ng kabahayan sa bansa, Makaasa naman ang mga konsumer na makakahinga sila ng maluwag dahil sa pagbaba ng presyo nito. Samantalang naglabas din ang Solane ng presyong pagbaba ng nasa P0.36 kada kilo ng kanilang produkto na layong umepekto kaninang ika anim ng Umaga.

Tropical Depression "Domeng", napanatili ang lakas at patungong hilaga.Mas pinalakas ni "Domeng" at "Caloy" ang Track ng...
01/07/2022

Tropical Depression "Domeng", napanatili ang lakas at patungong hilaga.

Mas pinalakas ni "Domeng" at "Caloy" ang Track ng Southwest Moonsoon ngunit magdadala pa rin ito ng mga pag ulan sa may kanlurang bahagi ng bansa, Gitnang at Timog Luzon. Wala namang Tropical Storm Signal na nakataas sa alin mang bahagi ng bansa. Kasalukuyan pa rin nakataas ang gale warning sa Western Seaboard ng bansa bukod pa sa bahagyang maalon na karagatan na maaaring umabot ang alon sa taas na 2.1 hanggang 4.0 metro sa natitirang bahagi ng Hilagang Luzon.

Bisitahin ang para sa karangdangang mga detalye.

'Citizen Rodrigo Duterte' bumalik ba sa Davao City matapos ang kanyang anim na taong panunungkulan.Makaraan ang Anim na ...
30/06/2022

'Citizen Rodrigo Duterte' bumalik ba sa Davao City matapos ang kanyang anim na taong panunungkulan.

Makaraan ang Anim na Taon, isa na ulit Pribadong Mamamayan si Former President Rodrigo Duterte. Pagkatapos ng pag alis nito sa Malakanyang pabalik sa kanyang hometown sa Davao City. Natapos ni Duterte ang kanyang anim na taong panunungkulan mula June 30, 2016 ng nanumpa ito sa Malakanyang. Pagkasalubong nito kay President Ferdinand Marcos Jr. at matapos din ang pagpirma nito sa guestlist ay pormal na nagtapos ang kanyang termino ng ito ay ginawaran ng huling Military Honors bilang Isang Pangulo. Inaasahan namang magkakaroon ng isang Welcome Home Concert sa Davao City na dadaluhan ng dating pangulo mamayang Gabi.

Former 1st District Camarines Sur Congressman Rolando Andaya Jr., pumanaw ngayong araw sa gulang na 53.Nagsilbi si Anday...
30/06/2022

Former 1st District Camarines Sur Congressman Rolando Andaya Jr., pumanaw ngayong araw sa gulang na 53.

Nagsilbi si Andaya bilang 32nd Majority Floor Leader ng Kamara at ika-9 na Kalihim ng Kagawaran ng Badgyet at Pamamahala. Inanunsyo ng mga kaanak nito na pumanaw na ang dating Kongresista at wala pang nababanggit na sanhi ng kanyang pagpanaw.
"With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father, former member of the House of Representatives, Rolando “Nonoy” G. Andaya, Jr., this morning, June 30, 2022.
We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss.
Thank you very much." ayon kina Ranton at Katrina Andaya.

Photo Courtesy: GMA News
Read: https://www.msn.com/en-ph/news/national/nonoy-andaya-passes-away-at-53/ar-AAZ1iWt?ocid=uxbndlbing

"You will not be disappointed, so do not be afraid. With every difficult decision that I must make, I will give foremost...
30/06/2022

"You will not be disappointed, so do not be afraid. With every difficult decision that I must make, I will give foremost in my heart and in my mind the debt of gratitude that I owe you for the honor and responsibility that you have conferred on me." -Pangulong Marcos Jr sa parte ng kanyang talumpati matapos ang kanyang panunumpa sa harap ng Pambansang Museo.

Nanumpa si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.Photo: RTVM
30/06/2022

Nanumpa si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.
Photo: RTVM

Panunumpa Ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr bilang Ika-17 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, naganap sa eksa...
30/06/2022

Panunumpa Ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr bilang Ika-17 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, naganap sa eksaktong 12 ng tanghali.

Panunumpa ni Pangulong Marcos Jr, naidaos na nga ng matagumpay sa Pambansang Museo kung saan pinangunahan ni Punong Mahistrado Alexander Gesmundo kasama ang First Lady Louise Araneta-Marcos at ang mga anak nito. inaasahang maglalahad ng kanyang Unang Speech si Pangulong Marcos Jr pagkatapos ng kanyang pagpirma sa kontratang kanyang hinangad.
Photo Courtesy:

Military Parade na dinaos para sa pagbati kay President elect Marcos, nagsimula makaraan kanina.Photo Courtesy:  Televis...
30/06/2022

Military Parade na dinaos para sa pagbati kay President elect Marcos, nagsimula makaraan kanina.
Photo Courtesy: Television Malacañang

Dumating na sa Inaugural Grounds sa Pambansang Museo si President Elect Marcos kasama ang Incoming First Lady Louise Ara...
30/06/2022

Dumating na sa Inaugural Grounds sa Pambansang Museo si President Elect Marcos kasama ang Incoming First Lady Louise Araneta-Marcos at ang mga First Children ng Pamilyang Marcos. Dumalo din ang Ina nito na si Former First Lady Imelda Marcos at iba pang mga dating Pangulo ng Pilipinas.
Photo Courtesy: Twitter

Naantala ang Convoy patungo sa Pambansang Museo ni President Elect Marcos sa harapan ng Palasyo ng Malakanyang.
30/06/2022

Naantala ang Convoy patungo sa Pambansang Museo ni President Elect Marcos sa harapan ng Palasyo ng Malakanyang.

Sinalubong at Pumirma si President-Elect Marcos sa Guest List bilang huling bisita ni Pangulong Duterte sa kanyang mga n...
30/06/2022

Sinalubong at Pumirma si President-Elect Marcos sa Guest List bilang huling bisita ni Pangulong Duterte sa kanyang mga nalalabing oras sa termino.

Photo Courtesy: Twitter

President-Elect Ferdinand Romualdez Marcos Jr. , gaganapin ang panunumpa sa posisyon bilang Ika-17 Pangulo ng Pilipinas....
30/06/2022

President-Elect Ferdinand Romualdez Marcos Jr. , gaganapin ang panunumpa sa posisyon bilang Ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Dakong 10:28 nga ng umaga ng dumating at bumaba sa sasakyan si President-Elect Marcos papasok ng Palasyo upang makapulong si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte. Nagkaroon ng pulong ang incoming and outgoing presidents na tumagal ng halos anim na minuto. Pagkatapos nito ay pormal at literal na bumaba si Pangulong Duterte sa palasyo upang magdaos ng Military Honors sa bagong talagang Pangulo ng Pilipinas. Inaasahan namang hindi dadalo ang Pangulong Duterte sa Inagurasyon ni Marcos at lilipad na ito patungong Davao City kung saan magdadaos ng isang konsyerto handog sa kanya. Saksihan pa ang susunod na magaganap sa Inagurasyon ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. makaraan ang mga ilang sandali.

Photo Courtesy: Radio Television Malacañang - RTVM

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Omnis Times posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share