03/08/2021
The Future of AXS Token (Market projection 2022)
After analyzing the situation of the SLP market. Silipin naman natin kung ano nga ba magiging effect ng AXS kapag nag-stay ang value average nya ng 1,500 to 2,500 php sa market.
Sa mga hindi po nakaka-alam lalo na sa bagong pasok sa Axie. Ang AXS token ay ginagamit para makapag breed. Aside sa SLP kailangan mo bumili ng 4pcs AXS Token sa market. Kung ang value nya ay 1,800, kailangan mo gumastos ng 7,200 para lang makapag breed ng isang Axie.
Sa ngayon ang value ng AXS token ay nasa range ng 1,800 to 2,000 php market. Umabot pa yan ng 2,600php at nag low ng 1,700 last week. Ito rin yung dahilan kung bakit maraming breeders ang nag-stop mag breed dahil sa sobrang taas ng value na naka-apekto mismo sa circulating supply ng SLP.
Bakit nga ba maraming naka-hold sa AXS at msyadong mataas ang value nito sa market? Na-mention ko na to sa isang post.
1. Nag labas ng trade event si Binance para sa AXS and SLP market.
"Trade AXS and SLP and Win a Share of $100,000 in AXS Tokens"
Nag-start yan last month - July 28 and mag end na siya today August 3. (Kaya let see if may mag dump sa Binance Market malay natin bumagsak na siya)
2. May ilang DEX service na naglabas ng stake para sa mga holder ng AXS katulad ng nasa "pancakeswap". Makaka-earn sila ng reward kapag nagfarm sila ng token dito using AXS Token.
3. Malapit ng ilabas yung Esports event at AXS token ang gagamitin nila reward dito. Isa ito sa mga nakikita nating malaking factor bakit pinalipad nila yung value ng AXS up to 2,000php average.
Mayroon bang GOOD and BAD impact kung mag-stay yung value sa 2,000 above ang AXS Token? What if lumipad yan ng 3,000plus?
1. Yung first impact na feel na natin since nagstart na mag-pause/stop yung mga normal breeders mag breed lalo na yung mga wala pang budget. Kaya ang SLP hirap na rin maka-akyat sa 14-17php value.
Pero sa ngayon marami pa namang vendor/merchant sa marketplace. Sila yung madalas bumili ng SLP sa community at buyout sa trading market. Kaya nanatili sa 10-11php yung value ng SLP.
Ano naman yung Good impact sa AXS Token?
1. Kung lilipad ang AXS at babalikan nya yung value ng 2,600 high or umabot ng 3,000php. Magiging favor to sa mga Land owners.
Paglabas ng Land Gameplay. Hindi lang sa SLP magkaka-profit mga players. Magkakaroon narin tayo ng profit sa AXS using Land.
Imagine kung may sarili kang Land or makakapasok ka rito para sa farming/harvest ng resources tapos makakuha ka ng 2-3pcs AXS token daily/weekly? Profit agad yan! 🙂
"Kaya wag na kayo magtaka bakit ang mahal ng Land"
Ito rin yung isa sa nakikitang kong reason kung bakit maraming naka hold sa AXS. Tataas lalo yung value nito dahil magkakaroon na sya ng circulating supply sa game.
2. Ang next na kailangan nyong tingnan yung pag labas ng Lunacia SDK Alpha (Release 2022). Isa sa magpapatibay ng economy ng game. Dahil magiging open source na yung land sa mga creators and developers gamit ang tool ng Lunacia SDK.
Pwede ng gumawa ng sariling games ang mga creators gamit ang existing Axie Infinity assets. Maraming developer or small studio and other NFT games na sure makikipag tieup sa game or collaboration tapos ipapasok nila mismo sa Lunacia World.
(In-short para kang nasa carnival namimili ka ng side games or quest sa loob ng world)
Ito rin yung vision ng developer kaya tinawag syang "Infinity" (Endless ibig sabihin lahat ng maisip mo pwedeng mangyari). Lahat ng type of gameplay sa land pwede na nila magawa gamit ang Lunacia SDK. They can host mini-event, tournaments, puzzles, raids, summoning etc. Then pwede sila mag set ng reward such as SLP, AXS or mga rare items na nakukuha sa Lunacia World.
Kaya sa mga nagwowory sa market ng game. Hayaan nyo lang sila. With the upcoming Esports, Land Gameplay and Lunacia SDK. Ngayon mo sabihin kung worth it pa ba mag invest sa Number #1 NFT Game. Cheers! 🙂