10/09/2019
Wooden Mask Tips (Roaming Item)
Purpose: Basically hindi masheshare sayo ang exp / gold kapag kasama mo teammates mo; kapag behind ka na sa gold/exp, ihahabol ng passive ng item na to ang exp at gold mo
[Di ko alam kung lahat na may alam nito, skl]
Tips!
1. Kapag may na AFK/disconnect ka na kakampi at nagreconnect, pabilhin niyo ng wooden mask para makahabol sa exp at gold
2. Kapag support/tank ka at sobrang importante ng Level 4 (3rd Skill) mo para sa early clash (Mino, Kaja, etc.), bilhin mo yun wooden mask kapag level 4 ka na; disadvantage lang nito yung carry/core mo na sinasamahan hindi agad makakapag level 4
3. Kapag naman mas importante na mag level 4 agad ang sinasamahan mong core/carry heroes (Gus, Harith, etc.), bili ka sa simula ng wooden mask then ibenta mo na lang kapag level 4 na yung carry/core para ikaw naman mabilis makapag level 4, then bili ka na lang ulit ng wooden mask kapag level 4 ka na para sa remaining time ng laro; don’t worry kung malulugi ka sa gold dahil binenta mo yung wooden mask, maihahabol naman yung gold mo dahil sa roaming item passive
4. Kapag offlaner ka naman (Haya, Aldous, Guine, etc.) pwede ka bumili ng wooden mask sa early game para dagdag gold per second; pero dapat ikaw lang ang nasa lane para makuha mo pa rin yun exp at gold ng creeps; di advisable to kapag laging bumubisita sa lane mo yung roamer carry niyo; kapag mid at late game na ibenta mo na wooden mask since dapat nagrorotate ka na sa mga oras na to
5. Pwede buong team bumili ng wooden mask, lahat kayong 5 may wooden mask item sa early game. Kapag ang lanes niyo ay 1-2-2 (1-top, 2-mid, 2-bottom), hahabulin ng 2-mid 2-bot lanes ang gold ng nasa lane 1-top lane (mas malaki kasi gold/exp ng nasa 1-top lane, see Tip #4); Pero ang alam ko bawal to sa tourna/liga, hanggang 3 members na lang pwedeng bumili ng wooden mask sa first 3 mins ng laro.
6. Bilhin mo to kapag may ka 1v1 ka sa custom. Bibilis gold mo
ctto Abhel Centeno