TUBIG NA MULA SA SAPA, PINAINOM NG ISANG BIKER SA KAPWA BIKER
PANOORIN: Viral ngayon sa social media ang ‘prank’ ng isang lalaking biker sa kapwa niya biker matapos painumin ng tubig na mula sa sapa.
Sa videong kuha mula sa Masskara Balik Yuhum XC Race nitong Oktubre 2, makikita ang isang lalaki na mabilis na kumuha ng tubig sa sapa habang naghihintay ng mga dumadaang bikers.
Nang dumaan ang babaeng biker, humingi ito ng tubig at agad namang dinala ng lalaki ang tubig na kinuha niya sa sapa.
Bagaman maraming biker na nakapaligid sa kanila, wala ni isang nagbabala sa babae at hinayaan lamang nila itong inumin ang tubig.
Umani ng samu’t saring komento ang naturang video at sa ngayon ay kinondena ng lokal na pamahalaan ang insidente.
“The Committee on Health and Sanitation condemns in the highest form the recent actions made by a certain group of bikers participating in the Masskara Balik Yuhum XC Race day, which was held last October 2, 2022 in the City of Bacolod,” ani City Councilor Kalaw Puentevella.
“The Committee will call the attention of the involved personalities, the proper department involved and conduct a committee conference in aid of legislation, so that matters like this will not be repeated/ tolerated in any form to our constituents,” dagdag niya.
Source: Kalaw Puentevella/Facebook
🎥 Team Flow Bikers
#GoPhilippines #GoNegros #BacolodCity
KAWATAN, HULI SA AKTO NG CCTV
KAWATAN, HULI SA AKTO NG CCTV
PANOORIN: Kuhang kuha sa CCTV footage ang pagtangka ng isang kawatan na magnakaw sa isang 2-storey apartment sa St. Francis Village, Brgy. Taculing, Bacolod City dakong alas-12 ng hatinggabi, Setyembre 24.
Ang kawatan ay makikitang lumusot sa bakod, suot ang kanyang black na t-shirt at blue shorts habang nakasuot ang kanyang face mask.
Ayon naman sa complainant, wala namang ninakaw sa loob ang kawatan ngunit naiwan ang kanyang black na tsinelas sa loob.
Sa kabila nito, magsasampa pa rin ng blotter ang complainant lalo na't marami ring kaso ng pagnanakaw ang naitala sa kanilang lugar.
Source/📷: Aksyon Radyo Bacolod / Facebook
#GoPhilippines
#GoNegros
#BacolodCity
LALAKE, TUMALON MULA SA RORO
LALAKE, TUMALON MULA SA RORO
PANOORIN: Sinagip ang isang lalakeng pasahero matapos tumalon mula sa isang RoRo vessel mula Dumangas patungong Bacolod City ngayong Sabado ng hapon, Setyembre 10, 2022.
Source/📷: Digicast Negros / Facebook
#GoPhilippines
#GoNegros
#BacolodCity
Nananawagan ang mga residente ng Barangay Linao, Kabankalan City
PANOORIN: Nananawagan ang mga residente ng Barangay Linao, Kabankalan City, Negros Occidental sa lokal na pamahalaan kaugnay sa taun-taon nilang problema sa malumot na kalsada.
Dulot ng mga pag-ulan, nangangamba ang mga residente na maaaring pag-mulan ito ng dengue.
Umaasa ang mga residente na mabibigyang pansin ang kanilang problema.
Source/Photos: One Western Visayas
#GoPhilippines #GoNegros #NegrosOccidental
1ST CAR-AOKE VAN IN BACOLOD
1ST CAR-AOKE VAN IN BACOLOD 🚐🎤
PANOORIN: Talagang good vibes ang hatid ni Sir Ariel, ang driver ng kauna-unahang rent-a-van mula Bacolod City na may kasamang karaoke sa loob at may libreng WiFi pa!
Ibinahagi ng Lexplorations PH sa kanilang page ang nakakatuwang experience sa van na ito kung saan pwede kumanta ang mga pasaherong sakay nito sa loob habang lumilibot sa Bacolod City.
Source/📷: Lexplorations PH / Facebook
#GoPhilippines
#GoNegros
#BacolodCity
pagnanakaw ng itlog sa bacolod city
PANOORIN: Huli sa CCTV ang pagtangay ng limang tray ng itlog sa Burgos Public Market sa Bacolod City kaninang umaga, Hulyo 19.
Ayon sa ulat, wala ang bantay sa tindahan para bumili ng almusal.
Dito itinaon ng suspek ang pagnanakaw.
Source/Video: One Western Visayas/FACEBOOK
#GoPhilippines #GoNegros #Bacolod #BacolodCity
Pagsalpok ng ceres bus
PANOORIN: Tatlong indibidwal ang iniulat na nasugatan matapos sumalpok ang isang Ceres Bus sa waiting area ng kanilang terminal sa Dumaguete City pasado alas-12 ng tanghali ngayong araw, Hulyo 5.
Ayon sa ulat, na-trap ang tatlo sa ilalim ng bus, habang ilang bata rin ang nasugatan.
“Padung park ng bus for Bayawan peru na overspeed sa driver. Na daro ag mga tawo galingkod sa waiting area thankfully ag mga bata nakadagan pa peru ag mga laki sa front seat moy wana kalihuk,” ani ng uploader na si Jeka Dela Cerna.
Source: Sunstar Cebu
📷 Jeka Dela Cerna/FACEBOOK
#GoPhilippines #GoNegros #NegrosOriental #Dumaguete
Pamamaril sa Barangay Alijis,Bacolod City
PANOORIN: Kuha sa isang CCTV footage ang pamamaril ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa isang lalaki sa Bangga Metal, Barangay Alijis, Bacolod City kahapon, Hunyo 26.
Kinilala ang biktima na si Kim Ryan Canillo, 31 taong gulang na residente ng Barangay Handumanan.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima nang may sumunod sa kanyang isang lalaki at saka pinagbabaril.
Agad namang tumakas ang suspek kasama ang hindi pa nakikilalang driver ng motorsiklo.
Sugatan si Canillo. Siya ang ika-12 biktima sa magkakasunod na insidente ng pamamaril sa lungsod ngayong buwan.
Source: Glazyl Masculino/MANILA BULLETIN
Video courtesy of Bacolod Police Station 7
#GoPhilippines #GoNegros #Bacolod #BacolodCity
BARBERSHOP WITH A TWIST
BARBERSHOP WITH A TWIST 🎤 💈
PANOORIN: Good vibes ang hatid ng barberya na ito sa Bacolod City dahil tiyak na hindi ka maiinip habang ginugupitan dahil sa kanilang libreng pa-videoke!
Kwento ng pamilya Lozada na may-ari ng barbershop, ito raw ang naisip nilang gimik para hindi antukin ang kanilang mga customer at para maging kakaiba.
Sa halagang P50, hindi ka lang nakapagpagupit kundi nag-enjoy na rin sa pagkanta!
Source/Video: Garry Lozada/FACEBOOK, GMA News
#GoPhilippines #GoNegros #BacolodCity
Itanong Mo Sa Politiko Episode 1 Teaser Guest: Lucy Torres-Gomez