Jowdyt sehvhen

  • Home
  • Jowdyt sehvhen

Jowdyt sehvhen hi mga lods!
(8)

JUDE BACALSO HUMINGI NA NG TAWAD MATAPOS BATIKUSIN NG MGA NETIZENS.Matapos magtrending at batikusin ng mga netizens ang ...
22/07/2024

JUDE BACALSO HUMINGI NA NG TAWAD MATAPOS BATIKUSIN NG MGA NETIZENS.

Matapos magtrending at batikusin ng mga netizens ang writer/editor na si Jude Bacalso dahil sa pagpapatayo nito sa isang waiter ng dalawang oras ay naglabas na ito ng kanyang public apology statement.

Narito ang kanyang post:

"Earlier today, I sat down to quietly settle the matter with the restaurant management, one crew and the store supervisor who were present last night. The waiter I had a disagreement with was not present. After each one of us aired our sides, I am happy to share that we have agreed to pursue together more inclusive practices in the restaurant.

I also realized that in the impassioned pursuit of my advocacy, I could have done with a little measure of kindness, sadly quite absent in the ruckus this has all unnecessarily created when it was made public without our knowledge. I made a personal apology to the group present, and requested if I may do so for the concerned waiter. I am also making it very public with this post, as it has become quite public fodder.

I also want to underscore that the management always had the back of their personnel with constant communication with me on behalf of their employees, who are all treated as family, as I know personally from their history. To quote the supervisor, they served me as best they could even if it was most difficult for them to do so. I would like also to reiterate that I did not demand that the waiter stand for the whole length of time, as I was explaining my side of the gender sensitivity issue, it was he who chose to stand in front of me as we waited for input from management, who I attempted to contact.

My apologies also to the rest of the staff who are disheartened by the way things have escalated, as well as to the customers present at that time. This is a huge chunk of humble pie that I must ingest, because I have erred. May we start here with, as the supervisor pointed out, an uphill path to reconciliation and we hope you will be able to allow us and yourselves to do so unhampered so we may all learn and heal from this."

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens dito.

📷 Jude Bacalso / fb

"PROTECT YOUR EMPLOYEES"Matapos batikusin ng mga netizens ang unang statement ng Ulli's Streets of Asia patungkol sa ins...
22/07/2024

"PROTECT YOUR EMPLOYEES"
Matapos batikusin ng mga netizens ang unang statement ng Ulli's Streets of Asia patungkol sa insidenteng nangyari sa kanilang restaurant, dahil tila umano kinakampihan pa ng nasabing kumpanya ang ginawang pagpaparusa ng customer sa kanilang staff ay muling naglabas ng statement ang Ulli's Streets of Asia.

📷 Ulli's Streets of Asia / fb

"ANG GANDA-GANDA KO PARA TAWAGING "SIR". Ang dapat gawin sa mga waiter na walang "common sense" tanggalin sa trabaho. Pw...
22/07/2024

"ANG GANDA-GANDA KO PARA TAWAGING "SIR". Ang dapat gawin sa mga waiter na walang "common sense" tanggalin sa trabaho. Pwehh!" -Jude Bacalso

"SANA PINAKITAAN MO NG PRUWEBA NA MAGPAPATUNAY NA BABAE KA."Ogie Diaz hindi napigilan magbigay ng komento patungkol sa v...
22/07/2024

"SANA PINAKITAAN MO NG PRUWEBA NA MAGPAPATUNAY NA BABAE KA."

Ogie Diaz hindi napigilan magbigay ng komento patungkol sa viral na insidente ng pagpapatayo ng dalawang oras ng isang transgender sa isang waiter ng dahil lang sa pagtawag nito ng "Sir" sakanya.

"Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo na-achieve na tawagin kang “Ma’am.”

Ganun naman pala na babae ang tingin mo sa sarili mo, eh di sana, pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka talaga bukod sa pagpapakita ng keps.

Katulad kunwari ng birth certificate. Ipakita mo na FEMALE ang nakalagay sa gender mo doon para mas maintindihan ka ng waiter kung saan nanggagaling yung ngitngit mo.

Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng? Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh." bahagi ng post ni Ogie

Tanong pa ni Ogie ay hindi parin ba umano sapat na nanghingi na ng paumanhin ang waiter at bakit kailangan pa niya itong patayuin ng dalawang oras?

"Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao.

Pag ang tao, nag-sorry na, patawarin mo na. Wag mo nang bini-big deal ang isang sitwasyon na ikaw mismo, kaya mong solusyunan, ayaw mo lang.

Wag ka nang maging initials ng asawa ni Regine Velasquez" dagdag pa nito.

📷 Ogie Diaz / facebook

WAITER PINATAYO NG 2 ORAS DAHIL SA PAGTAWAG NG "SIR" SA ISANG CUSTOMER NA TRANSGENDER.Trending ngayon ang post ng isang ...
22/07/2024

WAITER PINATAYO NG 2 ORAS DAHIL SA PAGTAWAG NG "SIR" SA ISANG CUSTOMER NA TRANSGENDER.

Trending ngayon ang post ng isang netizen na si John Calderon patungkol sa nasaksihan niyang insidente kung saan pinatayo ng isang customer ng dalawang oras ang isang waiter dahil lang sa pagtawag nito sakanya ng "Sir".

Narito ang post ni John na isinalin sa tagalog:

"Hello! Ikaw ba ang nagpatayo ng empleyado sa Ulli's Ayala Center Cebu ng dalawang (2) oras dahil tinawag ka ng server mula sa Ulli’s na “Sir”? Napakalinaw ng alaala ko dahil kasama ko ang mommy ko mula 4 PM sa Ayala Center Cebu, pagkatapos bumaba kami sa elevator malapit sa Leylam at nakita namin itong empleyado na parang nagmamartsa mula 6 PM. Akala ko talagang may-ari ka at may pinag-uusapan lang kayo ng empleyado kaya binalewala namin at nagpatuloy sa paglalakad sa Ayala. Hindi ako mapalagay at sinabi ko sa mommy ko na halos 2 oras na nakatayo ang server sa ganitong posisyon at nakaharap kay Jude Bacalso. Kaya ako na ang nakialam at tinanong si Jude kung ano ang nangyari, kung siya ba ay may-ari o kustomer. Sagot ni Jude nang sarkastiko, “Go ask him (tinutukoy ang server) what happened.” Pagkatapos tinanong ko ang server kung ano ang nangyari at sinabi niya, “Natawag ko siyang sir.” pagkatapos dinala ko ang server papunta sa kanilang staff room, at dito na siya humagulgol at nag-panic attack.

Noong mga oras na iyon, may mga kustomer na kumakain at kitang-kita na ang server ay nakatayo ng 2 oras ngunit walang nagtanong kung bakit at ano ang nangyari. Ang iba pang mga empleyado sa Ulli’s ay sinubukan nang konsolohin ang server pero hindi umalis si Jude dahil lang sa nagkamali ang server sa pagtawag sa kanya. Ayon kay Jude, may tanong siya sa server na hindi nasagot at sinabi ni Jude na, “Aw you will be standing there until makatubag ka sa akong pangutana.” Hindi ko alam ang eksaktong tanong pero siguro ito ay may kinalaman sa pronouns at pagkakamali sa gender. Para sa konteksto, nag-sorry na ang server pati na rin ang mga empleyado kay Jude pero hindi pa rin niya pinalis ang server. Walang manager sa Ulli's Ayala Center Cebu at ilang empleyado ang umiyak dahil wala silang magawa.

Kung hindi kami dumating ng mommy ko at hindi kami nakialam, hindi titigil ang pagtayo ng server na nakaharap kay Jude Bacalso. Gusto ko lang itanong—sino ka ba para magpatayo ng tao dahil lang sa pagkakamali na iyon? Wala kang karapatang tratuhin ang mga tao ng ganito dahil sa pagkakamali lang. Maraming tao ang dumaan sa Ulli’s malapit na sa entrance/exit. Kahit sino pa, mahirap o mayaman, wala kang karapatang gawin iyon dahil tao rin sila. Alam mo rin kung saan ka nagsimula, huwag tayong magmataas. Hindi ko lang talaga na-video dahil nakatutok ako sa server na umiiyak.

Bukod pa rito, ikaw ba ay nagsasalita para sa LGBTQ? Para sa simpleng pagkakamali ng server, ganito ba ang gusto mong ipakita? Ako mismo ay bahagi ng LGBT at ikinakahiya kita sa ating komunidad dahil sa pagyurak mo sa karapatan ng tao. Pinapanawagan ko ito at hinihingi kong panagutin ka sa iyong mga aksyon.

Kahit saan tayo magkita, hindi kita aatrasan. Bigla ka na lang nawala kung saan ka nakaupo, dapat nandoon ka para ayusin ito."

📷 John Calderon / fb

"I'M VERY MUCH ALIVE."Matapos kabahan ang mga netizens sa naunang poster ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, ay pinalita...
21/07/2024

"I'M VERY MUCH ALIVE."

Matapos kabahan ang mga netizens sa naunang poster ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, ay pinalitan na nito ng mas makulay ang kanyang poster para sa kanyang darating na concert ngayong August.

"Ano ba Sir kinabahan naman ako hahaha"

"Bat ganyan naman kasi kulay sir Gary. Kinabahan ako ng bahagya."

'hinanap ko agad yung petsa!!!!!" komento ng mga netizens.

"HAHAHHAHA ok everyone…chill. I know you all got scared…but I’m very much alive and very much excited for these two nights of full inspiration with Gabriel Valenciano. I’ll see you there k? 🙏🏽" caption ni Gary V. sakanyang bagong poster.

📷 Gary Valenciano / Facebook

Grabe ang bait talaga ni Barbie Forteza, tumakbo sya kahit nakasuot ng bonggang gown at naka-heels para tulungan si Herl...
21/07/2024

Grabe ang bait talaga ni Barbie Forteza, tumakbo sya kahit nakasuot ng bonggang gown at naka-heels para tulungan si Herlene Budol.

Kita ang pagkagulat ni Barbie ng makita nyang madapa si Herlene Budol. Pero walang pag-aalinlangan na tumakbo ito para tulungan si Herlene. Hindi alintana na nakagown siya at nakasuot ng heels.

BINI COLET SINAGOT ANG ISANG NETIZEN NA NAGSABING HINDI UMANO DAPAT SILA NANG-AASAR BAGKUS AY GUMAWA NG BAGAY PARA MAS M...
21/07/2024

BINI COLET SINAGOT ANG ISANG NETIZEN NA NAGSABING HINDI UMANO DAPAT SILA NANG-AASAR BAGKUS AY GUMAWA NG BAGAY PARA MAS MAHALIN SILA NG TAO.

Netizen: Sa entertainment, hindi ka dapat nang aasar. Dapat do something that people will love you kasi yun ang mabenta. Magkaroon ng mas madaming fans kaysa lalagasan ng fans. They are there because of their fans po. My two-cents.

BINI Colet: two-cents? keep the change

MUKBANG SARDINAS NA MARAMING MAGIC SARAP AT VETSIN.😱Viral ngayon ang content creator na si Encanto Bang. Dahil sa video ...
20/07/2024

MUKBANG SARDINAS NA MARAMING MAGIC SARAP AT VETSIN.😱

Viral ngayon ang content creator na si Encanto Bang. Dahil sa video nito na kumakain ng sardinas na hinaluan ng maraming magic sarap at vetsin. Bukod pa dito ay nilagyan nya rin ito ng wasabi paste, wasabi powder at chili sauce.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens dito, may mga nag-alala para sa kalusugan nito. May mga nagsasabi naman na daya lamang ito.

Si Encanto Bang ay isang mukbangers. At ang mga latest video nya ngayon ay pagtungga ng mga alak. At ang tema ng kanyang mga video ay mukbang without reaction.

🎥 Encanto Bang / Facebook

Kakaiba naman ang trip nitong mukbangers na ito na kumakain ng mga hilaw na pagkain na isinasawsaw lamang sa s**a.😲Pagka...
20/07/2024

Kakaiba naman ang trip nitong mukbangers na ito na kumakain ng mga hilaw na pagkain na isinasawsaw lamang sa s**a.😲

Pagkain naman ng mga hilaw na pagkain ang trip ng vlogger na si Boy Kilaw. Sya ay isang mangingisda na taga Misamis Occidental. Kaya kadalasan sa kanyang minumukbang ay mga seafoods na hilaw na isinasawsaw lamang nito sa s**a.

🎥 Boy Kilaw / Facebook

Matapos magtrending ng BINI dahil sa pagsuot ng facemask, sunglasses at cap sa airport ng Cebu. Heto na sila ngayon papu...
19/07/2024

Matapos magtrending ng BINI dahil sa pagsuot ng facemask, sunglasses at cap sa airport ng Cebu. Heto na sila ngayon papuntang General Santos City para sa kanilang "BINIverse" concert.

"MAY WIG MAN O WALA, MAY NAGMAMAHAL SA'YO❤️" -Vice Ganda
19/07/2024

"MAY WIG MAN O WALA, MAY NAGMAMAHAL SA'YO❤️" -Vice Ganda

VICE GANDA TINANGGAL ANG WIG ON AIR.Lakas loob na tinanggal ni Meme Vice ang kanyang wig upang makapagbigay ng kumpyansa...
19/07/2024

VICE GANDA TINANGGAL ANG WIG ON AIR.

Lakas loob na tinanggal ni Meme Vice ang kanyang wig upang makapagbigay ng kumpyansa sa searchee na si April sa segment ng It's Showtime na Expecially for you.

"Nasa punto na ako na wala akong pake! Meron ng taong mahal na mahal ako kahit wala akong wig."

"Hindi na rin ako affected sa mga pangit na pangit sa'kin pag walang wig. Yung 'naku si kabayo nagtatago lang naman yan sa wig'. Ahh! bahala ka! May wig o wala may nagmamahal dito noh! May wig o wala may tumatanggap dito."

"Bukod kay Ion, mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko. Mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord!" ani Meme at walang kaabog-abog na tinanggal ang kanyang wig.

"Kung makakapagbigay ako sa inyo kahit katiting lang na lakas. Hindi ko ipagdadamot yon para to sa mga taong tulad mo."

"In time, matatanggal nyo din yan. No pressure. In your time. Paghanda na. Diba? Tapos meron kang makakasama sa bahay, sa pagtulog nakayakap sayo, tapos hahalikan yung ulo mo, tapos mag-a-I love you bago matulog." dadag pa nito

🎥 It's Showtime
🎥 Vice Ganda/ fb

PAMILYA NG BABAENG KUMAKALAT NA VIRAL NA GINAH@SA UMANO NG MGA IBANG LAHI, HUMIHINGI NG TULONG NA ITIGIL ANG PAGPAPAKALA...
19/07/2024

PAMILYA NG BABAENG KUMAKALAT NA VIRAL NA GINAH@SA UMANO NG MGA IBANG LAHI, HUMIHINGI NG TULONG NA ITIGIL ANG PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS.

Matatandaang viral nga nito lamang ang isang OFW umano na ginah@sa ng mga ibang lahi. Kalakip nito ay pinakalat ang litrato ng isang babae, na sinasabing ito umano ang OFW na biktima ng panggag@hasa.

Sa pamamagitan ng page ni Storya ni Juan ay humingi ng tulong ang kaanak ng babaeng nasa litrato. Ayon dito ay hindi umano ang babae na nasa litrato ang nasa viral video. Kaya naman hinihiling nito na sana umano ay tigilan na ang pagpapakalat ng litrato ng kanilang kaanak at wag iugnay sa viral video. Dahil ang babaeng nasa litrato umano ay nam@tay sa sakit sa puso at hindi sa panggag@hasa.

Matatandaan na mayroong isang content creator ang unang naglabas ng litrato at iniugnay sa viral video. Sinabi pa ng content creator na ito na kilala nya umano ang babaeng nasa litrato at ito ang nasa viral video. Ngunit ngayon ay tila nagdeactivate na ang content creator na ito.

Samantala marami narin ang gumawa ng content patungkol dito. Sana naman ay makarating sakanila ang panawagan ng kaanak ng namayapang babae sa litrato, upang burahin na nila ang kanilang ginawang video. Respeto naman sana sa namayapa na ginagawan nyo pa ng kwento.😔

Paglilinaw lang na ang viral na babae sa video ay hindi isang OFW. Bagama't hindi sinabi sa report kung ano ang lahi ng babae na biktima, ang babae ay buhay at nakatawag pa sa mga pulis, kaya naman nadakip ang mga gum@hasa dito na mga Bangladeshis.

📷 Storya ni Juan / fb

VICE GANDA NAGREACT SA PAGTAWAG SA KANYA NI MARIS RACAL NG "MAY EDAD NA BEKI."Nagreact si Vice Ganda sa lumang video vlo...
18/07/2024

VICE GANDA NAGREACT SA PAGTAWAG SA KANYA NI MARIS RACAL NG "MAY EDAD NA BEKI."

Nagreact si Vice Ganda sa lumang video vlog nina Maris Racal, Kyo Quijano at Jai Agpangan kung saan tinawag ni Maris na "may edad na beki" si Vice Ganda.

Ang nasabing video ay isang challenge na hawig sa "Jojowain o totropahin." Sa larong ito, pipila sila sa personalidad na nais nila at ipapaliwanag ang dahilan kung bakit. Ang tatlo ay kapwa "Pipilahan" ang sagot kay Vice. At ipinaliwanag ng mga ito kung bakit nila pipilahan si Vice. Puring-puri naman ng tatlo si Vice Ganda.

"Feeling ko ang ganda nyang maging ate. Gusto ko may Vice Ganda o atleast sya sa buhay ko. Feeling ko kasi iga-guide nya ko kung ano mang problema ko. Iba talaga kapag ano noh? Kapag may edad na na beki. Parang iba yung growth nya." saad ni Maris.

Ang video ay inupload pa taong 2022, ngunit tila ngayon lamang ito napanood ni Vice Ganda. Kaya marahil ngayon lamang ito nakapagreact. Sa kanyang X account ay shinare ni Vice ang nasabing video at tinag pa nito si Maris.

"Hoyyyy talaga ba ????? “MAY EDAD NA NA BEKI?!!!!”!!!! Talaga lang ha!!!!!" caption ni Vice sa kanyang post.

TARA PARESHABU TAYO!😆😋Nakatikim ka na ba ng pares na may shabu-shabu? Kung hindi pa ay dalawin na ang ating mga kakosa s...
18/07/2024

TARA PARESHABU TAYO!😆😋

Nakatikim ka na ba ng pares na may shabu-shabu? Kung hindi pa ay dalawin na ang ating mga kakosa sa Pareshabu na matatagpuan sa Silang, Cavite.

Sa halagang 120 pesos ay mayroon ka ng pareshabu overload na may kasamang unli rice at softdrinks na rin. Bukod dito ay mayroon din silang ibang pagkain na siniserve.

Ang Pareshabu ay kulungan inspired, kung saan ang mga nagseserve dito ay nakasuot ng kulay orange na t-shirt na may P or peso sign sa likod. Nang minsang break time ng mga ito ay natakot ang mga tao ng makita ang mga ito na namimili sa isang grocery store dahil napagkamalan ang mga ito na takas na preso.😆

Bukas sila mula 12pm-10pm.

🎥 Ewic Mukbang / fb
🎥 Saan Aabot PH / fb

DIWATA MULING NAKIPAGTALO SA MGA NAGKI-CLEARING SA KANYANG PWESTO SA PASAY.Muli nanaman nakipagtalo si Diwata sa MMDA na...
18/07/2024

DIWATA MULING NAKIPAGTALO SA MGA NAGKI-CLEARING SA KANYANG PWESTO SA PASAY.

Muli nanaman nakipagtalo si Diwata sa MMDA na nagki-clearing sa kanyang paresan sa Pasay. Muling iginiit ni Diwata na lagi na lang siya ang pinag-iinitan ng mga ito. Sagot naman ng MMDA ay hindi umano sila namimili ng kanilang sisitahin.

"Hindi po kami pwedeng mamili sainyo. Alam mo Diwata, kami ang pakinggan mo. Eto hindi mo 'to pag-aari. Ang laki ng signages natin. Ano ibigsabihin nito? (sabay turo sa signage na 'No Parking') Dapat model ka, dapat ikaw mismo magsasabi sa mga customer mo "Oh, bawal tayo dyan. Doon tayo sa loob." dapat ganon!" saad ng babaeng MMDA.

Ngunit iginigiit ni Diwata na sya lamang umano talaga ang pinag-iinitan ng mga ito at mayroon umano siyang mga video bilang ebidensya. Sagot naman ng babaeng MMDA ay sino ba siya para pag-initan nila?

Ayon pa kay Diwata ay gusto nya lamang umano na maging patas. Na lahat umano ay sitahin at hindi lamang ang kanyang paresan.



🎥 Art TV / fb

ANAK NI VIC SOTTO NA SI PAULINA INANUNSYO NA SINGLE MOM NA SIYA NGAYON.Kinumpirma ni Paulina Sotto-Llanes na anak ni bos...
18/07/2024

ANAK NI VIC SOTTO NA SI PAULINA INANUNSYO NA SINGLE MOM NA SIYA NGAYON.

Kinumpirma ni Paulina Sotto-Llanes na anak ni bossing Vic Sotto na hiwalay na siya sa kanyang asawa.

Ibinahagi ni Paulina sa kanyang Instagram post ang isang larawan kasama ang kanyang anak na si Sachi at nilagyan ito ng mensahe patungkol sa panibagong yugto ng kanyang buhay.

“Navigating a new life chapter as a single mom. It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on. Thankful for what the past 10 years have given me- my beautiful daughter. Now on to better things” caption nito.

Ikinasal si Paulina at ang kanyang asawang si Jed Llanes taong 2017. Isinalarawan noon ni Paulina ang kanyang sarili bilang conservative at ginusto nitong magpakasal muna bago bumuo ng pamilya. Matatandaan na isa si Paulina sa mga sumisisi noon sa social media kung bakit tumataas ang kaso ng mga hiwalayan.

“With social media, yeah, it’s great for marketing and business. But I always say social media is so toxic. It is so toxic and evil. It is so much easier to stray, you know what I mean? It’s terrible, it’s terrible! That’s why there are so many people separating, they’re divorcing”

“They don’t even have divorce in this country, but there are so many couples that separated and dating other people. So, I think that’s the biggest difference. It’s so hard to sustain a marriage.” caption nito sa kanyang post taong 2019.

Trending ngayon ang WHEEL CHAIR RAMP sa bagong istasyon ng Edsa Busway sa Quezon City dahil sa sobrang tarik nito. Tinaw...
18/07/2024

Trending ngayon ang WHEEL CHAIR RAMP sa bagong istasyon ng Edsa Busway sa Quezon City dahil sa sobrang tarik nito. Tinawag pa ito ng mga netizens na "WHEELCHAIR RAMP OF DEATH."

Ayon naman sa MMDA hindi man perpekto ang pagkakagawa nito, ay malaking tulong parin umano ito sa mga senior citizens, buntis at PWD.

STAR MAGIC NAGLABAS NA NG STATEMENT PATUNGKOL SA PAG-ALIS NI IVANA SA FPJ'S BATANG QUIAPO.Pinasinungalingan ng Star Magi...
17/07/2024

STAR MAGIC NAGLABAS NA NG STATEMENT PATUNGKOL SA PAG-ALIS NI IVANA SA FPJ'S BATANG QUIAPO.

Pinasinungalingan ng Star Magic ang kumakalat na issue na ma-atittude umano si Ivana Alawi kaya ito natanggal sa Batang Quiapo. Naglabas na ng pahayag ang Star Magic patungkol sa pag-alis ni Ivana Alawi sa Batang Quiapo.

"Nais ipaalam ng Star Magic na walang katotohanan ang mga bali-balitang lumabas tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJ's Batang Quiapo."

"Magmula nang maging parte si Ivana ng serye, mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa karakter ni Ivana na si Bubbles at ang tambalan nila ni Coco Martin kaya naman naging daan ito para humaba ang kanyang pananatili sa serye ng higit sa napagkasunduang tatlong buwan."

"Nagpapasalamat kami sa dedikasyon, pagmamahal at masayang samahan na ipinamalas ni Ivana sa kanyang mga katrabaho, at sa pagbibigay serbisyo sa mga manonood.

"Lubos din ang pasasalamat namin kay Coco at lahat ng bumubuo ng 'Batang Quiapo' sa oportunidad na ibinigay kay Ivana na maging bahagi ng nangungunang teleserye."

"Salamat sa inyong pag-unawa at suporta."

📷 Star Magic

BLOOMS OR MGA BINI FANS UMALMA SA PAGPUNA NG MGA NETIZENS SA PAGSUOT NG FACEMASK NG KANILANG IDOLO.Ayon sa mga blooms ay...
17/07/2024

BLOOMS OR MGA BINI FANS UMALMA SA PAGPUNA NG MGA NETIZENS SA PAGSUOT NG FACEMASK NG KANILANG IDOLO.

Ayon sa mga blooms ay noon pa man ginagawa na ito ng PPop Group na BINI. Narito naman ang paliwanag ng ilang Blooms;

"Please stop spreading hatred to these girls wala kayong alam sa situation. Utos ng Management yan to wear mask for health reasons because they can’t afford to get sick kasi ang dami nilang ganap. Please do some research naman you can’t just jump into conclusion without knowing the facts."

"Marami instances n dinudumog cla Ng fans"

"wala pa silang makeup..ang puyat nakakalaki ng eyebags at pagod everyday shows nakakahaggard.. ayaw lang nila makita cguro na ganun.. wag nega.. love our own, love bini🥰🥰"

"Management ang may gusto nyan. Who knows meron silang urgent gigs or projects to attend to and they don't have enough time to entertain the fans. Less crowd less hassle. Easy as that."

Ang dami ko ng na-block, pero ang dami parin nila.😩
17/07/2024

Ang dami ko ng na-block, pero ang dami parin nila.😩

AWAY NG DALAWANG TUTA PINANOOD NG MGA MANOK. 😆Nakakita na ba kayo ng sabungan na ang mga manok ang nanonood?Kinaaliwan n...
17/07/2024

AWAY NG DALAWANG TUTA PINANOOD NG MGA MANOK. 😆

Nakakita na ba kayo ng sabungan na ang mga manok ang nanonood?

Kinaaliwan ng mga netizens ang video kung saan makikitang nag-aaway ang dalawang tuta sa loob ng tray ng pagkain sa isang chicken house habang napapalibutan ng mga manok.

Mistula kasing nasa sabungan ang eksena ngunit ang mga manonood ay ang mga manok.😆

🎥 / X

PROUD NA NIR@PE ANG KANYANG ANAK NG KINKASAMA NYA?!😱 OMG ANONG KLASENG NANAY TO? 😤😡🤬Dahil lang sa pera OMG nakakanginig ...
16/07/2024

PROUD NA NIR@PE ANG KANYANG ANAK NG KINKASAMA NYA?!😱 OMG ANONG KLASENG NANAY TO? 😤😡🤬

Dahil lang sa pera OMG nakakanginig ka ng laman😤🤬 pinost mo pa talaga yung picture ng anak mo🤬 Sana makulong tong bwis!t na to🤬

Sais lang ang kopiko🤭🤣
16/07/2024

Sais lang ang kopiko🤭🤣

"I WANT TO MAKE IT CLEAR THAT I AM NO IN A RELATIONSHIP WITH LILY HALLMAN."John Estrada nagsalita na patungkol na kumaka...
16/07/2024

"I WANT TO MAKE IT CLEAR THAT I AM NO IN A RELATIONSHIP WITH LILY HALLMAN."

John Estrada nagsalita na patungkol na kumakalat na issue.

"AKALA KO SI MOTHER ANG KASALI"Viral ang video kung saan makikita ang isang stage mom na todo ang hataw habang nasa stag...
16/07/2024

"AKALA KO SI MOTHER ANG KASALI"

Viral ang video kung saan makikita ang isang stage mom na todo ang hataw habang nasa stage ang kanyang anak na sumali sa SM Little Stars 2024.

Kuha ito ng content creator na si RB Ongpauco Balinado III!

"Akala ko si mother 'yung kasali eh!" 🤣 caption ni RB

Naaliw naman ang mga netizens sa video.

🎥 RB Ongpauco Blinado III / fb

TRENDING BINI TODO TAKIP NG MUKHA. DINAIG PA UMANO ANG MGA HOLLYWOOD STARS.Napansin ng mga netizens na todo ang takip ng...
16/07/2024

TRENDING BINI TODO TAKIP NG MUKHA. DINAIG PA UMANO ANG MGA HOLLYWOOD STARS.

Napansin ng mga netizens na todo ang takip ng mukha ng BINI ng sila ay nasa airport. Dinaig pa umano ng mga ito ang mga sikat na celebrity sa Pilipinas, maging ang mga Hollywood stars.

Komento ng ilang mga netizens "Sino ba yang mga yan?"

ESTUDYANTENG KADETE NAGSEND NG THUMBS UP EMOJI SA GROUP CHAT P*TAY MATAPOS PARUSAHAN NG KANYANG SENIOR CADET.P*tay ang 1...
15/07/2024

ESTUDYANTENG KADETE NAGSEND NG THUMBS UP EMOJI SA GROUP CHAT P*TAY MATAPOS PARUSAHAN NG KANYANG SENIOR CADET.

P*tay ang 19 years old student ng isang maritime academy sa Calamba, Laguna matapos na parusahan ito ng kanyang senior cadet dahil nagsend ito ng thumbs-up emoji sa kanilang group chat.

Ayon sa report ng Calabarzon Police Regional Office, tatlumpung minuto matapos na makakain ng hapunan nitong Lunes, July 8 ipinag-utos ng isang senior cadet na magsagawa ng exercise ang 19 year old na estudyante bilang parusa sa aksidente nitong pagpapadala ng thumbs-up emoji sa group chat ng corps ng mga kadete.

“Yung pagka-thumbs up, maybe hindi nagustuhan ng senior class, ‘thumbs up’ instead of answering ng formal na ‘okay,’” ayon kay Titoy Cuden, OIC ng Calamba City Police Station.

Dahil sa offense umano na nagawa ng estudyante ay pinarusahan ito ng kanyang senior. Ngunit sa kalagitnaan ng exercise, nakaramdam ng kahirapan sa paghinga ang estudyante at bigla itong hinimatay.

Agad naman itong dinala sa malapit na hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang senior cadet na nagbigay ng parusa sa biktima.

Samantala hindi naman kumbinsido ang mga magulang ng biktima na dahil lamang sa pag-eehersisyo ang ikinamatay ng kanilang anak dahil wala umanong kahit anong sakit ang biktima.

"Hindi ako maniwala kung exercise lang. Exercise, ikamamatay? Kung nakita niyo itsura ng anak ko sa video ko, sa picture ko, kung exercise lang… saan ang [sinabing] iingatan? ‘Wag mag-alala mga magulang at mga anak ninyo dito iingatan,” saad ng ina ng biktima.

Hahaha kulit ni Zeinab 😆Trending ang latest vlog ni Alex Gonzaga kung saan pinrank nila ang fiance ni Zeinab Harake na s...
15/07/2024

Hahaha kulit ni Zeinab 😆

Trending ang latest vlog ni Alex Gonzaga kung saan pinrank nila ang fiance ni Zeinab Harake na si Ray Parks.

Kasabwat dito si Zeinab na ginalingan ang pag-arte at muntik ng makalimutan na kasabwat pala sya.😆 Dahil nadala ito sakanyang emosyon.

Success naman ang kanilang prank at ayon sa mga netizens ay green flag talaga si Ray

🎥 Alex Gonzaga Official / Youtube

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jowdyt sehvhen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share