11/06/2023
Tayong mga nanay pagod tayo sa araw-araw. Sa trabaho, sa mga gawaing bahay at higit sa lahat sa pag-aalaga, pag-iintindi, pag-aasikaso at pagaayos ng lahat ng kalat ng mga junakis natin. Minsan nakakaiyak na lang talaga. Yung pakiramdam na wala ng katapusan ang araw-araw na gawain. In short, wala tayong pahinga kundi tulog!
Pero aminin natin, ang mga junakis rin natin ang nagpapatanggal ng pagod at stress natin sa araw-araw! ♥️
SARAP MAGING NANAY! NAKAKAPAGOD PERO SULIT! PUNONG PUNO NG PAGMAMAHAL! 💕
Kaya ikaw, Ienjoy mo ang pagiging nanay dahil yan ang pinakamasarap na propesyon nating mga ina! Kahit napapagod ka Ienjoy mo lang habang "MOMMY", "MA", "INAY", "NANAY", ang lagi nilang sambit sa araw-araw o oras-oras man. Pahalagahan mo ang bawat oras na magkasama kayo. Dahil sa isang iglap hindi mo mamamalayan na ang batang lagi kang hanap, may sariling buhay na at hindi na sayo umiikot ang mundo nya.
Buhay Nanay 🖤