21/07/2021
"I was also born tongue-tied."
Sa mga hindi po nakaka alam, ang tongue-tie po ay isang condition kung saan nakadikit ang dila sa gilagid at according po sa Science, ang mga tongue-tied ay either may difficulty sa pagsasalita or hindi nakakapagsalita at all.
For almost three weeks, nagkaron ako ng problem sa speech. Namaga ang gums ko at kinailangan kong mag undergo ng minor oral surgery. Mabilis lang naman ang naging surgery pati na ang naging proseso ng pagheal ng gums ko, pero ang challenging at nagkaron talaga ng phase ay ang pagrecover ng speech ko. Antagal kong hindi nakapag salita nang maayos at ang pinaka challenging, naapektuhan ang pronunciation at enunciation ko. Very challenging siya for me dahil una, bilang isang (language) teacher, mahalaga na maayos ang pagsasalita ko; ikalawa, kabilang ako sa radio ministry at may mga meetings na ina-attend-an; at ikatlo, makakaasa po kayong madaldal at maingay po talaga ako. 😅
Sa tatlong linggo po na halos hindi ako makapag salita nang maayos, dito ko tunay na naunawaan ang himala na ginawa ng Panginoon sa buhay ko na kahit na ipinanganak akong tongue-tied ay wala akong naging problema sa speech ko. Indeed, EVERY WAKING DAY IS A TESTIMONY OF GOD'S GRACE AND MIRACLE IN MY LIFE.
Why am I sharing this?
As I celebrate my 17th spiritual birthday today, gusto ko po kayong i-bless at i-encourage na patuloy nating ipagkatiwala sa Panginoon ang kung ano po ang meron tayo. Let us continue to allow Him to work not only in our strengths but also and more importantly in our weaknesses and limitations. 😊
2 Corinthians 12:9-10 NLT
“Each time He said, “My grace is all you need. My power works best in weakness.” So now I am glad to boast about my weaknesses, so that the power of Christ can work through me. That’s why I take pleasure in my weaknesses, and in the insults, hardships, persecutions, and troubles that I suffer for Christ. For when I am weak, then I am strong.”
To God alone be the glory! 🥰💖
Edit: Salamat po sa mga nagreach out. 💛 Kung interesado po kayong malaman ang buong istorya ko, mag-message lang po kayo and I'll connect with you po 🙂 Pwede nyo din po akong i-invite as a speaker sa mga online fellowships nyo, it's an honor po na makapagbigay encouragement at inspirasyon po sa inyo. "Not to us, Lord, not to us but to Your name be the glory, because of Your love and faithfulness." (Psalm 115:1)