GO Taguig

GO Taguig Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GO Taguig, Media/News Company, .

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time ...
23/08/2024

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓

TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time Gold Medalist Carlos Yulo ang brand new SUV na Cherry Tiggo 7 Pro para sa kanyang tagumpay na ibinigay sa bansa noong nagdaang Paris Olympics 2024.

Ang nasabing Sports Utility Vehicle (SUV) ay nagkakahalaga ng ₱1,250,000.

Matatandaang binigyan din si Yulo ng Toyota Philippines ng Toyota Land Cruiser Prado.

📸/Source: Cherry Auto Philippines

Isang 11-buwang gulang na sanggol ang nasawi matapos itong takpan ng unan at upuan ng ama sa Taguig City. Naghiganti uma...
02/08/2024

Isang 11-buwang gulang na sanggol ang nasawi matapos itong takpan ng unan at upuan ng ama sa Taguig City. Naghiganti umano ang suspek sa nanay ng biktima kaya ito nagawa.

Ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na nagtalo ang mag-asawa na nauwi sa sakitan, kaya't nagpasyang umalis muna ang ina ng bata.

"Nag-text itong lalaki doon sa babae na 'Kapag hindi ka bumalik, papatayin ko itong bata,'" ayon kay Police Major Cherrylyn Agtarap, PIO ng Taguig Police Station.

Lumipas ang ilang oras, nalaman na lang ng nanay na wala ng buhay ang bunsong anak nito.

"Ang nangyari, tinakpan niya (suspek) ng unan. After niya takpan ng unan, inupuan niya pa 'yung bata hanggang sa mamatay," saad ni Agtarap.

Matapos maisagawa ang krimen, ang lalaki ay nagpakamatay din.

Ayon sa kapatid ng suspek, nakulong na noon ang kanyang kuya dahil sa ilegal na droga. Habang nakakulong ito, nagkaroon ng ibang karelasyon ang ina ng bata at tumuloy pa ito sa kanilang bahay.

Tumangging magpa-interview ang ina ng bata, at itinanggi ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi pa nito na ilang beses nang nagbanta ang lalaki na papatayin ang kanilang anak, ngunit hindi niya ito sineryoso dahil hindi niya akalaing kaya nitong gawin iyon.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung gumamit ng ilegal na droga ang lalaki bago naganap ang insidente. Ayon sa barangay, nasa drug watchlist na ang suspek.

Source/📷: GMA News



PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭
24/07/2024

PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭

SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYONBASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdin...
02/07/2024

SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYON

BASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Sen. Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at magiging epektibo ang bagong liderato sa darating na ika-19 ng July.

Source: Presidential Communications Office

Explore the intricate process of art creation, immerse yourself in stunning visuals, and deepen your appreciation for th...
29/06/2024

Explore the intricate process of art creation, immerse yourself in stunning visuals, and deepen your appreciation for this captivating form of storytelling.

Plan a visit to the Korean Cultural Center until August 10, Tuesday - Saturday, to experience it firsthand.

📍 Groundspace Gallery, The M, BGC, Taguig City
📷: Oppa is Life/Facebook



MGA RESIDENTE NG 10 BARANGAY SA TAGUIG, HINDI PA MAAARING MAKABOTO NG KANILANG KINATAWAN SA DARATING NA HALALAN SA 2025A...
27/06/2024

MGA RESIDENTE NG 10 BARANGAY SA TAGUIG, HINDI PA MAAARING MAKABOTO NG KANILANG KINATAWAN SA DARATING NA HALALAN SA 2025

Ayon sa Commission on Election (COMELEC), hindi pa maaaring makapaghalal ng kanilang napupusuang kinatawan sa Kongreso sa darating na Halalan 2025 ang mga residente ng Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside at Southside.

Hindi pa makakaboto ng Kinatawan ang nasabing sampung (10) Barangay dahil wala pang naisasabatas na panibagong distrito sa Taguig para sa mga dating Barangay ng lungsod ng Makati ngunit maaari naman silang maghalal ng Mayor, Vice Mayor at Konseho ng lungsod sa halalan.

Source: Manila Standard

INIHAIN NA REKLAMO LABAN SA MOTORISTANG NAG VIRAL KAMAKAILAN, IBINASURA NG KORTEBASAHIN: Ibinasura ng korte ang inihaing...
27/06/2024

INIHAIN NA REKLAMO LABAN SA MOTORISTANG NAG VIRAL KAMAKAILAN, IBINASURA NG KORTE

BASAHIN: Ibinasura ng korte ang inihaing reklamo ng truck driver sa isang motoristang nag viral sa social media matapos na puwersahang pangungumpiska nito ng lisensya noong nakaraang taon.

Sa isang panayam, inamin ng motoristang nagmamaneho ng SUV na mali ang kanyang inasal ngunit nanindigan pa rin itong muntikan na silang madisgrasya ng kanyang mag-anak dahil sa pangangain ng linya ng nagreklamong truck driver at mariin niyang itinanggi na bubunot siya ng baril para tutukan ang nakaalitang kapwa motorista.

Samantala, ikinukunsidera niyang maghain ng reklamo laban sa truck driver dahil sa insidenteng nangyari sa kanila sa lungsod ng Taguig.

Source: GMA Integrated News

TRAK NA NAWALAN NG PRENO SA C-5 MCKINLEY, NAGDULOT NG KARAMBOLA AT MATINDING TRAPIKOBASAHIN: Ayon sa ulat ng Metropolita...
27/06/2024

TRAK NA NAWALAN NG PRENO SA C-5 MCKINLEY, NAGDULOT NG KARAMBOLA AT MATINDING TRAPIKO

BASAHIN: Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng preno ang isang trak sa C-5 McKinley Intersection SB kaya naman naaaro nito ang labindalawang sasakyan at nagdulot ng matinding trapiko noong Martes.

Kabilang sa labindalawang naapektuhan na mga sasakyan ay ang mga Van at SUV.

Mabilis namang rumespunde ang mga MMDA Traffic Enforcers upang mapangasiwaan ang trapiko at dumating din ang Road Emergency Group upang malapatan ng paunang lunas ang mga sugatan sa nangyaring insidente.

Source: , X

DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa is...
25/06/2024

DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭

BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview ang pagtakbo sa Senado ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang dalawang kapatid na sina Rep. Pulong Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa darating na Halalan 2025.

“Yes, tatlo ang Duterte next year for Senator" pag kumpirma ni VP Inday sa pagtakbo sa Senado ng kanyang ama at mga kapatid.

Sa hiwalay na ulat, nauna nang naghayag na na tatakbo muli sa darating na halalan ang kaalyado ni Former President Duterte na sina Sen. Christopher B**g Go at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa bilang kinatawan ng Mindanao sa Senado.

Inaasahan na ang alyansang ito ang magiging oposisyon ng Administrasyon at ipagpapatuloy ang nasimulang adhikain na sugpuin ang kriminalidad at iba pang programa ng nakaraang administrasyon.

HIGH VALUE MEMBER NG ISANG DRUG SYNDICATE, ARESTADO SA BICUTANBASAHIN: Nahuli ng Taguig City Police ang isa sa high valu...
25/06/2024

HIGH VALUE MEMBER NG ISANG DRUG SYNDICATE, ARESTADO SA BICUTAN

BASAHIN: Nahuli ng Taguig City Police ang isa sa high value member ng Tinga Drug Syndicate sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Lower Bicutan noong nakaraang Martes, ika-18 ng Hunyo.

Narekober sa operasyon ang walong sachet ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱360, 400.

Ang suspek ay kinilalang si Joel Tinga na hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo noong taong 2016.

BINI RUN 2024 👟LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila to...
23/06/2024

BINI RUN 2024 👟

LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila today, June 23.

📸: ABS-CBN News

20/06/2024

PANOORIN: Pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard sa tropa ng Philippine Coast Guard sa Ayunging Shoal, naaktuhan.

Video Courtesy: , X

11/06/2024

PANOORIN: Drone shot ng bagong gusali ng Senado na itinatayo sa Fort Bonifacio, Taguig.

Noong Lunes, ayon sa bagong naluklok na Senate President na si Francis Escudero, nagulat umano ito na ang halaga ng kanilang bagong headquarters ay umakyat sa P23 bilyon mula sa orihinal na P8.9 bilyon. Agad naman niyang ipinasuri ang proyekto.

📹: Drone shot via Brian Pimentel, ABS-CBN News



TINGNAN: Magtatanghal sa "What's Wrong With Secretary Kim" Fanmily Day sina Angela Ken, BGYO, at ang Korean singer-actor...
10/06/2024

TINGNAN: Magtatanghal sa "What's Wrong With Secretary Kim" Fanmily Day sina Angela Ken, BGYO, at ang Korean singer-actor na si Kim Won Shik sa darating na Hunyo 15 sa Market! Market!, Taguig City.

Source/📷: ABS-CBN News



TINGNAN: Ang "The First Omen" na sequel ng 70's hit movie na "The Omen" ay nagsagawa ng special premier sa isang mall sa...
05/04/2024

TINGNAN: Ang "The First Omen" na sequel ng 70's hit movie na "The Omen" ay nagsagawa ng special premier sa isang mall sa Taguig City.

Source/📷: News5



12/03/2024

PANOORIN: Dalawang traffic enforcer ang nakipagsagupaan sa isang jeepney driver na nag-counterflow umano sa Taguig City kamakailan.

Source: ABS-CBN News
📹: Carlos Miguel



TINGNAN: Tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Southern Police District sa isinagawang b...
15/02/2024

TINGNAN: Tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Southern Police District sa isinagawang buy-bust ops kamakailan sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Arestado naman ang apat na indibidwal kabilang na ang isang High-Value Individual (HVI).

Source: ABS-CBN News
📷: SPD

TINGNAN: Ibinahagi sa publiko ni Mayor Lani Cayetano ang "Love at the Park" sa TLC Village ng Taguig kung saan maaaring ...
12/02/2024

TINGNAN: Ibinahagi sa publiko ni Mayor Lani Cayetano ang "Love at the Park" sa TLC Village ng Taguig kung saan maaaring isagawa ng mga Taguigeño ang selebrasyon ng kanilang Valentine's Day.

Mula sa mga retro nights hanggang sa mga screening ng pelikula at mga live na konsiyerto na tampok sina Davey Langit, Nina, at Freestyle.

Ang "Love at the Park" na ito ay may isang linggong pagdiriwang ng pag-ibig.

Itatampok din sa pagdiriwang ang mga love lock, poetry slam, at higit pa mula Pebrero 10–18, 2024.

Source/📷: ABS-CBN News

TINGNAN: Isang kakaibang karanasan ang multi-sensory na "Monet and Friends Alive" na kung saan bida si Claude Monet at i...
31/01/2024

TINGNAN: Isang kakaibang karanasan ang multi-sensory na "Monet and Friends Alive" na kung saan bida si Claude Monet at iba pang mga artista ng panahon ng Impresyonista na matatagpuan sa BGC Arts Center sa Taguig simula Enero 31, na may dalawang oras na slots mula Martes hanggang Linggo.

Bukod sa nakaka-engganyong gallery, ang "Monet and Friends Alive" ay mayroon ding introduction hall kung saan matututo ang mga bisita tungkol sa mga itinatampok na artist, isang art studio, at mga photo spot na may temang pagkatapos ng Monet's Garden at Japanese Footbridge.

Source/📷: ABS-CBN News

TINGNAN: Sa isang store ng damit sa isang Mall sa Taguig, namataan ang isang itim na pusa na nasa komportableng posisyon...
15/01/2024

TINGNAN: Sa isang store ng damit sa isang Mall sa Taguig, namataan ang isang itim na pusa na nasa komportableng posisyon habang natutulog.

Alaga umano ng naturang mall ang pusa, kaya hindi basta ito maitataboy, saad ng tindero.

Source/📷: ABS-CBN News

URBAN FARM SA BGC 🍃TINGNAN: Mahalina sa payapang kaaligiran sa BGC Community Garden na matatagpuan sa Taguig City.Layon ...
12/01/2024

URBAN FARM SA BGC 🍃

TINGNAN: Mahalina sa payapang kaaligiran sa BGC Community Garden na matatagpuan sa Taguig City.

Layon ng grupong nasa likod nito ay isulong ang mga sustainable practices para sa younger generation.

Source/📷: ABS-CBN News

06/01/2024

ROAD RAGE SA TAGUIG, HULI SA CCTV

PANOORIN: Kuha sa CCTV ang isang road rage na naganap sa McKinley Road sa Taguig City nitong Biyernes, Enero 5.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Taguig Police, binabaybay ng taxi drayber ang McKinley Road at papunta sa shopping mall nang masingitan ito at ma-cut ang lane ng drayber ng Fortuner na umano'y isang government employee.

Makikita rin sa video na matapos maibaba ng taxi driver ang pasahero ay bumaba rin ang drayber ng Fortuner upang komprotahin siya.

Nagkainitan ang dalawa at sinuntok ng lalaking suspek ang taxi driver, dahilan upang mamaga at kinakailangang ipa-check up ang kaliwang mata nito.

Video Courtesy: Taguig City Police via ABS-CBN News

WALL STORIES 🌿🍃Discover the newest mural of BGC Arts Center! 👀✨📍 The City Flats and Urban Farm, 5th Ave. Cor. 34th Stree...
22/12/2023

WALL STORIES 🌿🍃

Discover the newest mural of BGC Arts Center! 👀✨

📍 The City Flats and Urban Farm, 5th Ave. Cor. 34th Street
📷: BGC/Facebook

TINGNAN: Nagbigay pugay si AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr., sa mga nasawing sundalo sa isinagawang Wreath...
15/12/2023

TINGNAN: Nagbigay pugay si AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr., sa mga nasawing sundalo sa isinagawang Wreath-laying Ceremony nitong Biyernes, Disyembre 15 sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig City.

Kasama rin sa seremonya ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo, iba pang kumander ng militar, at mga kadete ng ROTC.

Source/📷: PAOAFP, AFPAO via ABS-CBN News

Spend the warmth and cheer of Christmas with your loved ones at TLC Park in Taguig City! 🫶✨Photos: Whr t g?/Facebook    ...
05/12/2023

Spend the warmth and cheer of Christmas with your loved ones at TLC Park in Taguig City! 🫶✨

Photos: Whr t g?/Facebook

https://www.gophilippines.com/2023/12/01/magkasintahan-sa-batangas-viral-dahil-sa-pangmalakasang-regalo-nila-sa-kanilang...
01/12/2023

https://www.gophilippines.com/2023/12/01/magkasintahan-sa-batangas-viral-dahil-sa-pangmalakasang-regalo-nila-sa-kanilang-mga-ninong-at-ninang/

Viral Ngayon sa social media ang couple na sina Jaypee at Michelle dahil sa pangamalakasang “sabit” nito sa kanilang mga ninong at ninang.

Viral Ngayon sa social media ang couple na sina Jaypee at Michelle dahil sa pangamalakasang “sabit” nito sa kanilang mga ninong at ninang. Sa mga litraato, makikita ang malalaking basket ng mga regalo, cakes, mga karneng baboy, at may mga buhay na kambing pa! Ang “sabit” o dulot ay isang tra...

TINGNAN: Sa paggunita ng National Sardines Day sa Taguig City, masayang nakiisa ang Filipino actress at film producer na...
26/11/2023

TINGNAN: Sa paggunita ng National Sardines Day sa Taguig City, masayang nakiisa ang Filipino actress at film producer na si Judy Ann Santos-Agoncillo upang ibahagi ang ilang mga recipe at mommy tips.

Source/📷: ABS-CBN News

SHINING, SHIMMERING CHRISTMAS TREE 🎄✨❤️TINGNAN:  Isang 40-foot Christmas tree na pinalamutian ng mga handcrafted ornamen...
26/11/2023

SHINING, SHIMMERING CHRISTMAS TREE 🎄✨❤️

TINGNAN: Isang 40-foot Christmas tree na pinalamutian ng mga handcrafted ornaments na gawa ng mga weaver mula sa iba't ibang rehiyon na matatagpuan sa isang mall sa Taguig City.

Layon nitong i-tampok ang craftmanship ng mga Pinoy.

Source/📷: ABS-CBN News

SANTA PAWS IN TAGUIG 🧑‍🎄🐾TINGNAN: Inilunsad ang kauna-unahang pet-themed Christmas display na tinatawag na "Santa Paws" ...
10/11/2023

SANTA PAWS IN TAGUIG 🧑‍🎄🐾

TINGNAN: Inilunsad ang kauna-unahang pet-themed Christmas display na tinatawag na "Santa Paws" sa Forbes Town, Taguig City.

Source: ABS-CBN News

In a state of long weekend bliss! 👀May bucket list na ba kayo ng inyong pupuntahan kasama ang buong pamilya at mga kaibi...
31/10/2023

In a state of long weekend bliss! 👀

May bucket list na ba kayo ng inyong pupuntahan kasama ang buong pamilya at mga kaibigan?

Comment down below! 🤔❤️

Address


Website

http://gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Taguig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Taguig:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share