GO Laguna

GO Laguna Everything and Anything Laguna!
(29)

Bagyo sa unang araw ng 'BER' months 🥲
01/09/2024

Bagyo sa unang araw ng 'BER' months 🥲

BINABANTAYANG LPA SA SILANGANG BAHAGI NG VISAYAS, ISA NANG GANAP NA BAGYO

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Setyembre 1, na nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine are of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng PAGASA, naging isang ganap na bagyo ang LPA na namataan sa silangang bahagi ng Visayas bandang alas-8:00 ng umaga at pinangalanan itong Tropical Depression Enteng.

Ang bagyong ang ikalimang bagyo sa bansa ngayong taon.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng maging epekto ng masamang panahon.

Source: Dost_pagasa

"Dahan-dahan lang buhay ay 'di karera..." ❤️🤗
30/08/2024

"Dahan-dahan lang buhay ay 'di karera..." ❤️🤗

"I HOPE YOU GET THE MESSAGE" 🌈✨

Here's a friendly reminder to give yourself permission to slow down and recharge whenever you need it.

Wishing you a restful weekend! ❤️

📸 _dachi; r/PhilippinesPics (Reddit)

UNANG KASO NG MPOX SA CALABARZON 🦠
30/08/2024

UNANG KASO NG MPOX SA CALABARZON 🦠

Idineklara ni Mayor JR P. Fronda na mula sa Balayan, Batangas ang unang kaso ng Monkeypox (Mpox) sa rehiyon ng CALABARZON.

Isang 12-taong gulang na bata ang tinamaan ng naturang virus, na siyang lumapit sa Rural Health Unit ng bayan upang maobserbahan, kung saan nalamang positibo ito sa sakit.

Ayon sa alkalde, kasalukuyan nang gumagaling o nasa recovery phase na ang pasyente, na nakitaan ng ilang sintomas ng MPOX tulad ng mga pantal, ubo, at pananakit ng katawan.

Sa tala, ito na umano ang ika-limang aktibong kasong naitala ngayong taon.

Source: Balayan Batangas/FB
📸: iStock

SANDALEEEEH! 🎤❄️Hala! Naka-costume na si Tita Mariah. Ready na ulit siya kumanta sa mga malls! 🤭
30/08/2024

SANDALEEEEH! 🎤❄️

Hala! Naka-costume na si Tita Mariah. Ready na ulit siya kumanta sa mga malls! 🤭



CONGRATULATIONS! 🎉💸TINGNAN: Napanalunan ng isang mananaya ang P19,630,380.00 jackpot sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Ch...
28/08/2024

CONGRATULATIONS! 🎉💸

TINGNAN: Napanalunan ng isang mananaya ang P19,630,380.00 jackpot sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong nagdaang Huwebes, Agosto 15, 2024.

Sa ulat, sinasabing nabili ng mananaya ang lotto ticket sa lungsod ng San Pablo kung saan tinayaan niya ang winning combination na 21-11-30-16-19-03.

📸 San Pablo City (Facebook)




HEAVY RAINFALL WARNING! ☔TINGNAN: Asahang makararanas ng 'light to moderate' na pag-ulan ang mga lalawigan na nakapaloob...
28/08/2024

HEAVY RAINFALL WARNING! ☔

TINGNAN: Asahang makararanas ng 'light to moderate' na pag-ulan ang mga lalawigan na nakapaloob sa rehiyon ng CALABARZON ngayong araw.

Ito ay dahil sa epekto ng Habagat sa ating bansa. Samantala, idineklara namang nasa ilalim ng heavy rainfall warning o Yellow Alert ang mga lugar ng Zambales, Bataan, at Metro Manila, na nakararanas ng matinding pag-ulan.

Kumusta sa inyong lugar?

Source: CIVIL Defense CALABARZON

UYYYYY.... 👀🤭Parang nag-iba bigla ang simoy ng hangin ah!Handa na ba kayo?! 😂
27/08/2024

UYYYYY.... 👀🤭

Parang nag-iba bigla ang simoy ng hangin ah!

Handa na ba kayo?! 😂



HETO NA NAMAN TAYO! 🤦😷🦠
27/08/2024

HETO NA NAMAN TAYO! 🤦😷🦠

AKTIBONG KASO NG MPOX, UMAKYAT NA SA TATLO

Dalawang bagong kaso pa ng Monkeypox (Mpox) ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naitala sa Metro Manila, at itinuturing na nasa 'milder form' na uri ng mpox.

Ayon sa DOH, karaniwang sintomas ng mpox ang skin rash o mucosal lesions, na maaaring maranasan ng 2 hanggang 4 na linggo. Kabilang rin dito ang mga pantal na may kasamang lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, mababang enerhiya, at 'swollen lymph node.

Naipapasa ito sa pamamagitan ng intimate contact sa isang taong nahawahan, mga kontaminadong mga gamit o damit, o mga nahawaang hayop. Bilang proteksyon, inaabisuhan ang publiko na mag-ingat sa banta nito sa kalusugan.

Source: Manila Bulletin
📷: iStock

YUN NA 'YON?! AWTS GEGE 😪Sana naging masaya at makabuluhan ang long weekend pro max n'yo 🫶Kamusta naman? Patingin naman ...
26/08/2024

YUN NA 'YON?! AWTS GEGE 😪

Sana naging masaya at makabuluhan ang long weekend pro max n'yo 🫶
Kamusta naman? Patingin naman kami ng pictures!



MISTING OPERATION SA CALAUAN, TULOY-TULOYTINGNAN: Nagpapatuloy ang isinasagawang misting operation sa lokal na pamahalaa...
24/08/2024

MISTING OPERATION SA CALAUAN, TULOY-TULOY

TINGNAN: Nagpapatuloy ang isinasagawang misting operation sa lokal na pamahalaan ng Calauan upang mapigilan ang tumataas na kaso ng dengue sa kanilang bayan.

Matatandaang noong nakaraang Sabado, idineklarang nasa State of Public Health Emergency ang bayan ng Calauan dahil sa pagdami ng bilang ng mga residenteng tinatamaan ng sakit na dengue.

📷 CALAUAN MDRRMO; PIA LAGUNA (Facebook)




SINO NGA BA ANG TUNAY NA KAIBIGAN? 🤔
24/08/2024

SINO NGA BA ANG TUNAY NA KAIBIGAN? 🤔

'WALA AKONG KAIBIGAN NA PEKENG PILIPINO' 🤨

TINGNAN: Pinabulaanan ni Sen. Risa Hontiveros ang kumakalat na larawan kung saan makikita silang magkasama ni dating Bamban Mayor Alice Guo.

"Mag-ingat po sa mga edited photos online na magkasama kami diumano at magkaibigan daw kami. THIS IS FAKE," ani Hontiveros.

"Also calling on Facebook, Twitter, YouTube, & TikTok to moderate AI content!" pagpapatuloy niyo.

Ayon pa sa senadora, kanilang tutuntunin kung sino man ang nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing larawan.

Source/Photo: Senator Risa Hontiveros (Facebook)



KAPATID NI ALICE GUO, CASSANDRA LI ONG ARREST 🇲🇨
22/08/2024

KAPATID NI ALICE GUO, CASSANDRA LI ONG ARREST 🇲🇨

TINGNAN: Nakatakdang lumapag ngayong hapon ng eroplano kung saan sakay ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela Leal Guo, at Cassandra Li Ong, isa sa mga incorporator ng Lucky South 99, ang POGO na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.

Magmumula sa Jakarta, Indonesia ang eroplanong ito, at kabilang ang dalawa sa minamanmanan ng Kamara at Senado. Naaresto sila ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration sa Indonesian Immigration.

Hindi naman namataan na kasama si Alice Guo at pinaghihinalaang nakatakas. Sinasabing gamit ang isang cruise ship, ay nakapasok ng Indonesia si Alice Guo, kanyang kapatid, at si Li Ong.

Source/Photos: Raffy Tulfo In Action/FACEBOOK

TRULY THE MVP! 👏🏼
22/08/2024

TRULY THE MVP! 👏🏼

CHEMICAL SUBSTANCE, NAG-LEAK SA CABUYAOTINGNAN: Aabot sa 17 katao ang isinugod sa pagamutan matapos umanong makalanghap ...
22/08/2024

CHEMICAL SUBSTANCE, NAG-LEAK SA CABUYAO

TINGNAN: Aabot sa 17 katao ang isinugod sa pagamutan matapos umanong makalanghap ng chemical substance na tumagas mula sa isang junkshop sa Brgy. Banaybanay, Cabuyao City, Laguna nitong nagdaang Martes ng hapon, Agosto 20.

Ayon sa ulat ng Cabuyao CDRRMO, nahirapang huminga at nakaramdam ng pagkahilo ang mga biktima nang malanghap ang kemikal.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ng
general cleaning ang mga tauhan ng junkshop kung saan inilipat nila ng pwesto ang isang 4 feet na cylinder tank. Bigla na lamang umano itong sumingaw at naglabas ng yellowish-green na kemikal na may masangsang na amoy.

Samantala, nasa maayos na kondisyon na ng mga biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.

Source/Photo: Cabuyao BFP




WALANG PASOK! 🔊TINGNAN: Mga lugar na nananatiling walang pasok ngayong araw ng Miyerkules bunsod ng umiiral na epekto ng...
21/08/2024

WALANG PASOK! 🔊

TINGNAN: Mga lugar na nananatiling walang pasok ngayong araw ng Miyerkules bunsod ng umiiral na epekto ng Taal vog, ika-21 ng Agosto:

LAGUNA
Cavinti - (All levels, both public and private schools)
Pagsanjan - (All levels, both public and private schools)
Santa Cruz - (All levels, both public and private schools)

RIZAL
Jalajala - (All levels, both public and private schools)
Pilila - (All levels, both public and private schools)

Samantala, para sa pinakahuling updates, I-refresh ang post na ito para sa updated na listahan.

PASSPORT NI GUO, PINAKAKANSELA
21/08/2024

PASSPORT NI GUO, PINAKAKANSELA

PASSPORT NI GUO, PINAKAKANSELA

BASAHIN: Pormal nang sumulat si Executive Secretary Lucas Bersamin sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) upang ipakansela ang Philippine passport ni dating Bamban Mayor Alice Guo.

Kasama rin sa ipinakakansela ang passport ng mga kapatid Guo na sina Wesley Leal Guo, Sheila Leal Guo, at ni Cassandra Ong, na iniuugnay din sa POGO.

Ito ay kasunod ng balitang nakaalis na sa bansa si Guo noong Hulyo 18, 2024. Ayon sa pinakahulinh ulat, posible umanong nasa Indonesia ngayon ang dating alkalde.

📷: PAOCC




WHERE DID SHE GUO? 🥲
20/08/2024

WHERE DID SHE GUO? 🥲

Kasalukuyan umanong nasa Indonesia ang pinaghahahanap na si Alice Guo, ito ang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI).

Wika ni BI spokesperson Dana Sandoval, bumiyahe umano si Guo mula Pilipinas hanggang Malaysia noong Hulyo 16. Halos isang buwan ang nakalipas, mula sa Singapore ay nagtungo naman ito sa Indonesia nitong Linggo, Agosto 18.

Tinutukoy na umano ni Immigration Bureau ang mga galaw ni Guo at ang mga taong sangkot sa kanyang pag-alis sa bansa, kabilang na rito ang posibilidad na pagtulong ng ilang immigration officials kay Guo.

Source: GMA News Online
📸: Mayor Alice Guo Facebook

Idineklarang nasa State of Public Health Emergency ang bayan ng Calauan, Laguna dahil sa pagdami ng kaso ng dengue. Nasa...
20/08/2024

Idineklarang nasa State of Public Health Emergency ang bayan ng Calauan, Laguna dahil sa pagdami ng kaso ng dengue.

Nasa 173 kaso na ng dengue ang naitala sa Calauan, kung saan 33 mula rito ang itinuturing na aktibo habang 1 naman ang nasawi.

Pinag-iingat naman ng awtoridad ang publiko, kung saan patuloy na nagsasagawa ng misting operations ang Calauan LGU upang mapuksa ang sakit.

Source: PIA Laguna/FACEBOOK
📸: Pexels

VOLCANIC SMOG ALERT ⚠️😷TINGNAN: SO2 air condition sa ilang mga lugar na malapit sa Bulkang Taal ngayong Martes ng umaga,...
19/08/2024

VOLCANIC SMOG ALERT ⚠️😷

TINGNAN: SO2 air condition sa ilang mga lugar na malapit sa Bulkang Taal ngayong Martes ng umaga, Agosto 20, 2024.

Upang maiwasan ang anumang epekto ng volcanic smog sa kalusugan, pinaaalalahanan ang publiko na manatili lamang muna sa loob ng bahay at magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.

Stay safe, everyone!

📸 Windy.com



WALANG PASOK 📣BASAHIN: Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lala...
19/08/2024

WALANG PASOK 📣

BASAHIN: Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Laguna ngayong Martes, Agosto 20, 2024, dahil sa umiigiting na banta volcanic activity at patuloy na pagbuga ng volcanig smog ng Bulkang Taal.

Pansamantalang ipapatupad ang alternative learning modalities gaya ng modular at online learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Mag-ingat, maging alerto at hangga't maaari ay manatili sa loob ng bahay o lugar ng trabaho.

Source: Gov. Ramil Hernandez (Facebook)



BREAKING: ALICE GUO, NAKAALIS NA NG PILIPINAS! 🇵🇭🛬🇲🇾
19/08/2024

BREAKING: ALICE GUO, NAKAALIS NA NG PILIPINAS! 🇵🇭🛬🇲🇾

BREAKING: ALICE GUO, NAKAALIS NA NG PILIPINAS! 🇵🇭🛬🇲🇾

BASAHIN: Ito ang kinumpirma ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang social media post na nagsasabing wala na sa Pilipinas si Alice Guo.

Ayon sa datos ng National Bureau of Investigation, umalis ng bansa si Guo noong July 18, papuntang Kuala Lumpur, Malaysia. Dagdag ni Hontiveros, tumuloy si Guo sa Singapore, kung saan nakipagtagpo sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

"Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?
Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika," bahagi ng post ni Sen. Hontiveros.

"Nangako ang BI sa akin at sa Senate President Pro Tempore na hindi nila hahayaan si Guo Hua Ping na makaalis sa Pilipinas, eh yun pala ay wala na talaga siya. Kung hindi po natin ito gawan ng paraan, as an institution, as a country, parang nagpasampal tayo sa dayuhang ito na paulit ulit na sinasaula ang ating mga batas, patakaran at proseso," dagdag pa ng senadora.

Source: Senator Risa Hontiveros

WEAR YOUR MASK 😷TINGNAN: Sitwasyon ng volcanic smog o vog sa San Pablo City, Laguna ngayong Lunes ng umaga, Agosto 19.An...
19/08/2024

WEAR YOUR MASK 😷

TINGNAN: Sitwasyon ng volcanic smog o vog sa San Pablo City, Laguna ngayong Lunes ng umaga, Agosto 19.

Ang vog na bumabalot ngayon sa ilang mga lugar ay dulot ng umiiral na aktibidad sa Bulkang Taal.

Source: Inquirer
📷: Lonlon Jay/X via Mikhaela Emy Salle




LUNA'S ETHEREAL GLOW 🌔✨LOOK: Stunning view of the Waxing Gibbous Moon over Los Baños, Laguna last Friday night, August 1...
19/08/2024

LUNA'S ETHEREAL GLOW 🌔✨

LOOK: Stunning view of the Waxing Gibbous Moon over Los Baños, Laguna last Friday night, August 16.

📸 Gelo Arboleda (Facebook)




UNANG KASO NG MONKEYPOX SA PILIPINAS 🦠
19/08/2024

UNANG KASO NG MONKEYPOX SA PILIPINAS 🦠

UNANG KASO NG MONKEYPOX SA PILIPINAS 🦠

JUST IN: Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox (mpox) sa Pilipinas ngayong araw.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop at naipapasa sa tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact mula sa hayop o tao na kontaminado ng virus.

Source: Department of Health; PIA/ FACEBOOK

'UNHEALTHY' AIR QUALITY IN CALABARZON, METRO MANILA 😷TINGNAN: Sa datos ng IQ Air, makikita ang ilang mga lugar sa Calaba...
19/08/2024

'UNHEALTHY' AIR QUALITY IN CALABARZON, METRO MANILA 😷

TINGNAN: Sa datos ng IQ Air, makikita ang ilang mga lugar sa Calabarzon at Metro Manila, na itinuturing na may 'unhealthy air quality' dahil sa umiiral na aktibidad ng Bulkang Taal.

Kumusta sa inyong lugar?

Source/Screengrab from IQ Air

ILANG LUGAR MALAPIT SA BULKANG TAAL, NABALOT NG VOG 🌋
19/08/2024

ILANG LUGAR MALAPIT SA BULKANG TAAL, NABALOT NG VOG 🌋

WALANG PASOK!
18/08/2024

WALANG PASOK!

WALANG PASOK DAHIL SA TAAL VOG

TINGNAN: Ilang mga klase na ang kanselado sa Batangas, at karatig pang probinsya tulad ng Cavite at Laguna, ngayong araw dahil sa umiiral na volcanic smog na nagmumula sa Bulkang Taal.

Narito ang ilang bahagi ng probinsya na walang pasok sa lahat ng antas:

Nasugbu, Batangas
San Luis, Batangas (face-to-face classes; pampublikong eskwelahan lamang)
Alitagtag, Batangas
Malvar, Batangas
Mataasnakahoy, Batangas
Calaca, Batangas
Lemery, Batangas
Talisay, Batangas
Taal, Batangas
San Pascual, Batangas
Bauan, Batangas
Agoncillo, Batangas
San Jose, Batangas
Cuenca, Batangas
Ibaan, Batangas
Silang, Cavite

Samantala, narito naman ang mga lugar na walang pasok mula Preschool hanggang Senior High School:

Laurel, Batangas
Cabuyao City, Laguna

Source: ABS-CBN News

LOVE GROWS: LIBRENG GULAY AS WEDDING SOUVENIR! 🍅🌽💗TINGNAN: Kinagiliwan ng netizens ang kakaiba at praktikal na wedding g...
16/08/2024

LOVE GROWS: LIBRENG GULAY AS WEDDING SOUVENIR! 🍅🌽💗

TINGNAN: Kinagiliwan ng netizens ang kakaiba at praktikal na wedding giveaway ng bagong kasal na sina Niño at Yanna.

Tinawag nila itong ‘Love Store/Free Store’, kung saan maaaring kumuha ang kanilang mga panauhin ng mga libreng gulay, na espesyal na inani mula sa mismong sakahan ng groom na si Niño sa Laguna.

Sa mga litratong kuha ng MC Events, ilan sa kanilang libreng gulay na handog sa mga bisita ang Siling Labuyo, Rambutan, Sitaw, Beans, Talong, Okra, Upo, Patola, Ampalaya, Buko, Bawang, Sibuyas, Papaya, at Sibuyas Dahon.

Source/Photos: MC Events/FACEBOOK

SAPAT NGA BA ANG P64 PARA SA PAGKAIN NG ISANG TAO KADA ARAW? 🍽🤔Matatandaang sinabi ng National Economic and Development ...
14/08/2024

SAPAT NGA BA ANG P64 PARA SA PAGKAIN NG ISANG TAO KADA ARAW? 🍽🤔

Matatandaang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi ikinokonsiderang 'food poor' ang mga mamamayang kayang gumastos ng P64 mahigit para sa pagkain sa loob ng isang araw.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang nasabing datos ay base sa batayan noong taong 2023 na P9,581 na buwanang food threshold para sa pamilyang may limang miyembro.

"As of 2023, the monthly food threshold for a family of 5 is P9,581, that's a comes out about P64 per person," ani Balisacan.

Ano ang masasabi n'yo rito?

Source: GMA News
📸 Filipino Times (File Photo)



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Laguna:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share