05/11/2024
๐๐๐๐๐ง๐| ๐๐ฃ๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐ฐ๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐จ๐ป๐ถ๐, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด 2๐ป๐ฑ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป
Kinilala bilang 2nd placer sa Davao City Council Jamboree for Fancy drill competition ang Catalunan Pequeno National High School nitong Oktubre 25, 2024 na iginanap sa Boy Scout of the Philippines, Malagos Camp.
Nakalaban nila ang walong iba't ibang paaralan, kung saan ang Calinan National High School bilang 1st place at Bernardo D. Carpio National High School bilang 3rd place.
"We've competed against 8 different schools, and nadaog ang Calinan, second mi, third is Bernardo. It was a very tight fight, also seeing their performance amazes us kay last entry man mi,โ bahagi pa ni Denise Bibal, CPNHS BSP Scribe.
Inihanda nila ang kanilang rutina gamit ang ideya ng kanilang tagapagsanay na si Cedie Ledesma Aragon, kung saan naging tagapagsanay rin nila noong huling taon.
Pahayag ni Aragon, "After saโkong plans I need to execute my plans with the help of everyone, na put into actions rapud nako unsay naa saโkong utok daghan trials ni agi but gipadayon lang nako knowing daghan naghulat samong ipakita."
Inaasahan nilang mananalo sila sa kompetisyong ito, ngunit natalo sila ng 2 puntos laban sa Calinan National High School.
"Wala man siguroy mag compete na dili gusto mudaog. But unfortunately wala namo nakuha but still 2nd place is not bad. It's the thought that it counts na we won and mabansagan ug people's champion and kahit asa lang nimo madungog ang name sa school is very overwhelming,โ Dagdag niya pa.
Bukod dito, ang napanalunang premyo na nagkakahalagang โฑ10,000 pesos ay gagamitin para sa kanilang punong-tanggapan at mga proyekto sa hinaharap.
Gayunpaman, nagpasalamat ang kanilang BSP Drill Master na si Emmanuel T. Aguelo sa kanilang tagapagsanay na si Aragon sa pagsama niya sa kanilang paghahanda hanggang sa aktwal na pagtatanghal.
"Salamat kaayo kay tungod sa iyaha daghan koโg natun-an dili lang sa drill and in real life pud like how to deal with problems or how to deal with sadness," pasasalamat ni Aguelo.
________
โ๏ธ Jessica Prudente