Amianan Chronicle

  • Home
  • Amianan Chronicle

Amianan Chronicle Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Amianan Chronicle, News & Media Website, .

At may tinatago palang sikreto itong sikat na vlogger!Check the comment below!
17/07/2023

At may tinatago palang sikreto itong sikat na vlogger!
Check the comment below!

USEC SHEENA LIONG, BIGLANG YAMAN SA PUWESTO?Office of the Special Assistant to the President Undersecratary Athalia Lion...
23/06/2023

USEC SHEENA LIONG, BIGLANG YAMAN SA PUWESTO?

Office of the Special Assistant to the President Undersecratary Athalia Liong o mas kilalang Sheena Liong ay sangkot ngayon sa pangongomisyon sa DPWH sa isang rehiyon sa Mindanao.
Nako naman, kakaappoint lang sakanya ay nakabili agad ng magarang bahay sa exclusive village sa Makati City. Tinatayang hindi bababa sa P100-milyon ang datung mo upang makabili ka ng bahay dito.
Maaalala na 3rd place ito sa 2016 Bar Exam ang PULPOLitikong ito at isa siya rin ang tinutukoy ni dating Presidente PRRD sa isang conference na "Kung sakaling ma-biyuda ka, pwede mo ako isipin?".
Kasabay ng kanyang pagyaman ay nakabili ito ng mamahalin at magagarang sasakyan na tumpak ay sakto sa village na kanyang titirahan.
Tinatayang P189,999 kada buwan ang kanyang suweldo at aabot lang sa P2.2 milyon ang gross income kada taon pero katataka-takang nakabili ng bahay sa exclusive village.
Ang raket pala ni Atty. ay mangomisyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang rehi­yon sa Mindanao.
Asawa pa nito ang haharap sa mga contractor at siyempre binibigyan din sila ng mamahaling regalo.
Ito pa, mukhang binubukulan ni Usec ang kanyang boss dahil ipinapalabas ni mister na siya ang handler ng mga opis­yal ng DPWH.
Nakakakilabot isipin na isa sa tinitingalang top notcher ay isa rin palang dahilan ng 'di pag-unlad sa Pilipinas.

22/01/2023

Manila Raffle House is now taking the provinces to test your luck as they give away their biggest and most exciting prizes ever! More and more people are joining their raffle draws, giving them excitement for a chance to win. This year, they’re making the grandest raffle draw with a Montero Sport ...

Ex-COMELEC Commissioner Goyo Larrazabal, inggit sa kapwa senatorial bets sa Lacson-Sotto 2022Matunog ngayon ang pangalan...
27/07/2021

Ex-COMELEC Commissioner Goyo Larrazabal, inggit sa kapwa senatorial bets sa Lacson-Sotto 2022

Matunog ngayon ang pangalan ni former COMELEC Commissioner Goyo Larrazabal matapos mapasama sa senatorial bets na inilabas nina Sen. Ping Lacson at Tito Sotto na magtatambal sa Halalan 2022. Bagama't napabilang, tila galit at inis daw ito sa iba pang mga senatorial lineup. Ang isyu, hindi nya lang gusto ang iba sa mga kasama na personal na pinili nina Lacson at Sotto. Umuugong ngayon na sinisiraan na ni Larrazabal ang mga makakasama kahit di pa man nagsisimula ang kampanyahan.

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-red tape bill o Republic Act No. 11517. Ito ay pagbibigay ng awtorida...
09/01/2021

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-red tape bill o Republic Act No. 11517. Ito ay pagbibigay ng awtoridad sakanya na pabilisin ang proseso ng pagkuha ng business permits sa panahon ng national calamity. Isinasaad dito na maaari niyang suspendihin ang mga kinakailangang dokumento para sa pagkuha ng national at local permits, licenses at certification upang mas mapabilis ang pag-isyu ng mga ito.

Source: PhilStar
Presidential Photo/Karl Norman Alonzo

NAHULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang top 4 high-value target ng Pangasinan, nitong ika-6 ng Enero sa ...
09/01/2021

NAHULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang top 4 high-value target ng Pangasinan, nitong ika-6 ng Enero sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Miguel, Calasiao. Kinilala ang suspek na si Arnel Sanchez, residente ng Sitio Aling, Barangay Pantal, Calasiao. Nakumpiska sakanya ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P10,000. Nakuha rin ang boodle money, marked money at analog cellular phone. Nakita rin ang ilang shabu at kontrabando sa kanyang bahay.

Source: Philippine News Agency

INILARAWAN bilang “Most unsafe in the world” ng isang Taiwanese news website ang bakuna kontra   na gawa ng Chinese firm...
09/01/2021

INILARAWAN bilang “Most unsafe in the world” ng isang Taiwanese news website ang bakuna kontra na gawa ng Chinese firm na Sinopharm. Ayon umano sa instruction manual nito, may 73 side effects na puwedeng maranasan ang sinumang matuturukan ng bakuna.
Ang Sinopharm vaccine ang naiulat na ginamit ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit hindi pa ito aprubado sa bansa.
Source: ABS-CBN

KABILANG na ang Estados Unidos sa mga bansang may travel restrictions dito sa bansa na ipapatupad mula January 3, 2021 h...
05/01/2021

KABILANG na ang Estados Unidos sa mga bansang may travel restrictions dito sa bansa na ipapatupad mula January 3, 2021 hanggang January 15, 2021. Ito ay bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19. Hindi na muna pahihintulutang pumasok ang mga dayuhan ngunit pinapayagan pa rin ang pagdating ng mga Pilipino. Ayon sa health protocol, kailangan sumailalim ang mga ito sa swab test at dadalhin sa isang quarantine facility para sa kanilang mandatory 14-day quarantine kahit na mag-negatibo sa swab test.

Source: GMA News

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Duterte ang inbound travel ban sa 20 bansa simula December 30, 2020 hanggang January 15, 202...
31/12/2020

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Duterte ang inbound travel ban sa 20 bansa simula December 30, 2020 hanggang January 15, 2021. Matapos bawiin ng Palasyo ang anunsyong inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA) tungkol sa travel ban restrictions ay naglabas ulit si Presidential Spokesperson Harry Roque ng balita kahapon na aprubado na nga ng Pangulo ang karagdagang paghihigpit. Ipagbabawal ng Pilipinas ang pagpasok ng mga banyagang manggagaling sa mga bansang ito. Ang 20 bansang kasama sa temporary inbound travel ban ay ang mga sumusunod:
1. United Kingdom
2. Denmark
3. Ireland
4. Japan
5. Australia
6. Israel
7. The Netherlands
8. Hong Kong SAR
9. Switzerland
10. France
11. Germany
12. Iceland
13. Italy
14. Lebanon
15. Singapore
16. Sweden
17. South-Korea
18. South-Africa
19. Canada
20. Spain

Papayagan pa rin ng Pilipinas ang mga Pilipinong pasaherong kasalukuyan nang bumabyahe o mga nanggaling sa nasabing 20 bansa 14 araw bago lumapag ng Pilipinas. Kasama na rin ang mga makakapasok bago mag-December 30. Ngunit, sila pa rin ay sasailalim sa 14-day quarantine na isa sa mga panuntunan dito sa bansa.

Source: Philstar

TARGET ng Pilipinas na makakuha ng 150 million doses ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 sa Enero 2021, ayon sa Ma...
31/12/2020

TARGET ng Pilipinas na makakuha ng 150 million doses ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 sa Enero 2021, ayon sa Malakanyang.
Mistulang pagtapat naman ito ng Malakanyang sa gitna ng mga kritisismong natatanggap sa mga isyu ng COVID-19 vaccine sa bansa.
“Hindi naging pabaya ang inyong pamahalaan sa bagay na ito,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
“Sabi nga po ng ating vaccine czar, hindi matatapos ang Enero next year nang hindi natin maisasara ang mga kontrata para sa 150 million doses po ng bakuna,” ani Roque na tinutukoy si Secretary Carlito Galvez.
Hindi naman tinukoy ni Roque kung kaninong manufacturer ng bakuna ang unang makukuha ngunit nauna nitong sinabi na target ng Pilipinas na maplantsya ang kasunduan sa Russia’s Gamaleya Institute, at Sinovac, Sinopharm at CanSino ng China sa unang tatlong buwan ng 2021.

Source: Remate

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021. Ito ay naglalayon...
31/12/2020

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021. Ito ay naglalayong mapaayos ang healthcare system ng bansa, masiguro ang food security, madagdagan ang public at digital infrastructure at tulungan ang mga komunidad na makaahon mula sa naging epekto ng COVID-19. P72.5 bilyon ang nakalaan para sa bakuna kontra COVID-19. P23 bilyon naman ang inilagay para sa pagpapaayos ng mga komunidad na naapektuhan ng mga bagyong nagdaan sa bansa ngayong taon. Samantala, P71.4 milyon para sa pagbibigay ng health insurance premium sa 13 milyon indigent families at seven milyon na senior citizens at P4.7 bilyon para sa pagbili ng mahigit dalawang milyon na personal protective equipment. Ayon sa Department of Budget and Management, ang 10 sektor o departamento na may pinakamalaking budget ay ang mga sumusunod;

• Education sector: P751.7 bilyon
• Department of Public Works and Highways: P695.7 bilyon
• Department of the Interior and Local Government: P249.3 bilyon
• Department of Health: P210.2 bilyon
• Department of National Defense: P205.8 bilyon
• Department of Social Welfare and Development: P176.9 bilyon
• Department of Transportation: P87.9 bilyon
• Department of Agriculture: P71 bilyon
• Judiciary: P45.3 bilyon
• Department of Labor and Employment: P37.1 bilyon

Source: GMA News

Dahil sa kagustuhang makapiling ang pamilya sa Kapaskuhan, 32 matitikas na mandirigma ng Communist Party of the Philippi...
28/12/2020

Dahil sa kagustuhang makapiling ang pamilya sa Kapaskuhan, 32 matitikas na mandirigma ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA)
ang tumalikod sa kanilang samahan kasabay nang pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng kanilang samahan.
Kaya naman, tinanggap ng Philippine National Police Caraga Region sa pangunguna ni PBGen Romeo Caramat Jr. ang mga nagbabalik-loob sa pamahalaan na pawang lider, militia ng bayan at mga tagasuporta ng CPP-NPA mula sa iba’t ibang lugar sa Agusan del Norte.
Sinabi ni Caramat, regional director, isinuko rin ng mga nagbalik loob na rebelde ang kanilang mga armas tulad ng submachinegun, M14 rifle, 11 12-guage shotguns at anim na iba pang baril.
Nabatid na sa kanilang pagtalikod sa CPP-NPA sinunog ng mga ito ang bandilang sumasagisag sa ideyolohiya ng komunismo at sumumpa rin ang mga ito ng katapatan sa watawat ng Republika ng Pilipinas.
Kaagad ding inatasan ng hepe ng Pambansang Pulisya si Caramat na asikasuhin ang mga benepisyong nakalaan sa mga sumukong rebelde
Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Naunang sinabi ni Sinas na patuloy ang operasyon ng PNP laban sa local communist insurgency matapos tanggihan ng pamahalaan ang hiling na tigil putukan at usaping pangkapayapan sa CPP-NPA-NDF.

Source: remate

Minarkahan ng Anti-Terrorism Council ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA), at iba pang ...
28/12/2020

Minarkahan ng Anti-Terrorism Council ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA), at iba pang grupo bilang teroristang grupo.
Ito ay sa ilalim ng Resolution Number 12 na inaprubahan nitong Disyembre 9.
Nakasaad sa Section 25 ng RA 11479 o ang Anti–Terrorism Act of 2020 na maaaring tukuyin ng ATC ang mga indibidwal, grupo, organisasyon o asosasyon ito man ay lokal o banyaga bilang terorista “upon finding a probable cause.”
Dahil dito, maaari nang imbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga ari-arian ng CPP-NPA base sa Section 11 ng RA 10168.
Batay sa Section 11 ng RA 10168., labag sa batas ang pagkikipagkasundo ng pag-aari o pondo sa mga “designated person.”
“For one, the CPP/NPA, which has been engaged in violent and destructive activities for the last five decades, is now answerable to the applicable provisions of the country’s more responsive laws. The ATC found probable cause to designate the CPP/NPA as a terrorist group for its violent and armed activities that resulted in the destruction of properties, loss of lives, and damage to business and economy as cited in the pending proscription case and other collated reports from the security and intelligence sector,” ayon sa ATC.
Anila, ang CPP-NPA ay gumamit ng “deception, threats, and violence to be able to raise funds through unlawful exaction of money, extortion, collection of so-called permit-to-campaign (PTC) and permit-to-win (PTW) fees during the campaign period, and soliciting material support from international NGOs under the guise of being a pro-people and humanitarian organization.”
Samantala, sa ilalim naman ng Resolution Number 13, minarkahan din bilang terorista ang:
(1) Islamic State in Iraq and Syria in South-East Asia
(2) Dawlatul Islamiyah Waliyatul Masrik
(3) Dawlatul Islamiyyah Waliyatul Mashriq
(4) IS East Asia Division
(5) Maute Group
(6) Islamic State East Asia
(7) Maute ISIS
(8) Grupong ISIS
(9) Grupo ISIS,
(10) Khilafah Islamiyah
(11) KIM
(12) Ansharul Khilafah
(13) Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Bungos
(14) Bangsamoro Islamic Freedom FightersAbubakar
(15) Jama’atu al-Muhajirin wal Ansar fil Filibin
(16) Daulah Islamiyah
(17) other Daesh-affiliated groups in the Philippines.
Ang Islamic State East Asia at mga kaakibat nito ay nangako ng aliyansa sa Islamic State na nagtataguyod ng karahasan.
“The collated information from members of the NIC (National Intelligence Committee) and the terrorist list of the UN Security Council, together with the previous designation of the same violent extremist groups by the US, Canada, Australia, and New Zealand, provided the well-founded ground that said groups are engaged in terrorist activities,” dagdag ng ATC.

Source: remate

May kapangyarihan na ang gobyerno na i-freeze ang mga ari-arian ng rebeldeng grupo, ayon kay Justice Secretary Menardo G...
28/12/2020

May kapangyarihan na ang gobyerno na i-freeze ang mga ari-arian ng rebeldeng grupo, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Sa isang mensahe, sinabi ng Justice Secretary na maari nang maglabas ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga hinihinalang bank accounts ng Communist Party of the Philippines-National Peoples’ Army (CPP-NPA).
Kinumpirma ito ni AMLC Executive Director Mel Racelab matapos aprubahan ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang resolusyon na naglalagay sa CPP-NPA bilang terrorist group, dagdag pa ni Guevarra.
Matatandaan nitong Disyembre 25, ay inaprubahan ng ATC ang resolusyong makasama sa listahan ng teroristang grupo ang CPP at ang armed wing nito na NPA.
Samantala, hindi kinikilala ng CPP-NPA ang pagsama sa kanilang grupo sa listahan ng terrorist group.
Sa isang kalatas, sinabi ni Marco Valbuena, Information Officer ng CPP, hindi nila kailangan hilingin sa pamahalaan na matangal sa terror list dahil walang legal na hurisdiksyon sa kanila ang gobyerno ng Pilipinas dahil ang sinusunod anya na batas ng CPP ay sa Peoples Democratic Government.

Source: remate

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang meeting na marami na raw na mga Pinoy at military personnel na nabakuna...
28/12/2020

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang meeting na marami na raw na mga Pinoy at military personnel na nabakunahan ng Sinopharm vaccine. Ang nasabing bakuna ay gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm at hindi pa ito pumapasa sa Food and Drug Administration (FDA). Iginiit naman ni FDA Director-General Eric Domingo na wala pa naman silang nahuling mga indibidwal na nagpapaturok ng iligal.

Source: Remate

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa nangyaring umano'y engkwentro sa pagitan ng mga sund...
28/12/2020

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa nangyaring umano'y engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 75th Infantry Battalion ng Philippine Army at humigit-kumulang 10 rebelde sa bayang ito, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa 75th IB, mga miyembro umano ng Guerilla Front 19 ng Northeastern Mindanao Regional Committee ng NPA, sa ilalim ng isang Mario Himo, ang mga naka-engkuwentro nitong rebelde sa Purok Quarry, Sitio Kabalawan, Barangay Anahao Daan.
Isang babae ang namatay sa labanan.
Narekober din ang isang AK47 rifle, dalawang bandoliers, siyam na magazines na may mahigit 100 mga bala, 50 metro ng blasting cord, mga cellphone, mga dokumento, mga backpack na may mga personal na gamit, at suplay ng pagkain.
Nagpasalamat ang kasundaluhan sa mga residente sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga umano'y rebelde.

Source: ABS-CBN News

NANINDIGAN ang Communist Party of the Philippines na itutuloy nito ang kanilang mga aktibidad para sa kanilang ika-52 an...
28/12/2020

NANINDIGAN ang Communist Party of the Philippines na itutuloy nito ang kanilang mga aktibidad para sa kanilang ika-52 anibersaryo kabilang na ang pagsasagawa ng malakihang pagtitipon sa mga lungsod at rural areas. Iginiit ng organisasyon na patago nitong gagawin ang kanilang selebrasyon para makaiwas sa pag-atake ng pwersa ng gobyerno. Sinabi rin ng grupo na umaasa ito na paiigtingin ng mga tropa ng gobyerno, partikular na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang mga pag-atake nito sa gitna ng kanilang anibersaryo katulad ng ginawa nito sa mga aktibistang na-red tag umano. Kung maalala ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines chief General Gilbert Gapay na humihina na ang CPP matapos ang sunud-sunod na operasyon ng mga sundalo na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga armas at sa pagkamatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA). Taliwas ito sa sinabi ng CPP na nakabuo ito ng bagong guerilla fronts at napalawak na rin ang mga dating guerilla fronts nito sa maraming rehiyon sa kabila ng mga large-scale at focused military operations ng AFP. Matatandaan na binuo ni Sison ang CPP noong December 26, 1968.

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang ebidensya na ang nadiskubreng bagong strain ng COVID-19 sa U...
28/12/2020

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang ebidensya na ang nadiskubreng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom at Northern Ireland ay makapagpapalala sa virus.
Tinutukoy rito ni Duque ang SARS-CoV-2 VUI 202012/01 (Variant Under Investigation, year 2020, month 12, variant 01) na nagtulak sa Inter-Agency Task Force na pagbawalan ang mga manlalakbay mula United Kingdom na makapasok ng bansa mula December 24 hanggang 31.
Tiniyak naman ni Duque sa publiko na naka-full alert na sila upang maiwasang makaabot ang strain sa Pilipinas.
“We have the capability to detect this. The Philippine Genome Center, the RITM (Research Institute for Tropical Medicine), and the UP-NIH (National Institute of Health) will be having a conference, and I am confident they will be able to give us a detailed characterization of this new strain,” paliwanag pa ni Duque.
“Pero wala po tayong ganun [rito] at hopefully hindi magkaroon.”

Source: Remate

NANINIWALA ang British pharmaceutical company na AstraZeneca na maaaring epektibo laban sa kumakalat na bagong strain ng...
28/12/2020

NANINIWALA ang British pharmaceutical company na AstraZeneca na maaaring epektibo laban sa kumakalat na bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom ang kanilang dinevelop na bakuna laban sa coronavirus disease.
Ayon sa AstraZeneca, naglalaman ng genetic material ng spike protein ng SARS-CoV-2 virus o ang virus na nagdudulot ng COVID-19, ang isa sa kanilang vaccine candidate.
“AZD1222 (AstraZeneca’s vaccine candidate) contains the genetic material of the SARS-CoV-2 virus spike protein,” nakasaad sa statement.
Ilan daw sa inaashang epekto ng naturang bakuna ay ang pagpapalakas ng immune system ng taong matuturukan laban sa iba’t-ibang parte ng spike protein ng virus.
Ang spike protein ay parte ng virus na kumakapit sa cells ng tao, dito pinapadaan ng virus ang genetic material para kumalat sa katawang ng tao ang sakit.
Sinasabing 70% na mas nakakahawa ang bagong strain na tinatawag na B117. Pero ayon sa ilang British scientists, wala pang ebidensya na mas nakamamatay ito kumpara sa variant ng virus na matagal nang kumakalat sa buong mundo.
Pinag-aaralan na rin ng mga kompanya sa Amerika na Pfizer at Moderna ang kanilang mga bakuna laban sa bagong strain ng COVID-19.

Source: Bombo Radyo

NAKAALERTO ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ngayong holiday season at mahigpit na ipapatupad ang health pr...
23/12/2020

NAKAALERTO ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ngayong holiday season at mahigpit na ipapatupad ang health protocols. Ayon kay PPPO acting provincial director Col. Ronald Gayo, pinahigpit nila ang border quarantine checkpoints upang masiguro na ang mga papasok sa lalawigan ay may sapat na dokumento. Nakaalerto din ang kapulisan sa pagpapatupad ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) tungkol sa selebrasyon ngayong pasko at bagong taon.

Source: Philippine News Agency

HINDI na raw kailangan hintayin ng local government units (LGUs) ang utos ng Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ...
23/12/2020

HINDI na raw kailangan hintayin ng local government units (LGUs) ang utos ng Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng panuntunan sa kanilang mga komunidad laban sa COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng inaasahang “surge” o pagsipa ng coronavirus cases pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.
“Ang LGUs have that authority na anytime that they see in one of their areas may tumataas na kaso, they can impose stricter restrictions para lang masugpo kung sakaling tumataas ang kaso sa kanilang lugar,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Una nang sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kailangang bumuo ng quick response teams ng mga lokal na pamahalaan na magpapatupad ng localized lockdowns.
Sa ngayon binabantayan pa rin daw ng Health department ang sitwasyon ng COVID-19 transmission sa bansa. Tiyak naman umano na maglalabas ng update ang pamahalaan sa quarantine classification ng bansa bago matapos ang 2020.
Source: Bombo Radyo

TINIYAK ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mayroong darating sa Pilipinas na bakuna kontra coronavirus disease (COVID...
23/12/2020

TINIYAK ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mayroong darating sa Pilipinas na bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa 2021.
Aniya, nakatulong ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations assembly at ASEAN Summit sa pagkakaroon ng patas na access sa bakuna ang lahat ng bansa.
“Siya po ay makakausap po namin this coming December 23 at nag-assure po siya na magbibigay po siya ng 30 million doses para po sa atin, iyan po ang Novavax,” ani Galvez.
Habang ang 20 milyong dose mula sa AstraZeneca ay maisasapinal na bago matapos ang taon.
“Baka this coming next week either December 28 or 29, hinihintay lang po namin iyong ministry of health regulatory authorization ng UK (United Kingdom) at puwede naming pirmahan iyong kontrata,” saad ng kalihim.
Kumpiyansa si Galvez na magkakaroon ng 60 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang bansa sa ikalawa o ikatlong bahagi ng 2021.
Source: Remate

SUMUKO sa Rosales Philippine National Police (PNP) ang pulis na bumaril at pumatay sa mag-inang sibilyan sa Purok 2, Bar...
21/12/2020

SUMUKO sa Rosales Philippine National Police (PNP) ang pulis na bumaril at pumatay sa mag-inang sibilyan sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan, Paniqui Tarlac, nitong ika-20 ng Disyembre. Kinilala ang suspek na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca. Binaril niya sina Sonya at Frank Gregorio, kaanak ng kaniyang asawa, dahil napuno umano ito sa madalas na panggugulo ng mga biktima. Ang away umano ay nagsimula saright-of-way. Si Nuezca ay haharap sa kasong murder at administrative case na posibleng ikasibak niya sa puwesto.

Source: Bombo Radyo

KINONDENA ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan or SAMBAYANAN ang mga kongresista na bumubuo sa Makabayan B...
18/12/2020

KINONDENA ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan or SAMBAYANAN ang mga kongresista na bumubuo sa Makabayan Bloc dahil umano sa pagpapakalat ng kasinungalingan kabilang na ang pag-aresto sa pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng Metro Manila Regional Party Committee (MMRPC) noong December 10. Anila, gumagawa lamang ng kwento ang Makabayan Bloc. Naniniwala ang grupong SAMBAYANAN na ang pagkaaresto ng mga komunistang CPP ay sumunod sa judicial process na pinabulaanan ng mga naturang kongresista. Suportado ng grupo ang patuloy na pagsupil ng pamahalaan sa communist insurgency sa bansa.

INAASAHANG gagamit ang Pilipinas ng apat na bakuna kontra COVID-19 sa unang kwarter o unang tatlong buwan ng 2021, ayon ...
18/12/2020

INAASAHANG gagamit ang Pilipinas ng apat na bakuna kontra COVID-19 sa unang kwarter o unang tatlong buwan ng 2021, ayon sa Malakanyang.
Ang anunsyo ay sa kabila nang wala pang nag-aaplay na bakuna sa bansa, base na rin sa pagkumpirma ng Food and Drug Administration.
Kabilang sa apat na bakunang nakatakdang gamitin ng Pilipinas ang mula sa Gamaleya Institute ng Russia at Sinovac, Sinopharm at CanSino ng Tsina, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ikalawang kwarter naman ng 2021 makakukuha umano ng bakuna ang bansa sa AstraZeneca ng British drug group , kung saan 2.6 million doses umano ang na-secure ng pribadong sektor.
Habang ang bakuna ng Pfizer, Covax, Johnson & Johnson, Novavax at Moderna ay maaring dumating sa bansa sa ikatlong kwarter ng taon, ayon kay Roque.

Source: Remate

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang dalawang Amerikanong biopharmaceutical firms Moderna at Arcturus para magsuplay ng apat hang...
18/12/2020

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang dalawang Amerikanong biopharmaceutical firms Moderna at Arcturus para magsuplay ng apat hanggang sa 25 million na COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa top diplomat ng Maynila sa Washington.
Ito ang magandang ibinalita ni Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez kung saan magiging available ang bakuna sa ikatlong kwarter ng 2021 kung pumayag ang Philippine government sa kanilang proposal.
Sa ngayon ay binigyan na ng US Food and Drug Administration ang bakuna ng Moderna ng emergency use authorization (EUA) para magamit sa kanilang mga estado.

Source: Remate

PINABULAANAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang akusasyon na naudlot ang kasunduan sa vaccine maker na Pfizer ...
18/12/2020

PINABULAANAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang akusasyon na naudlot ang kasunduan sa vaccine maker na Pfizer kung saan iginiit niya na nagpapatuloy pa rin ang negosasyon sa naturang manufacturer na nakabase sa Estados Unidos.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin , dapat parating na sa Pilipinas ang mga bakuna ng Pfizer sa darating na Enero na popondohan ng World Bank at Asian Development Bank (ADB).
Ngunit ayon kay Duque, pumirma sila ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa Pfizer noon pang Oktubre habang si vaccine czar Secretary Carlito Galvez ay pumirma naman sa CDA ngayong Disyembre.
Dahil sa pagiging vaccine czar, itinuro ni Duque si Galvez na siyang mas may otoridad na magsalita ukol sa pagbili ng bakuna ng bansa sa mga manufacturers.
Source: Philstar

IGINIIT ni Education Secretary Leonor Briones na ayon umano sa ilang pag-aaral ay mas may tiyansang mahawa sa COVID-19 a...
18/12/2020

IGINIIT ni Education Secretary Leonor Briones na ayon umano sa ilang pag-aaral ay mas may tiyansang mahawa sa COVID-19 ang mga kabataan sa kanilang bahay kaysa sa mga eskwelahan.
Tugon ito ng kalihim nang tanungin kung malalagay ba sa panganib sa COVID-19 ang mga estudyante kapag sinimulan na ang dry run ng face-to-face classes sa Enero.

Nitong mga unang araw ng buwan ay hinikayat ng United Nations Children's Fund (UNICEF) ang mga gobyerno na iprayoridad ang pagbubukas ng mga eskwelahan dahil base sa katatapos lamang ng global study gamit ang mga datos sa 191 bansa.
Nasa 1,114 schools ang nasa listahan ng Department of Education para magsagawa ng dry run ng face-to-face classes. Ayon sa kalihim ay mababawasan pa ito dahil sa marami pang health protocol na kailangang ikonsidera.

Source: Remate

MASAPULEN nga ag-face mask ken face shield iti amin a para publiko a luglugar iti pagilian. Inbatad ni Presidential Spok...
18/12/2020

MASAPULEN nga ag-face mask ken face shield iti amin a para publiko a luglugar iti pagilian. Inbatad ni Presidential Spokesperson Harry Roque a daytoy iti nagtulagan a baro a polisiya ti Inter-Agency Task Force (IATF) tapno nga masardengan iti panagwaras ti COVID-19.
No idi ket dagiti establisimiyento wenno dagiti mall laeng masapul nga ag-face maske ken face shield, tatta ket uray dagiti para publiko a lugar. Inlawlawag ni Roque nga palubusan laeng ket full face shield nga manipud muging inggana baba iti rupa iti maysa a tao. Iti kastoy, manayunan proteksyon iti publiko tapno nga maliklikan iti COVID-19 aglalo ita nga holiday season.
Dinawat met ti gobyerno iti publiko ga saan pay laeng a mapmapan kadagiti natatao a lugar ken enclosed areas, uray makilaok kadagiti social gathering tatta a panawen ti paskua.

Source: Philstar

INIREKOMENDA ng Department of Education (DepEd) ang nasa 1,114 paaralan para magsagawa ng dry run sa face-to-face classe...
18/12/2020

INIREKOMENDA ng Department of Education (DepEd) ang nasa 1,114 paaralan para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan. Pero sinabi ng kalihim na kailangan pang suriin kung nagpapatupad ng health protocols ang naturang mga eskwelahan at kung aprubado ng mga magulang at local government units.
Maaari anyang mabawasan ang bilang ng mga nominated schools oras na dumaan na ang mga ito sa kaukulang pagsusuri at pagkilatis.
Una nang pinayagan ng Malakanyang na makapagsagawa ng dry run para sa face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19.
Gayunman, hindi compulsary at dapat boluntaryo ito kaya kailangan pa rin magsumite ang mga magulang ng permiso para makasali ang kanilang mga anak.
Itinakda ng DepEd sa Enero 11-23, 2021 ang dry run habang sa huling linggo ng Enero ay ilalaan ang submission ng reports sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at evaluation para sa pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: Philstar

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Amianan Chronicle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share