01/09/2019
🔥Here Are 5 Business Lessons I Learned From Jollibee’s
Founder Tony Tan Caktiong
Karamihan sa atin ang nakakain na sa Jollibee, pero karamihan din sa atin hindi alam kung paano nagsimula ang Jollibee.
Ang Jollibee ay pagmamay-ari ni Tony Tan Caktiong. Siya ay anak ng isang kusinero na nagsikap para makapagtapos si Tony ng pag-aaral. Si Tony ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa University of Sto. Tomas (UST) sa kursong BS Chemical Engineering.
Hindi ginamit ni Tony ang kanyang kurso para yumaman. Siya ay sumubok na magsimula ng kanyang negosyo. NagFranchise sya ng isang maliit ice cream parlor mula sa Magnolia.
Dumami ng dumami ang customers ni Tony at marami sa kanyang customers ang nagrequest ng mga iba’t ibang pagkain tulad ng mga sandwich, fries at fried chicken. Hindi pa uso noon ang fastfood.
Dumami ng dumami ang ice cream parlors ni Tony sa buong Maynila. Noong nabalitaan ni Tony ang McDonald’s Food Chain sa America, pinalitan ni Tony ang kanyang Ice Cream Parlors sa mga FastFood Restaurants.
Paano nila nakuha ang pangalan na “Jollibee”? Nakuha niya ang pangalan na Jollibee dahil sa personality ni Tony. Masiyahin si Tony at palaging busy sa kanyang negosyo. Dito nakuha ang “Jolli” meaning masiyahin at “Bee” dahil palagi siyang busy parang bubuyog, “Busy as a Bee.”
Sa ngayon, ang Jollibee ay may-ari na ng mga iba’t ibang restaurants tulad ng: Greenwhich Pizza, Chowking, Red Ribbon, DeliFrance, Mang Inasal atbp. At kilala na ang Jollibee hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin.
Here’s the take-away lessons from Tony’s Jollibee.
1. The Key To Being Financially Free is Not in Employment, but in Business.
Kahit na ang kurso ni Tony ay BS Chemical Engineering, hindi siya nagpatuloy sa kanyang natapos na kurso. Hindi siya nagpatuloy na maging isang engineer upang maging empleyado lamang. Siya ay nagsimula ng sarili niyang negosyo na kung saan siya ay masaya at malaya.
2. Take A Risk.
Alam ni Tony na sayang ang kanyang natapos na kurso sa UST subalit sumubok pa rin siyang magNegosyo. Hindi man niya alam kung magiging successful ang kanyang Ice Cream Parlor, pero ito ay sinubukan pa rin niyang simulan.
Paano kaya kung hindi man lang siya sumubok?
Saang kumpanya kaya nagtatrabaho ngayon si Tony?
Masaya kaya siya sa kanyang 8am-5pm job?
3. Start Now and Adjust Later.
Importante ang magsimula at mag-adjust na lamang habang tumatakbo na ang negosyo. SI Tony ay nagsimula lamang sa isang maliit na ice cream parlor at nadagdagan ang mga produkto dahil sa mga kagustuhan ng mga customers. Tsaka pa lamang niya naisipang itayo ang Jollibee FastFood Restaurant.
4. Create A Memorable Brand.
Nabuo ang konsepto ng “Jollibee” dahil sa personalidad ni Tony at yun din ang tumulong sa pagbuo ng branding ng kanyang fastfood restaurant.
5. Conquer Your Competition.
Naintindihan ni Tony na ang iba’t ibang naglalabasan na mga fastfood restaurants ay kalaban niya sa kanyang negosyo. Kaya nama’y binili niya ang iba’t ibang restaurants na ito.