Files Online

Files Online Dedicated Files found around the net

Sa unang araw ng Disyembre pa lamang ay naghatid na ng kaaliwan sa Instagram ang aktres-socialite-model na si Heart Evan...
01/12/2022

Sa unang araw ng Disyembre pa lamang ay naghatid na ng kaaliwan sa Instagram ang aktres-socialite-model na si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay.

Aniya sa isang IG post, “Isang gin bilog please.” Kalakip ng kanyang ‘order’ ang dalawang larawan kung saan ay makikita siyang nakaupo sa isang bar na sosyalin. Sa quilted chairs pa lang ay alam mo nang hindi ito basta bastang bar. Hindi naman niya tinukoy kung saan ito.

Bumuhos naman ang heart reactions sa post niyang ito; sumasakay sa pakwela niyang pagbubukas sa Disyembre.

Maraming naaliw sa kanyang ‘amoy mayamang’ mga larawan.

“Baka wala there order mo haha,” sabi ng isa niyang follower na nakatanggap naman ng tugon mula sa isa pang netizen. “World’s #1 selling gin ang GIN BILOG, I bet meron dyan!”

May payo naman ang iba. “Red horse na lang Miss heart”

“Gin bilog with a side of pomelo juice, mars! No to whistle chaser!”

“Hahahaha kulang ung gin bilog ate, ung kwadrado, gin 4×4 hahahaha”

Ilan din naman ang nag-virtual tagay sa kanya. “Shot puno, sizt!”

“Hahaha love your humor my dear!”

“U will pass as a teenager. With that body and looks.”

Basahin: Heart Evangelista nakatanggap ng maagang Christmas gift mula sa kaniyang Daddy

Isang maagang pamasko ang natanggap ni Kapuso actress Heart Evangelista mula sa kaniyang amang si Reynaldo Ongpauco. Ibinahagi ni Heart ang naging pag-uusap nila ni Daddy Rey. Ayon sa huli, nais niyang mapasaya ang anak kaya binigyan niya ito ng regalo. Sana all may Daddy Rey. hahaha

Noong Agosto ay umugong ang usap-usapan na hiwalay na si Heart sa kaniyang mister na si dating Sorsogon Governor at ngayon ay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.

Ito ay matapos tanggalin ni Heart ang ‘Escudero’ sa kaniyang pangalan sa Instagram bio. Ito rin umano ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang lumipad patungong Paris para mapawi ang sakit ng loob.

The post ‘Isang gin bilog please’ ni Heart Evangelista sa IG, kinaaliwan sa social media appeared first on NewsPresenter.

Sa unang araw ng Disyembre pa lamang ay naghatid na ng kaaliwan sa Instagram ang aktres-socialite-model na si Heart Evangelista o Love Marie...

Namamanghang ibinahagi ni Chito Miranda sa Instagram  ang soft opening ng kanilang bagong restaurant business na matatag...
01/12/2022

Namamanghang ibinahagi ni Chito Miranda sa Instagram ang soft opening ng kanilang bagong restaurant business na matatagpuan sa Skyranch, Tagaytay City.

Ang ‘Mang Jose Lechon at Inasal’ na ipinangalan nila ay hango sa kantang ‘Mang Jose’ na pinasikat ng kaniyang bandang Parokya ni Edgar (PNE).

Labis na na-amaze ang frontman ng PNE sa naging tagumpay ng kanilang soft opening sa Skyranch. Noong una kasi ay parang nalalakihan siya sa space na kinuha nila para sa branch na iyun.

Aniya sa kanyang post, “Cheers! Nung construction palang ng Mang Jose dito sa Skyranch Tagaytay, honestly, nung una medyo intimidated ako sa laki…but my partners were confident na sakto lang yung laki ng lugar na kinuha namin.”

Nagtiwala na lang umano siya. Ngunit higit pa sa inaasahan niya ang dumagsa sa kanilang pagbubukas. Labis siyang na-excite sa pagtangkilik ng mga tao sa kanilang ‘Mang Jose’ branch.

“Today, during our soft-opening, pagpasok ko pa lang, ang bungad sa akin ng mga taga-SM na nag-approve sa amin na maglagay ng branch dito, kulang na kulang daw yung tables and chairs namin sa dami ng tao. (emojis)

Madamdaming niyang ibinahagi ang kanyang kasiyahan dito. “Sobrang nakaka-excite at nakakataba ng puso yung pagtangkilik nyo sa Mang Jose!”

Kaya naman nagbitaw na siya ng paanyaya sa mga hindi pa nakararating sa kanilang resto sa Skyranch.

“Tara na dito sa Skyranch Tagaytay! Kain kayo madami Mang Jose tapos sakay adag ng rides para nakakatawa!!! (emojis) Dali!!! Roadtrip tapos foodtrip!!!

Sa kabisihan yata ni Chito ay hindi pa ito nakauuwi. hahaha Napa-comment tuloy ang kanyang maybahay na si Neri sa kanyang IG post. Anito, “Uwi ka na. Miss na kita.”

Basahin: Resto business ni Chito Miranda sa Tagaytay, nag-grand opening na: ‘We will build an empire’

Noong Oktubre 28 naman naganap ang grand opening ng kaniyang ‘Mang Jose Lechon at Inasal’ branch na located sa kahabaan ng Mahogany Avenue kaya inimbitahan ni Chito ang mga nadadaan sa bahaging ito ng Tagaytay para sa ‘konting tugtugan at inuman’.

May target pa silang La Union branch bilang bahagi ng kanilang ‘business empire’ goals.

Sa kanilang FB page ay mababasa ang “Ang Restaurant Ng Super Hero Na Pwedeng Arkilahin.”

The post ‘Cheers!’ Chito finlex ang pagdagsa ng tao sa soft opening ng ‘Mang Jose’ resto Skyranch branch nila appeared first on NewsPresenter.

Namamanghang ibinahagi ni Chito Miranda sa Instagram ang soft opening ng kanilang bagong restaurant business na matatagpuan sa Skyranch, T...

Inanunsyo ng aktres na si AiAi Delas Alas ang nakatakdang renewal of vows nila ng asawang si Gerald Sibayan na gaganapin...
30/11/2022

Inanunsyo ng aktres na si AiAi Delas Alas ang nakatakdang renewal of vows nila ng asawang si Gerald Sibayan na gaganapin sa Las Vegas.

Bukod sa renewal of vows ay magdiriwang din ng kaniyang kaarawan si Gerald.

“To Las Vegas.. for our renewal of vows and para sa happy bday ng aking asawa. i will always love you my husband advance happy bday .. Tom will be a special day wohooooo,” ani AiAi sa isang Instagram post.

Sa isang hiwalay na post ay nagbahagi naman si AiAi ng compilation ng mga larawan nila ng asawa bilang pagbati sa kaarawan nito. “I promise to love you until my last breath.. Happy birthday my dear husband. GOD BLESS YOU ALWAYS.”

Noong isang taon ay ipinagdiwang nina AiAi at Gerald ang kanilang ika-4 na wedding anniversary. Sa kaniyang pagbati ay sinabi ng aktres na hiling niyang maraming taon pa silang pagsamahan ng asawa.

“Happy 4th wedding anniversary my darl.. parang kailan lang ang bilis ng panahon apat na taon na tayong kasal.. hehe naway marami pang taon ang ating pagsamahan sa tulong ng DYOS AT NG MAHAL NA INANG MARIA.. may forever. i love you so much my darling,” aniya pa.

Naging kontrobersyal ang relasyon nina AiAi at Gerald dahil sa 29 taong gap nila. Sa kabila ng kontrobersiya ay nagpakasal sila matapos ang tatlong taong relasyon noong Disyembre 2017.

Sa isang lumang panayam ay sinabi ni AiAi na naniniwala siyang wala sa edad ang pag-ibig.

“Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e. Dumating siya sa buhay ko ng… siguro ibinigay siya sa akin kasi hindi ko naman ini-expect yun e. ‘un yung time na ayoko na talagang mag-boyfriend,” sabi ni AiAi noon.

“Pero nung dumating siya, may mga bagay pala na, ‘Ah may mga mababait palang lalaki talaga.’ Or, ‘Meron pala talagang lalaking para sa iyo.’ Siguro, yun ‘yon.”

The post AiAi Delas Alas, Gerald Sibayan nakatakdang i-renew ang kanilang wedding vows appeared first on NewsPresenter.

Inanunsyo ng aktres na si AiAi Delas Alas ang nakatakdang renewal of vows nila ng asawang si Gerald Sibayan na gaganapin sa Las Vegas. Buko...

Renowned Filipino referee Carlos Padilla has admitted cheating a count, among other things, in favor of Manny Pacquiao d...
30/11/2022

Renowned Filipino referee Carlos Padilla has admitted cheating a count, among other things, in favor of Manny Pacquiao during the Pinoy boxing icon’s fight against Nedal Hussein back in 2000.

Padilla was referring to the October 10, 2000 bout between Pacman and Australian Hussein, who was undefeated back then, for the WBC international super bantamweight title held at Ynares Sports Center in Antipolo City.

“So, you know the opponent, Hussein, or whatever his name was. He is taller, younger, stronger, and [a] dirty fighter, managed by Jeff Fenech.

“So in the seventh round (fourth round actually), I think, Manny got knocked down, I thought he was going to get up, but his eyes were cross-eyed. I am Filipino, and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. I know how to do it,” narrated Padilla in a You Tube video uploaded by WBC.

“When he got up, I told him, ‘Hey, are you okay?’ Still prolonging the fight. ‘Are you okay?’ ‘Okay, fight!’ and then Hussein……because Manny was not like Manny is now, he wasn’t trained by Freddie Roach yet, he holds on for his dear life, and the guy throws him, and he went down again. I said to the opponent, ‘Hey, you don’t do this.’ You know, I was prolonging the fight. ‘You don’t do that. Okay, judges, deduction,” he added.

Padilla also admitted ruling Pacquiao’s headbutt against Hussein as a punch, thereby allowing the fight to continue which should have been stopped in the first place.

“Because he (Pacquiao) is shorter, he headbutted the other guy, and there is a cut, but I declared it a punch,” Padilla said. “ If there is a headbutt, you have to stop the fight and declare to the judges a point deduction, but I didn’t do that, meaning the fight could continue,” the referee recalled.

That historic, and now controversial, fight ended in Pacquiao winning via TKO over Hussein in the tenth round.

Reacting to Padilla’s admission, Hussein said he was shocked at the Filipino referee’s ‘arrogance’.

“That guy, he took everything from me. He took my soul,” Fox Sports quoted Hussein as saying.

Meanwhile, Pacquiao’s camp has yet to release a statement to address the controversy.

Watch the fight via a video shared by Adam Auld on YouTube:

The post Referee Carlos Padilla admits ‘cheating’ a count in favor of Manny Pacquiao appeared first on NewsPresenter.

Renowned Filipino referee Carlos Padilla has admitted cheating a count, among other things, in favor of Manny Pacquiao during the Pinoy boxi...

Nai-reveal ng aktres na si Iza Calzado ang gender ng kanyang unang anak sa kanyang asawang negosyanteng si Ben Wintle.Sa...
29/11/2022

Nai-reveal ng aktres na si Iza Calzado ang gender ng kanyang unang anak sa kanyang asawang negosyanteng si Ben Wintle.

Sa kanyang open letter para kay Mary Ann Ussher, ang kanyang ina na namayapa na 21 taon na ang nakalilipas, ay inilahad niya ang kanyang damdamin para sa inang minamahal, lalo na’t siya ay nalalapit na ring maging isang nanay.

Pinarangalan ng aktres ang kanyang ina nang ipakita niya ang mga lumang larawan nilang magkasama at sinabing “help keep memories alive,” sa kanyang post sa Instagram noong Nobyembre 28.

“Twenty-one years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well,” isinulat niya. “I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light.”

Sa kanyang post humingi si Iza ng patnubay at suporta sa kanyang ina sa kanyang paghahanda sa pagiging isang ina na nalalapit na.

“Pretty soon, I will have my own child. A little Mary Ann, a little Iza,” wika ng aktres. “Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing.”

“I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again,” dagdag pa ni Iza.

Pagkatapos ay inihayag rin ng 40-anyos ang kanyang pag-asa na magkaroon ng mahabang buhay, kasabay ng hiling na ipahayag ang kanyang panawagan sa Diyos.

“Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil ang nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailan man iiwan ang kanyang anak. Ikaw ang nagpatunay nito,” pagtatapos niya. “I love you, Ma.”

Basahin: Iza Calzado puno ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa kaniyang padadalantao

Naniniwala ang aktres na marami siyang dapat ipagpasalamat lalo na at nalalapit na ang pagdating ng baby number 1 nila.

“So much in life to be grateful for but I would say that I am most thankful for the gift of life growing inside me. I have never felt this kind of love and joy before. Paano pa pag andito ka na?” aniya sa isang Instagram post.

The post Iza Calzado may madamdaming open letter para sa inang namayapa, napa-gender reveal na rin appeared first on NewsPresenter.

Nai-reveal ng aktres na si Iza Calzado ang gender ng kanyang unang anak sa kanyang asawang negosyanteng si Ben Wintle. Sa kanyang open lett...

Matapos ang isang buwang hindi pagkikita ay muling nakadalaw ang mga anak ni Andrew Schimmer sa kanilang Mommy na si Jho...
28/11/2022

Matapos ang isang buwang hindi pagkikita ay muling nakadalaw ang mga anak ni Andrew Schimmer sa kanilang Mommy na si Jho Rovero na kasalukuyan pang nagpapagaling.

“First time kasi matagal nilang hindi nadalaw si Mommy nila gawa ng nagkaroon ng infection si Mommy nila so after almost a month or I think isang buwan na, ngayon lang ulit nila nakita si Mommy nila kaya excited na excited sila,” ani Andrew sa isang YouTube video.

Makikita sa video na tila hindi nauubos ang mga kuwento ng kanilang bunsong anak para sa kaniyang Mommy. Hinihimok din ni Andrew ang mga anak na sulitin ang oras na nakadalaw sila sa kanilang Mommy at sabihin dito lahat ng mga gusto nilang sabihin.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Andrew na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Jho. Stable na raw ito at maganda rin ang lagay ng kaniyang digestive system. Maayos rin daw ang blood pressure nito.

[RELATED: Andrew Schimmer masayang ibinahagi ang bumubuting kalagayan ng misis]

“Nakakatuwa lang, guys, kasi she’s very very strong and she’s really fighting. Maganda ‘yung improvements na pinapakita niya every day so ‘wag lang nating bibiglain, ‘wag nating mamadaliin. Little by little, step by step,” aniya.

Positibo rin si Andrew na darating ang araw na si Jho na mismo ang magbibigay ng update sa mga netizen na patuloy na nagdasal at nagbigay ng suporta sa kanila.

“Everything is hard before it becomes easy again. It’s okay. It doesn’t matter. I will push through, we will push through. Promise ko sa inyo ‘yan. I will never stop. Hanggang sa makita nyong okay na okay na siya. Hanggang sa makita nyong siya na mismo yung nag-uupdate sa inyo, hindi na ako,” sabi pa ni Andrew.

Bago ito ay humingi ng paumanhin si Andrew sa mga hindi natuwa sa pagiging emosyonal niya nang ibahagi niya noon na hindi maganda ang kalagayan ng kaniyang asawa.

“‘Pag mahal n’yo ‘yung taong lumalaban, ‘pag meron kayong mahal sa buhay na ipinaglalaban ang buhay niya, I know you will understand me,” aniya.

The post Andrew Schimmer ibinahagi ang muling pagdalaw ng mga anak sa kanilang Mommy Jho matapos ang 1 buwan appeared first on NewsPresenter.

Matapos ang isang buwang hindi pagkikita ay muling nakadalaw ang mga anak ni Andrew Schimmer sa kanilang Mommy na si Jho Rovero na kasalukuy...

Nag-viral online ang isang netizen matapos i-flex ang regalong natanggap niya sa kanyang “Monito, Monita, Something Long...
28/11/2022

Nag-viral online ang isang netizen matapos i-flex ang regalong natanggap niya sa kanyang “Monito, Monita, Something Long”.

Ang kapaskuhan ay panahon ng pagbibigay ng mga regalo. Alinsunod sa kaugalian ng pagbibigay, ang mga Pilipino ay may sariling bersyon ng Secret Santa na kilala bilang “Monito Monita,” kung saan ang mga grupo ng mga magkakaibigan, magkakatrabaho, o magkakaklase ay nagpapalitan ng mga regalo.

Isang Facebook user na nagngangalang Rey Joseph Aguilar ang nagbahagi ng larawan ng regalong natanggap niya sa kanilang segment na “Monito, Monita, Something Long”.

Agad na nag-viral online ang ipinost sa Homepaslupa Buddies 3.0 at umani ng mga reaksyon mula sa mga internet users.

“Something long yung nabunot binigay si Long Mejia,” saad sa caption ng uploader na may kalakip na umiiyak na emojis.

Sa larawan, makikita na nakatanggap si Rey ng picture frame na may photo ng kilalang Filipino comedian/actor na si Long Mejia.

Kuwento ni Rey, “Natawa na lang nang sobra.. kasi mukhang tama naman po siya.”

Ang mga netizens ay nagpahayag ng kanilang mga reaksyon sa nakaaaliw niyang post at inalala rin ang kanilang hindi malilimutang exchange gift.

“Ganyan din sa work ko noon something long daw aba eh ang natanggap ko ‘yung mahabang tinapay tapos ang tigas sabay ang message ipokpok ko daw sa ulo ko.”

“2019 version ng something long na binigay saken ng monito ko hahaha”

“Naalala ko tuloy ang natanggap ko noon na exchange gift sa school elementary pa ako, isang kape na stick, coffemate at piso na asukal.. hajaja”

“Something went long”

“Naalala ko nung high school ako. Ang sa amin something red. ‘Yung na-recieve ko hotdog na may kagat.”

“Hahahaha Sana sa something long, wag naman ito. hahaha”

“Kinabahan naman ako akala ko mag cocondolence na ko.”

“Something long, pwede rin footlong, long bond paper, longganisa.”

The post ‘Something went long’: Netizen, nakatanggap ng Long Mejia’s Portrait appeared first on NewsPresenter.

Nag-viral online ang isang netizen matapos i-flex ang regalong natanggap niya sa kanyang “Monito, Monita, Something Long”. Ang kapaskuhan a...

Tulad ng kaniyang nakagawian sa ilang taong nagdaan, muling tutuparin ni University of Cebu (UC) chancellor Candice Goti...
28/11/2022

Tulad ng kaniyang nakagawian sa ilang taong nagdaan, muling tutuparin ni University of Cebu (UC) chancellor Candice Gotianuy ang Christmas wish ng ilang piling empleyado ng unibersidad.

Muling inilunsad ni Gotianuy nitong Nobyembre 23 ang kaniyang handog na pamasko na tinawag niyang sa isang Facebook post.

Ang ay para lamang sa mga empleyado ng University of Cebu Medical Center (UCMC) at College of Technological Sciences kung saan siya ay kapwa nanunungkulan bilang president.

“It’s time for UC and CTS employees! Write down your wish in the comments below. I will choose wishes and make some of them come true. This is my personal Christmas gift to you,” ayon sa post ni Gotianuy.

Mayroon ding inilabas na guidelines ang UC boss para makasali sa kaniyang handog-pamasko:

1.You have a better chance of receiving your wish if it is realistic.

2.Even better if it is sincere and with a good reason.

3.Write down your wish in a courteous manner.

4.Below the wish, write your name, age, campus, department and years of service to UC/ CTS.

Si Gotianuy ay anak ng founder ng University of Cebu na si Augusto Go. Kabilang sa kanilang pag-aari ay ang University of Cebu Medical Center na nasa Mandaue City.

Sa panayam ng Philstar noong 2019, sinabi ni Ma’am Candice na nais niyang gumawa ng isang espeyal na handog para sa UC community pagsapit ng Pasko.

“A lot of our students are from the lower socieconomic segment and I knew it would mean something to them, the faculty and staff. It was also an enjoyable way of getting to know the needs and concerns of our community,” ani Gotianuy.

Kabilang sa mga tinupad niyang Christmas wish noon ay isang motorsiklo para sa isang Criminology student, pagpapauwi sa amang OFW ng isa pang estudyante, medical expenses para sa magulang ng isa pa at marami pang iba.

The post University of Cebu chancellor Candice Gotianuy tutuparin ang Christmas wish ng ilang empleyado appeared first on NewsPresenter.

Tulad ng kaniyang nakagawian sa ilang taong nagdaan, muling tutuparin ni University of Cebu (UC) chancellor Candice Gotianuy ang Christmas w...

Isang batang may kapansanan ang pinusuan at hinangaan ng mga netizens ang determinasyon na maipakita ang kaniyang galing...
28/11/2022

Isang batang may kapansanan ang pinusuan at hinangaan ng mga netizens ang determinasyon na maipakita ang kaniyang galing sa kabila ng kalagayan nito.

Para kasi sa karamihan, ang naturang bata ay patunay lamang na hindi hadlang ang kapansanan upang mamuhay nang normal at masaya.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Artbie A. Samson, sinabi nitong isa umano sa pinalakpakan ng mga tao sa sa muling pagbubukas ng scouting sa San Agustin Integrated School, San Manuel, Tarlac ang Kid Scout na si Prince Jay R.

“Isa kasi sa mantra ng Scouting sa SAIS ay Leadership at Talents para sa lahat, kaya hindi nagpahuli si Prince Jay R na ipakita ang kanyang natatagong galing kahit sa likod nito ay ang kanyang pagiging physically challenged,” saad ni Artbie.

Si Prince Jay R ay makikitang putol ang kanang paa at gumagamit ng saklay upang makapaglakad.

Makikita rin sa mga larawan at video na aktibo itong sumasali sa mga gawain ng Kid Scouts at hindi nagpahuli sa kapwa- niya bata lalo na sa pagsasayaw.

Ibinahagi rin ang larawan ni Pricen Jay R sa page ng Boy Scout of the Philippines o BSP.

“’Disability is not a brave struggle or ‘courage in the face of adversity.’ Disability is an art. It’s an Ingenious way to live’ – Neil Marcus. Kudos to Scout Prince Jay-r Delfin from Tarlac Council. Scout Salute,” caption ng post ng BSp.

Saludo naman ang mga netizens na namangha sa deterrminasyon ni Prince Jay R. Narito ang ilang komento ng paghanga sa bata:

“Indeed, its the abilities not the disability..yes to inclusion…”

“PWD = PersonWithDetermination Scout Salute to you li’L Bro. My fellow PWD . God Bless you.”

“Salute to you Kid Scout Prince Jay-R from San Agustin Integrated School. Continue on being an inspiration to others.”

“Salute sayu brother, disability can’t hold you back on what you want to do!”

“Brave and determined child.. salute to you little brother.”

Ang ilan naman ay humihiling na sana ay mabigyan ng artificial na paa si Prince Jay R upang hindi na ito mahirapang gumamit ng saklay.

The post Determinasyon ng Kid Scout na may kapansanan, hinangaan ng mga netizens appeared first on NewsPresenter.

Isang batang may kapansanan ang pinusuan at hinangaan ng mga netizens ang determinasyon na maipakita ang kaniyang galing sa kabila ng kalaga...

Matapos ang mga usap-usapang may pinagdaraanan sila ng asawang si Angel Locsin ay ibinahagi ni Neil Arce ang natanggap n...
26/11/2022

Matapos ang mga usap-usapang may pinagdaraanan sila ng asawang si Angel Locsin ay ibinahagi ni Neil Arce ang natanggap niyang maagang Christmas gift mula sa aktres.

Ipinost ni Neil sa kaniyang Instagram stories ang golf cart na ibinigay sa kaniya ni Angel. “Early Christmas surprise from the wife. Thanks my love ,” caption dito ni Neil.

Matatandaang nang mapansin ng netizens ang matagal nang hindi pagpaparamdam ni Angel sa social media ay nabuo ang haka-hakang may pinagdaraanan sila ng asawa.

Nasundan pa ito ng isyung nag-ugnay kina Neil at Maxene Magalona nang maglabas ng video ang ilang mga YouTube channel na diumano ay nabuntis ni Neil si Maxene.

Gayunpaman, sa isang mensahe na ipinadala ni Neil sa entertainment reporter na si Ogie Diaz ay tinawag niyang fake news ang mga kumakalat na balita.

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng mga followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” pahayag ni Neil.

[RELATED: Neil Arce nagsalita na kaugnay ng mga isyu sa kanila ng asawang si Angel Locsin]

Hindi na rin direktang sinagot ni Maxene ang pagkakadawit niya rito ngunit nagbahagi siya ng quote na nagsasabing may ilang bagay na hindi dapat bigyan pa ng reaksyon. “Just sit back and observe. Most things don’t deserve a reaction,” saad dito.

Matatandaang sinabi ng malapit na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana na gusto lang munang magbigay ng oras ng aktres para sa kaniyang pamilya at deserve naman niya ito.

“Ako kasi, may mga moments akong ganyan, e, sa pamilya ko, na I just want to be able to focus on my family first, all my loved ones. And I think Gel naman super earned that… Kasi we’ve seen her and she has been non-stop working ever since,” sabi ni Dimples.

The post Neil Arce ibinida ang maagang Christmas gift ng asawang si Angel Locsin appeared first on NewsPresenter.

Matapos ang mga usap-usapang may pinagdaraanan sila ng asawang si Angel Locsin ay ibinahagi ni Neil Arce ang natanggap niyang maagang Christ...

Ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuuh ang naging karanasan niya sa unang seryosong relasyon na nauwi rin sa kaniyang unan...
26/11/2022

Ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuuh ang naging karanasan niya sa unang seryosong relasyon na nauwi rin sa kaniyang unang heartbreak.

Ani Mimiyuuuh, gusto niyang ibahagi ang kaniyang naging karanasan dahil alam niyang marami ring dumadaan sa ganitong sitwasyon at hiling niya na sana ay may matutunan din sila.

“Gusto ko pong i-share sa inyo yung mga pinagdaanan ko po and sana po ay may matutunan kayo sa aking heartbreak season. Kahit papaano po, I’m super excited to do this video kasi for sure merong mga taong nakaka-undergo ng mga ganitong breakups,” aniya.

“Always remember na time heals everything. Malungkot ka ngayon pero darating yung panahon na tatawanan mo na lang yung mga ganitong experience.”

Kuwento ni Mimi, nagkakilala sila sa isang dating app at matapos ang ilang date ay nagkapalagayang-loob sila. Kalaunan ay kinailangan nilang magkalayo dahil mag-aaral sa ibang bansa ang kaniyang partner.

Pag-amin niya, umabot sa puntong naging toxic siya at hindi direktang sinasabi ang kaniyang mga saloobin.

“Akala ko, pag gusto ko ng lambing, hindi ako mamamansin, pakiramdaman mo ko. Dapat malakas ang pakiramdam mo. Mali po pala ‘yun. Kasi kapag gusto mo ng something, sabihin mo. Ang mga jowa natin, hindi po ‘yan mga mind reader at hindi po ‘yan si Kuya Kim na mape-predict niya po na at this time ay totoyoin po tayo. So kung gusto mo ng lambing, sabihin mo.”

Kaya naman nang magtampo siya sa partner nang hindi ito mag-abalang surpresahin siya sa kaniyang kaarawan ay sinabi niya rito ang nararamdaman. Kinabukasan naman daw ay nagpadala ito ng bulaklak sa kaniya at nagkaayos na rin sila.

Laking gulat na lang ni Mimi nang mabasa ang breakup message galing sa partner pagkatapos ng kaniyang trabaho sa ibang bansa.

Ngayon ay naka-focus si Mimi sa pag-improve ng kaniyang sarili.

“Totoo po talaga ang self love. Before you get into a relationship, make sure na you really love yourself. And if you really love yourself, you don’t have to beg for anything kasi nga alam mo sa sarili mo na kawalan ka gt kung mahal mo ang sarili mo, alam mo kung ano ang deserve mo, and we all deserve the best.”

Panoorin dito ang vlog ni Mimiyuuuh.

The post Mimiyuuuh ibinahagi ang mga aral sa kaniyang unang heartbreak appeared first on NewsPresenter.

Ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuuh ang naging karanasan niya sa unang seryosong relasyon na nauwi rin sa kaniyang unang heartbreak. Ani M...

Masayang ibinahagi ng mga content creator na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang 3D sonogram ng kanilang ...
26/11/2022

Masayang ibinahagi ng mga content creator na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang 3D sonogram ng kanilang anak na si Meteor.

Sa isang video na ibinahagi nila sa Facebook ay sinabi ni Whamos na nagiging kamukha na ni Antonette ang kanilang baby boy.

“Habang tumatagal, gumaganda yung itsura ng mukha niya. Mas lalong nagiging kamukha ng Mommy niya. Dati hawig ko e, pero ngayon hindi na. Hawig na ng nanay niya. Pati yung labi, yung baba, kuhang kuha niya sa mommy niya,” aniya habang ipinakikita ang sonogram ng anak.

Matatandaang nang inanunsyo ng dalawa na parating na ang kanilang baby number 1 ay nag-react si Xian Gaza na sana ay huwag maging kamukha ni Whamos ang bata. “Yon nga din boss ehh. Ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko. ang sagwa,” tugon naman dito ni Whamos.

Sa isang post ay ganito rin ang hiling ni Whamos para makaiwas sa panghuhusga ng mga tao ang kaniyang anak. “Wag mo sana ako maka muka baby para di ka makaranas ng panlalait ng ibang tao,” aniya sa isang post.

Ani Whamos, pinag-iisipan pa nila kung ano ang ipapangalan sa kanilang baby. Sa ginawang gender reveal para sa kanilang anak ay ibinahagi ni Whamos kung bakit Meteor ang napili nilang maging palayaw nito.

“Basta sa akin, maging lalaki o babae, parehas kaming magbibigay ng pangalan, hati kami. Hindi kami magtatalo rito. Siyempre ang nickname niya na talaga is baby Meteor. Meteor na talaga. Bakit Meteor yung ipinangalan ko sa kaniya?” pagbabahagi niya.

“Kasi nung nagdadasal ako, nakatingin ako sa taas tapos biglang may dumadaan na meteor, parang dun ako nagdadasal, dun ako nag-wish na magkaroon kami ng baby at yun na nga, dumating na nga.”

Mensahe naman ni Whamos sa anak, “Mahal na mahal ka namin at gagawin namin lahat paglabas mo, hanggang sa paglaki mo maging masaya ka lang. Gagawin namin yun lahat ng mommy mo, promise yan lagi.”

The post ‘Kamukha ng mommy!’ Whamos Cruz proud na ibinahagi ang sonogram ng anak appeared first on NewsPresenter.

Masayang ibinahagi ng mga content creator na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang 3D sonogram ng kanilang anak na si Meteor. ...

Kinaantigan ng netizens ang larawang ibinahagi ni Herlene Nicole “Hipon” Budol kung saan makikita siyang nakahiga sa pun...
25/11/2022

Kinaantigan ng netizens ang larawang ibinahagi ni Herlene Nicole “Hipon” Budol kung saan makikita siyang nakahiga sa puntod ng kaniyang namayapang lola.

“Nasumbong ko nang lahat kay nanay,” maiksing caption dito ng Bb. Pilipinas 2022 1st runner up.

Dagdag pa ni Herlene sa comment section, ang kaniyang Lola Bireng ang madalas na makinig sa kaniyang mga sumbong kaya ngayong wala na ito, pakiramdam niya ay nawalan din siya ng kaibigan at kakampi.

“Dati kase sya yung sumbungan ko. Siya yung nakikinig at naniniwala sakin. Ngayon I feel na hindi lang ako nawalan ng Lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan. Kaya kahit wala ka na sa tabi ko, alam kong ikaw pa rin ang kakampi ko alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako ng safe,” paliwanag niya.

Kamakailan lang ay bumalik ng Pilipinas si Herlene matapos ang naunsyaming pagsali sa kaniyang unang international pageant sana sa Uganda.

Matatandaang inanunsyo ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino ang pag-urong ni Herlene sa Miss Planet International dahil sa ilang kaguluhan na naranasan nila rito.

“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempts to fix some pageant debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene,” sabi ni Wilbert.

[RELATED: Herlene Budol nagpasalamat sa suporta ng Filipino community sa Uganda]

Bago tuluyang bumalik ng bansa ay nagpasalamat si Herlene sa mga Pinoy sa Uganda na nagpakita ng pagmamahal sa kaniya.

“Sobra pa sa korona yung maiuuwi ko para sa Pilipinas dahil sa baon kong aral na natutunan. Napatunayan kong sa oras ng pangangailangan May Pilipinong magdadamayan kahit saang bansa. Panalo ang Pilipinas with or without crown. I’m proud to [be] a Filipina. Salamat Sa Filipino community Sa Uganda,” sabi ni Herlene sa isang Instagram post.

The post Larawan ni Herlene Budol na ‘nagsusumbong’ sa puntod ng lola, viral appeared first on NewsPresenter.

Kinaantigan ng netizens ang larawang ibinahagi ni Herlene Nicole “Hipon” Budol kung saan makikita siyang nakahiga sa puntod ng kaniyang nama...

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Files Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share