Quezon News Today

  • Home
  • Quezon News Today

Quezon News Today Ang QNT ay pinapatnubayan ng propesyonal at 30 taon nang nasa larangan ng media.
(2)

06/07/2024

BASAHIN | “Bagong Local Political Party sa Quezon Province, Inilunsad”

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang paglulunsad ng isang political party na kinabibilangan karamihan ng mga nakaupong halal na opisyal ng Quezon Province.

Binansagang STAND UP QUEZON ( Solidarity for Transformation, Advancement and Nationalism towards a Dynamic, United and Progressive Quezon Province ).

Ayon kay Gov. Helen Tan, na tumatayong pangulo ng partido, layunin ng STAND UP QUEZON ang malawakang nagkakaisang pagkilos upang labanan ang matinding kahirapan na nararanasan ng maraming mamamayan sa lalawigan.

Binigyang diin ng gobernadora na higit sa pulitika at darating na eleksyon, isusulong ng STAND UP QUEZON ang kanyang “HEALING Agenda” na maghahatid ng mga programa at proyekto para sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastruktura, kalikasan at turismo, at mabuting pamamahala.

Dinaluhan ang paglulunsad ng pinakamalalaking pangalan sa lokal na pulitika tulad nina Cong. Mark Enverga ng 1st District, Cong. Reynan Arrogancia ng 3rd District, at Cong. Atorni Mike Tan ng 4th District na tumatayo rin bilang Assistant Majority Leader ng Kongreso.

Agad na nakipag-alyansa ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa STAND UP QUEZON sa pangunguna ni dating Senate President at kasalukuyang Chairman ng NPC na si Senador Tito Sotto na nagsilbi rin bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa makasaysayang pagtitipon.

May kabuoang 226 mula sa 430 na mga nakaupong halal na opisyal mula konsehal ng bayan hanggang sa pinakamataas na pwesto sa lalawigan ang nanumpa ng katapatan bilang mga kasapi ng bagong partido.





[ 📸 Provincial Government of Quezon PIO ]

JUST IN ! “JOMALIG, NIYANIG”Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Jomalig, Quezon kaninang alas-7:32 ng gabi, ayon sa P...
02/07/2024

JUST IN ! “JOMALIG, NIYANIG”

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Jomalig, Quezon kaninang alas-7:32 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)

Panoorin at pakinggan sa Radyo Pilipinas 3 ( RP3 Alert ) Presidential Broadcast Service ( PBS ) bukas Martes 12 nn - 1 p...
10/06/2024

Panoorin at pakinggan sa Radyo Pilipinas 3 ( RP3 Alert ) Presidential Broadcast Service ( PBS ) bukas Martes 12 nn - 1 pm ang "ALERTONG SERBISYO" program kasama ang Office of Civil Defense ( OCD )



Mabuhay and Congratulations Quezon Province Governor Doktora Helen Tan !!!Pinarangalan bilang Outstanding Filipino Physi...
23/05/2024

Mabuhay and Congratulations Quezon Province Governor Doktora Helen Tan !!!

Pinarangalan bilang Outstanding Filipino Physician si Gov. Doktora Helen Tan sa ginanap na 33rd Jose P. Rizal Memorial Award- Philippine Medical Association sa SMX Convention Center, Clark Pampanga noong Sabado, Mayo 18, 2024.

[ Provincial Government of Quezon ]

Mabuhay and Congratulations MA. ATHISA MANALO !!!Proud sa iyo ang buong Quezon Province sa iyong kahanga-hangang tagumpa...
23/05/2024

Mabuhay and Congratulations MA. ATHISA MANALO !!!

Proud sa iyo ang buong Quezon Province sa iyong kahanga-hangang tagumpay bilang 2nd Runner-up sa Miss Universe Philippines 2024.





[ Provincial Government of Quezon ]

Press Statement ofPBGEN Paul Kenneth T Lucas, RD PRO 4A"Bilang Regional Director ng PRO CALABARZON, nais kong magbigay n...
16/05/2024

Press Statement of
PBGEN Paul Kenneth T Lucas, RD PRO 4A

"Bilang Regional Director ng PRO CALABARZON, nais kong magbigay ng update hinggil sa pagbasura sa kaso ng Paglabag sa Article 267 (Kidnapping and Serious Illegal Detention) laban kay Police Major Allan Avena de Castro, Jeffrey Ariola Magpantay, alyas “Jepoy”, at 2 John Does kaugnay ng umano’y pagkawala ni Ms. Catherine Manguerra Camilon noong Oktubre 12, 2023.

Ibinasura ni Assistant Regional Prosecutor, Rogelio D. Radoc, Jr. sa kanyang Resolution na may petsang Abril 16, 2024 ang kasong isinampa laban sa mga respondent, nang hindi binibigyang kredensiya ang ebidensyang isinumite ng complainant."

26/04/2024

Provincial Government of Quezon
Doktora Helen Tan

JUST IN | Kasunod ng announcement ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Red/Yellow alert sa Luzon gr...
16/04/2024

JUST IN | Kasunod ng announcement ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Red/Yellow alert sa Luzon grid ngayong araw, nagbabala ang Meralco na baka maapektuhan ang suplay ng koryente sa ibat-ibang area sa Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon area ng manual load dropping (MLD) o rotational power interruption.

Ipinabatid ng Meralco na ang mga power interruptions na ito ay hindi magtatagal ng isang (1) oras. Kapag tumagal umano nang higit isang oras ang power interruption sa inyong lugar, tumawag agad sa Meralco para matulungan kayo agad.

📸: Meralco

WARNING ⚠️Naglabas ngayong Martes April 16, 2024 ng 𝐆𝐑𝐈𝐃 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒 sa Luzon ang National Grid Corporation of the Phil...
16/04/2024

WARNING ⚠️

Naglabas ngayong Martes April 16, 2024 ng 𝐆𝐑𝐈𝐃 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒 sa Luzon ang National Grid Corporation of the Philippines.

𝐑𝐞𝐝 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭
2:00PM-4:00PM
6:00PM-9:00PM

𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭
1:00PM-2:00PM
4:00PM-6:00PM
9:00PM-11:00PM

Available Capacity – 13,537MW
Peak Demand – 13,024MW

Batay sa "Grid Alert Status", labing-siyam (19) na mga power plant ang kasalukuyang nasa forced outage, habang tatlo (3) iba pa ang gumagana na nasa "derated capacities", kung saan kabuuang 2,117.3MW ang unavailable sa buong Luzon grid.

📸 : National Grid Corporation of the Philippines

BREAKING NEWS | Suspendido ang "in-person" o "face-to-face" classes bukas, Lunes April 8, 2024, sa lahat ng Public Schoo...
07/04/2024

BREAKING NEWS | Suspendido ang "in-person" o "face-to-face" classes bukas, Lunes April 8, 2024, sa lahat ng Public Schools nationwide.

Ito ay batay sa anunsyo na inilabas ngayon ng Department of Education (DepEd) dahil sa naipit sa dalawang araw na magkasunod na holiday ang araw ng Lunes, kaya lilipat muna sa Distance Learning ang mga mag-aaral para nakumpleto pa rin nila ang mga kinakailangan sa kanilang klase.

Kasabay nito, hindi rin inoobliga ang mga School personnel na magtungo ng personal sa kanilang mga paaralan.

Ipinauubaya naman ng DepEd sa mga administrador ng Pribadong Paaralan kung magpapatupad din sila ng kaparehong hakbang.

Una nang ipinabatid ng Malacañang na deklaradong holiday ang April 9 (Araw ng Kagitingan) at April 10 (Eid’l Fitr).

JUST IN | Nakapagtala na ng tatlumpu’t dalawang (32) kaso ng Pertussis ang Lalawigan ng Quezon.Pito (7) sa mga kasong it...
04/04/2024

JUST IN | Nakapagtala na ng tatlumpu’t dalawang (32) kaso ng Pertussis ang Lalawigan ng Quezon.

Pito (7) sa mga kasong ito ay CONFIRMED o naging positibo sa laboratory test. Wala pang naiitalang namatay dahil sa sakit na Pertussis.

Sinabi ni Governor Doktora Helen Tan na miiwasan ang pagkalat nito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
-Pagtatakip ng ilong at bibig kapag bumabahing o umuubo
-Palagiang pagsusuot ng mask at maghuhugas ng kamay
-Pag-iwas sa matataong lugar at kung may sintomas na ay huwag nang papasukin sa eskwelahan
-Maagang pagpapa check-up at pagre-report ng mga kaso sa inyong lugar at
- Pagpapabakuna laban sa Pertussis.

Provincial Government of Quezon :

21/03/2024
05/03/2024

PANOORIN | Mensahe ng Kagalang-galang na Gobernadora ng Lalawigan ng Quezon:
Governor Doktora Helen Tan

Provincial Government of Quezon

03/02/2024

JUST IN | Pormal nang inanunsyo ni Mike Rivera, dating Mayor ng Padre Garcia, Batangas at Representative ng 1-CARE Partylist, ang kaniyang pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas Province sa darating ng election sa 2025.



[ Source: FB of Mike C. Rivera ]

BASAHIN | Kinumpirma ni Dra. Kristin Villaseñor, Head ng Quezon Provincial Health Office, na ipinag-utos ni Governor Dok...
29/12/2023

BASAHIN | Kinumpirma ni Dra. Kristin Villaseñor, Head ng Quezon Provincial Health Office, na ipinag-utos ni Governor Doktora Helen Tan ang "mandatory" na pagsusuot ng facemask sa "indoor settings" o kahit sa "outdoor settings" kung talagang hindi maiiwasan ang "physical distancing" sa ibat-ibang panig ng lalawigan ng Quezon.

JUST IN | Anim na magkakaanak ang patay sa sunog sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon kaninang umaga, Sabado Nove...
25/11/2023

JUST IN | Anim na magkakaanak ang patay sa sunog sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon kaninang umaga, Sabado November 25, 2023.

Sa report ng Bureau of Fire Protection- Candelaria, kabilang sa mga namatay ang isang senior citizen at ang limang (5) apo nito na edad 21, 18, 16, 10 at 9 anyos.

📸 : BFP- Candelaria

APPLY NOW!Interview will follow right after the Free Orientation. Qualified applicants will be chosen on the spot.Succes...
07/11/2023

APPLY NOW!

Interview will follow right after the Free Orientation. Qualified applicants will be chosen on the spot.

Successful Applicants will depart January or June of 2024. It depends on how fast you can comply with your requirements. Move!

Schedule of Orientation
📍TAYABAS, QUEZON
Date: NOVEMBER 12, 2023
Time: 8:00AM
Venue: La Casa Esperanza Venue & Catering Services, Brgy. Mateuna (near Napocor) Tayabas, Quezon

Click the link to register:
https://tinyurl.com/2x84k4uh

📍SARIAYA, QUEZON
Date: NOVEMBER 13, 2023
Time: 1:00PM
Venue: Balai Sadyaya Resort, Kamagong Road, Brgy. Balubal, Sariaya

Click the link to register:
https://securevisa.net/pub/reg /R5

📍LUCENA CITY
Date: NOVEMBER 13, 2023
Time: 6:00PM
Venue: Maria Cristesa Events Venue Purok Sampaguita, Brgy. Domoit, Lucena City

Click the link to register:
https://tinyurl.com/3vzttvs5

or Call/ Text J at 09171098183 for registration.

03/11/2023

ICYMI | Pumasok na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) katulong ang PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa imbestigasyon sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Itinaas na rin sa 250,000 pesos ang reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Camilon na missing pa rin sa loob ng tatlong linggo na simula noong October 12, 2023.

Hanggang sa ngayon ay tumatangging magsalita sa isyu ang police official na itinuturing bilang person of interest sa pagkawala ng beauty queen sa Lemery, Batangas.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Police Regional Office 4A RD PBGEN. Paul Kenneth Lucas na hindi tatantanan ng pulisya ang kaso upang malutas ito.

Ano po reaction ninyo mga netizens sa news na ito ?GLOBE, MANININGIL NA NG DAGDAG NA BAYAD SA MGA 'LATE PAYMENT' MULA DE...
03/11/2023

Ano po reaction ninyo mga netizens sa news na ito ?

GLOBE, MANININGIL NA NG DAGDAG NA BAYAD SA MGA 'LATE PAYMENT' MULA DECEMBER 1, 2023

Ayon sa isang pahayag ng Globe Telecom, magpapatupad ito ng late payment fee para sa mga postpaid subscribers mula sa susunod na buwan.

Karagdagang P50 ang sisingilin para sa mobile postpaid, broadband postpaid, at Platinum subscribers kung magbabayad sila pagkatapos ng buwanang natakdang petsa.

Sinabi ng Globe na ito ay isang standard practice para sa mga telcos upang hikayatin ang mga subscriber na magbayad on-time.


30/10/2023

BASAHIN | "Casiguran, Aurora Province; Sentro ng 4Q NSED 2023"

QUEZON CITY - Itinakda ang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong ito sa Nobyembre 9 sa Casiguran, Aurora, kasunod ng paggunita sa World Tsunami Awareness Day tuwing November 5.

Ayon kay Civil Defense PH Deputy Administrator Assistant Secretary Markus Lacanilao, magsisimula dakong alas-8 ng umaga ang 'earthquake drill' na susundan ng seremonyal na pagpindot ng alarma sa eksaktong ika-9 ng umaga.

Kasabay nito, nanawagan si Asec. Lacanilao sa pamamagitan ng OCD at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na lumahok sa mga emergency exercises na katulad nito.

Idinagdag pa ni Asec. Lacanilao na ang Casiguran, Aurora ang napili bilang ceremonial site para sa fourth quarter NSED upang gunitain ang intensity 8 na lindol na tumama sa lalawigan noong Agosto 2, 1968.

Magugunitang bunga ng nasabing lindol na yumanig sa Luzon noong 1968 kung saan ang Casiguran ang epicenter, mahigit 200 ang patay at mahigit 200 din ang sugatan nang gumuho ang Ruby Tower sa Binondo, Manila.

Batay sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), nakapagtala ng malalaking alon o "tsunami" sa Casiguran Bay na tinatayang may taas na tatlong metro.


JUST IN | Abiso sa mga motorista na babalik sa Metro Manila matapos ang long weekend !Magkakaroon ng toll increase sa So...
29/10/2023

JUST IN | Abiso sa mga motorista na babalik sa Metro Manila matapos ang long weekend !

Magkakaroon ng toll increase sa South Luzon Expressway (SLEX) at sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) simula sa Friday November 3, 2023.

Epektibo mula sa nabanggit na petsa, ang mga motorists travelling from Alabang to Calamba ay magbabayad ng additional ₱10.00 for Class 1, ₱20.00 for Class 2 and ₱30.00 for Class 3.

Samantala, ang mga motorists travelling from Calamba to Sto. Tomas, Batangas ay magbabayad ng additional ₱4.00, ₱6.00, ₱8.00 para Class 1, Class 2, and Class 3.

Source : Toll Regulatory Board

TINGNAN | Personal na dinalaw ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang pamilya ng lima kataong nasawi sa landslide sa Si...
27/10/2023

TINGNAN | Personal na dinalaw ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang pamilya ng lima kataong nasawi sa landslide sa Sitio Angelo, Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon noong Martes ng gabi October 24, 2023.

Kasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Mayor Esee Ruzol at Vice Mayor L.A. RUANTO, nahatiran ng tulong ng Provincial Government of Quezon hindi lamang ang mga pamilya ng mga biktimang namatay dahil sa pagguho ng bundok kundi gayundin ang mga residente ng Brgy. Umiray.

Kabilang sa ipinamahagi ng grupo ang mga gamot at bitamina, tulong na pang-edukasyon, gayundin pangkabuhayan tulad ng mga pananim at kagamitan sa pagsasaka.




📸: Quezon Public Information Office

26/10/2023
"Lima patay sa landslide sa General Nakar, Quezon"Bunga ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, natabunan ng gumuhong...
25/10/2023

"Lima patay sa landslide sa General Nakar, Quezon"

Bunga ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, natabunan ng gumuhong bundok sa Sitio Angelo, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon ang lima katao kaninang alas-4:30 ng umaga (Miyerkules October 25) na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Kinilala ni Mayor Eliseo 'Esee' Ruzol ng General Nakar ang mga biktimang sina Ramel Binalao, Sherly Delos Angeles, Jonathan Delos Angeles, Dionely Datario at ang pang lima ay beneberipika ang pagkakilanlan nito.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Quezon Governor Doktora Helen Tan sa mga kaanak ng biktima ng landslide.

📸 : Mayor Esee Ruzol & 2nd Infantry "Jungle Fighter" Division, Philippine Army

25/10/2023
22/10/2023
JUST IN | "Sariaya, Quezon niyanig ng katamtamang lakas na lindol"Ayon sa inisyal na ulat mula sa Philippine Institute o...
13/10/2023

JUST IN | "Sariaya, Quezon niyanig ng katamtamang lakas na lindol"

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), umabot lamang sa Magnitude 2.7 ang pagyanig na naramdaman sa Sariaya dakong alas 7:37 ngayong umaga 13 October 2023.


Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon News Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Quezon News Today:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share