VS Double Plant & Semi Termi Reptile Bug Signal
First of all, 'yung plant natin ay sa harap lang talaga.
Hindi 'yan pwede ipwesto sa mid or back kasi energy gainer lang 'yan at taga-iwan ng poison.
Madalas, ang pattern ng moves ng AAP na 'to, hold lang 'yung plant hanggang maghingalo o mamatay para maka-ipon ng maraming energy at mag-iwan ng poison sa kalaban if possible tapos saka bu-burst 'yung damage ng 2 aquas.
Depende sa sitwasyon at kalaban 'yung mga susunod na moves.
Dito sa video, RRP ang kalaban at meron siyang Spike Throw.
Everytime na may at least 3 energy siya, may chance na magbitaw 'yan ng Spike Throw.
Subukan mo lang predict.
Lowest shield dapat ang plant kapag sa tingin mong magbibitaw na ng Spike Throw 'yung kalaban para sa plant mapunta 'yung combo.
Importante ang pagbilang ng energy ng kalaban at kung anong cards 'yung nagamit na niya. Every use niya kasi ng card, babalik 'yan sa rotation at hindi niya agad mabubunot. Magre-reshuffle lang 'yung deck niya kapag may namatay siyang Axie at doon lang ulit may chance na mabunot niya agad 'yung card na nagamit na niya.
About naman sa "terminator", lagi kang maglalapag ng Swift Escape para hindi ka ma-slow tapos unahin mo 'yung card na may 110 damage then 'yung card na may higher damage kung meron, tulad ng Hero's Bane or Angry Lam (if activated).
Piliin mo rin 'yung card with highest shield para mas tumagal ka sa 1v1/1v2/1v3.
Kung first round pa lang, pwede mo agad gamitin 'yung Angry Lam para mas mataas shield mo.