THINKta

THINKta The official page of THINKta, a community of writers. https://www.facebook.com/groups/THINKta/

02/10/2017

Will be shipping MBE orders starting tomorrow. Thank you!

21/09/2017

ANNOUNCEMENT:

Sa darating na Lunes, September 25, 2017 ay i-o-open na namin ang pre-order para sa mga librong CAPELESS HERO, CONTRIVANCE, at TIME LAPSE. Ang PRE-ORDER PERIOD ay ipatutupad hanggang sa ika-27 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Siguro naman po ay sapat na ang duration na iyon upang makapag-ipon tayo, ano? Ang details about prices and payments ay sa lunes din namin i-po-post. Mangyari lamang po sanang h'wag itong ikabit sa anumang isyu na nakikita ninyo patungkol sa amin. Ibang admin/s po ang mag-ha-handle nito at sinisiguro namin na magiging maayos ang transaction sa pagkakataong ito. Nais din po naming ipaalam na ito na ang UNA AT HULING PRE-ORDER PERIOD na mailalatag namin bago tuluyang isara ang THINKta. Ginagawa lamang din po namin ito dahil may mga humihiling at kailangan. Ngayon, kung kekwestiyonin ninyo na naman ito at ikakabit sa ibang isyu na hindi naman kaming lahat ng admins ang may kasalanan at sasabihin na "sa tingin niyo ba may o-order pa sa inyo?", sige lang. Gawin at sabihin niyo lang. Naiintindihan po namin at patuloy na iintindihin.

Maraming salamat!

—THINKtaAdmins

20/09/2017

Magandang gabi!
Opisyal na po naming isinasara ang THINKta WRITING GROUP. Muli, hinihingi namin ang inyong pang-unawa. Anumang mga gawain na naiwan sa loob ng group ay ipagpapatuloy at tatapusin na natin dito sa page. Maraming salamat!

—THINKtaAdmins

20/09/2017

[MBE UPDATE]

Naipadala na po ang 35 sets ng MBE with Book Box kay Miss Whroxie. This week po ay for delivery na iyon. Iyon po ang handle ni Miss Alexandra Manuud na ipinasa niya sa isa pang admin na si Mhy San Miguel.

Sa mga nais na i-check ang status nito ay narito ang Tracking:

COURIER: JRS
BC: 671
No. 080851

Para naman po sa mga nagtatanong patungkol sa mga orders na hawak ni Joshua Lozada, ang huling update ay naka-line up na ito sa outsource for printing. Muli, paumahin po kung hindi namin magawang makapag-reply sa mga message ninyo patungkol d'yan. Mangyari lamang pong dumirekta na kayo sa mismong facebook account ni Joshua Lozada.

Maraming salamat!

—THINKtaAdmins

13/09/2017

Good morning!

Narito na po ang final list para sa ating Capeless Hero. Kung may mga binago po kayo sa inyong story ay tatanggap kami ng edited copy hanggang bukas, Friday, September 15, 2017, 11:59 pm. Sa ngayon ay aayusin na po muna namin ang lahat ng ilalagay sa buong manus. Ang New Group Chat po ay gagawin na lang matapos maayos ang lahat upang makausap namin kayo. Maraming salamat!

[1]
My Father, My Home
ni Irra Garcia

[2]
Salamat, Itay
ni YannaDesu

[3]
Paanyaya kay Daddy Glenn
ni John Vincent Parungao Agbunag

[4]
Dream Catcher
ni Kaye_Medino

[5]
Mahal Kita, Aking Ama
ni Jonamie Tabañag

[6]
First Love Never Dies
ni MLDonna

[7]
Qualified
ni crazeCEE

[8]
'Tay
ni BaticangWriter

[9]
Sulat kay Itay
ni Erin Iris B. Delos Santos

[10]
Ang Haligi
ni AbnormalRainbow

[11]
Remembering Tatay
ni RuleDefyingDiva

[12]
Trabaho ni Ama
ni am_iRizaCom

[13]
My Phantom Noble
MystOfEry

[14]
Makasama Ka Kahit Bukas Lang
ni Ayradel

[15]
Sakripisyo
Patawad, Salamat at Mahal Kita
ni Mary Joy Corpuz

[16]
Itay
ni Rocel Claresse

[17]
Savior
ni Kring Kring Rodriguez

[18]
Sa Kabila ng Iniinda
ni micaelamarie_

[19]
Dakila
ni Misa_Crayola

[20]
The best ka, Papa!
Sanderdeegreat

©THINKtaAdmins

10/09/2017

REMINDER: Hanggang mamayang 11:59 na lamang po ang confirmation para sa Capeless Hero. Ang lahat ng wala sa comment box about confirmation ay automatic na hindi maisasama sa final list ng mga ilalagay sa ating physical book. Salamat!

LINK (FREE DATA): https://
free.facebook.com/story.php?story_
fbid=1643879245653792&id=10343
84393269950&refid=17&ref=opera
_speed_dial_freefb&_ft_=top_le
vel_post_id.1643879245653792%3
Atl_objid.1643879245653792%3Ap
age_id.1034384393269950%3Athid1034384393269950%3A3060611294
99414%3A2%3A0%3A1506841199%3A9
005895956864345271&__tn__=%2AW-R

08/09/2017

Good evening!
PAUNAWA: Para sa lahat ng naghihintay ng update sa MBE na handle ni Joshua Lozada. Please. Please lang po. Hayaan ninyo naman po ang THINKta na ayusin ang iba pang gusot bukod doon. Nasasaktan na ako/kami. Ginagawa naman na po namin ang lahat, e. Hindi kami nakalilimot ipaalala kay Josh iyon. Hindi. Sana naman po h'wag ninyo kaming ipitin. Mas lalong walang maisasaayos kung hahayaan namin ang mga natengga at hihintayin lang si Josh. Salamat po sa pag-unawa.

—THINKtaAdmins

07/09/2017

Good morning!
FIRST AND LAST SURVEY.
Kung isasabay sa pre-order ng Capeless Hero ang Contrivance at Time Lapse, may o-order pa po ba? Kung wala na, ito pong dalawang libro na ito ay mauuna nang burahin sa listahan ng mga books from THINKta. Maraming salamat!

NOTE: Hanggang Sunday lamang ang survey na ito. Thank you!

—THINKtaAdmins

07/09/2017

[POST FROM THINKta Writing Group]

Good day everyone! In behalf of the admin panel I would like to thank everybody for joining us in our journey of honing and supporting our fellow writers and instilling change in literature.

We all know that every beginning has an end. Walang forever haha! But always keep in mind that not every ending leads to dead end, it could also mean that upon reaching the end of the tunnel, a new way is waiting. A light can be seen. A greener pasture is there.

We believe that learning is a never ending process, thus today, after careful deliberation, we've decided to close this group. Flap your wings and soar high to the never ending sky! You were already armed long before you join our flock. We believe in each and everyone of you. Keep the fire burning! Sulat lang nang sulat! God bless and good luck!

PAGLILINAW: Ang group lamang po ang isasara ngayon at hindi damay ang page. Ang lahat ng on-going activities natin ay ipapaskil dito sa ating pahina upang ipagpatuloy.

Maraming salamat!

—THINKta Admins

06/09/2017

PAGING: Author of Pitong Yugto, Miss Hazel Ang (Jhazel_Ann_05), may isang copy pa po kami ng book mo. Baka sakaling gusto mo pong kuhanin. Last copy na po ito. Salamat! :)

©THINKtaAdmins

06/09/2017
THINKta

THINKta

Good day! Narito na po ang final list ng mga magpapatuloy sa ating nasimulan na story collaboration.

[1] Title: La Memoir
Authors: Kuyang Labo, ruledefyingdiva, parengjuanvicente, meodic paper, abcdyz and mihroan
Genre: Horror

[2] Title: Stellar Guardians
Authors: chichacharryna, shayaraxx, valkyrie_of_the_ice, bangagnamanunulat and ThatGirlLookingAtYou
Genre: Fantasy

[3] Title: The Other Man Authors: SzyrielleChaeShin, MsAngelFierce, BlackYra, Danilo, Cailamae, AbnormalRainbow
Genre: Romance

[4] Title: Sweetest Mistake
Authors: irragarcia, Khryztie Zamora, Chique, and Khim
Genre: Romance

[5] Title: Way Back Into Love
Authors: The_scenariste, MhabbGregorio, Anakling, Sanderdeegreat, Yelitachi, TheAngelSerene and Posadasxblood
Genre: Romance

[6] Title: Igniis Fatuus (Foolish Fire)
Authors: Kirchwoman, TheParaCrea, Ced and Mafzraydear
Genre: Science Fiction

[7] Title: Death-tective
Authors: xzeckergreigh, Hikaru, JulianaDanica, Missy Forevah and serendipitygomezii
Genre: Mystery/Thriller

[8] Title: Hiram na Kasiyahan
Authors: cheyonnibapps, zzlann, TaeDem19
Genre: Teen Fiction

[9] Title: Guns ‘n Roses: Fiercest of them all
Authors: Blurrshadow and MsKoiRen
Genre: Action

ADMIN ORGANIZER: Marion Mhae Canaman
DEADLINE: October 29, 2017; Sunday; 11:59pm

NOTE: Ang mga matatapos na manus ay under THINKta Publishing pa rin, ngunit ipapasa ito sa Wattpad Writers Guild/ WWG Publishing House upang mai-produce as book na pangangasiwaan ng isa pa nating admin na si Mhy San Miguel katuwang ang ating Admin Organizer na si Marion Mhae Canaman. Ito ay naaprubahan na ng Head from WWG na si Miss Rochell Ortega Javier, ngunit hindi po namin masisiguro na lahat ay matatanggap sa WWG dahil gaya ng mga manuscript na ipinapasa sa kanila ay daraan din ito sa evaluation. Gayon pa man, titiyakin po namin na lahat ay magkakaroon ng pagkakataon para sa self-publishing. Tutulong po kami at hindi namin kayo pababayaan.

Mangyari lamang po na h'wag itong ikabit sa anumang issue na kinahaharap ngayon ng THINKta dahil ibang admin naman po ang magha-handle nito, at lulunok kami ng bato kung hindi maayos na matatapos ito. Maraming salamat sa pag-intindi, sulat lang nang sulat!

—THINKta Admins

06/09/2017

[EDITED]

Good day!

Para sa lahat ng contributors ng ating Capeless Hero, mangyari lamang po na magbigay ng confirmation ang bawat isa sa inyo. Ang mga nasa list po sa ibaba ay ang mga napili na stories para sa Capeless Hero, pero dahil hindi na namin mahagilap ang iba, i-a-update po namin ito. At kung sino lamang po ang magbibigay ng confirmation, sila lang ang mapapabilang sa final list ng stories na ilalagay sa book.

PAANO MAG-CONFIRM?
I-comment lamang po ang mga sumusunod:

Year: (From 2016 or 2017)
Title:
Username:
Updated Details: (Kung ipababago ang title or username)

PAANO ANG MGA HINDI NAG-CONFIRM?
Automatic na hindi na kasama sa book ang story niya.

PAANO KUNG GUSTONG MAG-CONFIRM PERO HINDI MAKABIBILI NG BOOK?
Ayos lang. Isasama pa rin ang story mo.

HANGGANG KAILAN PO ANG CONFIRMATION?
Hanggang Sunday. September 10, 2017. 11:59pm. Kung may kilala ka sa list, i-mention mo na. (Sa Admins na kasali, need din ng confirmation ninyo sa comment box nito.)

MAY DISCOUNT BA ANG CONTRIBUTORS?
Wala po. Pero may certificate na ibibigay kasama ng book.

KAILAN PO MAGSISIMULA ANG PRE-ORDER?
Wala pang exact date, hintay na lang ng announcement.

PAANO PO YUNG MGA NAKAPAGBAYAD NA KAY JOSHUA LOZADA?
Malay ko. Dejoke. Hahahaha! Hintayin natin ang paliwanag niya. UPDATE: Ite-turn over niya po iyon sa isang admin.

MAY NEXT BATCH PO KAYANG MAGAGANAP SA PRE-ORDER?
Wala na po. First and Last na ito.

Kung may karagdagang katanungan pa po, i-comment na lang. Salamat!

Natiro po ang list:

FROM 2016.
1. Ang Sulat ni Ama by halimaaaw
2. Prayed for Her Father's Life by RuleDefyingDiva
3. Savior by cursed_name
4. Father & Son by Jendy Romae Mateo
5. Sa Kabila ng Iniinda by Micaela Marie Castro
6. Makapiling by Jhazel_ann_05
7. He, My Imperfect Superman by MaxielindaSumagang
8. Ang Kwento sa likod ng Rehas by Kryptoxcx
9. Puzzle Pieces by justsomeotherauthor
10. Qualified by CrazeCEE
11. Dakila by MisaCrayola
12. Invisible by Francine Clemente
13. Haplos ng Pag-asa by mishisadako
14. Sulat kay Itay by Erin Delos Santos
15. Sombrero by attimity
16. Kargador by Nicky Zabate
17. The Best ka, Papa! by GreedDee
18. My Phantom Noble by MistOfEry
19. Dance with My Father by iamdreamer28
20. First Love Never Dies by MLDonna
21. Dream Cather by Kaye_Medino
22. My Father, My Home by jubeii
23. My Own Superhero by shemaine22
24. Unseen by xxcreamoxx
25. My Super Dad by ElayyKawaii

FROM 2017.
1. Tara Na Po! ni John Vincent Agbunag
2. Ang Mahal kong Ama ni Aether Kim Ysabelle Huxley
3. Haligi ng Tahanan ni Mary Joy Corpuz
4. Salamat, Itay ni YannaDesu
5. `Tay ni melodicpaper
6. Trabaho ni Ama ni am_iRizaCom
7. Huli Na ni Ali_Reese
8. Mahal Kita, Aking Ama ni Namienamix
9. Makasama Ka Kahit Bukas Lang ni Ayradel
10. Patawad, Salamat, at Mahal Kita ni Mary Joy Corpuz
11. Itay ni Rocel Claresse Estabillo
12. Savior by Kring Kring Rodriguez

Note: (1) Dahil babaguhin at isasaayos muli ang buong manuscript, after ng confirmation ay hihingin namin sa inyo isa-isa ang inyong mga story. Edited man o hindi, depende sa writer. Pwede sa file or thru fb message lang. Kung saan ise-send, makikihintay ng announcement. (2) Dahil din sa gagawing update ay malaki ang posibilidad na mabago ang presyo ng book. (3) H'wag mag-alala ang mga may bayad na, aayusin natin iyan. (4) Wala na po ang sinasabing "proceeds/beneficiary", at kung may makukuha man ang contributors ay depende sa kung ilan ang mabebenta na books. Na siya rin nating pag-uusapan kapag na-finalized na itong lahat. Maraming salamat!

Again, hanggang SUNDAY lamang po ang CONFIRMATION. Salamat!

—THINKtaAdmins

06/09/2017

Good day! Narito na po ang final list ng mga magpapatuloy sa ating nasimulan na story collaboration.

[1] Title: La Memoir
Authors: Kuyang Labo, ruledefyingdiva, parengjuanvicente, meodic paper, abcdyz and mihroan
Genre: Horror

[2] Title: Stellar Guardians
Authors: chichacharryna, shayaraxx, valkyrie_of_the_ice, bangagnamanunulat and ThatGirlLookingAtYou
Genre: Fantasy

[3] Title: The Other Man Authors: SzyrielleChaeShin, MsAngelFierce, BlackYra, Danilo, Cailamae, AbnormalRainbow
Genre: Romance

[4] Title: Sweetest Mistake
Authors: irragarcia, Khryztie Zamora, Chique, and Khim
Genre: Romance

[5] Title: Way Back Into Love
Authors: The_scenariste, MhabbGregorio, Anakling, Sanderdeegreat, Yelitachi, TheAngelSerene and Posadasxblood
Genre: Romance

[6] Title: Igniis Fatuus (Foolish Fire)
Authors: Kirchwoman, TheParaCrea, Ced and Mafzraydear
Genre: Science Fiction

[7] Title: Death-tective
Authors: xzeckergreigh, Hikaru, JulianaDanica, Missy Forevah and serendipitygomezii
Genre: Mystery/Thriller

[8] Title: Hiram na Kasiyahan
Authors: cheyonnibapps, zzlann, TaeDem19
Genre: Teen Fiction

[9] Title: Guns ‘n Roses: Fiercest of them all
Authors: Blurrshadow and MsKoiRen
Genre: Action

ADMIN ORGANIZER: Marion Mhae Canaman
DEADLINE: October 29, 2017; Sunday; 11:59pm

NOTE: Ang mga matatapos na manus ay under THINKta Publishing pa rin, ngunit ipapasa ito sa Wattpad Writers Guild/ WWG Publishing House upang mai-produce as book na pangangasiwaan ng isa pa nating admin na si Mhy San Miguel katuwang ang ating Admin Organizer na si Marion Mhae Canaman. Ito ay naaprubahan na ng Head from WWG na si Miss Rochell Ortega Javier, ngunit hindi po namin masisiguro na lahat ay matatanggap sa WWG dahil gaya ng mga manuscript na ipinapasa sa kanila ay daraan din ito sa evaluation. Gayon pa man, titiyakin po namin na lahat ay magkakaroon ng pagkakataon para sa self-publishing. Tutulong po kami at hindi namin kayo pababayaan.

Mangyari lamang po na h'wag itong ikabit sa anumang issue na kinahaharap ngayon ng THINKta dahil ibang admin naman po ang magha-handle nito, at lulunok kami ng bato kung hindi maayos na matatapos ito. Maraming salamat sa pag-intindi, sulat lang nang sulat!

—THINKta Admins

01/09/2017

[MBE UPDATE]

Good morning!

Para sa handle ni Alexandra (Dae) na inilipat ngayon sa isang admin, maayos na po ang lahat. 35 sets for Miss Roxan at tig-isang set para sa dalawang um-order. Di bale, 37sets po iyon na ang estimated date of shipping is first or second week of September. SURE na po iyan at hindi na lalagpas at tatagal pa nang higit sa araw na iyan. Tatapusin lamang po ang book box.

Salamat, Dae! :)

Para naman po sa handle ni Joshua Lozada, nai-ship na po niya ang first 10 sets ng MBE without book box. Hintayin niyo na lamang po ng ise-send niyang tracking number. And the rest na may book box ay aasikasuhin na rin niya. Maghintay lamang po tayo ng update.

Pasensya na po talaga sa delay.
Maraming salamat sa pag-unawa!

—THINKta Admins

25/07/2017

Oh. . . look what we have here!

The first set of orders are ready! The book boxes are still being crafted to perfection, so these babies will be delivered to you pretty soon. :)

(credits to Dae for the pictures.)

24/07/2017

THINKta

18/07/2017
THINKTA'S THIRD BATCH OF BOOKS PRE-ORDER FORM

Greetings!

We are opening the order form po ulit for My Bastard Ex since marami po ang gusto pang humabol.

Open po ito mula ngayon hanggang next week, Tuesday (July 25, 2017). One week lang po. Isasabay lang po kasi namin sa production ng iba pang mga books na hindi pa nagagawa.

Important note: Ang page ng Thinkta at ang cellphone number ng Thinkta (09491195539) lang ang aming mga transactions. Wala na pong iba. Kung may nakipagtransact po sa inyo aside sa Thinkta page at sa cellphone number na binigay namin, hindi po authorized transaction yon kaya kung magkaroon ng aberya ay hindi na sakop ng control ng Thinkta 'yon. Salamat po.

Order form link: https://tinyurl.com/Thinktaaa

HOW TO ORDER: 1. Fill up the necessary information needed below. 2. An e-mail/facebook private message/text message will be sent to you telling you the total amount you have to pay. 3. When you've already received the amount to pay, send in the payment the person-in-charge. His details will be sent…

12/06/2017

Narito na ang certificate ng mga nakapasa sa The Capeless Hero anthology. Iyong manunulat na dalawa ang nasama sa book, isang certificate lang ang mayroon. :)

Sa mga hindi nakapasa, bukas o sa susunod na araw pa namin maipo-post ang certificate.

Muli, salamat sa mga nakisali sa submission na ito.

11/06/2017

Profile Pictures

11/06/2017

Hi, Thinkers! Narito na po ang listahan ng mga natanggap sa anthology na Capeless Hero.

1. Tara Na Po! ni John Vincent Agbunag
2. Ang Mahal kong Ama ni Aether Kim Ysabelle Huxley
3. Haligi ng Tahanan ni Mary Joy Corpuz
4. Salamat, Itay ni YannaDesu
5. `Tay ni melodicpaper
6. Trabaho ni Ama ni am_iRizaCom
7. Huli Na ni Ali_Reese
8. Mahal Kita, Aking Ama ni Namienamix
9. Makasama Ka Kahit Bukas Lang ni Ayradel
10. Patawad, Salamat, at Mahal Kita ni Mary Joy Corpuz
11. Itay ni Rocel Claresse Estabillo
12. Savior by Kring Kring Rodriguez

Mangyaring mag-comment ang mga nakapasa kung sakaling may pagbabago bang gagawin sa kanilang Pen Name o sa title.

Maraming salamat sa lahat ng sumali! Kasalukuyang ginagawa ang certificate sa lahat ng sumali sa submission na ito. Iyon lamang, magandang hapon. :)

11/06/2017

Hey, Thinkers!

Konting kembot na lang at malalaman na ang resulta sa Capeless Hero. Hintay na lang at ipo-post din namin. :)

08/06/2017

Hello, Thinkers! How's the first days of the school year? Maayos ba? Masaya ba? May transferee ka bang nakabungguan sa hallway? Wala? Siguraduhin mong may dala kang libro or something na pwede n'yong pulutin next time. 😂

Kidding aside, update for the MBE books; They are under the binding process. The first batch of the books will be ready next week.

Chill lang guys. We didn't run away with the money you worked hard to earn. 😉

01/06/2017

Nalalapit na ang araw ng ating Ama, Papa, Daddy, Pa, Tatay, Lolo, Pudrakels, Pader, Paderbels, at kung anu-ano pang puwede ninyong itawag. May naisip ka na bang regalo para sa kanila?
Noong nakaraang taon ay nagbukas kami ng submission para sa Capeless Hero and now, we're reopening it.
Hanggang sa June 3, tatanggap kami ng mga tula, dagli, maikling kwento na may hindi hihigit sa 2,500 na salita at mga ilustrasyon patungkol sa kung gaano ka-espesyal ang mga ama natin.
Maaari ninyo itong i-send sa [email protected]
Ang mga mapipili po namin ang mapasasama sa Capeless Hero book.

26/05/2017

Kung magpapa-book giveaway kami ngayong pasukan, may magpa-participate kaya? :)

15/05/2017

*Tagging Miss Roxan Silo Garcia*

Good evening, thinkers! 🤗😶

13/05/2017

'Cause it's all around the net. 😍😂

07/05/2017



The bells stopped ringing.

Classes are done and you found yourself sitting alone inside the classroom. All of your classmates already went home.

You bowed your head and started to cry out of frustration. Frustration over what? You're quite unsure.

You're unsure whether it was because you entered the classroom late and your classmates, your super friendly classmates, laughed at you when the teacher cracked a not-so-funny-and-more-of-an-offensive-kind-of-joke.

Or maybe it was because a classmate of yours put in an insect inside your shirt.

Or maybe because you were the laughing stock when you answered the math problem on the board incorrectly.

Or maybe because you chose to go to class.

Or maybe. . . Or maybe. . . Or maybe. . .

There were a lot of maybe's that day. And you were feeling tired so sweat was coming out of your eyes already.

"Hey, are you okay?"

You raised your head and saw one of your "less evil" classmates. He was holding a notebook on his right hand, probably left it then came back for it.

"Yes," you mumbled.

He went closer to you then tapped you on the shoulder, "If you need someone to talk to, I'm just right here for you."

You nodded, with a straight face. "Okay, go away."

He smiled at you and turned his back away from you and started walking away.

It had been minutes from when his silhouette cannot be seen anymore, and his footsteps were out of earshot, but you found yourself still staring at the doorway.

You heaved a sigh, "Please stay. . . I need someone to listen to me. Even just for today."

But, as always, no one was there to hear you.

01/05/2017

Photos from THINKta's post

01/05/2017

The Coward God WP

I have 8 copies of Safrole left. Anyone interested?
If in doubt, send me a pm and I'll give you sample chapters to read. :)

01/05/2017


• Romance Undo •

reality: has the mistake
of making me a fool
that when i love,
i have to give my all
and that i have to sue
the Fate and Time
for making this romance
--a love so untrue
if ever the Songs leave
a tune so wild and untimed,
i beg the World to say the words
or whispers to me the truth
of romance instilled a love unreal.
reality: has the mistake
of telling me lies
because when i love,
i just love with truth.

~bell, to the man i once loved

--Bell Inocencio

01/05/2017


THOU

Thou art the beauteous girl
In thy simple smile that shimmering like a pearl.
Thou hast a radiance face
And a heart with loving ablaze.
Thine love is a longing of everyone
Thine heart is a treasure of someone
I love thee -yes thou art !!- the girl I longing for;
Thou art my dream that I dreamt and there's no more.
Amidst the perfidious noise
I heard thy mellifluous voice
Thou art my threshold -
And my Poetry that I uphold.
Thine smile is my covet;
The Image I can't forget.
Thine beauty is my portrait -
Indeed -
Thou art a million reasons to wait.
Thou art the flower -
All means of forever
Unto the Thorns that I've been trampled.
Thou art the archaic words where I'd still been baffled.
Written on Jan,16 2016

~Ray Salvador. ⓢⓤⓝⓖⓘⓣ

01/05/2017


T I P I K A L
ni

"NAKITA MO BA KUNG PAANO ko tinapos 'yong game kanina?" tanong ng binatang may matangkad na pigura sa aking tabi at halata ang pagtagas ng kayabangan sa kanyang boses. Kahit na masyadong madilim sa kinatatayuan namin ngayon ay kitang-kita ko ang pagkurba ng kanyang mga labi. Pasimpleng niyang inakbay ang kanyang braso sa 'king balikat.

Siniko ko siya sa tagiliran. "'Tang ina, Jake, ang pogi mo nga pero ang baho mo!" pabiro kong sigaw, "oo, 'wag mo nang amuyin 'yang sarili mo, mabaho ka talaga."

Sabay kaming tumawa sa ilalim ng overpass habang naghihintay ng masasakyang bus o jeep pauwi sa'min.

"Oo, nakita ko nga kung pa'no mo sh-in-oot 'yung bola kanina bago tumunog 'yung buzzer," sagot ko sa kaninang tanong n'ya.
Binigyan n'ya ako ng tingin kasabay ng pagtaas ng isa sa makakapal niyang kilay, nagpapahiwatig na may kulang pa sa sinabi ko.

"Psh, ang galing mo. . . ," dagdag ko, "pero, mabaho ka parin."
Lalong naningkit ang mga mata n'ya dahil sa katatawa.

Si Jake, siya na ang matalik kong kaibigan simula elementarya na Team Captain na ngayon ng basketball team sa pinapasukan naming Unibersidad. Marami s'yang taga-hanga, bukod sa galing niya sa paglalaro, isa ring tinitilian sa kanya ay ang kanyang mukha. Sino ba naman kasi ang hindi ma-a-attract sa isang katulad n'ya? Matangkad, makisig. Maputi ang balat. Samahan mo pa ng kayumangging mga mata, makakapal na kilay at animo'y mga nililok na panga? Isang tipikal na varsity player na kapag nakasalubong mo sa hallway ay hindi mo na magagawang tanggalin ang paningin mo sa kanya, hanggang sa magka-stiff neck ka. At gaya ng isang tipikal na best friend . . . nangyari sa 'kin ang sumpa ng cliché love stories, na-in love ako sa kanya.

Natigil ang aming tawanan nang biglang umihip ang malamig, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Niyakap ko nalang ang sarili ko, ngunit hindi ito naging sapat upang maibsan ang lamig. Kasabay ng pagkiskis ko sa aking mga braso, ay bigla siyang yumakap sa 'kin.

Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa ginawa n'ya. Nagsimulang magwala ang puso ko mula sa kanyang hawla, nawala na ang lamig na nararamdaman ko dahil sa ginawa n'ya. Una kong naamoy ang pabango n'ya nang dumikit ang mainit niyang braso sa akin. Hindi ako mapalagay, ang amoy . . . nakaka-adik.

"A-anong ginagawa mo?"

"Nakayakap? Tanga ka?"

"Alam ko, bakit ka nakayakap?"

"Kasi, malamig at wala kang jacket? Alangan namang ibigay ko sa'yo 'to? Mabuti nang share na tayo."

"Baka may makakita sa'tin," singhal ko kasabay ng paghiling na sana ay hindi niya maramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Wala, 9PM na, wala nang tao rito."

"Kahit na."

Tinanggal niya ang kanyang bisig mula sa 'kin, pero hindi parin nawala ang pamumula sa pisngi ko. "Arte naman nito, 'wag mo kong sisisihin kung manigas ka d'yan."

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Bakit n'ya ginawa 'yon?

Kaasar.

Nakakainis.

Ilang minuto rin kaming nanahimik. Maya't maya ang pagdaan ng mga sasakyan sa harap namin, ngunit wala paring dumaadaang kahit ni-isang jeep o bus.

Ang mga natirang minuto ay napuno ng pagmumuni-muni.
Iniisip ko kung p'wede bang maging kami. Ang posibilidad na pareho kami ng nararamdaman. Gusto ko s'ya, gusto n'ya ko. Para bang malabo talagang mangyari, ngunit susubukan kong alamin kung may gusto rin s'ya sa'kin. Sa totoo lang ang pangit ng setting namin, sa ilalim ng overpass, hindi magandang lugar para maglabas ng nararamdaman.

"Jake, I like you."

Sinabi ko sa sarili ko na walang mawawala, ngunit no'ng nagsimulang dumaloy ang mga salita. Rumagasa ang reyalidad na malaki pala ang maaaring mawala sa 'kin. Pero ipinagpatuloy ko parin, "I like you since elementary palang tayo . . . I'm not good at this stuff, telling you about my feelings, pero gusto na kita dati pa, you don't have to like me back, I just want you to hear me out. I love you."

Tahimik lang s'ya. Mukhang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko at nararamdaman kong ito na ang katapusan ng friendship namin dahil sa mga pinagsasabi ko. Patuloy ang nakabibinging katahimikan, parang umalis na s'ya at iniwan na 'ko.

"Hoy, magsalita—" No'ng nilingon ko s'ya ay napasinghap ako. Tahimik s'yang sumasayaw sa tabi ko at nakangisi, para bang may naririnig siyang nakaiindak na tugtugin na siya lang ang nakakarinig. At sa kan'yang tainga ay nakita ko, may suot pala siyang earphones.

Napailing ako, sabay pinalipad ko ang kamao ko papunta sa kanyang ulo.

Napatigil s'ya sa pagsayaw at humawak sa ulo niyang binatukan ko. "Putang ina?! Bakit mo ginawa 'yon?"

Ngumiti ako, pilit na parang walang bahid ng pagkadismaya, sayang 'yung mga sinabi ko. Hinila ko ang earphones n'ya.
"Mukha ka kasing tanga," sagot ko, na sinabayan ko ng pekeng pagtawa.

Siguro'y mas mabuti na hindi n'ya nalang malaman. . . .
Sa kulitan namin, hindi namin napansin ang tumigil na bus sa 'ming harapan, nagulat nalang kami nang biglang bumukas ang pinto nito dahil sa malakas na HSSSSS!

Mabilis na umakyat si Jake at patakbong tumungo sa likurang bahagi ng bus, sumunod ako naman ako. Kahit hindi gano'n kalayo ang bababaan namin, ay sumagi sa isip ko ang umidlip.
Sabay kaming umupo. Mabilis na sinandig ni Jake ang ulo n'ya sa balikat ko. Confident, dahil dalawa lang kaming pasahero sa bus na ito. Isinalpak n'ya muli ang earphones n'ya sa kanyang tainga at nagsimulang maglaro sa cellphone n'ya.

Matagal ko s'yang pinagmasdan, lalo pang kinabisado ang mga katangiang dati nang pamilyar sa 'kin. Siguro nga mali ang ideyang magiging kami.

Maling-mali.

Bakit ba pumasok sa isip ko 'yun?

"Dude, magbayad ka na," utos n'ya gamit ang boses na mas malakas sa pangkaraniwan, dahil hindi n'ya siguro naririnig ang sarili niyang boses.

Inilihis ang mga mata ko sa kanyang basa't nang-aakit na mga labi at bumalik sa katotohanan.

"Hindi pa pumupunta rito 'yong kunduktor," sabi ko naman. Hindi n'ya narinig panigurado.

"Bayaran mo muna 'yung akin, bigay ko nalang sa'yo mamaya."
Hindi nagtagal ay lumapit ang kunduktor sa'min para kunin ang bayad. Inabot ko naman sa kanya ang pera.

"Ilan 'to?"

"Dalawa po. Isang manhid at isang umaasa."

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when THINKta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to THINKta:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share