05/08/2022
FYI: BAWAL BASTOS LAW, Republic Act 11313.
https://www.facebook.com/100069247627895/posts/372281045090147/
𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐁𝐀𝐒𝐓𝐎𝐒 𝐋𝐀𝐖
Alam mo ba?
Alam mo ba na noong ika-17 ng Abril 2019 ay naisabatas ang Republic Act No. 11313 “An Act Defining Gender-Based Sexual Harassment in Streets, Public Spaces, Online, Workplaces, Educational or Training Institutions, Providing Protective measures and Prescribing Penalties Therefor,” otherwise known as the “Safe Spaces Act” o mas kilala sa tawag na “BAWAL BASTOS LAW”.
Narito ang ilan sa mga ipinagbabawal na gawa o mga paglabag sa batas na ito:
- Cursing
- Wolf- whistling
- Catcalling
- Leering and Intrusive Gazing
- Unwanted invitations
- Mga paggamit ng misogynistic. transphobic, homophobic,
at sexist na mga salita at komento
- Hindi nais na puna o komento sa itsura ng
isang tao
- Pagsasambit ng mga komento na may
sekswal na suhestyon
- Sapilitang pagkuha ng personal na detalye
tulad ng phone number at email address
- Panghihipo
- Public ma********on
- Sexual Jokes
- Paggamit ng mga malalaswang pangalan, komento o salita
- Pagbabanta sa iyong kaligtasan, lalo kung
nagaganap ito sa mga pampublikong lugar
Ano naman ang kaparusahan at karampatang multa sa mga lumabag ng batas na ito?
- Unang Paglabag - Isang libong pisong multa (1,000), paglilinis ng komunidad sa loob
ng 12 oras at pagdalo sa Gender Sensitivity Seminar.
- Ikalawang Paglabag - Tatlong libong pisong multa (3,000), 6-7 araw na pagkakakulong.
- Ikatlong Paglabag - Sampung libong pisong multa (10,000) at 30 araw na pagkakakulong.