16/11/2019
The ending is here (Part 6)! See the comment section 👇🏻 Walang mateteary-eyed ha? Goodluck!
Share this if you liked the story: "As I am, so you shall."
Thank you for keeping yourselves updated. See you on our next story installment. God bless! ❤️
SHORT STORY: A Thread
– Filter comments by clicking Newest (newest comments first) –
As I Am, So You Shall
Jasmine Rose
Sabi ng mga matatanda, kapag daw humiling ka sa isang kaluluwa ay tutuparin nito iyon. Pero may kapalit. At nakadepende iyon sa kung ano ang hihilingin nito sayo.
I'm Wynnah. And I'm a loner.
Nakatira ako sa apartment na malapit lamang sa sementeryo. Araw-araw kapag pumapasok ako ay nadaraanan ko iyon, at minsan naman kapag wala akong ginagawa ay doon ako tumatambay. Mayroon kasi doong benches na pwedeng upuan ng mga taong bumibisita roon.
Araw-araw ay nakikita ko kung sino ang mga palaging binibisita ng kapamilya nila, kung sino yung mga laging iniiwanan ng bulaklak at kung sino ang kailanman ay hindi na muling napuntahan at nalinisan ng puntod.
Patay na rin ang mga magulang ko at wala naman akong kapatid. Lumayo ako sa kamag-anak ko dahil hindi rin naging maganda ang trato nila sa akin. Simula non ay natuto na akong itaguyod ang sarili kong pangangailangan.
Isang araw habang tumatambay ako sa bench sa ilalim ng malaking puno ng sementeryo ay may nakita akong lalaki na kadarating lang. Nakasimpleng jeans lang ito at polo shirt, at sa hitsura ng pagkakatayo nito ay parang anytime ay babagsak na ito.
Inilapag ko ang hawak kong libro at dahan dahang lumapit sa kanya para titigan ito. Magulo ang buhok nito at mula sa kinatatayuan ko ay nakatalikod siya sa akin. Ngunit sigurado akong hindi ko pa siya nakita dati.
Lumuhod ito sa harap ng puntod at humagulgol. Maya-maya pa ay tuluyan na itong bumagsak sa damuhan. Agad akong tumakbo papalapit dito at naamoy ko ang matapang na alak na ininom nito.
Lasing na lasing ito, ngunit hindi ko mapigilan ang kuryosidad at tiningnan ko ang pangalan sa puntod.
Keite Salvador. 1982-2005. Kaano-ano kaya niya ito?
"Pst. Sir. Bawal ho matulog dito," niyugyog ko ang balikat niya ngunit ang tanging isinasagot lamang nito ay impit na ungol.
"Sir," tawag kong muli. "Sir, kung maglalasing kayo wag kayong pupunta-punta rito." Sermon ko. Ngunit nanatili itong walang galaw.
Peste. Ipalibing ko kaya ito ng buhay?
At dahil kilala ko naman na ang bantay ng sememteryong iyon ay nagpatulong ako upang buhatin ang lalaki at pansamantalang pagpahingahin ito sa apartment ko.
I don't usually take men home. But this guy really pushed something in me to do it. Marahil sa awa? Hindi ko alam. Baka sobrang importante ng taong iyon, na kailangan pa muna nitong maglasing bago pumunta.
Nang maggagabi na ay nagluto na ako ng hapunan, at siniguro kong may sabaw iyon. Habang nagluluto ay napamura ako sa gulat nang may biglang magsalita at mabilis akong umikot upang salubungin ang mata ng lalaking kinupkop ko kanina.
His eyes were red-rimmed. Halatang may bahid pa ng alak ang sistema.
"Where am I?" Tanong nito na pumupungay ang mata.
"Sa apartment ko. Istorbo ka sa mga patay kaya dinala kita rito. Wala bang nagsabi sayong bawal mag-sleep over sa sementeryo?" Mataray kong sabi dala na rin ng inis.
Hindi pa rin ako sanay na may kasamang iba sa apartment ko, lalo na kapag nanggugulat.
Hindi ko inasahan ang pagngiti niya, "Sorry. I didn't mean to." Napatingin siya sa kamay ko na nasa dibdib ko. "Uh, did I scare you?"
"Hindi. Hindi. Nag-enjoy nga ako eh. Grabe ang saya mong kasama. Bwiset." Ibinalik ko na lang ang tuon ko sa niluluto ko nang marinig ko siyang tumawa.
God. I don't like it.
I mean, I don't like what it's doing to me.
Nang sulyapan ko siya ay nakaupo na ito sa hapag. Nakapikit siya habang nakasandal sa upuan, para bang pagod na pagod ito. Nang dumilat siya ay agad kong itinuloy ang pagluluto bago pa niya ako mahuling nakatitig.
Naalala ko naman bigla ang pangalan ng nasa puntod kanina.
"Sino si Keite?" Bigla kong anas. Napagtanto ko nalang na nasabi ko iyon ng malakas nang sagutin niya ako.
"My girlfriend." May bahid ng lungkot ang boses nito.
"Kaya pala lasing na lasing ka kanina, may paiyak-iyak ka pang nalalaman." Komento ko, ngunit tinawanan lang niya iyon.
"Yeah. Hindi ko kasi alam."
Naguluhan ako sa sinabi niya. "Ang alin?"
"Na namatay pala siya. Hindi man lang ako sinabihan ng magulang ko. They hate her, you know? Pero wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako."
Nang sumulyap akong muli ay halata ang lungkot sa mata nito. He looks so worn out. Para bang pagod na pagod sa paglalaro sa kanya ng tadhana.
"I'm sorry." Puno ng simpatya kong sabi. "Bakit siya namatay?"
"Su***de." Tipid nitong sagot saka pumikit ulit. "And I wasn't there to stop her."
Kumikirot ang puso ko para sa kanya. Ang hirap ng pinagdadaanan niya. Kaya bilang respeto ay tumahimik na lang ako.
[To be continued]