17/04/2024
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ง๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฆ๐ฉ๐๐จ๐ง
Namayagpag ang dalawang koponan ng Pisay CALABARZONRC sa LIKNAYAN 2024 matapos makamit ng Team 1 ang Overall Champion Award at makuha naman ng Team 2 ang Overall First Runner-up.
Ginanap ang nasabing paligsahan sa larangan ng pisika mula ika-13 hanggang ika-14 ng Abril 2024 sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baรฑos sa pangangasiwa ng University of the Philippines - Applied Physics Society.
Binubuo ng iba't-ibang mga patimpalak ang nasabing paligsahan tulad ng Feature Writing, Amazing Race, Physics Communication Challenge, Battle of the Brains, Poster Making, at S.Ai.Phy o Science Investigatory Project.
โThis is, in fact, the first in-person edition of Liknayan since 2019 and it felt good to be back as a participant again in the events,โ banggit ni G. Francis Emralino, isa sa mga coach ng Pisay CALABARZON sa nasabing paligsahan kasama si Gng. Hazel Abareta.
Sa kategorya ng Feature Writing, nakuha ni Gilliene Nicole Urrea ng Team 1 ang unang pwesto samantalang nakuha naman ni Jacob Keanne Lontoc ng Team 2 ang ikatlong pwesto kung saan inatasan silang magsulat ng lathalain tungkol sa 2023 Nobel Prize award sa larangan ng pisika.
Nagpakitang-gilas din ang dalawang grupo ng Pisay CALABARZON sa Amazing Race kung saan itinuring na kampeon ang mga representatibo ng Team 1 na binubuo nina Rovin Matthews Tolentino, Adrian Joren Lantin, Charles Gerard Diokno, Reynaldo Dave Medina, at Gadriel Symone Dalangin samantalang nakamit nina Alfonso Vicente Perez, Caryl Angela Opulencia, Jacob Keane Lontoc, Nathaniel A. Contreras, Randall Maurice Cabautan at Lorenz Christen Gonzaga ang ikalawang pwesto.
โOverall, [the Amazing race was] thrilling, kasi first time [ko] with other campuses, tapos thrilling working with groupmates and yung feeling na paunahanโฆ Actually, oo, [it made me more interested in physics] kasi yung methods nila is very special in a way na hindi puro words but more on practical applications,โ sabi ni Randall Maurice Cabautan, isa sa mga kalahok ng Amazing Race.
Husay naman sa presentasyon ng kanilang mga pananaliksik ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa S.Ai.Phy o Science Investigatory Project (SIP) kung saan nasungkit nina Lorenz Christen Gonzaga at Luiz Miguel Santos ng Team 2 ang unang pwesto habang nakuha naman nina Adrian Joren Lantin at Rovin Matthews Tolentino ng Team 1 ang ikalawang puwesto para sa kanilang mga pag-aaral tungkol sa pagtuklas ng coefficient of thermal expansion ng bakal at refractive indices ng mga liquid gamit ang mga katangian ng liwanag.
โI was able to focus more on the preparation for the SIP and it was quite a surprise to see Physics 4 output requirements get national recognition. I saw how this accomplishment created a deep sense of ownership and pride in the two groupsโ outputs,โ kuwento ni G. Emralino.
Talino at galing naman sa larangan ng pisika ang ipinakita nina Alfonso Vicente Perez, Caryl Angela Opulencia, at Francis Ian Corachea ng Team 2 sa Battle of the Brains kung saan nakuha nila ang ikalawang pwesto.
Ipinakita naman nina Mark Cielo Mitra, Randall Maurice Cabautan, Nathaniel Contreras ng Team 2 ang husay at pagkamalikhain sa Physics Communication Challenge kung saan ipinaliwanag nila ang kalikasan ng liwanag bilang parehong particle at wave sa pamamagitan ng malikhaing video.
โThe awards we garnered from Liknayan are a big confidence booster to our students and I hope that this will serve as inspiration to our younger batches to pursue physics,โ dagdag pa ni G. Emralino.
Sa kabuuan, maraming medalya ang nakamit ng mga kalahok ng kampus kasama ang tatlong tropeyo, dalawa para sa pagiging Overall Champion ng Team 1 at isa para sa pagiging Overall 1st Runner-up ng Team 2.
๐๐ข๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: ๐๐ฐ๐ฉ๐ฏ ๐๐ฆ๐ฏ๐ท๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ค๐ฉ๐ข๐บ๐ฅ๐ข
๐๐ช๐ด๐ฆ๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช: ๐๐ฐ๐ถ๐ช๐ด๐ฆ ๐๐ข๐ญ๐ช๐ป๐ข
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช: ๐๐ข'๐ข๐ฎ ๐๐ข๐ป๐ฆ๐ญ ๐๐ฃ๐ข๐ณ๐ฆ๐ต๐ข