88.3 RNJ Network

  • Home
  • 88.3 RNJ Network

88.3 RNJ Network This is Radyo ni Juan Network Tacurong City

Broadcasting from Sultan Kudarat
(1)

15/01/2025

Sunny Conversations with DJ YANNA

Disclaimer: No copyright infringement intended, music belong to the rightful owners.

"No copyright infringement intended."
"No copyright intended."
"I do not own the music in this video/rights to this music."
"I do not take credit for this video."

14/01/2025

Sunny Conversations with DJ Yanna

Disclaimer: No copyright infringement intended, music belong to the rightful owners.

"No copyright infringement intended."
"No copyright intended."
"I do not own the music in this video/rights to this music."
"I do not take credit for this video."

TINGNAN: Team Kapamilya President Quirino under the leadership of Hon. Mayor Katrina Florida Sandigan
09/01/2025

TINGNAN: Team Kapamilya President Quirino under the leadership of Hon. Mayor Katrina Florida Sandigan

🎄✨ Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta at pagtitiwala. ...
25/12/2024

🎄✨ Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta at pagtitiwala. Nawa’y maging puno ng pag-ibig, saya, at kapayapaan ang inyong Pasko, at hatid ng Bagong Taon ang panibagong pag-asa at tagumpay.

Patuloy ang RNJ Network sa layuning magbigay ng makabuluhan at napapanahong impormasyon para sa inyo. Sama-sama nating harapin ang darating na taon nang may inspirasyon at determinasyon.

Mula sa aming puso, Maligayang Pasko at isang masaganang Bagong Taon para sa lahat! 🌟❤️
✨🎁

14/12/2024

🎥LIVE UPDATE:
Damang-dama na ang Pasko dito sa Paskuhan sa Kapitolyo!

Sulitin ang gabi at makisaya sa mga makukulay na ganap para sa buong pamilya.

Tara na at gawing makulay ang ating gabi!



TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL – Disyembre 12, 2024 | Barangay Liong, Barira, Maguindanao del Norte  Idinaos ang Serbisyong ...
13/12/2024

TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL – Disyembre 12, 2024 | Barangay Liong, Barira, Maguindanao del Norte

Idinaos ang Serbisyong Tampil sa Barangay Liong, Barira, Maguindanao del Norte noong Disyembre 12, 2024, kung saan maraming serbisyo ang naibigay para sa kapakanan ng komunidad. Kasama rito ang serbisyong medikal at dental, feeding program, pamimigay ng mga reading glasses at tsinelas, at libreng tuli. Layunin ng programa na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente at mapabuti ang kanilang kalusugan.




TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL December 11, 2024 | Brgy. Bualan, Barira, Maguindanao del Norte
12/12/2024

TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL December 11, 2024 | Brgy. Bualan, Barira, Maguindanao del Norte

TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE December 9, 2024 | Sitio Dam, Barangay Gadung, Barira, Maguindanao d...
11/12/2024

TINGNAN: SERBISYONG TAMPIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE December 9, 2024 | Sitio Dam, Barangay Gadung, Barira, Maguindanao del Norte

NEWS UPDATE: SERBISYONG TAMPIL MEDICAL MISSION AT OUTREACH PROGRAM, INABOT ANG SITIO PINDULANAN SA MATANOG, MAGUINDANAO ...
09/12/2024

NEWS UPDATE: SERBISYONG TAMPIL MEDICAL MISSION AT OUTREACH PROGRAM, INABOT ANG SITIO PINDULANAN SA MATANOG, MAGUINDANAO DEL NORTE

Patuloy na nagsisilbing katuwang ng Serbisyong Tampil sa mga malalayong komunidad sa Matanog, ang grupo, kasama si Incoming Governor Suharto “Teng” Mangudadatu, ay bumisita kamakailan sa Sitio Pindulunan, Brgy. Bayanga Sur upang suriin ang kalagayan ng mga residente at ihatid ang pangako ng patuloy na serbisyong medikal.

Ayon sa mga lokal, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng ganitong programa sa kanilang lugar, kaya’t lubos ang kanilang pasasalamat. Bukod sa serbisyong medikal, isinagawa rin ang Islamic Da’wah na pinangunahan ni Sheikh Saguir Salendab at iba pang Aleem, kasama ang pagbabasa ng Qur'an.

Dumalo rin si Kapatagan, Lanao del Sur Mayor Raida Bansil-Maglangit at nagbahagi ng mensahe at pagbabasa ng Qur'an upang magsilbing inspirasyon sa mga residente. Si Mayor Maglangit ay naging kinatawan ng bansa sa International Qur'an Reading Competition sa Kuala Lumpur, Malaysia at nagkamit ng 3rd place.

Naghatid ang Serbisyong Tampil ng mga libreng serbisyo tulad ng:

- Konsultasyong Medikal
- Serbisyong Dental
- Konsultasyong Legal
- Tuli
- Gamot
- Salamin (Reading Eyeglasses)
- Tsinelas
- Feeding Program

Layunin ng programang ito na maabot ang bawat barangay sa Maguindanao Del Norte ng hindi bababa sa dalawang beses upang tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Tunay na Tatak Serbisyong Tampil—para sa bayan, para sa Maguindanao Del Norte!

TINGNAN:  GOV. TENG MANGUDADATU, PINANGUNAHAN ANG TEAM BUILDING PARA SA PAGKAKAISA NG MAGUINDANAO DEL NORTE  Pinangunaha...
08/12/2024

TINGNAN: GOV. TENG MANGUDADATU, PINANGUNAHAN ANG TEAM BUILDING PARA SA PAGKAKAISA NG MAGUINDANAO DEL NORTE

Pinangunahan ni Incoming Governor Teng Mangudadatu ang “Kagkikilalay, Kapamagumpong, du Kapamagayon: Team Falcon Team Building and Strategic Planning” sa isang resort sa Brgy. Badak (Kusiong), DOS. Ang aktibidad, na inorganisa ng Bangsamoro Grand Coalition at Brgy. Captain Norjana Ampa Mangdag ng Bugasan Norte, ay nagtipon ng mga lokal na lider, stakeholder, at miyembro ng komunidad upang palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pangmatagalang pag-unlad ng probinsya.

Kasama sa programa ang mga team-building activities, collaborative discussions, at strategic planning sessions na naglalayong suportahan ang bisyon ni Gov. Teng para sa Maguindanao del Norte. Dumalo rin sa okasyon ang mga kilalang lider tulad nina Mayor Raida Bansil-Maglangit ng Kapatagan, vice mayoral candidate Misuari Macapeges ng Matanog, at SB Member Walid Abaged Abangad, na nagpakita ng suporta at pakikiisa sa hangaring magdala ng positibong pagbabago sa probinsya.

07/12/2024
TINGNAN: TUGON SA HAMON: PANGAKO NI GOV. TENG PARA SA SITIO PINDULUNAN Matanog, Maguindanao del Norte — Isang makabuluha...
07/12/2024

TINGNAN: TUGON SA HAMON: PANGAKO NI GOV. TENG PARA SA SITIO PINDULUNAN

Matanog, Maguindanao del Norte — Isang makabuluhang pagbisita ang ginawa ni Gov. Suharto “Teng” Mangudadatu sa Sitio Pindulunan, Barangay Bugasan Sur, na nagdala ng pag-asa sa mga residente ng lugar.

Bilang bahagi ng Bangsamoro Grand Coalition Medical Mission, isinagawa ang kauna-unahang serbisyong medikal sa lugar, kalakip ang Qur’an Memorization Contest at Muhadara Islamiya na pinamunuan ni Sheik Saguir Salendab. Pinasalamatan din ni Gov. Teng si Datu Rolly Karon ng MNLF sa suporta sa programa.

Isang residente ang naglahad ng hamon sa gobernador na tapusin ang nakabinbing Madrasah project. Agad itong tinugunan ni Gov. Teng, na nangakong tatapusin ang unang palapag ng Madrasah sa Pebrero 2025 at ang ikalawang palapag sa Oktubre 2025. “Kilala alo na sa aking strong of honor,” ani Gov. Teng, na binigyang-diin ang kanyang dedikasyon sa pangako, anuman ang resulta ng halalan.

Kasama rin sa mga plano ng gobernador ang pagbuo ng TESDA TVET training programs tulad ng cookery, carpentry, at welding; pagtatayo ng isang job center para sa overseas employment; at iba pang proyekto para mapabuti ang kabuhayan ng mga taga-Matanog.

Sa kasagsagan ng programa, nagbigay-inspirasyon ang pagtatanghal ni Jonaid Tanaon, isang 10-anyos na batang residente, sa kanyang kantang “Mujahideen,” na sumasalamin sa katatagan at pag-asa ng mga mamamayan sa kabila ng mga pagsubok.

Ang pagbisita ni Gov. Teng ay isang malinaw na patunay ng kanyang malasakit at determinasyon na magdala ng pagbabago at mas maliwanag na kinabukasan sa mga taga-Matanog at Maguindanao del Norte.

29/11/2024

National Prosecution Services Region 12
Governor's Night

22/11/2024

LIVE NOW: KALIMUDAN FESTIVAL 2024 | The Final Night

Enjoy an evening of incredible musical performances at the Kalimudan Festival 2024 Haraya Music Festival.








Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 88.3 RNJ Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share