19/01/2025
Kapag ang nanay walang sariling kita, ang hirap kumilos.
Ang hirap magpa parlor nang hihingin pa sa kabiyak, hindi mo matiyak kung kaylan ka aabutan.
Yung tipong gusto lagi siyang kasama tapos yung klase ng gupit lalaki pa rin ang masusunod.
Need din naman ng mga babae magpaganda, mag ayos paminsan minsan lalo na kung importanteng okasyon.
Hinahayaang magmukhang losyang, tapos laging nakatanaw sila sa iba.
Sana lang maunawaan din ng mga lalaki ang ibang personal pangangailangan ng inyong kabiyak.
Yung tipong, may bibilhin ay nasasayang ang maghapon dahil kailangan pa kayong antayin tapos magagahol sa pamilihan o kaya't wala kanang abutan. Tapos si babae pa rin ang idadahilan sa mga kakulangan.
Ang galing di ba?
Napaka healthy kasama. 😁