05/05/2022
PAPUNTA PA LANG TAYO SA EXCITING PART.
Bukas, samahan ninyo kami sa COMMISSIONING CEREMONY ng isa sa pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kasalukuyan, ang BARKO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS (BRP) TERESA MAGBANUA!
Abangan ang live coverage na ihahatid ng Radio Television Malacañang sa official page ng PCG! Magsisimula ito bandang 9:00 a.m. kasama si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.
Pamilyar ka na ba sa specifications ng BRP Teresa Magbanua? Narito ang ilang impormasyon na gusto naming malaman mo!
☑️ Gawa sa Japan at naka-modelo sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard
☑️ May haba na 97 metro
☑️ May bilis na di bababa sa 24 knots
☑️ May endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles
☑️ Kayang magsagawa ng pangmatagalang pagpapatrolya sa malawak na katubigan ng Pilipinas
MAYROON PANG ISANG EXCITING PART!
Sa susunod na buwan, darating naman ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG na kikilalaning BRP MELCHORA AQUINO.
Makakaasa po ang sambayanang Pilipino na gagamitin ang mga barkong ito para maitaguyod ang maritime security sa ating exclusive economic zone.
Makikita rin po ito ng mga Pilipinong mangingisda na nag-iingat sa kanilang kapakanan habang nasa laot.
Higit sa lahat, handa rin pong gamitin ng PCG ang mga barkong ito sa pagsasagawa ng humanitarian at disaster response operations tuwing may kalamidad o sakuna.
GANITO NA ANG PHILIPPINE COAST GUARD NGAYON!
🇵🇭