COMMarites

COMMarites Kami ang COMMarites, unang una sa nagbabagang chika.
(1)

Ang COMMarites at samahan ng mga chismosang may reliable sources at magfa-fact check ng mga chismis bago ipagkalat at ipalaganap sa sambayanang Pilipino.

Mari-TEST Your Knowledge | Speak. Fight. Educate. With a slew of fake news circulated online and offline altogether, Mar...
04/01/2022

Mari-TEST Your Knowledge | Speak. Fight. Educate.

With a slew of fake news circulated online and offline altogether, Marites, a colloquial term for online gossipers, exacerbate this counterfeited news to resurface drastically. It is a challenge for media consumers to distinguish data being shared on various platforms as these gossipers perpetuate to mess up the mind of “netizens.” Take heed of these tips from our COMMrades on battling fake news and Marites in hopes for the online world to be a better source of information.


hapi new year, mga kumarz! 💛
02/01/2022

hapi new year, mga kumarz! 💛

Yesterday is the first blank page of a 365-page book ika nga. Better to be late than never! So, write a good one, mga COMMare!

Sana ready na kayo for the New Year and a fresh start! You can start correcting mistakes of the past year and start a good habit and relationship. There’s always a chance to change and make things right para sama-sama tayo at ang lipunan sa pag-unlad.

Happy New Year, mga COMMarites!


Yesterday is the first blank page of a 365-page book ika nga. Better to be late than never! So, write a good one, mga CO...
02/01/2022

Yesterday is the first blank page of a 365-page book ika nga. Better to be late than never! So, write a good one, mga COMMare!

Sana ready na kayo for the New Year and a fresh start! You can start correcting mistakes of the past year and start a good habit and relationship. There’s always a chance to change and make things right para sama-sama tayo at ang lipunan sa pag-unlad.

Happy New Year, mga COMMarites!


ⓅⒺⓎⓀ ⓃⒺⓌⓈ[ni Bianca Ysabelle Tiwaquen]“Nagising si Vida na wala nang mga paa’t kamay!” ani ni Aling Paz habang sinusukli...
02/01/2022

ⓅⒺⓎⓀ ⓃⒺⓌⓈ
[ni Bianca Ysabelle Tiwaquen]

“Nagising si Vida na wala nang mga paa’t kamay!” ani ni Aling Paz habang sinusuklian si Manong na bumili ng isang kaha ng yosi.

“Ah? Napano daw?” tanong ni Manong habang sinisindihan ang isa.

“Eh paano naman, umuwi galing Taiwan daw, tapos nagpositive sa kubid na ‘yan kaya pagdating sa ospital, pinitulan na ng mga doctor!!!”

“Luh siya, baka niloloko mo naman ako!”

“Hindi! Totoo! Tapos ‘yang si Beverly- oo ‘yung nag Baguio kamakailan lang- ayan! Nabuntis sa Isolation ward!”

Napalingon ako sa intriga. Noon ko pa naman alam na Reyna ng mga tsismosa si Aling Paz, ngunit hindi ko inaasahan na masasagap niya rin ang mga tsismis sa kabilang baryo.

"Naku po! Wala namang magandang naidulot yang lockdown-lockdown na yan!"

Di ko napigilan ang sarili ko, "Paano niyo po nasabi?"

Halatang nataranta si Aling Paz sa biglaang pagsali sa kanilang usapan. Ngunit sandali lamang ito at dalidali siyang naghanap ng kung ano-ano na pwedeng sabihin.

"Mija… eh kita naman yan sa news! Diba kasi si ano sabi niya mga… intsik mga ganon! Tapos ung sa isolation naman maraming namamatay… eh 'yung work from home na yan di rin nakakatulong kasi-"

"Aling Paz…"

“Hindi, mija! Makinig ka sa akin! Mas nakakatanda ako kaya alam ko pinagsasasabi ko! Nakita ko toh lahat sa peysbuk kahapon!”

“Eh parang hindi naman totoo mga kwento mo” sabay sabi ni Manong.

Halatang naiirita na siya, “Ah basta! Pag ayaw niyo maniwala edi wag!” tinitigan niya ako ng masama,

“Kayong mga millennials ang babastos talaga! Alam mo ‘yang sosyal midya na yan-”
Hindi na natapos ni Aling Paz and kanyang rant dahil may papalapit na tumatawag ng

“Vida!!!!”

“Po?” sagot ko habang papalapit si Nanay, hawak ang kanyang pinamili sa palengke kanina. Agad ko siyang tinulungan at naglakad na rin kaming paalis sa tindahan. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Manong at ni Aling Paz, pero sana naman ay natuto na siya.



“Search mo sa google”From your favorite celebrity’s latest tweet, to answers to your latest quiz *wink*, or maybe even f...
30/12/2021

“Search mo sa google”

From your favorite celebrity’s latest tweet, to answers to your latest quiz *wink*, or maybe even finding out What kind of Tito/Tita you are.

Search engines, like Google, grant ease of access to nearly all types of media at the click of a button. However, contrast to popular belief, your search results are not as unbiased as you think they are.

In this article, learn about biases and the hold search engines have on one’s moral compass, and know what to expect the next time you hit enter on the search bar.


Pagpupugay sa intelektwal na bayani at mahusay na lumaban gamit ang pluma at papel!Happy Rizal Day, mga COMMarites! Patu...
30/12/2021

Pagpupugay sa intelektwal na bayani at mahusay na lumaban gamit ang pluma at papel!

Happy Rizal Day, mga COMMarites! Patuloy tayong tumindig at manaliksik kung nalilihis na sa katotohanan ang bawat impormasyon.

Kaya mo ring maging bayani o superhero kahit wala kang kapa, COMMare! Sa pamamagitan ng pagpapahayag at pagpapakalat ng tama at lehitimong balita, maisasalba mo ang mga Pilipino mula sa mga kasinungalingan at mga pekeng impormasyon!


Sabi nga nila don’t book by a cover? Don’t judge a cover by it’s book, Don’t ah basta alam niyo na yunCOMMarites tip of ...
29/12/2021

Sabi nga nila don’t book by a cover? Don’t judge a cover by it’s book, Don’t ah basta alam niyo na yun

COMMarites tip of the day:
Mare naman it looks like you’ve got it all for us na “cue SM theme song” pero at least ang SM authentic at quality ang mga binebenta bakit po ikaw puro fake ang sources. “Paging the owner of the lost truth, paging the owner of the lost truth”.

Oo marites, ikaw ang tinatawag kaya naman panindigan mo na ang pagiging aware mo by backing up your claims with katotohanan at mga impormasyong walang bahid ng ✨historical revisionism✨.


𝓜𝓪𝓻𝓲𝓽𝓮𝓼[By Bianca Ysabelle Tiwaquen]Tita Marites sauntered to the buffet table with her head held high and her bootleg G...
29/12/2021

𝓜𝓪𝓻𝓲𝓽𝓮𝓼
[By Bianca Ysabelle Tiwaquen]

Tita Marites sauntered to the buffet table with her head held high and her bootleg Gucci bag sandwiched between her arm and torso.

The young girl ahead of her in line passed a paper plate to her along with some plastic utensils and napkins.

“Hija! Long time no see!” Marites greeted, playfully slapping the young girl’s shoulder.

“Hello po.” she greeted in return before reaching for the ladle nestled in the warm, steamy fried rice. Marites swooped in and grabbed it before she could.

“You know, you should really cut off some carbs in your diet, you got so chubby na since I last saw you… Look at me, I can eat whatever I want because I saw an article on Peysbuk saying ginger-turmeric-malunggay saltwater tea will help prevent fats… You should try it sometime noh?”

The younger muttered, “I’ve lost my appetite” before walking away from the buffet. Marites was taken aback but she proceeded to scoop two cups of rice, spaghetti, palabok, menudo, lechon manok, and lumpia shanghai onto her plate.

Marites walked with her hips swaying side to side as she looked for a place to sit, she felt all eyes on her, she did not mind- she liked being the center of attention. Perhaps they were wondering where she got her red floral sundress or her sleek strappy sandals, obviously, she was not going to tell them they were from ukay. She made her way to a round table with a few youngsters, some probably in high school or college. They all greeted her politely as she sat down.

Right across from her was a young man she vaguely remembers, it was not until she noticed his maroon jacket that spoke to him, “You know you have to be careful what you post noh?”.

That caught the attention of everyone, the maroon boy asked “Po?”

“I’m talking to you Jimmy, you think because you got into UP you can say whatever you want na? Don’t be so full of yourself, hah?” she scolded while shoveling spoonfuls of her food.

“And you-” she pointed her spoon at the young teen next to her with turquoise hair, “Why did you do that to yourself hija? Are you asking for attention? Are you depressed? You know if you are depressed you should just pray to Lord God our savior-”

“Excuse me.” A man wearing a casual blazer stood behind her.

“Oh! Hijo! It’s been so long! I heard you passed the exam and you are a Lawyer na---”

“Who are you po?” The man interrupted and the youngsters at the table tried to keep their laughter in.

Marites felt offended, “Susmaryosep! You are so Bastos! You know that? I am Marites! Your tita!”.

He was still confused, “Marites…?”

“Marites Aquinaldo! I’m your papa’s first cousin, ay apo naman hijo!” Marites stood up in frustration.
“Where are your parents? They have to know about this disrespect!”

Whispers erupted from across the hall. Marites looked across the room to see the girl from the buffet snickering, when their eyes met she pointed at the tarpaulin at the center of the room.

“AGUINALDO FAMILY REUNION 2020”

Illustration and Layout by Pauline Lago and Ralph Tumaneng



Mari-TEST Your Knowledge | Often on social media, we come across sketchy articles shared by your not-so-friendly neighbo...
28/12/2021

Mari-TEST Your Knowledge | Often on social media, we come across sketchy articles shared by your not-so-friendly neighborhood Marites.

Learning not only how to deal with the Marites’s chismis, but the Marites themselves, could prove useful the next time you spend hours scrolling down your Facebook feed. Kaya take some time to read how these members of the Baguio Chronicle tackle fake news and pick up some tips on how to handle unreliable chika!


‘Di talaga buo ang araw mo kapag hindi ka nakakapagshare ng fake news ‘no?COMMarites tip of the day: Golden Ms:, Magsali...
28/12/2021

‘Di talaga buo ang araw mo kapag hindi ka nakakapagshare ng fake news ‘no?

COMMarites tip of the day: Golden Ms:, Magsaliksik, Magbasa, Mag-isip! Hindi yung puro react and share lang, ikaw din naman mapapahiya kapag nagkataon tapos ano? Respect my opinion? Nako mars, ‘di na yan gagana!

Ang opinyon ay iba sa pagiging ignorante. Sa pag-iwas mo ng tingin sa katotohanan, sinasadya mong maniwala sa mga kasinungalingan. Sahol, ‘di ba? Babaan ang pride gaya ng pagbaba mo sa standards mo para sa susunod na presidente.


  | Duterte, sumideline bilang magician; ubos na raw ang pondo! Mga kritiko, umangal! Nagulantang ang samabayanan matapo...
27/12/2021

| Duterte, sumideline bilang magician; ubos na raw ang pondo! Mga kritiko, umangal!

Nagulantang ang samabayanan matapos isiwalat ni Pangulong Duterte na kakaunti na lang ang natirang pera ng bayan dahil umano nagamit ito para sa COVID-19 response ng gobyerno.

“Naubos talaga ang pera natin. We prioritized the expenses,” ani Duterte sa isang press briefing noong gabi ng Disyembre 19.

Dagdag pa niya, napagusapan na raw nila ng Department of Budget and Management ang gagamiting pondo para sa calamity response sa pinsala ng super typhoon Odette.

Umangal naman ang Bayan Muna Chairperson at senatorial aspirant Neri Colmenares na imposible raw na mawalan ng pera ang gobyerno.

Bilang isang marites para sa bayan, kung susuriin nang mabuti ay salungat ito sa naging aksyon ng gobyerno dahil numero uno ang Pilipinas sa may pinakamalaking nahiram na pera mula sa World Bank.

Ayon sa 2021 report ng World Bank, mahigit 3 bilyong dolyar (US) ang nahiram ng Pilipinas mula sa International Bank for Reconstruction and Development ngayong taon lamang.

Tila kulang pa ata sa mahimbing tulog ang presidente at nalilito dahil ayon naman sa Office of Civil Defense, may natitira pang 2 bilyong pisong calamity funds na maipapamahagi sa mga LGUs.

Sa kabila ng lahat, hindi rin siya sigurado pero nangako ang tatay ninyong hahanap siya ng pondo para sa libo-libong pamilya na nasalanta ng bagyong Odette.

Ang tanong, sigurado bang napunta ang pondo para sa COVID-19 response? O baka naman pinang-party party ng mga alagad at alipores niya?


Talagang ‘I am speed’ pagdating sa chika. Sana ganito rin nung nanghihingi tayo ng mass testing, ‘di ba?COMMarites tip o...
27/12/2021

Talagang ‘I am speed’ pagdating sa chika. Sana ganito rin nung nanghihingi tayo ng mass testing, ‘di ba?

COMMarites tip of the day: May pakpak ang balita, kaya think before you speak! Hindi mo na mababawi ang mga salitang nasabi mo kapag nakasira ka na ng buhay, at kahit gaano ka humingi ng tawad, wala naman itong maibabalik. Kaya bago ka tumalak ng chismis dyan, mag-isip ka muna, mare!

Mabigat ang mga salita. Sa korte, hindi pwede ang sinungaling, ang papalit-palit ng testimonya dahil higit sa sapat ang kakayahan nitong makasira ng buhay. Ganon din ang chismis, lalong lalo na kapag dinala mo ‘yan sa Facebook at iba’t ibang plataporma.


24/12/2021

Maligayang Pasko, mga COMMarites!

Ika-nga ay season of giving, pero hindi yan applicable sa 𝓾𝓷𝓼𝓸𝓵𝓲𝓬𝓲𝓽𝓮𝓭 𝓬𝓸𝓶𝓶𝓮𝓷𝓽𝓼 na maaari mong ibigay kapag nag get-together na ang inyong family! ‘Wag mo ng pakielaman ang buhay ng iba dahil may business na tayo together na tinatawag nating Mind Your Own!

At dahil pasko na, dapat ang chismis ay Christmas-themed din! Siguraduhin mo lang na hindi fake news at misinformation ang ambag niyan sa lipunan, dahil kagaya nga ng palaging sinasabi ng iyong mga COMMarites, nangunguna man sa nagbabagang chika, dapat tama pa rin ang binabalita!


Kahit magsama-sama pa kayong lahat, ako pa rin ang mananaig!COMMarites tip of the day: tinatawag na ‘it’s you and i agai...
24/12/2021

Kahit magsama-sama pa kayong lahat, ako pa rin ang mananaig!

COMMarites tip of the day: tinatawag na ‘it’s you and i against the world.’ Hindi mo talaga mababago ang pananaw ng isang taong ayaw namang makinig kahit hawak mo na ang mismong ebidensya sa harap nila. Save your energy, mare, para sa mga taong willing kang pakinggan.

Ang sabi nga nila, ‘communication is a two-way street’. Kung gusto mong mapakinggan, matuto ka ring makinig. Ang pakikipagdebate ay nilulugar at hindi pinapangunahan ng yabang at pagmamataas. Pwedeng pwede kang magpalit ng opinyon anytime!


Talagang hindi kayang pigilan ang bugso ng damdamin pagdating sa chismis ano!COMMarites tip of the day: kalmahan mo! bag...
23/12/2021

Talagang hindi kayang pigilan ang bugso ng damdamin pagdating sa chismis ano!

COMMarites tip of the day: kalmahan mo! bago magpakahayok sa pagpapakalat ng kung ano-ano, alamin muna kung Triple T ang ishashare mo: Totoo, Tama, at Trustworthy ang source.

Bilang isang COMMarites, manguna man tayo sa nagbabagang chika, palagi pa ring siguraduhing tama ang binabalita!


  | “Wala namang nag-iba bukod sa suot nila, pare-pareho pa rin silang walang silbi”---Aerial inspection ni PDUTS nagmis...
22/12/2021

| “Wala namang nag-iba bukod sa suot nila, pare-pareho pa rin silang walang silbi”

---

Aerial inspection ni PDUTS nagmistulang spot the difference

Kung hindi natutulog ang Diyos, ibahin niyo si PDuts and company!

Isang taon mula ang hagupit ng bagyong Ulysses, huli na naman sa pagresponde si Pangulong Rodrigo Duterte matapos bayuhin ng super typhoon Odette ang Visayas at Mindanao nitong ika-17 ng Disyembre.

Sa loob ng 24 oras na paghagupit ng bagyo, ang tatay niyo, hindi on-the-ground supervision ang sagot kundi ang kanyang out-of-touch aerial inspection tulad noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 375 ang nasawi habang 56 naman ang nawawala pa rin sa kalakhang Visayas at Mindanao, ayon sa unofficial report ng Philippine National Police.

“Wala namang nag-iba bukod sa suot nila. pare-pareho pa rin silang walang silbi,” ratyada naman ng mga netizens.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Duterte sa libo-libong pamilyang nasalanta ng bagyo at nangakong maglalabas ng pondo mula mismo sa kanyang tanggapan.

Samantala, idineklara ni Pangulong Duterte na isailalim sa state of calamity ang mga rehiyon ng Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga region.

Ani ng pangulo, ang pagdeklara ng state of calamity ay magpapabilis sa proseso ng mga rescue, relief, at rehabilitation operations sa mga apektadong lugar.

Gayunpaman, hirit ng mga mamamayan, hindi umano ramdam ang presensya ng pangulo sa mga panahon ng sakuna tulad nito.


Kung ang mundo ay bilog, bakit magkakahalo ang fake news at Bible verses sa timeline ng tita Marites?𝐂𝐎𝐌𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐭𝐢𝐩 𝐨𝐟 𝐭...
21/12/2021

Kung ang mundo ay bilog, bakit magkakahalo ang fake news at Bible verses sa timeline ng tita Marites?

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐭𝐢𝐩 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐚𝐲: Gentle reminder tita, you are allowed to change your opinion and belief after you come across new information. Walang yumayaman sa pride pero sa politically and socially aware mong pamangkin, may chance! Gucci sa pasko, Prada sa birthday, Dior kahit walang occasion. Sa fake news tita, didikit lang ang ostya sa ngala-ngala mo. Sayang naman ang Bible verses, eme.


Ang hirap talaga magpalaki ng kumare, ‘no? Balik kaya kita sa sinapupunan ng ina mo, Mars?𝗖𝗢𝗠𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀 𝘁𝗶𝗽 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗮𝘆: Aya...
20/12/2021

Ang hirap talaga magpalaki ng kumare, ‘no? Balik kaya kita sa sinapupunan ng ina mo, Mars?

𝗖𝗢𝗠𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀 𝘁𝗶𝗽 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗮𝘆: Ayaw maniwala ni Mosang pag itinatama dahil “sabi-sabi lang” daw ito pero ‘pag nilatagan naman ng resibo ay ilalatag din sa iyo ang, “Opinyon ko ‘to, respeto na lang” card. Medyo magulo tayo roon, mare. Akala ko ba we deal in facts, not opinions?

Anyway, kaya pinupursigi kang itama mare dahil hindi kasing gaan ng favorite color o food ang pinag-uusapan dito. Buhay ng mga Pilipino at kinabukasan ng Pilipinas ang nakasalalay, remember? Kung kaya natin pigilan kumalat ang basura, ganoon din ang pagiging tonta diba!


Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COMMarites posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share