16/06/2020
Kailan kaya mawawala, sa dibdib kong may namumuong kaba,
pagdilat ng aking mata tila hindi pa pala umaga
Ng tingnan ko kung anong oras na
Alas-tres na pala ng umaga
Bigla akong natulala, natigilan at nabahala
ng tumigil ang bawat sandali ng oras na ako'y napariwara.
Hindi ko alam kung nasaan ako patungo,
Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na may dugo
Sa higaan na ako lang mag-isa
Tila may kung anong kumukuha
Ano nga ba siyang talaga
Nang siya'y biglang napatingin
Nakalabas sa kanyang ngiti ang matutulis na ngipin
Biglang tumigil ang tibok ng puso ko
At lalo akong nagulantang ng masilayan sa kanyang kamay ang tumitibok tibok kong puso Damdamin ko'y nabagabag Katawan ko'y naaaninag
Hindi na pala ako nabibilang sa mundo
Kundi isang kaluluwang gumagala na may kasamang sundo.
Jcreeps
L i g h t l e s s."In a gloomy room there is someone staring at you wondering why you're obscure".