07/11/2025
Isa kang bongol! pag may bagyo dapat lahat pinaghahandaan. sabihin mo mahina ka talagang leader ng bansa.
“HINDI NAPAGHANDAAN ANG FLASH FLOOD”
Matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino na kumitil ng halos 190 buhay sa Visayas, inamin ni Pangulong Marcos Jr. na nagkamali ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.
“Ang sinasabi sa atin, ang pinaghahandaan ng mga LGU officials was a storm surge. ‘Yung papasok galing sa dagat. Pero ang talagang nangyari, flash flood naman. Iba ‘yung nangyari. At hindi natin napaghandaan dahil iba ‘yung ine-expect natin,”
Ayon sa Pangulo, ang bilis ng pagtaas ng tubig at pagguho ng mga flood control structures ang pangunahing dahilan ng matinding pinsala sa Cebu at Negros.
Dagdag pa ni Marcos, may mga d**e at proteksyong hindi kinaya ang bigat ng ulan, kaya’t maraming komunidad ang nilamon ng rumaragasang baha.