26/04/2023
Sana mka uwe na sila ng ligtas
April 23, 2023
1:00pm
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang nagaganap na mga pambobomba sa bansang Sudan kahit na pansamantala nang nag-deklara ng ceasefire ang bawat kampo.
Ang nasabing civil war sa Sudan ay nagsimula noong nakaraang Sabado matapos ang ilang linggong “power struggle” sa pagitan ng army chief nito na si Abdel Fattah al-Burhan at kanyang deputy, Mohamed Hamdan Daglo, commander ng heavily-armed paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang opisyal na bilang ng OFW sa Sudan ay umaabot sa 300, at ito raw ay maari pang tumaas hanggang 500 upto 700 kapag naisali na rin pati ang mga undocumented. Pero ayon sa ibang sources aabot daw sa mahigit 4,000.00 ang dami ng mga Pinoy sa Sudan. At Karamihan daw sa mga Filipino workers doon ay skilled at professionals.
Tinawagan ni Sen. Idol Raffy Tulfo si OWWA Administrator Arnel Ignacio ngayon araw para kumuha ng update hinggil sa kalagayan ng mga kababayan natin doon.
At ayon kay Ignacio, sa ginawa nilang monitoring sa group chat, ligtas ang kalagayan ng mga Pilipino doon sa kasalukuyan. At nagpaplano na raw si Ignacio na magbigay ng financial assistance na ₱50,000 sa kada pamilya ng mga apektadong OFW na manggagaling sa emergency repatriation fund.
Dagdag pa ni Ignacio, nagpadala na raw ng $100,000 ang DFA sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt para sa transportation, shelter, at iba pang pangangailan ng mga kababayan natin para sa magaganap na repatriation.
Sa ngayon, meron raw mga team ng DFA ang nakatakdang pumunta ng Egypt na pangungunahan ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega para mag-aassess sa sitwasyon tulad ng paghahanap ng mga entry at exit points para sa ating mga OFW at nakatakda pa rin daw magpadala ng ilan pang karadagang team na kinabibilangan ng DMW at OWWA para tumulong sa pagpaplano sa inilalatag na contingency plan ng pamahalaan, giit pa ni Ignacio.
Pinapaalalahanan ang lahat ng Pilipinong naninirahan sa nasabing bansa na iwasan muna ang paglabas mula sa kanilang mga tahanan. Makipag-ugnayan sa Philippine Embassy on Cairo o sa Philippine Consulate in Khartoum ukol sa inyong kalagayan.
Patuloy na nagmomonitor si Sen. Tulfo bilang Chairman ng Senate Committee on Migrant Workers sa mga sitwasyon ng ating mga kababayan sa Sudan.
———————————
Update
April 23, 2023
5:00pm
Nakausap ni Sen. Tulfo si Usec De Vega at ayon sa kanya ay umaabot na raw sa $164,000.00 ang authorized budget ng DFA para sa transportation at iba pang kakailanganin sa evacuation ng mga Filipino sa Sudan.
Hindi na raw operational ang airport sa Sudan kaya ang ibang countries ay nag uupa ng mga bus para sa evacuation ng kanilang mga citizens papunta ng mga border palabas ng Sudan. Ito raw ay medyo mapanganib dahil 10 to 15 hours ang biyahe. Ang iba naman, gaya ng Saudi, ay gumamit ng barko sa pamamagitan ng port of Sudan papuntang Cairo, Egypt. Ilang mga Pinoy daw ang napasama rin dito.
Ang Amerika ay nagpapadala naman daw ng mga helicopters sa Djibouti airport sa East Africa para sa evecuation ng kanilang mga citizens.
Ayon pa kay De Vega, ang airport sa Djibouti ang pwede rin gamitin ng Pilipinas para sa repatriation ng ating mga kababayan at ito raw ang napagusapan sa isa nilang pakikipagpulong sa Department of National Defense (DND).
Tinawagan ni Sen. Tulfo si Lt. Gen. Romeo Brawner ng Philippine Army at kinumpirma ni Brawner na ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, naka standby ang dalawang C130 aircraft ng AFP para sa repatriation ng mga kababayan natin sa Sudan.