25/12/2020
Elegy Plays
During stream noong Monday may nag-email sakin at nagpapapalit daw ako ng password sa FB. Modus to ng mga hacker especially sa mga streamers. Pag nalaman nila ang FB name ng streamer, i-foforget password nila at maaaring lumabas ang notification during stream. Kaya if may nagtatanong sa stream kung ano ang FB name ng nagsstream, wag na wag nyong ibibigay. Kapag nakuha nila yun, pwede na din nila makuha ang FB and kadalasan naman ay nakaconnect ito sa ML. Tapos target na nila ang mga dias. Pwede nilang ipangsend ng skin or ibenta or magsend ng charisma sa ibang accounts.
Ganyan nangyari sa mga kilalang streamers like L3bron, Nanay Gaming, etc.
Paano natin ito maiiwasan?
Disable lahat ng notifications sa phone kapag ikaw ay magsstream. Specially sa FB, Email, Messages etc. Para hindi lumabas ang code habang ikaw ay nagsstream.
Para naman sa ML, maglagay ng secodary verification password. Makikita mo yun sa Account Settings.
Ang ginawa ko naman ay gumawa ako ng dummy FB account at iyon ang pinang-connect ko sa ML. Tapos dineactivate ko yung dummy account.
Para sa mga bagong streamers at small streamers kagaya ko, maaaring nahack na ang inyong account at di pa nila napapakinabanagan. Change password na and mas okay na lagi tayong handa!
Isang paalala mula kay Elegy!