
25/02/2025
A*O, PINANA NG LIMANG BESES 🥲
TRENDING: Isang a*o ang nangangailangan ng tulong matapos na panain ito ng limang Indian arrow.
Sa post ng page na BACH PROJECT PH, tila sa, Murcia Negros Occidental nangyari ang pamamana dahil papunta doon ang kanilang team upang i-rescue ang a*o na si Tiktok.
Sa kanilang post, nanawagan ang grupo ng dasal at may mabubuting-loob para sa pagpapagamot kay TikTok.
Sa sumunod na post nito ay sinabi ng page na may pabuya na 10,000 pero nadagdagan at umabot ng 65,000 ” para sa makapagbibigay ng impormasyon sa walang pusong gumawa ng pagpana sa a*o.
Sa isa pang post nito ay nagbigay ng update ng page na na-rescue na nila si TikTok at nasa veterinary clinic na ito para lapatan ng paunang lunas.
Information from : BACH Project PH
Photos : Juan Veterinarian
Credit to the owner: BACH Project PH Public Group