10/01/2025
Sa wakas, nakuha ko na rin ang sagot!
Hindi nga siguro ako. At hindi naman siguro naging ako.
Kung may isang bagay na ninais kong kamtan, 'yun ang paglayang sa akin ay ibinigay.
Ito na ang huling gabing luluha ako.
Dahil sa'yo, magiging mas matatag ako.
Dahil sa'yo, naisip kong maraming mga bagay ang kaya palang magbago.
Dahil sa'yo, naaalala kong hindi lahat ng pangako ay tunay; hindi lahat ng mabubulaklak na salita ay kayang panindigan.
Salamat.
Maraming Salamat!
Ito na ang huling liham para sa iyo.
Hindi gaya ng isang nobelang may isang magandang dulo.
Pero masaya ako.
At sana masaya ka rin,
Dahil sa wakas,
pareho na tayong malaya;
wala nang rason para masaktan,
wala nang rason para ipaglaban.
Salamat, at patawad.