23/10/2020
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, muling ipinakikilala ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) sa publiko ang obrang Flora de Filipinas, isang kalipunan ng mga katawan ng mga halaman sa Pilipinas na masikap na kinalap ng siyentistang si Padre Manuel Blanco, OSA at unang nalimbag noong 1837.
Mula 1877 hanggang 1883 naman ay nalimbag ang edisyon nito na kasama ang mga larawang guhit nina Fray Mariano Fabregas, OSA, Fray Miguel Lucio, OFM, Agustin Saez, Ramon Santa Coloma, at Emma Vidal. Kabilang din dito ang mga guhit ng mga Pilipinong sina Cayetano Arguelles, Francisco Domingo, ang magkapatid na Regino at Rosendo Garcia, Jose Lorenzo Guerrero, Isidro Llado, F. Pardo, Felix Martinez, R. L Salamanca, Miguel Zaragoza at Felix Resurreccion Hidalgo.
Sa kabutihang loob ng Biblioteca Nacional de España (http://bdh-rd.bne.es/), may access na ang mga Pilipino sa kakaibang mga batis historikal na maaaring ma-download nang malinaw at libre, tulad ng limang-tomong aklat ni Padre Blanco (https://tinyurl.com/y5vf7nfg).
Tampok ng seryeng ito ang 15 lamina o ilustrasyong botanikal sa aklat ni Padre Blanco. Sa pakikipag-ugnayan ng DFA, isinaayos ng Project Saysay Inc. ang pagtatampok ng seryeng ito kung saan makikita ang papel ng mga piling halaman sa lipunan, kultura, at kasaysayang Pilipino.
Nakasulat din sa baybayin ang katutubong pangalan ng mga halaman, bilang munting ambag ng kagawaran sa pagpapalawig ng paggamit sa isa sa sinaunang sulat ng bansa.
Kaugnay nito, isang lecture at workshop hinggil sa sinaunang sulat ang isasagawa sa page ng kagawaran, sa ika-22 ng Agosto, katuwang ang Project Saysay Inc.
Nagsisikap ang DFA na mas mapaghusay ang ugnayang pangkalinangan (cultural diplomacy) nito. Gayundin, kaisa ang kagawaran sa pagpapalakas sa kumpiyansang kultural (cultural confidence) ng mga Pilipino, nasa loob man o labas ng bansa.
Ang seryeng “Flora de Filipinas” ay opisyal na gawain sa ilalim ng 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines. . . . .
In observance of National Language Month and History Month, the Department of Foreign Affairs reintroduces to the public the Flora de Filipinas, a collection of illustrations on Philippine flora that was diligently compiled by scientist Fr. Manuel Blanco, OSA and was first published in 1837.
An illustrated edition, which resulted to a five-volume work published between 1877 and 1883, features the drawings of Fray Mariano Fabregas, OSA; Fray Miguel Lucio, OFM; Agustin Saez, Ramon Santa Coloma, and Emma Vidal. Also included are the illustrations made by Filipino artists Cayetano Arguelles, Francisco Domingo, brothers Regino and Rosendo Garcia, Jose Lorenzo Guerrero, Isidro Llado, F. Pardo, Felix Martinez, R. L Salamanca, Miguel Zaragoza at Felix Resurreccion Hidalgo.
Filipinos can now access rare historical sources, downloadable in hi-resolution and for free, like the five-volume opus of Fr. Blanco (https://tinyurl.com/y5vf7nfg), thanks to the generosity of the Biblioteca Nacional de España (http://bdh-rd.bne.es/).
Featured here are the 15 laminas or botanical illustrations from Fr. Blanco. The DFA, in cooperation with Project Saysay, curated this series that highlights the role of the selected plants in Filipino society, culture, and history. Indigenous names are also written in baybayin, as DFA’s humble contribution in popularizing the use of one of the ancient scripts of the country.
On 22 August 2020, a lecture will be conducted about the said ancient scripts, coupled with a workshop, via the official page of DFA, in cooperation with Project Saysay Inc. as part of DFA’s cultural diplomacy efforts and to strengthen the cultural confidence of the Filipinos, here and abroad.
The Flora de Filipinas series is an official activity of the 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines.