15/06/2022
May isang Preacher na tumayo sa pulpito para sa isang seminar.
Dumukot sya ng 1,000 peso bill, at ipinakita sa mga nakaupo. Sabay tanong, “Sino ang me gusto nitong isang libong piso?”
Taasan ng mga kamay. 🤚✋
“O sige, pero sandali,” nilamukos nya ang pera at nagtanong ulit, “O, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin ng mga kamay ang mga tao.🤚✋
“Ok. Pa’no kung gawin ko ito?” Tinapon nya sa lapag ang nilamukot na pera, at inapakan nya ng maruming sapatos, dinampot at ipinakita uli sa mga tao. “Ngayon, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin lahat ng mga kamay. 🤚✋
“Mga kapatid, may natutunan tayong aral. Kahit anong gawin ko dito sa pera, ibig nyo pa rin dahil hindi nabawasan ang halaga nya. Isang libong piso pa rin ito. Maraming beses sa buhay natin, tayo’y naging marumi, bumagsak, isang basura, patapon, at inaapakan dahil sa mga desisyon at mga pangyayari sa buhay natin. Sa palagay natin, wala na tayong halaga. Pero anuman ang nangyari o mangyayari sa buhay natin, hindi nababawasan ang halaga natin sa mata ng Diyos. Sa Kanya, malinis man tayo o marumi, inapakan man o binasura, ikaw ay mahalaga sa Kanya.” 🙏🙏🙏
PERO !
After ng preacher mag salita. nakulong na sya! at nag multa ng 20,000
Ang moral lesson is wag po natin lulukutin ang pera na ito!