27/09/2025
PAGBATI 🎉
Ang buong pamunuan, g**o, at mag-aaral ng Sports Track Family ay buong puso at dangal na bumabati kay Dr. Amparo M. Muñoz, aming minamahal na Punong-Guro, sa kanyang natatanging pagkilala bilang Ika-2 Puwesto, Secondary School Head Level sa Search for Best Breakthroughs and Innovations.
Ang karangalang ito ay malinaw na sumasalamin sa inyong walang sawang dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa ating paaralan. Kayo po ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa amin, kundi sa buong pamayanang pang-edukasyon.
Mabuhay po kayo, Dr. Amparo M. Muñoz!
Mula sa inyong Sports Track Family 💙
𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐓𝐎 𝐎𝐔𝐑 𝐃𝐄𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐃𝐑. 𝐀𝐌𝐏𝐀𝐑𝐎 𝐌. 𝐌𝐔Ñ𝐎𝐙 🥳🩵
Congratulations po, Dr. Amparo M. Muñoz, for bringing pride and inspiration to all of us by securing 2nd Place, Secondary School Head Level sa Search for Best Breakthroughs and Innovations. Ito’y patunay ng inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang serbisyo sa ating paaralan.
Sa bawat inisyatibo at pagbabago na inyong pinangunahan, ramdam namin ang isang lider na hindi lamang nag-iisip, kundi nakikinig at tumutugon. Ang bawat hakbang ninyo ay hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas marami. Truly, this recognition is not just about innovation—it’s about the kind of heart that beats behind every idea. 🫶🏻
More than the award itself, ang mas mahalaga ay ang alaala at inspirasyon na iniiwan ninyo sa bawat isa sa amin. This is your legacy, ma’am—isang alaala na kahit lumipas ang panahon, mananatiling gabay at apoy sa mga susunod pang lider. Once again, congratulations po, Dr. Muñoz! 🥰🫡