Shiro Nikko

Shiro Nikko Gaming, Vlogs, Humor and More

Ito na ang sign na hinihintay mo, Mag-resign ka na para sa kapayapaan.
09/10/2023

Ito na ang sign na hinihintay mo, Mag-resign ka na para sa kapayapaan.

29/03/2023

PAANYAYA:
Panoorin ang isang bagong DULA at pangyayari mula sa kasaysayan na hindi n'yo pa natutunghayan.
Ano ang mga mahahalagang kaganapan bago ilibing ang Panginoong Hesus?
Itinatampok ng San Rafael Parish at ng Dulaang Tobias Foundation, Inc. , ang dulang "SANTO ENTIERRO" mula sa panulat at direksyon ni Jonathan S. Oraño.

Gagampanan ng mga batikang aktor ng Dulaang Tobias.
Itatanghal sa Simbahan ng San Rafael. Biyernes Santo, April 7, 2023, 3PM. Agad na susundan ng GRAND BURIAL PROCESSION na iikot sa mga kalye ng Balut, Tondo.

Makibahagi sa paggunita ng Dakilang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus! Tayo'y lumahok sa mga gawain ng simbahan sa Semana Santa.

27/02/2023

Bakit ba "Singkong Duling" ang tawag sa 5cents?

Kung may singkong duling, meron din bang singkong banlag o kaya singkong kirat?

Out of the blue, Pepsi Blue !!! YES! SA WAKAS MERON NA SA SUKING TINDAHAN ! Naaalala nyo pa ba ang pepsi blue ? Lasang s...
15/02/2023

Out of the blue, Pepsi Blue !!!
YES! SA WAKAS MERON NA SA SUKING TINDAHAN !
Naaalala nyo pa ba ang pepsi blue ?

Lasang slurpy na matamis ! MASARAP !


(not sponsored, pero Pepsi baka naman)

LATE UPLOAD ! sori eberiwan ! CHRISTMAS TOYCON 2022 What a great experience ! Heto na  mga pics with awesome COSERS ! . ...
26/12/2022

LATE UPLOAD !
sori eberiwan !

CHRISTMAS TOYCON 2022
What a great experience ! Heto na mga pics with awesome COSERS ! . . . Follow nyo din sila i-tag ko sila sa pic!




BASAHIN NYO KUNG GUSTO NYO!

Isa po akong theater actor pero hindi nangangahulugang napakataas ng aking self confidence, sa totoo po nyan sobra akong mahiyain kapag kaharap ko na ay mga taong di ko kilala. Hindi ko din kayang pumunta sa mga matataong lugar ng mag isa, kailangan laging may kasama kasi pakiramdam ko natataranta ako at dimapakali pag napaligiran na ako ng tao.

Alam kong hindi lang ako yung nakakaramdam o nakakaranas nito pero kung nababasa mo to and want to face your fears, try mo sa mga anime con o sa mga cosplay con . No Pressure, No Stress (so far) Lahat ng nakaharap, nakasalamuha at nakausap ko ay very welcoming and may mga warm characteristics. Sobra akong nag enjoy at unti unti kong nabu-boost ang aking confidence.

Sana yung maganda kong karanasan ay maging inyo din . kung nakaabot kayo hanggang dito "Maraming Salamat po, at Mabuhay kayo"

Follow for more content !

Hello aspiring Pokemon trainers, See you tomorrow at ToyConPh 2022. Start your own Pokémon journey by choosing a starter...
17/12/2022

Hello aspiring Pokemon trainers, See you tomorrow at ToyConPh 2022. Start your own Pokémon journey by choosing a starter Pokemon

ehem. hindi to sponsored ni OREO pero baka naman . KITA KITS BUKAS . I'LL BE GOING AS Pokemon Professor Shiro head of research of NCR (National Canto Region)

22/11/2022

Kanina ang kati ng b*tlog ko. Akala ko kinagat ng langgam o ng kung ano, baligtad lang pala yung boxer ko ! . . . . .

Lesson : Hindi lahat ng nararanasan mong paghihirap sa buhay mo ay kagagawan ng iba o ng kung ano man, Minsan wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mong katangahan.

Late Upload !!! (Honest Review)November 12, 2022 around 7:00pm Bago kami manood ng Black Phanter "Wakanda Forever" Kumai...
16/11/2022

Late Upload !!! (Honest Review)

November 12, 2022 around 7:00pm Bago kami manood ng Black Phanter "Wakanda Forever" Kumain muna kami sa Gerry's Grill sa Lucky Chinatown. As a foodie as the pinakareklamador sa magkakaibigan bibigyan natin ng HONEST REVIEW ang Gerry's Grill.

1. Food - Ang order po namin ni labidabs ko ay PORK SISIG and CRAB RICE and ang order naman ng friend and workmate ko ay Crispy Pata, Gisadong KANGKONG at FRIED RICE. Unahin natin yung *pork sisig grabe ang sarap hindi sya mamantika at ganda ng pagkakaluto crispy and chewy I'am not exagerating kapag sinabi kong yun ang pinakamasarap na sisig na natikman ko. Yung *crab rice naman hindi tinipid sa sahog na malasa at hindi maalat. *Crispy Pata naman tayo well medyo maalat yung balat pero very very light lang naman but yung laman is savory and juicy kaya goods na din. Yung *Kangkong fresh and crispy parin naman (nothing much to say since hindi ako mahilig sa gulay). Yung SERVING nila, WOW GOOD for 3-4 person na kaya naman nag hati hati na kami at talagang busog. hindi pa nga dapat mauubos yung crispy pata pinilit lang ubusin nung kaibigan ko kahit sobrang busog na sya. AT LAHAT NG YAN AY SA PRESYO NA ABOT KAYA ! mas mura pa sa samgyup at unli wings :)

2. Store Ambiance - Well I must say, very cozy yung lugar at yung music nila sakto lang hindi ganun kalakas. (nakakabadtrip kasi yung mga kainan na kala mo nasa Raon ka sa sobrang lakas magpatugtog)

3. Staff and Crew - VERY ATTENTIVE, VERY POLITE, VERY GOOD ! wala kang mapupuna sa kanila dahil sobrang galing nila and they always serve you with a smile at heto pa parang hindi sila napapagod at nagmumukhang pagod dahil kahit sizzling at sobrang init ng sineserve nila hindi sila pinagpapawisan!

First time ko mag kain sa Gerry's Grill at First time ko makaranas GREAT FOOD WITH GREAT SERVICE ! Babalik ba kami sa Gerry's ? Absolutely! OO!. Kung kayo po ay madadaan sa Lucky China Town sa Binondo try nyo po sa Gerry's .

THIS IS NOT A SPONSORED POST. Im Just happy with their food and service at gusto ko lang i-share.

Batang 90's naaalala nyo pa ba to ?Paborito ko to dati at nabibili lang namin to dati kay "Mang Chupi". Same price lang ...
06/11/2022

Batang 90's naaalala nyo pa ba to ?

Paborito ko to dati at nabibili lang namin to dati kay "Mang Chupi". Same price lang to dati na naabutan ko sa presyong 8 php di kalaunan nag taas ng presyo ang TofiLuk naging 9php na !

Ngayon 14Php ang SAFARI at 16Php naman ang TOFILUK !
Nagbago ang presyo pero nagbago ba ang lasa? Ang sagot ay (para saakin) OO, tumamis ng bahagya ang TofiLuk at nagbago ang texture. Ang Safari naman medyo tumabang ang lasa at nawala yung "crunchiness" na hinahanap ko.

Sa presyo at lasa bibili ka pa ba ? Kasi ako OO, Paborito ko to eh !

01/11/2022
01/11/2022

PAALALA ‼️‼️

Para makaiwas sa sunog, huwag magiwan ng nakasinding kandila! Ang tatanda nyo na !!!

Grabe nangawit baga ko kakaihip ng mga kandilang iniwang nakasindi sa sementeryo!! Konsidirasyon naman guys !

31/10/2022

Ang hirap mag joke sa sementeryo . . Talagang Dead Crowd

Napaisip ako bakit ba may nagaalok ng mga wi-fi promo sa harap Ng sementeryo? Dahil ba Dead Signal ?

Ang lalaki at hitik sa bunga yung mga halaman at puno dun sa sementeryo kanina 🥰 . Ano kaya ang pataba sa kanila ?

Yo ! All this time "CALI" by San Miguel Brewery Inc. is NON-ALCOHOLIC ! . Akala ko BEER yan kasi lagi yan kasama sa free...
09/10/2022

Yo ! All this time "CALI" by San Miguel Brewery Inc. is NON-ALCOHOLIC ! . Akala ko BEER yan kasi lagi yan kasama sa freezer ng mga beer sa grocery stores. Hindi ako bumibili nyan dati since hindi ako umiinom ng Alcoholic Beverages 😑

Price: 34php
Taste: 3.5 ⭐️ (Kinda taste like C2 apple mixed with carbonated water, Smells like one too)

Will I buy it again? . . Yeah, and nah . If craving kicks in, Sure but it will not be my to go drink 😉

Oct 2 2022TRES ANGHELESsa panulat at direksyon ni Jonathan S. OrañoShiro Nikko bilang Kapitan IgueNakapunla sa puso ng t...
04/10/2022

Oct 2 2022
TRES ANGHELES
sa panulat at direksyon ni Jonathan S. Oraño

Shiro Nikko bilang Kapitan Igue

Nakapunla sa puso ng tao ang pag-ibig, Kahit na sya pa ay ang pinaka masamang tao ~ Kapitan Igue (scene 9 "Ang Banta")

My favorite line from the play. Simply sayin na Ang lahat ay capable mag mahal at mahalin and there's no person that is purely evil dahil kailan man hindi masamang magmahal. (well that's my interpretation)

Maraming salamat po sa mga sumuporta sa "TRES ANGHELES" production, sa mga cast, staffs, sponsors and audiences. Special thanks sa aking mga kaibigan na bumili ng VIP tickets para lang maka pwesto sa unahan at makita ng maayos ang napakagandang palabas. Maraming salamat din sa aking pinakamalupit na kritiko ang aking labidabs na laging nakasuporta at katulong kong magkabisado ng aking mga linya

Muli, In behalf of Tres Angheles Production Taos Pusong Pasasalamat po Sainyo ! Mabuhay Ang Isla Los Angheles ! Mabuhay ang Tres Angheles ! at Mabuhay ang Teatro !

I would like to share SOME pictures of me taken during the show. (photo not mine, credits to the rightful owner)

To see other pictures of the show with backstage content you can visit Dulaang Tobias Foundation

Woohooo Kasama nila si Cong TV
19/09/2022

Woohooo Kasama nila si Cong TV

Totoo na nga! Eheads Reunion! December 22! Block off kami niyan. Di namin to papalagpasin!!! 😭🙌🏼

12/09/2022

😍😍😍

Some of the pictures I took yesterday :) These pictures were taken yesterday. Many thanks sa mga magagandang MOWDELS ko....
02/09/2022

Some of the pictures I took yesterday :)

These pictures were taken yesterday. Many thanks sa mga magagandang MOWDELS ko.

Ang mga tao na nasa larawan ay cast and staff ng short musical theater play na pinamagatang "Teong"

mga hindi lang naka costume.

PS. more pictures to come

TRES ANGHELES"Nakapunla sa puso ng tao ang pag-ibig kahit pa siya ang pinakamasamang tao."Follow Dulaang Tobias Foundati...
02/09/2022

TRES ANGHELES

"Nakapunla sa puso ng tao ang pag-ibig kahit pa siya ang pinakamasamang tao."

Follow Dulaang Tobias Foundation for more info.

Sponsors and Advertisers are welcome to support this advocacy. Advertisement placing to our souvenir program and other platforms.

"TRES ANGHELES"

Kapitan Igue (Matandang Miguel Arkanghel):
"Nilimot na nila tayo. Hindi nila dinirinig ang ating mga bulong upang sila'y hindi magkamali. Ganito pala ang pakiramdam ng tao, nasasaktan, mahina at madaling matukso." (Gagampanan ni Shiro Nikko)

Miguel Arkanghel (Batang Arkanghel):
"Nililinlang nila at pinagdurusa ang mga tao. Oras para ibalik ang mga demonyo sa impierno!" (Gagampanan ni Karlo Nunag)

Oct. 2, 2022. San Rafael Parish, Balut Tondo, Manila.
Tickets: Php 500 (VIP), Php 100.

Sponsors and Advertisers are welcome to support this advocacy. Advertisement placing to our souvenir program and other platforms.

Isang dula para sa Karangalan at Kapistahan ng Tatlong Arkanghel at mga Anghel dela Guardia!

Maligayang Araw Bayani !Gusto ko lang po sya batiin ng goodmorning :)
29/08/2022

Maligayang Araw Bayani !

Gusto ko lang po sya batiin ng goodmorning :)

BACK TO SCHOOL NAAA ! Kumusta 1st day nyo? A Friendly Reminder na "Stay in school and don't do drugs"
23/08/2022

BACK TO SCHOOL NAAA ! Kumusta 1st day nyo?

A Friendly Reminder na "Stay in school and don't do drugs"

Rating Cosplayers Cosplay at Otaku Expo     DAY ||( P**i basa nalang po ang caption ng kada picture :) )
22/08/2022

Rating Cosplayers Cosplay at Otaku Expo DAY ||
( P**i basa nalang po ang caption ng kada picture :) )

08/06/22CINEMALAYA PICS!It was surely a hell of an experience.naging masaya ako, naging masaya kamiKaya dapat ikaw din! ...
08/08/2022

08/06/22

CINEMALAYA PICS!
It was surely a hell of an experience.

naging masaya ako, naging masaya kami
Kaya dapat ikaw din!




02/08/2022

Unboxing muna tayo. Hight quality Anime shirts ba hanap nyo? meron sila na printed on cotton at printed on dri fit shirts maganda na Free shipping pa

T-shirts from T-Shirt HUB

(not sponsored, pero baka naman uy)

01/08/2022

Makalat ka ba kumain Ng hotdog? Try mo to.

Follow nyo naman ako sa TikTok

Old joke (got it somewhere in the internet) New edit. Maligawang Buwan ng Wikang Pambansa ! Uy! 1st post ko to . follow ...
01/08/2022

Old joke (got it somewhere in the internet) New edit. Maligawang Buwan ng Wikang Pambansa !

Uy! 1st post ko to . follow na lab yu!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Shiro Nikko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share