Balita San Mateo

  • Home
  • Balita San Mateo

Balita San Mateo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balita San Mateo, News & Media Website, .

22/02/2022
22/02/2022

Ngayong taon, ipinagdiriwang natin ang National Rare Disease Week simula Pebrero 22 hanggang Pebrero 28 na may temang "Share your Colors". Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa pagbibigay suporta sa mga taong nakararanas nito upang magkaroon sila ng access sa gamutan at pangangalaga.

Be part of National Rare Disease Week Philippines and for Rare Disease Awareness!


15/02/2022

Ang buhay ay parang pagbibisikleta. Kailangan sumulong upang mapanatili ang balanse.

📸Melchor A. Sotto
đź“ŤTierra Monte Barangay. Silangan, SMR

20/01/2022

The journey of a thousand miles begins with one step.

📸 Beverly B. Ursua
🌳Upper Silangan, SMR

20/01/2022

You don’t have to be great to start, but you have to start to be great.

📸Arvie Marie Marte
🌳Brgy. Banaba, SMR

28/12/2021
27/12/2021
08/12/2021

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion ni Maria. Idineklara din itong “special non-working holiday” simula noong taong 2017 sa ilalim ng Republic Act 10966 bilang pagkilala sa kapistahan ng Inmaculada Concepcion na “Principal Patroness” ng Pilipinas.

Tayo po ay magsimba, magbigay ng papuri at mag-alay ng panalangin sa Birheng Mariang ipinaglihing walang kasalanan na mawakasan na ang pandemya upang mapanumbalik na ang normal na pamumuhay sa ating bayan at buong bansa.

22/11/2021

Isang maligayang pagbati ng ika-17 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ating mahal na paaralang, San Mateo Municipal College.

Ang selebrasyong ito ay bahagi ng komemorasyon at pagkilala sa ating pinag isang layunin para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon, maging sa panahon ng pandemya.

18/11/2021

Tuloy-tuloy po ang libreng operasyon sa katarata para sa ating mga kababayan sa pakikipagtulungan ng Fatima Medical Center. Maraming salamat sa inyo dahil malaking tulong ito lalo na sa ating mga kababayang Senior Citizens.

Makipag-ugnayan lamang po at magtungo sa Municipal Hall Extension sa Plaza Natividad para sa mga katanungan tungkol sa serbisyo na ito.

18/11/2021

Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa Barangay Maly sa pamamagitan ng Marang Health Center bilang bahagi ng programang pangkalusugan nina Mayor Tina Diaz at Vice Mayor Paeng Diaz na inumpisahan pa noong taong 2018.

Bahagi rin ng Marang Health Center ang Early Childhood Care Development (ECCD) para sa mga batang mag-aaral sa Barangay Maly.

16/11/2021

PLEASE SHARE: Vaccination Advisory

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 maski MECQ. Narito po ang schedule para sa 1st Dose:

WALK-IN VACCINATION PARA SA LAHAT NG BARANGAY at PEDIATRIC POPULATION (12-17 YEARS OLD)

VENUE:
NOVEMBER 16
SM CITY SAN MTEO
______________________
PARA SA WALK-IN VACCINATION:
STEP 1
Sa araw at oras ng pagbabakuna, madala po ng valid ID, health certification or clearance kapag mayroon existing health condition.
STEP 2
Magbibigay ng numero ang Registration Team. Sa waiting area, hintaying tawagin ang inyong numero para sa pagpapabakuna.
______________________
REQUIREMENTS PARA SA PEDIATRIC VACCINATION:
• Parent o Guardian ID
• Student ID
• Photo Copy ng Birth Certificate at
• Medical o Pediatric Certificate para sa mga batang mayroon existing medical condition.
Note:
Dapat kasama po ng bata ang kanyang parent o guardian (na edad 21 pataas) sa vaccination site.

San Mateo, Dapat Bakunado tayo!

16/11/2021

PLEASE SHARE: Mula November 15 hanggang November 30, 2021, ang bayan po ng San Mateo, kabilang ang iba pang bayan sa Lalawigan ng Rizal ay nasa ilalim ng Alert Level System alinsunod sa IATF.

Abangan po ang mga guidelines o panuntunan na umiiiral sa ilalim ng Alert Level 2.

16/11/2021

Ayon po sa Executive Order No 26 S 2021 issued by the National Government, An Order Urging All the Business Establishments Allowed to Operate under the Implementation of Alert Level System within the Province of Rizal to strictly enforce No Vaccine Card, No Entry Policy within their Premises.

Kaya naman, hinihikayat po ang lahat ng mga business establishments sa Lalawigan ng Rizal na mahigpit na ipatupad ang NO VACCINE CARD, NO ENTRY POLICY.

16/11/2021

Alinsunod po sa pasya ng ating San Mateo Task Force Covid-19 lifted na po ang liquor ban simula ngayong araw, November 15, 2021.

16/11/2021

Alinsunod po sa pasya ng ating San Mateo Task Force Covid-19, alang-alang sa kapakanan ng ating mga kababayan, hindi pa rin po papayagan ang mga contact sports tulad ng basketball o volleyball sa ating Bayan.

Ito po ay habang patuloy pong mino-monitor ng ating mga medical experts ang consistent significant decrease o ang tuloy-tuloy na pagbaba ng mga Covid-19 cases.

16/11/2021



Dahil ang ating bayan ay nasa Alert Level 2 ng IATF Guidelines, voluntary na lamang ang pagsusuot ng face shield. Ito ay pagkatapos aprubahan ng Malacañang ang rekomendasyon ng IATF na gawing non-mandatory o voluntary ang pagsusuot ng face shield para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3.

Tuloy pa din ang ating paglaban sa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health safety protocols katulad ng social distancing, palagiang paghugas ng kamay at pagsuot ng face mask sa mga pang publikong lugar.

Stay safe!💙❤️

05/11/2021

Libre na ang Annual Franchise and Regulatory Fee ng mga Tricycles at Pedicabs sa 2022

Ito po ay matapos ipasa ngayong araw ng ating 25th Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Paeng Diaz ang Resolution No. 272-S-2021, A Resolution Temporarily Waiving the 2022 Payment of Annual Franchise Renewal and Regulatory Fee for Tricycles and Pedicabs as part of the Local Government’s Assistance for the Vulnerable Sectors during the Covid-19 pandemic.

Libre po sa pagbabayad ng Annual Franchise and Regulatory Fee ang mga tricycle and pedicab operators/drivers na magbabayad mula Enero hanggang Marso 2022.

Layon po nito na agad maramdaman ng ating mga kababayang tricycle at pedicab operators and drivers at ng kanilang mga pamilya ang agarang tulong na ito para makatulong sa panahong ito ng kagipitan dahil sa pandemya.

Ang panukalang pangsamantalang nagtatanggal ng bayad sa Annual Franchise Renewal and Regulatory Fee ng mga Tricycle at Pedicab sa ating Bayan ay nilagdaan ni Vice Mayor Paeng Diaz bilang principal author at ng mga co-authors na sina Konsehal Jimmy Roxas, Konsehal Cris Cruz, Konsehal Roger San Miguel, Konsehal Leo Buenviaje, Konsehal Arwin Mariano, Konsehal Joel Diaz, Liga President Nilo Gomez, SK Federation President Maria Lyn Aguila.

26/10/2021

60 days na lang, Pasko na!

Sama-sama nating pinagdadaanan ang lahat ng pagsubok na dumating ngunit sama-sama din natin itong nalalagpasan. Dalawang buwan na lamang at sama-sama na naman nating matutunghayan at ipagdiriwang ang pagsilang ng Mesiyas, G**o at Tagapagligtas.

02/09/2021

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balita San Mateo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share