Doc Willie Ong Supporters

  • Home
  • Doc Willie Ong Supporters

Doc Willie Ong Supporters Personal Blog I Encouraging people to eat Healthy Food | Herbal Tips

Piliin Ang Isda Kaysa KarnePayo ni Doc Willie OngAlam ba ninyo na maraming benepisyo ang pagkain ng isda? Ang isda ay ma...
02/07/2022

Piliin Ang Isda Kaysa Karne
Payo ni Doc Willie Ong

Alam ba ninyo na maraming benepisyo ang pagkain ng isda? Ang isda ay mababa sa calories at sa kolesterol. Maraming protina, bitamina at minerals ang isda kumpara sa karneng baboy at baka. Bukod dito, punong-puno ng omega-3 fatty acids ang isda, lalo na ang sardinas, mackerel, tilapia at salmon.
Ang pagkain ng isda ay makatutulong sa pag-iwas sa maraming sakit tulad ng:
1. Asthma o hika – Ang mga batang mahilig sa isda ay mas hindi hinihika.
2. Para sa utak at mata – Ang isda ay sagana sa omega-3 fatty acids na mabuti sa ating utak at retina (likod ng mata).
3. Kanser – May tulong ang omega-3 fatty acids sa pag-iwas sa maraming kanser tulad ng kanser sa suso, obaryo, prostate, bibig at lalamunan.
4. Sakit sa puso at diabetes – Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng isda ng 3 beses sa isang linggo ay nakababawas sa sakit sa puso, pagbabara ng ugat at mataas na kolesterol. Ang isda ay talagang para sa puso. Mas nako-kontrol din ang blood sugar ng mga diabetic. Ipalit ang masustansyang taba ng isda sa masamang taba ng baboy at baka.
5. Pagkauliyanin o dementia – Para huwag magkaroon ng Alzheimer’s disease, kumain ng isda. Kung gustong tumalino ang mga bata, kumain din ng isda.
6. Pagkalungkot – Ang mga mahilig kumain ng isda ay mas hindi nade-depressed, dahil din sa napakasustansyang omega-3 fatty acids.
7. Arthritis at psoriasis – Nakababawas ng sintomas ng arthritis ang regular na pagkain ng isda.
Ngunit mayroon ding mga dapat ingatan sa pagkain ng isda:
1. Mag-ingat sa mercury contamination. May mga isda na nakakain ng dumi at polusyon sa dagat na makasasama sa ating kalusugan. Ang mercury ay masama sa buntis at sanggol. Dahil dito, mas piliin ang mga maliliit na isda na wala pang 12 pulgada ang haba (12 inches or 1 feet).
2. Puwedeng magkaroon ng bad breath kapag malansang isda ang iyong kinain.
3. Puwede kang matinik kapag hindi maingat.
4. Isang paalala: Mag-ingat sa seafoods, lalo na sa tahong at talaba. Kaunti lang ang kainin at baka malason tayo sa red tide.
Sa pangkalahatan, mas marami pa ring benepisyo sa pagkain ng isda kumpara sa peligro nito. Kumain ng isda para sa ating kalusugan. See less

01/07/2022

Bagong Lakbay Kaalaman patungkol sa Santol o Cotton Fruit

Maaring Mag take Araw Araw para sa Proteksyon sa Mga Sakit! Sana ay Suportahan nyo ang aking Channel at Mag Subscibed!
God Bless po!

Santol o Cotton Fruit Fights Against :

1.Anti Cancer
2.Good for teeth
3.Fights Against Anemia
4.Fights Against Alzheimer
5.Fights Against Constipation and Diarrhea
6.Anti Diabetes
7.Good for Bones
8.Good for Skin

03/05/2020

Ginger o Salabat Palaban sa sakit

Mga benipisyo ng luya o salabat:

Pwedeng Mag Extract ng Katas ng Luyang Dilaw o Salabat at Lagyan ng Honey
Maaring Mag take Araw Araw para sa Proteksyon sa Mga Sakit!

1. Prevent Blood Pressure
2. Common Colds
3. Sore Throat
4. Help to Pevent Bacterial Infection
5. Help to Prevent Menstrual Pain
6. Help to Boost Immune System!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Willie Ong Supporters posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Doc Willie Ong Supporters:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share