Balitang Mulanay

  • Home
  • Balitang Mulanay

Balitang Mulanay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Mulanay, News & Media Website, .

SA PAGTAWID NG A*O, 4 KATAO SUGATANNagjo-joy ride lamang umano ang apat na katao nang biglang iwasan ang tumatawid na a*...
23/08/2022

SA PAGTAWID NG A*O, 4 KATAO SUGATAN

Nagjo-joy ride lamang umano ang apat na katao nang biglang iwasan ang tumatawid na a*o, sanhi ng pagka-aksidente nito sa Barangay Dinahican Infanta, Quezon, kahapon Linggo, Agosto 23, 2022.

Agad naman itong iniwasan ng driver ngunit bumangga parin sa isang konkretong bakod. Dahilan sa pagkawala ng kontrol ng sinasakyang kotse.

Sa ulat ng Police Report, binabagtas umano ang kahabaan ng National Road ng 31-anyos na driver ng Toyota Innova kasama ang dalawang menor de edad at isang 23-anyos na dalaga, patungo sa nasabing barangay ng bigla na lamang may tumawid na a*o.

Samantala, nagtamo ng sugat ang mga biktima kaya agad ring isinugod sa pagamutan para mabigyan ng lunas ang mga ito.

Source: BalitangQuezon

Sa pagdiriwang ng ika-144 taon ng kapanganakan ng Ama ng wikang Pilipino, ating gunitain ang mga natatanging pangarap ng...
19/08/2022

Sa pagdiriwang ng ika-144 taon ng kapanganakan ng Ama ng wikang Pilipino, ating gunitain ang mga natatanging pangarap ng isang kagalang galang na lingkod bayan sa katauhan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Ang “Quezon Day” ay special working holiday sa buong Pilipinas at special non-working public holiday naman sa probinsya ng Quezon at Aurora at sa lungsod ng Quezon ayon sa Republic Act. No. 6741 noong 1989.

Tignan: 25 na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog kahapon (Aug. 15) sa Poblacion, Buenavista, Quezo...
16/08/2022

Tignan: 25 na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog kahapon (Aug. 15) sa Poblacion, Buenavista, Quezon province.

Arestado ang Lider ng Drug Group sa Lucena City Buy-BustArestado ang isang lider ng isang drug group, kung saan nasabat ...
12/08/2022

Arestado ang Lider ng Drug Group sa Lucena City Buy-Bust

Arestado ang isang lider ng isang drug group, kung saan nasabat ng mga operatiba ang humigit-kumulang P108,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Miyerkules, Agosto 10, sa Purok Matahimik Isla, Barangay Cotta Lucena City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alfredo Querijero alyas Jetox, 58, high-value individual, at lider ng Querijero Drug Group.

Ang pinagsanib na operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station sa pangunguna ni P/Lt. Jerome Ubaldo II kasama ang Provincial Intelligence Branch- Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Quezon Maritime Police Station, Criminal Investigation and Detection Group-Quezon at Regional Intelligence Unit-Quezon ay nagsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek kasunod ng verified information mula sa mga concerned residents hinggil sa kanyang kalakalan ng droga

A funeral mass is being held Tuesday in Taguig City before the burial of late President Fidel V. Ramos.The funeral mass ...
09/08/2022

A funeral mass is being held Tuesday in Taguig City before the burial of late President Fidel V. Ramos.

The funeral mass closed to the public and attended only by family members at the Heritage Chapel in Taguig City before he is finally laid to rest at the Libingan ng mga Bayani.

Before the mass, family members bid farewell to the former president.

“Our family is truly grateful for the overwhelming outpouring of support and well wishes,” Ramos’ grandson, Sam Ramos-Jones, earlier said in a statement.

“As we grieve, let us also celebrate a rich life – dedicated in service to this nation and its people,” he added.

According to the Palace, Ramos will be accorded a state funeral with full military honors shortly before his inurnment. The Palace also earlier declared a 10-day “period of national mourning” following the former president’s death.

The ceremony at the Libingan ng mga Bayani includes full military honors and a 21-gun salute. A Philippine flag will also be turned over to Ramos’ family and favorite music of the late president will also be played.

Ramos, who served as president of the Philippines from 1992 to 1998, died at 94.

ILANG BAHAGI NG QUEZON, MAWAWALAN NG DALOY NG KURYENTE SA AGOSTO 6, 11, at 13.Pansamantalang mawawalan ng daloy ng kurye...
05/08/2022

ILANG BAHAGI NG QUEZON, MAWAWALAN NG DALOY NG KURYENTE SA AGOSTO 6, 11, at 13.

Pansamantalang mawawalan ng daloy ng kuryente sa ilang bahagi ng Quezon ngayong darating na Sabado, Agosto 6 simula ika-7 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang barangay sa Mulanay, Quezon tulad ng Brgy. Sta Rosa, Brgy. Bagupaye, Brgy. Anonang, Brgy. Magsaysay, Brgy. Cambuga, Brgy. Burgos, Brgy. Mabini, Brgy. Bulo at Brgy. Bagong Silang.

Apektado rin ang bayan ng Buenavista at San Narciso maliban sa Brgy. White Cliff.
Samantala, mawawalan din ng daloy ng kuryente mula Brgy. Tala Camflora hanggang Brgy. Poblacion ng San Andres, Quezon habang Brgy. Cawayanin naman ang apektado sa bayan ng Lopez.

Ang labing isang (11) oras na power interruption ay dulot ng pag aayos ng 69kV line ng QUEZELCO 1 para sa paghahanda sa 10MVA ng San Narciso substation.

Humihingi naman ng malawak na pang-unawa at kooperasyon ang QUEZELCO I Electric Cooperative, Inc. para sa nasabing power interruption.

| via Kristine Salamat/BNFM Lucena

NORTHERN LUZON MULING NIYANIG NG LINDOLNiyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Northern Luzon alas 2:48 ng madaling araw ...
02/08/2022

NORTHERN LUZON MULING NIYANIG NG LINDOL

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Northern Luzon alas 2:48 ng madaling araw noong Lunes, Agosto 1.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang kalikasan ng paggalaw ng lupa ay tectonic. Ang epicenter ay nasa 17.45 degrees north, 120.66 degrees east- 004 kilometers north, 71 degrees east ng Villaviciosa sa Abra. Ito ay may lalim na 013 km.

Intensity 5 ang naramdaman sa Dolores, Abra; Vigan City, Sinait, Bantay, Banayoyo, Nagbukel, Gregorio del Pilar, Suyo, Sugpon, San Ildefonso, Santa, Magsingal, San Juan, and Cabugao, Ilocos Sur; Pinili at Badoc sa Ilocos Norte; at Besao, at Sagada, Mountain Province.

Intensity 4 ang naramdaman sa Bangued, Abra; Laoag City, Bacarra at Pasuquin sa Ilocos Norte; Ang Sto. Domingo, San Vicente, Sta. Catalina, Candon City, Santa, Narvacan, San Esteban, Sta. Maria, Caoayan, Sta. Lucia, Sta. Cruz, at Tagudin, pawang nasa Ilocos Sur; Sudipen, Luna, Balaoan, Bangar, Bacnotan at Lungsod ng San Fernando, La Union; Bontoc, at Sadanga, Mountain Province.

Ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong nakaraang linggo na yumanig sa hilagang bahagi ng Luzon noong Miyerkules, Hulyo 27, ay tumaas sa 100,665.

Nagluluksa ang bansa sa pagpanaw ng ika-12 na presidente ng Pilipinas, si Fidel V. Ramos. Si FVR ay nanungkulan bilang p...
01/08/2022

Nagluluksa ang bansa sa pagpanaw ng ika-12 na presidente ng Pilipinas, si Fidel V. Ramos. Si FVR ay nanungkulan bilang pangulo mula 1992 hanggang 1998.

𝐓𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐎 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐃𝐄𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍Umarangkada na kamakailan sa bayan ng Re...
26/07/2022

𝐓𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐎 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐃𝐄𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍

Umarangkada na kamakailan sa bayan ng Real, Quezon ang Telemedicine Project o Medical Video Consultation (MVC) na proyektong ay inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan.

Isa ang bayan ng Real sa kaunahang nabigyan ng kagamitan at nakapagsagawa ng MVC kung saan layunin nitong mabigyan ang mga mamamayang Realeño ng mabilis na access sa mga espesyalistang doctor na wala sa nasabing bayan.

Ang mga nasabing espesyalista ay mula sa Quezon Medical Center at Batangas Medical Center.

Sa gitna nito, bunsod ng pandemya malaki ang naitulong ng naturang proyekto dahil hindi na kinakailangan na personal pang magpunta sa malalaking ospital ang mga gustong magpakosulta at nalilimitahan din nito ang interaksyon sa pagitan ng pasyente at doctor.

IBINASURA: KA*ONG ISINAMPA NI AMERICA KINA ESCUETA AT IBA PA.Ibinasura ng Office of the Provincial Prosecutor ang mga ka...
19/07/2022

IBINASURA: KA*ONG ISINAMPA NI AMERICA KINA ESCUETA AT IBA PA.

Ibinasura ng Office of the Provincial Prosecutor ang mga ka*ong Frustrated Murder at Attempted Murder na isinampa ni Mayor Filipina Grace America laban sa mga katunggali sa politika na sina Ereberto "Ebet" Escueta, Infanta Vice Mayor LA Ruanto, at iba pa. Hindi naging sapat ang mga batayan ng ka*ong kanyang isinampa ayon sa naging resolusyon ng panel of prosecutors na nilagdaan ni Provincial Prosecutor Rodrigo E. Domingo.

Source: https://quezonprovincenewsandupdates.com/f/ibinasura-ka*ong-isinampa-ni-america-kina-escueta-at-iba-pa?fbclid=IwAR1UhLf72h99MTUPslavYGrR_ca4VnzYO3K8Gu-AVGdBBr1I0c9WMpdbN4s

9 NA NPA SUMUKO SA QUEZONInihayag ng militar noong Huwebes, Hulyo 14, na hindi bababa sa siyam na rebeldeng New People’s...
16/07/2022

9 NA NPA SUMUKO SA QUEZON

Inihayag ng militar noong Huwebes, Hulyo 14, na hindi bababa sa siyam na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko noong Miyerkules dala ang kanilang mga baril sa bayan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon.

Iniulat ng 2nd Infantry Division ng Army sa page nito na ang mga rebelde ay nagtungo sa 1st Infantry Battalion sa Infanta. Itinago ang pagkakakilanlan ng mga rebelde, na umano'y nag-ooperate sa hilagang Quezon.

Ibinalik ng mga umano'y rebelde ang isang M16 assault rifle na may dalawang magazine at 58 bala, isang M1 Garand Rifle at 10 bala, isang caliber .45 pistol na may kargang walong bala, at isang shotgun na may tatlong bala.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Danilo Escandor, commander ng 1st IB, ang mga pagsuko kamakailan ay patunay na nakararanas ng hirap ang mga rebelde.

Tutulungan ng militar at iba pang ahensya ng gobyerno ang mga sumuko sa kanilang muling pagsasama sa libreng medikal na pagpapagamot, edukasyon, pabahay, at tulong legal.

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines noong nakaraang linggo na ang NPA, ang armadong pakpak ng Communist Party of the Philippines, ay bumaba sa 2,000, na may aktibong mga larangang gerilya hanggang 23 lamang sa panahon ng administrasyong Duterte.

CARNAPPER NA SI JESTIN AQUINO TIMBOG Kalaboso ang carnapper na si Jestin Aquino matapos mahuli ng pulisya. Ayon sa repor...
14/07/2022

CARNAPPER NA SI JESTIN AQUINO TIMBOG

Kalaboso ang carnapper na si Jestin Aquino matapos mahuli ng pulisya. Ayon sa report ng PNP matagal ng minamanmanan ng awtoridad si Jestin Aquino dahil sa iba't-ibang ka*o na kinasasangkutan nito tulad ng carnapping.

Matatandaan na si Jestin Aquino ay binayaran ni Suarez noong campaign period upang maging testigo laban sa kasalukuyang Gobernador ng Quezon na si Doktora Helen Tan at asawa nito na si Ilocos DPWH Regional Director Ronel Tan na di umano'y nasa likod ng pagkakakulong ng dating konsehal ng Lopez na may patung-patong na ka*o ng panggagahasa sa mga menor de edad na si Arkie Yulde.

Source: Quezon Province News and Updates

𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐆𝐑𝐀𝐏𝐄 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐀𝐊, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐊𝐎𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐘𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒Himas rehas ang isang 55-anyos na l...
12/07/2022

𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐆𝐑𝐀𝐏𝐄 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐀𝐊, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐊𝐎𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐘𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒

Himas rehas ang isang 55-anyos na lalaking Most Wanted Person in City Level sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Tayabas City Police Station at 1st and 3rd platoon ng 1st Quezon Provincial Mobile Force Company nitong Sabado, Hulyo 9.

Ayon sa ulat ng Tayabas CPS, mismong anak ng suspek ang naghain ng demanda dahil sa umano’y panggagahasa nito sa kanya.

Nahaharap sa tatlong counts ng ka*ong r**e ang suspek na may Criminal Case Number 30439-B to 30441-B na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Teodoro Solis ng Regional Trial Court Branch 25 Biñan City noong Enero 22, 2015 at walang inirerekomendang piyansa.

Kaugnay nito, ang akusado ay nasa custodial facility na ng Tayabas CPS matapos sumailalim sa medical examination.

Retired AFP member, patay sa pamamaril sa Sariaya, QuezonPatay ang isang dating military matapos na pagbabarilin ng dala...
11/07/2022

Retired AFP member, patay sa pamamaril sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang dating military matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa ECO Tourism Road Sitio Kaingin, Brgy Bignay 2, Sariaya, Quezon pasado alas-4:00 kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Salvador Sales y Marquez, 50 anyos, isang negosyante at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report ng Sariaya Municipal Police Station, sakay sa motorsiklo ang biktima mula Bantilan patungo sa Brgy. Bignay 2 ng tambangan ng dalawang suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Agad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaril.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa naturang krimen kasabay sa isinasagawang imbestigasyon.

𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐑𝐃𝐄𝐑, 𝐑𝐀𝐏𝐄 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐇𝐎𝐌𝐈𝐂𝐈𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄𝐅𝐓, 𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀 Nasa kamay na ng mga awtoridad ang tinagurian...
09/07/2022

𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐍𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐑𝐃𝐄𝐑, 𝐑𝐀𝐏𝐄 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐇𝐎𝐌𝐈𝐂𝐈𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄𝐅𝐓, 𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang tinaguriang rank 1 most wanted person sa Quezon matapos maaresto nitong Huwebes, Hulyo 7.

Ang suspek na humaharap sa patong-patong na ka*o ng murder, r**e with homicide at theft, ay kinilala bilang si Mac Jay Blacer alyas “Utoy/Bokyo” isang 28-anyos na lalaki.

Sa sanib puwersa ng Lucena City Police Station, Alfonso Municipal Police Station at San Pablo City Police Station naaresto ang suspek, sa bisa na rin ng warrant of arrest na inihain laban sa kanya.

Naganap ang krimen noong Setyembre ng taong 2011 kung saang sinaksak, ni-r**e at ninakawan ng pera ng suspek ang biktima sa San Pablo, Laguna.

Kaugnay nito, walang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Samantala, kasalukuyan na siyang nakaditine sa kustodiya ng Lucena PNP para sa kaukulang disposisyon.

Source: BrigadaNewsFM

07/07/2022

Patay ang isang binatilyo matapos siyang masuntok sa leeg ng kanyang kaklase! Giit ng kaklase, hindi sinasadya ang pangyayari

SUNOG SA BAYAN NG LUCENAIsang sunog ang naganap sa isang establisyemento sa bayan ng Lucena kaninang tanghale. Wala pang...
18/06/2022

SUNOG SA BAYAN NG LUCENA

Isang sunog ang naganap sa isang establisyemento sa bayan ng Lucena kaninang tanghale.
Wala pang naiulat na nasaktan sa sinabeng insidente.

PAUNAWA: Sensitibo ang kondisyon ni “Alex”14-ANYOS MULA QUEZON PROVINCE, HINDI MAWARI ANG TOTOO NIYANG KASARIAN. MAYROON...
14/06/2022

PAUNAWA: Sensitibo ang kondisyon ni “Alex”

14-ANYOS MULA QUEZON PROVINCE, HINDI MAWARI ANG TOTOO NIYANG KASARIAN. MAYROON DAW KASI SIYANG… DALAWANG ARI?!

“Pagkapanganak ko, sabi ng kumadrona, mayroon daw kakaiba.
Sa ilalim kasi ng ari ng anak ko, may maliit na butas.
Naging usap-usapan ‘yun sa lugar namin.
Hindi raw kasi mawari kasarian niya.”

-Nanay ni “Alex”

“Maraming nakakaalam ng kondisyon ko sa lugar namin.
Madalas po akong kinukutya dahil doon.
Kaya gusto ko pong malaman kung ano talaga kasarian ko.
Gusto ko lang naman pong maging normal.”

-”Alex”

Source: PinoyMD

10/06/2022

Isang barko ang tumagilid sa Real Quezon ngayong hapon na syang dahilan ng paglubog ng apat na truck na lulan nito.

Kasalukuyang nakalubog pa din ang sinasabeng apat na truck sa dagat ng Ungos Pier sa Real Quezon.

Patay ang tatlong construction worker sa isang ginagawang tulay sa Mulanay, Quezon matapos ma-suffocate at malunod ang m...
09/06/2022

Patay ang tatlong construction worker sa isang ginagawang tulay sa Mulanay, Quezon matapos ma-suffocate at malunod ang mga ito nang makalanghap ng hinihinalang natural gas sa ibaba ng hukay.

Source: GMA News Photos

08/06/2022

Padadalhan na ng final show cause order ang may-ari ng SUV na nanagasa sa guwardiya sa Mandaluyong matapos itong hindi sumipot sa pagdinig ng Land Transportation Office.

Source: GMA News

TINGNAN: Sitwasyon ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong alas-5 ng umaga ngayong Lunes, June 6, 2022. Ito'y matapos pumu...
06/06/2022

TINGNAN: Sitwasyon ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong alas-5 ng umaga ngayong Lunes, June 6, 2022.

Ito'y matapos pumutok at bumuga ng makapal at maitim na abo at usok ang bulkan nitong umaga ng Linggo.

Lalaking sangkot sa ilegal na sabong, naparalisa nang tumalon sa bangin para takasan ang mga pulisParalisado ang kalahat...
29/05/2022

Lalaking sangkot sa ilegal na sabong, naparalisa nang tumalon sa bangin para takasan ang mga pulis

Paralisado ang kalahati ng katawan ng isang mangingisda na naaktuhan sa ilegal na tupada matapos siyang tumalon sa bangin para matakasan ang pulisya sa Ragay, Camarines Sur.

Sa ulat ng nitong Sabado, sinabing bumagsak sa damuhan ang lalaki.

Dinakip ang lalaki at ang kaniyang kapatid, na tumalon din sa bangin at napilayan.

Sa kulungan din ang bagsak ng iba pa nilang kasamahan, ngunit may ilan pang nakatakas.

Nakuha sa lugar ng tupada ang dalawang manok, tari at pera sa tayaan.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspek.

Source: GMA News

PCG: Ill-fated MV Mercraft 2 carried 157 peopleThe Philippine Coast Guard (PCG) on Wednesday clarified that the ill-fate...
27/05/2022

PCG: Ill-fated MV Mercraft 2 carried 157 people

The Philippine Coast Guard (PCG) on Wednesday clarified that the ill-fated MV Mercraft 2 carried 157 people when it caught fire just before reaching the port of Real in Quezon province on Monday.

Of that number, PCG said that 121 were uninjured, 29 were injured, and seven died.

“According to the PCG Station Northern Quezon, the data gathered during the investigation yesterday, 24 May 2022, revealed that there were 157 individuals onboard the distressed vessel instead of 134 individuals as earlier reported,” the PCG said in a statement.

PCG spokesperson Commodore Armand Balilo said the captain of the vessel is currently in their custody as the Department of Transportation wanted to investigate all angles to determine the cause of the fire.

Mercraft Shipping Corp., which owns the passenger ferry, has already apologized to the victims of the blaze

Source: GMA News

Nakatanggap na ba kayo ng pera galing sa mga Suarez?
06/05/2022

Nakatanggap na ba kayo ng pera galing sa mga Suarez?


05/05/2022

NO SURPRISE! Matagal nang ganito ang laro sa Politika ng Sawarez. Dahil malapit na ang halalan, dagsa na naman ang pakimkim ni Lolo Danny! Bulok na ang ganito nilang taktika, repleksyon ng bulok nilang panunungkulan.

Mga kababayan, ilang dekada na tayong binubudol ng Sawarez. At alam kong gising na tayo sa katotohanan. Tanggapin ang pera pero 'wag iboto at magpaloko! Mas tuso tayo kay Lolo Danny.

04/05/2022

PANOORIN: Papabudol ka pa ba?


29/04/2022

PANOORIN: Ang Misteryosong Pantalan ni Suarez sa Brgy. Punta, Unisan Quezon.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Mulanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share