17/09/2023
"Pagod na ako"
Pagod na'ko, gusto ko nang sumuko
Ito ay sigaw ng kaloob looban ko
Ilan pa bang problema?
Sandali lang muna, teka
Lagi nalang ba akong walang kwenta?
Tingin sa'kin ng inyong mga mata
Nais kong isigaw lahat ng nararamdaman
Nagbabaka sakaling mabawasan ito't malabanan
Ginagawan ko naman ng paraan?
Pero, peroo bakit tila ayaw akong tigilan
Tama na, ayoko na, sawa na ako
Ba't ba lahat ng dahilan para ako'y di sumuko bigla nalang naglalaho
Ilan pa bang problema?
Sinasadya ba ng tadhana?
Kung ganon lang ay sana
Sana ako nala'y mamatay bigla nang matigil na ang pagdurusa
—zero