![POSTING FOR AWARENESS ‼️‼️Nangyari to November 24, 2024 around 10:AMSa mga taga Cabuyao dyan lalo na around Jollibee Pul...](https://img5.medioq.com/371/834/557112663718343.jpg)
25/11/2024
POSTING FOR AWARENESS ‼️‼️
Nangyari to November 24, 2024 around 10:AM
Sa mga taga Cabuyao dyan lalo na around Jollibee Pulo maging aware tayo mga nakakausap natin sa daan lalo pag di natin kakilala. Isang batang babae ang nabiktima ng Budol. Salute kay kuyang nakagray pinayagan nya macontact ng bata ang relatives nya.
STORY:
Ayon sa nabiktimang nakaPink 2 hours na syang naghihintay kung babalik pa ang nakausap niya dahil hiniram daw ang kanyang cellphone kapalit ng wallet na may laman daw pera at wag daw bubuksan (See picture green cloth). Ayon sa kanya may arkila daw na truck ang nakausap nyang babae at lalaki na magdadala daw ng gamit sa bahay hiniram ang kanyang cellphone at pinahawak ang di umanoy wallet na may pera at hintayin kamo sila dito sa Pulo. 2 hours ng naghihintay ang babae pero di na bumalik. Nagapproach ang babae samin na macontact ang kanyang cellphone pero di na ito matawagan. Nang tanungin ko kung hawak nya ung binigay ng kawatan agad nito binigay at inaasahan ko na ang laman neto ay papel. Mahigpit ang pagkakabuhol para di mo talaga mabuksan at agad sila makaalis. Be aware everyone.
Hoping di na maulit ang mga gantong scenario.
Stay safe everyone 🙏