17/09/2019
Dr. Arcadio Santos
7th Governor of Rizal Province
1920-1922
Paranaque's longest avenue is named after him.
Noong 1921 sa sakanyang pamumunuan bilang gobernardor ng Rizal province ay nabuksan ang Unang Sucat road bilang pathway at Carabo trail. matapos nito ay nagkaroon ng planong asphalting sa kasulukuyang sucat road ngayon.
1886, Ipinanganak si Arcadio sa San Dionisio, Ang kanyang ama ay si Silvino Santos isang gobernadorcillo at kanyang ina si Anselma Santos mula sa angkan ni Justiano Cruz na tutor ni Jose rizal sa Binan, Laguna.
Maituturing na kauna-unahang doctor ng Paranaque. Siya ang kauna-unahang presidente ng Rizal Medical Society at nagturo rin siya sa Philippine dental College.
1916, Ang pagiging kilala ni 'Cardio' ang nagpasok sakanya sa pulitika. Siya ay nanalo bilang Representative ng First District ng Rizal province under ng Nacionalista Party. Sa pagkamatay ng Rizal governor Andres pascual siya ay na-hirang na maging Governor noong 1921 ni Governor-General Leonard Wood.
Sa kanyang pamamahal bilang Gobernador. Nilinis niya ang Prustitusyon sa Guadalupe, Makati na kilala bilang Red District noon.
January 26, 1957 Ang kauna-unahang Kongresista at Gobernador ng Rizal na taga-Paranaque ay sumakabilang buhay. Iniwan niya ang Labing-apat na mga anak at ang Legasiya nito bilang Public servant na sadyang kahanga-hanga.
Sa ngayon, Ipinangalan sakanya ang Sucat Road na naging posible dahil sakanya at ang Dating San Martin de Porres annex ng Paranaque Municipal High School ay sinunod sakanya noong May 25, 1993 mula sa Municipal Council by virtue of Ordinance no. 93-10 series of 1993 sponsored ni Councilor Manuel T. De Guia.
Source: Rizal Province official website / Palanyag to Paranaque A History by Dulce baybay PP189-191